King Of Hearts (Blaster Silon...

By CutestGiantMaknae

64K 1.7K 929

Sinta ikaw na ang tahanan at mundo. More

King Of Hearts
Prologue
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
KABANATA XXXIII
Kabanata XXXIV
NOT AN UPDATE!!!
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
NOT AN UPDATE
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
WAKAS
Authors Note

Kabanata X

1.7K 55 45
By CutestGiantMaknae

Nakahilig ako ang ulo ko sa backrest ng sasakyan. Hawak hawak ni Blaster ang mga kamay ko habang nagdadrive. Kita ko ang pag igting ng panga niya habang nakatingin sa daan. Magulo ang buhok niya na sa tingin ko ay lalong nagpakisig sa sa kaniya.

"Stop staring Sunny." I chuckeled on what he said.

Napakasungit niya talaga pero minsan lumalabas ang pagkaisip bata niya.

"Where are we going?" Sabi ko sa malambing na boses. I felt his arm stiff saglit siyang tumingin sa gawin ko at nakita ang namumungay ko mata. Napalunok siya at napangisi ako.

"Who's the guy na lumapit sayo kanina" pagiiba niya ng topic.

"Friends ng kaibigan ko yun. Tertiary sa school namin. His name is Kohl"

"And anong pinagusapan niyo?" humigpit ang hawak niya sa kamay ko napatingin ako dun. I slowly entangled our fingers.

"He just ask my number."

"And you gave it?" Kita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Uhm.. y-yes. Pero di ko naman siya re replyan kung sakaling magtext siya" mabilis kong sagot.

"Good. Block his number kung tinext ka niya" huminga ako ng malalim at napatingin sa labas teka village namin ito ah?!

Nakita ko ang pagdaan namin sa bahay at sa bahay nila Nikoi. Tumigil lang ang sasakyan namin ng nakarating na kami sa harap ng bahay ni Badj.

Bumaba ako ng sasakyan at agad na hinawakan ni Blaster ang mga kamay ko.

Nagtaas agad ng kilay si Zild ng nakita kaming papasok ng bahay. Napatingin agad ako sa mahabang table nila Badj puno iyon ng mga pagkain. Napatingin din ako sa pool nila may mga pamilyar na mukha akong nakilala pumasok mula sa glass window si Badj na may dalang beer kasama niya si Unique.

"Oh! Kumain ka na Sunny pinaalam na kita kay Tita na mamaya ka na uuwi" sabi ni Badj sabay inom sa dala niya.

"K" tipid kong sagot. Umupo ako sa upuan mabilis naman na umupo sa tabi ko si Blaster.

"What do you want?" Tanong niya. Nginuso ko ang fried chicken na nakita ko sa dulo. Napangisi naman ako ng kinuhanan niya ako ng plato at juice. Siya din ang naglagay ng pagkain doon.

"Kain ka na rin" sabi ko.

Ibubuka ko na sana ang bunganga ko ng biglang may naramdaman akong hapdi sa labi ko. Napangiwi agad ako sa sakit.

"Ouch" agad naman napatingin saakin si Blaster pati sila Badj.

"Whats wrong?" Nag aalalang tanong ni Blaster.

Napailing ako at namula.

"Open your mouth Sunshine" mariing utos niya. Pero umiling iling lang ako.

"Baby please open your mouth" lumambing na ang pagkakasabi niya. Dahan dahan ko namang binuka ang bunganga ko.

"Saan masakit?" Tinuro ko na ang gilid ng labi ko. Mariin siyang nakatingin doon, mukha akong bata na nagsusumbong sa amo niya.

"What happen bro?" Concern na tanong ni Badj.

"We kissed... and I think I hurt her lips" dire diretso niyang sagot na nagpalag lag sa mga bunganga namin.

Nag init ang pisngi ko at nabuga ni Badj ang inumin niya.

"What the!" Gulat na sigaw ni Badj. Nakita ko namang napangisi si Zild at umiling iling.

"BREEEZZZYYYYYY" kantyaw na asar ni Unique.

Napatingin ako kay Blaster na walang pakielam sa sinabi nila. May tinext siya sa phone niya at tumingin ulit saakin.

