Abaddon School (Part 1&2)

Od TitserAna

12.7K 1.2K 97

Abaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (P... Více

ABADDON SCHOOL
AUTHOR'S NOTE
CHARACTERS
PROLOGUE
Abaddon School Part 1.1
Abaddon School Part 1.2
Abaddon School Part 1.3
Abaddon School Part 1.4
Abaddon School Part 1.5
Abaddon School Part 1.6
Abaddon School Part 1.8
Abaddon School Part 1.9
Abaddon School Part 1.10
Abaddon School Part 1.11
Abaddon School Part 1.12
Abaddon School Part 1.13
Abaddon School Part 1.14
Abaddon School Part 1.15
Abaddon School Part 1.16
Abaddon School Part 1.17
Abaddon School Part 1.18
EPILOGUE
ABADDON SCHOOL - END
PROLOGUE (ABADDON SCHOOL PART 2)
Abaddon School 2.1
Abaddon School 2.2
Abaddon School 2.3
Abaddon School 2.4
Abaddon School 2.5
Abaddon School 2.6
Abaddon School 2.7
Abaddon School 2.8
Abaddon School 2.9
Abaddon School 2.10
Abaddon School 2.11
Abaddon School 2.12
Abaddon School 2.13
Abaddon School 2.14
Abaddon School 2.15
Abaddon School 2.16
Epilogue [Part 2]
note
PROLOGUE (PART 3)
3.1

Abaddon School Part 1.7

242 45 0
Od TitserAna

Chapter Seven:

LINCOLN'S POV:

"STUDENTS OF ABADDON SCHOOL! THAT'S THE PUNISHMENT TO THOSE STUDENTS WHO NOT FOLLOW MY RULES. AND NOW, THE 10 MINS IS OVER. WE WILL PLAY THE STAGE 2. ARE YOU READY TO YOUR DEAD? LET'S PLAY THE 'BRING THE BELL TO CAT'" sa sinabing n'yon. Lahat ng kami na nandito sa loob ng gym ay nagkagulo.

Putek! Maski ako kinakabahan na kung anong laro naman ngayon ang lalaruin namin.

Mukhang mas magiging brutal ngayon. Hindi man kami naglaro sa unang game nila, sapat na 'yong nakita naming mga bangkay.

Tinignan ko si Fayce, mukhang kinakabahan din siya. Kilala ko ang ogag na 'to, kabado na rin niyan pero hindi lang pinapahalata.

Tumingin ako kay Rey, bakas sa mukha niya ang pagiging handa. T*ngina! Mukhang ready si ogag ha. Napalingon ako kay Ivan, nakatingin din pala siya sa akin. Nakikita ko sa kanya na gusto niya agad ito matapos.

Lumapit sa akin si Ivan, "makakaya natin 'to..." mahinang sabi niya sabay pumunta sa tabi ni Debra.

Tinitigan ko silang dalawa...bagay talaga sila. Tsk! Nakikita ko sa mga mata ni Debra... matang ngayon ko lang nakita. Mukhang ready na rin siya sa magiging laro ngayon. Inaalala ko kung paano siya nakaligtas sa unang laro. Si Debra 'yung babaeng tahimik at mahiyain, kaya paano siya nanalo...

Lumapit si Fayce at Rey kay Faye na ngayon ay umiiyak na. Mukhang kabadong-kabado ang isang 'to. Tsk! Mga babae nga naman oh! Isama mo pa si Ria na ngayon ay nasa tabi nina Amchel at Joaqui.

Bumakas ang pinto ng gym. Lahat kami ay napatingin doon. Ito na yata ang pangalawang laro.

"Humanda na kayo!" Matapang na sabi ni Rey. Napalingon ako sa kanya na ngayon ay may hawak ng kahoy. Saan galing n'yon?

"Magsisimula na ang pangalawang laro nila..." bulong din ni Debra.

Nang mabuksan ng husto ang pinto ng gym. May narinig kaming...pusa? Ano n'yon?

"Meow! Meow! Meow! Meow!"

"Tunog ng pusa? Ano 'to lokohan! P*ta naman oh!" sabi ni Fayce sa amin.

"H-hindi niyo ba narinig n'yong sinabi kanina? A-ang l-laro ngayon ay bring the bell to cat?" nauutal na sabi ni Amchel. Putek naman oh! Pusa? Ang dali naman ng game. Tsk!

May biglang pumasok sa loob ng gym...what the hell! Takte! Pusa nga. Malaking pusa.

Lahat kami dito sa stage mga naka-tanga at mga nakatulala.

"T*nginang pusa nyan! Ano 'to lokohan?" naiinis na sabi Fayce sa sarili.

"STUDENTS OF ABADDON SCHOOL, THE SECOND GAME WILL BE START NOW!" Pagkasabi ng kung sino man n'yon. May lumitaw mula sa stage. Isang bell? Ano na naman 'to!

"Tignan n'yong pusa, may nawawala sa collar niya..." sabi ni Ivan sa amin.

"Ang bell sa collar niya ang nawawala." sagot ni Debra.

Tumingin lahat sa collar ng malaking pusang 'yon. Tama nga sila. 'Yung bell ang nawawala.

"Madali lang pala ito eh! Kaya na namin ni Rey 'to. Diba?" baling ni Fayce ka Rey habang ineexcise ang kanya leeg. Tsk. Mayabang!

Pupunta sana sina Faye, Rey at Ivan sa stage para kunin ang bell pero putek! Nasa kamay na ng ibang mga estudyante.

"Huwag muna tayo gumalaw, tignan muna natin sila." sabi ni Amchel sa amin. Matalino naman pala. Nag-iisip din ng maayos.

"T*ngina pareng Amchel, naisip mo nyon? Iboboto kita next year dahil diyan!" tapik ni Fayce kay Amchel. G*go talaga 'to. Parehas talaga kami ng utak nito.

Nandito kami sa may gilid ng stage. Minamantsagan ang ibang estudyante. Kukuha kami ng ideya.

"P-pero..." lumingon kami kay Debra.

"Bakit Debra?" nag-aalalang tanong ni Ivan. Love boy talaga eh.

"Once na nailagay na nila ang bell at hindi tayo tumulong...mamamatay tayo." dahil sa sinabi ni Debra. Kinabahan ako.

"Anong pinagsasabi mo?" sabi ni Rey.

"Naglaro ka ng unang laro diba Rey? Dapat alam mong mamamatay tayo pag hindi tayo tumulong. Mamamatay tayo...matutulad tayo sa mga kaklase ko. Mamamatay tayo..." paulit-ulit na sabi ni Debra. Nang dahil doon nataranta ang barkada.

"Sh*t! Kailangan natin tumulong!" Dahil sa sinabi ni Fayce, tumakbo kami kung nasaan ang pusa at ang bell.

P*tek, hindi pwede to!

Malapit na kami kung nasaan ang malaking pusa, napahinto kami ng makita namin sinubo ng malaking pusa ang dalawang schoolmates namin.

T*ena! Anong nangyayari?

"Sh*t! Huminto kayo!" Biglang sigaw ni Fayce sa amin. Dahil sa nangyari, nagkagulo ulit kami dito sa gym.

"T*ngina takbo!!!" Lumingon kami kay Rey na sumisigaw ngayon.

"Waaaaaah! Kuya Fayce!" Umiiyak na sabi ni Faye sa kakambal.

Tumatakbo kami ngayon palayo sa malaking pusa. Pusa naman oh! Hindi ko na gusto ang mga pusa!

Nakikita ng mga mata namin kung paano kainin ng pusa ang mga nahuhuli niyang mga ka-schoolmates namin. Gross.

"T*nginang pusa 'to! Hindi pa ba siya nabubusog..." Bwisit na Fayce na 'to! Oo nga naman, hindi pa ba busog n'yong animal na 'yon.

Nagtago kami sa likod ng stage. Pare-parehas kaming hinihingal ngayon. May mga naririnig kaming mga hinain.

Marami kami rito sa likod ng stage. Paano naman kasi dito sa likod sa stage hindi kasya n'yong pusang 'yon.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Joaqui sa amin.

Ano nga ba gagawin namin? P*ta pati ako natataranta na rito.

"Nasaan ang bell? Kailangan natin makuha ang bell." sagot ni Ivan. Bilib ako sa isang ito, mukhang kampante pa rin kahit nagkakagulo na kami rito. Ikaw ba naman habulin at kainin ng malaking pusang 'yon. Sino hindi matataranta at kabahan?

"Nasa mga bench ang bell." sagot ng isang lalaki. Sino naman 'to? Hindi naman namin kilala. Epal din isang 'to.

"Sino ka naman ha?" Maangas na tanong ni Rey. Si Rey talaga oh! Hindi siya tumulad sa akin. Mabait Hehehe. Mas mabait ako kaysa kay Ivan.

"Gino. Gusto kong makipagtulungan sa inyo." Gino? Saan ko nga ba narinig n'yong pangalan niya?

"Gino? Gino Cael Monteverde? 'Yung captain ng basketball team?" sabi ni Faye. Oo nga pala!

"Oo, ako nga. Kaya matutulungan ko kayo." walang emosyong sabi niya.

"Anong plano natin?" sabi ni Ivan.

"Teka Ivan! Makikipagtulungan tayo sa kanya?" giit ni Rey.

"Bakit hindi? Kaysa naman kainin din tayo ng pusang n'yon." walang ganang sagot ni Ivan.

"Tama siya. Kailangan natin makipagtulungan sa kanya..."

"Fayce, maski ikaw? Sasang-ayon ka?" Baling niya kay Fayce.

"Oo! Kaysa naman lapain tayo nun! Mag-isip ka Rey, isipin mo sina Debra at Faye pati nyong ibang mga estudyante dito. Kailangan din nila makaligtas, hindi lang tayo ang gustong makawala sa demonyong larong 'to!"

Ngayon ko lang nakitang magalit si Fayce. Pursigido siyang iligtas kami at ang iba pa.

"Ito ang magiging plano..." bulong ni Gino.

* * * * *

Lumabas kami sa pinagtataguan namin. Sa paglabas namin, nakita namin ang malaking pusa na natutulog, sa dami ba naman nakain eh.

"Yucccckkk!" diring sabi Faye.

Nagkalat ang mga buto, laman-loob at dugo sa buong gymnasium. Kahit naman sino mandidiri sa makikita.

"Wag kang maingay Faye, baka magising n'yong pusa." mahinang sabi sa kanya ni Debra.

"Ssssshhhhh! Tumahimik kayo." pabulong na sabi ni Fayce sa amin.

Mukhang seryoso si ogag ha. Tsk.

Nakapwesto naman ang mga kasama namin. Halos 17 na lang kami, nangalahati kami dahil sa pagkain ng pusang n'yon.

Si Gino... si Gino ang may hawak ng bell. Nasa kanya ang kapalaran namin pero naniniwala kami sa kanya. Team captain pa naman eh.

Nakapwesto na si Gino para I-shoot ang bola sa may collar ng pusa pero pagminalas ka nga naman. Nagising ang pusa dahil sa ingay ng bell.

P*tangina! Nalintikan na kami! Tumakbo ang pusa papunta sa pwesto ni Gino at Fayce. Ang bilis ng pangyayari. Tumatakbo ng mabilis ang dalawa. Wala akong magawa. Napatulala ako.

Tumigil ang pusa sa kakahabol kina Fayce, at tumingin sa pwesto ng isa naming ka-schoolmates. Maya-maya lang tumakbo ito papunta roon, hindi na nakatakbo ang lalaki at wala na itong nagawa. Nilunok ito ng buo. Napatulala kami sa nangyari.

Hindi pa kami nakakabalik sa sarili namin nang tumakbo ulit ito, sa isang babaeng gulat na gulat pa rin sa pangyayari. Tumakbo ang babae palayo sa malaking pusa pero naapakan na siya nito. Halos madurog ang katawan niya dahil sa pagkakaapak ng malaking pusa.

Naaawa ako para sa kanya. Mas lalo kaming nagulat ng biglang hilahin ng pusa ang magkabilang dulo ng katawan ng Babae. Nahati ito at sumirit dito ang dugo. At, kinain ng pusa ang nahating katawan ng babae.

Pagkatapos niyang kainin ang babae, tumingin ang malaking pusa sa gawi nina Debra at Faye. Hawak ngayon ni Debra ang bell. Papunta na ang pusa sa pwesto nila. Tumakbo agad sila, lintik naman! Tumakbo rin ako sa lugar nila, kailangan ko silang tulungan.

Maya-maya may narinig akong mga boses.

"OY MALAKING PUSA DITO!"

"OY NANDITO AKO!"

"YUHOOOOO! MAS MASARAP AKO SA MGA NIYAN! DITO KA OH!"

Nakikita ko sina Amchel, Joaqui, Rey at Ivan na kinakaway ang mga kamay nila. Pero, hindi sila pinansin ng pusa.

Patuloy pa rin tumatakbo sina Debra.

"DEBRA DITO! BILIS!" malakas na sigaw na sabi ni Gino.

Lumihis ng takbo sila Debra, lumiko sila sa tinuro ni Gino. Nang makapasok sila sa butas, pilit silang inaabot ng malaking pusa.

Nagulat kami ng may lumipad na mga kahoy sa pusa. Lumingon ang pusa sa direksyon na nagtapon ng mga kahoy.

Nakita namin ang mga ka-schoolmates namin. Tumutulong sila para makalabas sila Debra sa butas. Nang hinabol sila, may bumato ulit sa pusa sa puntong ito sila Ivan naman ang bumabato. Pumunta ako sa lugar nila Ivan at tumutulong na rin ako sa pagbabato ng mga kahoy sa pusang n'yon. Kahit ano binabato na namin.

Hindi namin namalayan, 'yong bell nakapasok na sa collar ng malaking pusang 'yon.

Tumingin kami sa gawing kanan namin, nakita namin sina Debra, Gino, Fayce at Faye. Isa kanila ang nakashoot ng bell sa pusang n'yon.

Biglang humiga ang malaking pusa sa gitna ng gymnasium. At, naging maamo ito, hindi tulad kanina na sobrang bagsik.

Lumapit kami sa kanila. "S-sino ang nakashoot?" Tanong ni Amchel sa kanila.

"Si Debra." simpleng sagot ni Fayce.

Napatingin kami kay Debra na hanggang ngayon ay nakatulala.

"N-nagawa ko? Nagawa ko!" masayang sabi niya habang tumatalon-talon sa sobrang tuwa.

"Nagawa mo." Bati sa kanya ni Gino.

"Bestfriend!!! Nagawa mo! Nakaligtas tayo!" yakap ni Faye kay Debra.

Lumapit na rin sa amin ang ibang nakaligtas. Kinse na lang kami.

"Putek! Ligtas na tayo! Ang galing mo Debra!" tapik ni Rey kay Debra.

"Para sa inyo gagawin ko lahat!" simpleng sagot ni Debra sa amin.

Muling may umalingawngaw na ingay na nagmumula sa speaker.

Ayan na naman siya. Ayan na naman ang announcement niya.

"CONGRATULATIONS! YOU PASSED OUR SECOND GAME - BRING THE BELL TO CAT..." sa sinabi niyang 'yon,umalis ang malaking pusa sa gymnasium, nakabukas na pala ang pintuan. "THEN OUR THIRD GAME WILL BE START IN ONE HOUR. YOU CAN REST FOR NOW. AGAIN, CONGRATULATIONS!" sa puntong 'yon nawala na ang kanyang boses.


- end of chapter 7 -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank you!❤

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
27.5M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...