Haywired

By PitchNight

37.8K 1.1K 250

An Arcella Series Ruth Christie Melchor She fell for her best friend. What a cliche situation pero nangyari... More

Haywired
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Afterword
Author's Note
The Gallant Proposal

Chapter 24

556 22 0
By PitchNight

Miss

"So, you like it, Mr. Salvaloza?" Tanong ko sa kausap ko.

In his trousers, white v-neck and dark blazer, he really is appealing. Malinis lagi ang buhok. Mahahaba ang mga pilik-mata. Pinkish na labi. Saktong pagkatangos ng ilong. Ang ganda ng kilay. Plus, the dimples.

"Quit the formality, Ruth. Magkaibigan tayo," aniya at matipid na ngumiti sa akin.

How long did we not see each other? Palagi siyang seryoso kapag nagkikita kami. Parang laging nayayamot. Pero ngayon, parang dati lang. Iyung kaming dalawa lang. His soft, warm and gentle eyes are so alluring that I was just lost looking at it.

"I miss you..." Wala ako sa sarili nang binitawan ang mga katagang 'yon. I really did miss him.

Lumapad ang kanyang ngiti. "Miss me, huh?"

My brows shot up as my eyes widened. Bumalik bigla ako sa sarili ko. Nang napagtanto ko ang nasabi ko na ay agad akong napayuko habang kumakalat na parang apoy ang init sa buong mukha, tainga, leeg pati batok ko.

"Ay! Este— Ano... Hindi! Ay! Oo nga pala! Ewan ko!" Hindi ko maitago ang biglaan kong pagkataranta. Jusko! Kahit matagal kaming 'di nagkita ay sobra pa rin ang epekto niya sa akin.

Natawa siya sa reaksyon ko. Iniwas ko ang aking tingin mula sa kanya. Swear! Hindi ko kayang tumingin sa kanya. Hiyang-hiya ako.

Nasasabi ko 'yung mga katagang 'I miss you' at 'I love you' sa kanya noon.

Noon 'yun!

Noong hindi ko pa siya crush. Noong hindi ko pa siya gusto nang higit sa kaibigan. Noong hindi ko pa na-realize na may feelings pala ako sa kanya!

I don't know. After that parang ang hirap nang sabihin. Naiilang na akong sabihin 'yun.

Totoong wala lang siguro 'yun para sa kanya pero para sa akin... May ibang ibig sabihin 'nun at hindi ko lang 'yon sasabihin dahil best friend ko siya!

I want to say it to him. Gusto kong sabihin sa kanya 'yun at gusto kong alam niya ang mga ibig sabihin 'nun.

Pero...

Wala lang akong lakas ng loob. It's hard to admit it. Takot akong may pagbabagong mangyari sa pagsasama namin.

Maybe, he could deal with it. Hindi naman ganoon kakitid si Lucas na kapag nag-confess ako sa kanya, iba na ang turing niya sa akin. I trust him. He'll still treat me the same. We are best friends.

Pero, ano ako? The moment that I'll confess to him, I may not be contented with out relationship. Baka sa oras na mag-confess ako sa kanya, baka hihingian ko siya ng isang relasyon na higit pa sa pagiging magkaibigan. He would eventually refuse. Simula't sapul, one-sided lang ang nararamdaman ko. And if he'd turn me down, I might deal with the whole 'rejected' process.

Ang gulo-gulo ko! Maski ako hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

Ayokong gumaya kay Jairus, my ghad!

"Miss na rin kita, Ruth," sinambit niya 'yon nang puno ng banayad kasabay ng mahinang ihip ng hangin.

I jerked my head up. All my thoughts, slowly faded. Every of my inhibitions and my what-ifs.

Kuntento na akong magkasama kami. Kuntento ako sa pagkakaibigan namin. Kuntento ako sa relasyon naming magkaibigan.

Pero, hanggang kailan ako makukuntento? What if he finds someone else?

Sinasabi ko lang na magiging masaya ako para sa kanya pero magiging masaya ba talaga ako?

That... I don't know. I will not know unless, it happens.

"Would you want to go somewhere?" Tanong niya.

Bahaw akong tumawa. Agad na nawaksi ang mga kaninang iniisip. Ang pumalit ay ang panibagong problema.

Saan niya ako dadalhin? Wala pa naman akong pera. Naubos sweldo ko. Gastador ako at hindi ko gagalawin ang savings ko. Baka sa oras na magalaw ko, pati savings ko 'di makasalba sa'kin!

"Saan?"

"I can ask Jai to let you have your leave. Isang taon ka na kaya sa LaVega," aniya. "Can we go somewhere? Kahit within Panay lang. We can go for Aklan, if you want."

Bahaw ulit ako humalakhak. "Kailan?"

"This month?"

"Oh no! Wala na akong pera," sabi ko.

Kumunot ang noo ko. "Saan mo ginamit ang sweldo mo?"

"Pinambili ng bagong iPhone. Tapos, bagong McBook. Tapos... Inipon ko ang iba. Nag-aya si Kaye last week mag-shop. Agrabyado naman ang pera ko. Wala kay Kaye dahil credit card ni Rio ang ipinambili niya. T'saka, balak kong bumili ng sasakyan," sabi ko.

Tumango-tango lang siya. "My treat, then."

"Nakakahiya!" Sige na lang. Kukuha lang ako ng kaunti sa savings ko.

"Okay lang, Ruth. Ngayon ka pa nahiya," aniya at tumawa.

"We should let Kaye know." Agad kong naisip si Kaye.

"Kaye and Rio's going somewhere next week. 'Di 'yun sasama," aniya.

Kaming dalawa lang?

Kinabahan agad ako pero natutuwa rin. Baliw na ang hormones ko! Feeling contradicting emotions is just crazy!

"So, are you in?"

"Oo naman!" Sagot ko agad. Hindi naman siguro akong mukhang excited, 'no?

Tumingin ulit ako sa ginagawang FestiveParade.

"Ihahatid na kita sa trabaho mo," alok niya.

Napaawang ang bibig ko. As much as I want to, pero may napag-usapan na kami ni Jai.

"Actually, Luke–," Sasagot na sana ako nang narinig namin ang boses ni Jairus.

"Sasabay siya sa akin, Lucas," ani Jai.

Napatingin sa akin si Lucas. It's more convenient kung hindi na maghahatid pa sa akin si Luke. I know he's busy. Abala lang ako sa kanya.

"I can drive her to LaVega," sabi ni Lucas.

"We have to talk some things regarding your FestiveParade, Mister Salvaloza," ani Jairus. Matama niyang tinitigan si Luke.

"Luke, sasabay na lang ako kay Jai." Napagdesisyunan ko na 'yon.

Hindi naalis ang bahagyang kunot sa noo ni Lucas. "Alright. I'll be going."

Namulsa siya at agad na umalis.

"Bye, Luke. Mag-ingat ka," ani ko.

Hindi man lang ako nilingon ni Luke. Pinanood ko siya habang papasok siya sa itim na BMW niya. Rinig ko pa ang pag-andar ng kanyang sasakyan. Pinanood ko ang kanyang sasakyan hanggang sa tuluyang mawala na 'yon sa paningin ko. May paghihinayang ako. I just missed the chance that we could be together longer.

"Kapag magkapatid, walang pagkakaiba," humalakhak si Jai.

Binaling ko ang aking tingin sa kanya. "What?"

"Just like Rio. Parehong seloso." Jai pointed out.

"Saan magseselos si Luke?"

Nagkibit-balikat siya. Napailing siya saka nauna nang maglakad.

I don't get it all.

🏙️

Hindi ko alam kung manhid si Ruth o sadyang ang vague ni Lucas?

Hope you enjoy reading!

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 158 32
"I am his best friend. Just best friend, no more no less." Plagiarism is a crime. P.s: The picture's not mine. CTTO.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
Controlled Hearts By DK

General Fiction

174K 2.1K 48
(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make...
7K 171 33
Marco Series #1: Lianna Marco is from a family of doctors that owns a chain of hospitals. She was just a low key student. But her life made a drasti...