"Badj dito mo na patulugin si Sunny"
"May kwarto siya dito don't worry" Sagot nito ng nakarecover sa pagkagulat.

"You should change your clothes. Naulanan ka kanina baka magkasakit ka"

"Okay naman ang damit Ter ha?" Singit ni Badj habang nakangising aso.

Bumaling saakin ang mga mata ni Blaster bumusangot ang mukha niya parang wala sa mood. Napatingin naman ako kay Badj.

He just shrugged his shoulder and sip on his beer.

"I still couldn't believe it! Para pa rin akong lumulutang sa ere" ani ni Unique ng umiiling sa tuwa.

Napatingin ako kay Blaster "Why?" bulong ko.

"We received many offer to play outside. Kagaya nung event kanina" lumawak ang ngiti ko at napa palakpak.

"Really? Omygash!" Lumaki pa lalo ang ngisi ko dahil siguradong marami silang banda na makakasama. Narinig ko kanina na baka magplay sila sa WanderFest and shit talagang sisikat sila kung tutugtog sila doon. WanderFest here in the Philippines is attended by many people mapa-artista man yan o simpleng tao plus may mga foreign artist din na tumutugtog doon.

Naramdaman ko ang braso ni Blaster sa likod ng upuan ko. Bago bumaling ang tingin ko sa kaniya ay naramdaman ko na ang hininga sa tenga at leeg ko.

"Change your clothes Sunshine. Sasamahan kita"

Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"You can't enter the room Ter. Intayin mo na lang ako dito"

"Then? I will wait outside" ngumisi siya.
"What? You're scared? Don't worry hindi natin gagawin yun ng hindi pa tayo kasal"

Napapikit ako at tumayo napatingin sakin sila Badj at Zild.

"San ka pupunta?" Tanong ni Badj.
"I'll change my clothes Badj" sagot ko.

"With him? No boys allowed on her room Ter" sumipol si Badj at ngumisi.

"I know. Iintayin ko siya sa pinto" naglalaro ang boses ni Ter at ngumisi na rin. Kinantyawan siya ni Zild at Unique kaya iniwan ko na siya doon at dumiretso sa hagdan.

Akala ko ay maiiwan siya pero naramdaman ko ang mabagal na hakbang niya sa likod ko.

Pumasok na ako sa kwarto at agad na isinara iyon. Hinalungkat ko muna ang damitan ko para maghanap ng susuotin pagkatapos ay mabilis akong nagshower. Sinuot ko ang isang oversized kong tshirt na may tatak ng captain america sa gitna at siyempre ang shorty short ko. Sinuklay ko muna ang buhok ko at agad na binuksan ang pinto naabutan kong nakahilig sa dingding ang supladong lalaking kasama ko.

Anong meron at lagi ko siyang naabutan na ganiyan. At bakit ang gwapo gwapo niya kahit suplado siya.

Nagtaas siya ng tingin saakin at agad na dinayo ng kanyang mata ang damit ko pababa.

"Okay na?" Ngiti ko.

Ngumuso siya at nilahad ang kamay niya. Nagtataka kong nilagay ang kamay ko pero agad niya itong hinatak kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

"Better" bulong niya at yinakap ako.

Inatake agad ang ilong ko ng amoy niya. Ghad.. kung kasalanan lang pagiging mabango malamang demonyo na ang lalaking toh.

"But sobrang ikli ng shorts mo. I don't like it" tiningala ko siya at nakitang nakanguso siya.

"This is what we called shorty shorts Ter. Lahat ng shorts ay maikli" I giggled.

"I hate it kapag titingnan ka ng mga lalaki tuwing nasa stage ako. Gusto ko silang sapakin dahil hindi nila pwedeng hawakan kung ano ang akin."

Bumilis ang tibok ng puso ko at nakakahumerantado na ang kaloob looban ko.

Hinawakan niya agad ang kamay ko at dahan dahan na pinagsiklop ang mga daliri namin. Nakita ko ang pag angat ng tingin ng mga bisita nila Badj saamin at ang lalaking kasama ko ay wala namang pakeelam sa kanila. Sanay na sanay sa mga tingin ng tao.
Samantalang nangangamatis nanaman ang mukha ko sa hiya.

Pagkababa namin ay nag aya sila Unique na magpunta ng poolside agad naman kaming sumunod. Nag inuman at kwentuhan lang sila uminom rin si Blaster pero hindi ganun karami kagaya kayla Unique at Badj na akala mo ay mauubusan ng alak. Pinainom din ako ni Badj pero agad na umayaw si Blaster sinamaan niya ko ng tingin ng aabutin ko sana ang shot na binibigay nila. I always party in Cebu at kahit menor de edad ay nakakapasok na ako sa mga bar. I can always drink hard drinks dahil hindi ako ganun kadaling malasing.

Nang sumapit ang ang alas dose ay nagpasiya na silang magsi uwi. Hinatid ko si Blaster sa may gate nung una ay umalma pa siya pero masyado akong mapilit.

"I'm gonna text you when i get home" yinakap niya ako ng mahigpit kaya napangiti ako.

"I'm gonna wait" sagot ko. Tumango siya at nilingon ang sasakyan niya. Kumaway ako ng pinaandar niya ito. Umakyat agad ako ng kwarto para mag intay sa text niya. Nanood muna ako sa youtube para hindi mabagot kalahating oras din ang lumipas ng mag-vibrate ang phone ko.

My Blaster Silonga ❤:
I'm home, what are you doing?

Nakangusong nangingiti ako sa pagtipa ng reply.

Me:
I'm watching funny videos on youtube :) may iba ka pa bang katext bukod sakin?

My Blaster Silonga ❤:
Yep, a couple of my old classmates.

Nairita ako sa naisip na baka babae ang mga katext niya. Am i being too selfish? I don't know kung matatakot ba ko o matutuwa. We're too young for this kind of relationship and I'm sure that this love will surely wreck me. Hindi ako nakareply pero napatalon ako ng nagvibrate ang phone ko.

Omygash! He's calling! Napaubo ako at dahang dahan sinagot ang tawag niya.

"H-hello" bati ko. Wala akong narinig sa kabilang linya kaya nagsalita ulit ako.

"Blaster?" Narinig ko ang pagtikhim niya.

"You did not reply."tonong nagtatampo iyon. Naiimagine ko ang pag nguso niya sa kabilang linya.

"I seriously don't know what to asnwer.." mahina kong sagot.

Napadyak padyak ako sa kamay at nagtatalon dahil sa kilig. Puputulin ko na sana ang tawag pero bigla siyang nagsalita.

"I wonder if pwede akong mag sleep over diyan kayla Badj" ani niya sa malambing na tono.

"You should ask him ter or ask Tita. Siguro ay papayagan ka naman"

"I want to cuddle and kiss you" nakagat ko ng mariin ang labi ko.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog ng gabing iyon. Pero ang alam ko ay nakatulog ako ng may payapang puso.

Finally the boy I always dream is falling for me. Mabilis, matulin at walang preno.


















A/N:

Hi Guys! Thank you for reading this story. Hope you enjoy the update. ❤

Don't forget to leave comments and votes ♥️♠️
Xoxo 😘

Continue Reading

You'll Also Like

40.6K 674 7
แ€œแ€ฐแ€„แ€šแ€บแ€œแ€ฑแ€ธแ€”แ€พแ€„แ€บแ€ท แ€žแ€™แ€”แ€บแ€ธแ€แ€ถแ€•แ€ฏแ€œแ€ฝแ€ฑแ€€แ€ผแ€ฌแ€ธแ€™แ€พ แ€•แ€ฑแ€ซแ€€แ€บแ€–แ€ฝแ€ฌแ€ธแ€œแ€ฌแ€žแ€ฑแ€ฌ แ€›แ€„แ€บแ€แ€ฏแ€”แ€บ แ€…แ€ญแ€แ€บแ€œแ€พแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€พแ€ฌแ€ธแ€–แ€ฝแ€šแ€บ แ€•แ€ฏแ€ถแ€•แ€ผแ€„แ€บแ€แ€…แ€บแ€•แ€ฏแ€’แ€บ "๐—ซ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฒ๐—ฟ" ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—ช๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐˜„๐—ผ๐—น๐—ณ
64K 1.7K 46
Sinta ikaw na ang tahanan at mundo.
1.1M 61.8K 38
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...
1.2M 52.1K 98
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC