Her Love Story [Completed]

By wannabeangel

291K 2.1K 244

She had never been in love....She doesn't know what's the meaning of Love and What's the feeling of being in... More

Prologue
Chapter 1: No Boyfriend Since Birth
Chapter 2: The New Student
Chapter 3: Homecoming Party
Chapter 4: Court
Chapter 5: Her Feelings
Chapter 6: Our First Date?
Chapter 7: Falling...
Chapter 8: Confused
Chapter 9: Her CRUSH
Chapter 10: Trust
Chapter 11: Bet
Chapter 12: The Result
Chapter 13: Box
Chapter 14: Secret Admirer
Chapter 15: Terrified
Chapter 16: Mutual Understanding
Chapter 17: Meet Salvador (Part 1)
Chapter 17: Meet Salvador (Part 2)
Chapter 18: Shawn Panget
Chapter 19: Shocking Truth
Chapter 20: Flashbacks
Chapter 21: Bipolar
Chapter 22: The Boy is Mine
Chapter 23: Curious
Chapter 24: The Real Story
Chapter 25: Let Go
Chapter 26: Small talk
Chapter 27: Kate's side
Chapter 28: Just A Challenge
Chapter 29: Joke?
Chapter 30:Perfect?
Chapter 32: Move On
Chapter 33: I can't breath
Chapter 34: Date With Shawn Panget!
Chapter 35: Acceptance
Chapter 36: Hindi lang ikaw
Chapter 37: Sorry
Chapter 38: Pinky Promise
Chapter 39: Love is Blind
Chapter 40[Part 1]: 1:43
Chapter 40[Part 2]: 3 Gifts
Chapter 40[Part 3]: I Love You
Chapter 41[Part 1]: Cried Again Because of You
Chapter 41[Part 2]: Fall and Catch
Chapter 41[Part 3]: His Handwriting
Chapter 42: Why?
Chapter 43: The Answer
Chapter 44[Part 1]: Spend a night with him?!
Chapter 44[Part 2]: Her Gift
Chapter 44[Part 3]: Ignored
Chapter 45: Today Was A Fairytale
Chapter 46: 'MAHAL KO'
Chapter 47: Hand Gesture and The News! Good or Bad?
Chapter 48: First Monthsary
Chapter 49: Her Never-Ending Love But Every Love Story Has Its Ending
Chapter 50: Nothing(His POV) The Last Chapter
Epilogue
Author's Important and Last Note [Edited]

Chapter 31: Cloud

4K 38 3
By wannabeangel

-Chapter 31: Cloud-

Sunday, 7:15 pm

Andito kami ngayon sa bahay nina Shawn. Ayaw ko talaga sana sumama kaso pinilit ako ng mga dear parents ko. Oh Well, malapit lang din naman bahay nila saamin kaya pumayag nalang din ako sa huli.

WE’RE HERE AND I’M LIKE WHOAAAAAAA.  Napanganga nalang ako sa bahay nila. Seriously?! Bahay nila to? ANG LAKI! Ang ganda pa! Walang wala yung bahay namin sakanila!! Ang yaman pala nila Shawn? Di ko alam yun ah.

“Naku, Ang ganda talaga ng pagkadesign mo sa bahay nila honey!”

Napatingin naman ako kay dad. “Dad! Kayo po ang nag design nito?”

“Oo Nak. Pinadesign nila saakin to 3 years ago pa.”

Weh? 3 years ago? Ganun katagal? Eto ata yung ginagawang bahay dati pa sa subdivision namin nung 1st year ako. Ngayon lang pala natapos. At saka kakilala pala namin yung nakatira dito.

“Ang galing galing naman kasi ng asawa mo mag design ng bahay kumare eh.” –Tita Sonia

“Naku! Kaya mahal na mahal ko ito eh.” Sabay ngiti kay dad.

What the. Cheesy moments na ba to?

Napansin naman ata ng dad ni Shawn na si Tito Sonny na medyo na b-bored ako.

“Oh Chelsea iha.. puntahan mo nalang si Clyde dun sa kwarto niya andun din yung bunso namin na si Cloud. Kaso wala si Claudia eh. Ipapakilala sana kita sakanya. 2 taon lang ang tanda nun sayo. Sayang wala siya dito. Lumabas eh.”

“Okay lang po yun tito.” Then nag smile ako.

“Inday!” sigaw ni Tita Sonia.

 May dumating naman na babae na nakauniform na pang maid. “Yes po ma’am?”

“Pakisamahan mo naman si Chelsea sa kwarto ni Sir Clyde mo.”

“Sige po ma’am.”

Napatingin naman ako kina Tita Sonia at saka sa mom ko. “Okay lang po?”

“Naku baby girl! Okay lang saakin. Makipag bonding ka muna sa mga anak ni Kumare.”

“Oo nga naman iha. Para di ka masyado ma bored dito.”

Ngumiti ako sakanila at nag excuse. Sinamahan naman ako nung babae. Grabe. Buti nalang talaga pinasama siya saakin. Ang laki ng bahay nila Shawn! Mawawala talaga ako pag mag-isa lang ako pinapunta sa kwarto niya.

Pagkatapos ng mahabang paglalakad, tumigil kami sa harap ng isang door.

“Dito po yung kwarto niya ma’am. Kumatok nalang po kayo.” Ngumiti yung babae.

“Salamat po.” Ngumiti din ako sakanya then umalis na siya.

Ilang seconds or minutes pa ako nakatayo sa harap ng kwarto niya. Ewan ko kung bakit. Parang kinakabahan ako. Siyempre! Papasok ako sa kwarto ng lalaki? Ang matindi pa, sa kwarto pa ni Shawn?! Aisshtt! Bakit ba kasi pumayag pa ako na pumunta dito at makipag ‘bonding’ daw sa mga anak ni Tita Sonia?! Tsk. Balik nalang kaya ako kina Mom? Err. Mukhang mawawala pa ako. At saka, tama naman si Tita Sonia. Ma b-bored lang ako pag nag stay ako dun kasama nila dahil nga usapang matanda yung pag-uusapan nila. Wala namang masama if papasok ako sa kwarto niya diba? Wala naman kami gagawing masama!

Huminga muna ako ng malalim at kumatok na sa door.

Binuksan naman at nakita ko si Shawn na..

Topless.

“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!”

Kaagad naman lumapit saakin si Shawn at tinakpan yung bibig ko.

“What the! Wag ka ngang sumigaw pwede?!” Kinakabahan naman ako habang nakatingin sakanya. “Tatanggalin ko na yung kamay ko, wag kang sumigaw okay?!” nag nod ako.

Umiwas ako ng tingin. “Magshirt ka nga pwede?!”

“Paano kung ayoko?” halata mo sa boses niya na nang-aasar siya. Arghh!!

“Geez Panget ka talaga!!” Yun nalang sinabi ko. Di ko pa rin siya tinitingnan.

“Ano bang ginagawa mo dito?!”

Tiningnan ko na siya ngayon. Sa mukha lang niya ako nakatingin. “Sabi ni Tita Sonia puntahan daw kita dito sa kwarto mo para daw makapag bonding ako sa mga anak niya!”

“What?! Baliw ba sila?! At saka ikaw? Bat ka naman pumayag?!”

“Eh kasi halata naman na ma b-bored ako pag dun ako sakanila sumama at nag stay! Papasukin mo nalang ako pwede? Hindi naman kita I –r-rape! At saka nandito daw din yung bunso mong kapatid!”papasok na sana ako sa kwarto niya pero hinarangan niya ako.

“Di pwede!”

“Why?! Wala naman tayong gagawin masama ah! At saka nakapasok ka din naman sa kwarto ko dati without my permission!”

“Ibang kwento yun!” then kaagad siyang pumasok sa kwarto niya at sinerahan ako ng pinto.

Ya!!! Ang rude niya ha!!!

Kumatok naman ako ng malakas sa door niya. “Hoy! Bisita ako dito! Bwisit ka talaga panget ka!!!”

Sarhan ba naman ako ng pinto?! Kaasarr!! Ako nga di ko siya pinalayas sa kwarto ko nung pumasok siya eh! Wala namang malisya!!

Aisshtt! San na ako pupunta ngayon? Wala pa namang tao dito sa hallway ng bahay nila. Di ko pa alam kung saan parte ng bahay nag-uusap yung parents namin ni Shawn! Tapos etong panget na to di pa ako ini-entertain! Bwisit! Lagot talaga siya saakin pag siya na naman ang pumunta sa bahay namin! 

Nagulat naman ako dahil biglang binukas ni Shawn yung door. Nakashirt na siya ngayon.

Nagulat din siya nung nakita niya ako. “Andiyan ka pa pala?!”

Tiningnan ko siya ng masama. “Ay Hinde!!Hinde!! Picture lang ito nasa harapan mo!!! “ Nakakainis talaga!

Tumawa naman siya na parang nang-aasar. “Ang Highblood mo!”

“Yung taong nasa harapan ko kasi eh!! Sarhan ba daw ako ng pinto?! Kabwisit lang.”

“Tsk. Sorry na. Sige, pasok ka.” Then nilakihan niya yung pagbukas sa door. Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Ayaw mo pumasok?”

“Pinapapasok mo pala ako?”

“Hindi ba obvious?!”

“Hinde!!” then pumasok na ako at tinulak talaga siya ng malakas.

Wahahaha. Ang rude ko noh? Feeling ko naman ako yung may-ari ng kwarto. Lol.

Ang linis ng kwarto niya. Simple lang. Pag pumasok ka, malalaman mo na kwarto ng lalaki to. At saka, amoy ni Shawn yung kwarto.

“Ang baho naman!” then umupo ako sofa. Feel at Home! Hahaha.

Tiningnan niya ako ng masama. “Ang bango kaya! Kaamoy ko nga eh.”

“Yun nga eh! Kaamoy mo kaya mabaho!”

“Aba! Buntis ka ba?!”

Nagulat naman ako sa tanong niya kaya tinapunan ko siya ng pillow na maliit na nasa sofa nila. Nakailag naman siya. “Loko! Bat mo naman tinanong?!”

Tumawa lang siya. “Eh kasi sa mga buntis, yung mga mababango nagiging mabaho.”

“Not in all cases I think. Nagmamarunong ka! Bakit? Nabuntis ka na ba?!”

Tinapon niya saakin pabalik yung pillow na tinapon ko sakanya kanina. Natamaan naman ako. Psht. “Magtatanong ka na nga lang, Obvious pa yung sagot!”

“Che!”

Umupo naman si Shawn dun sa carpet at naglalaro dun ng PS3 ata. Bigla naman may kumatok sa door. “Pasok!”

Pumasok yung girl na sinamahan ako kanina papunta dito sa kwarto ni Shawn. “Sir, In 15 minutes, bumaba na daw po kayo sa dining area.”

“Okay, salamat.”

Then umalis na yung girl.

“Asan kapatid mo?” tanong ko sakanya.

“Si Cloud? Ayun, nasa kwarto niya.”

“Ang sabi nila andito siya?”

“Andito siya kanina. Wala na ngayon.”

“Bakit?”

“BAT ANG DAMI MONG TANONG?!”

Sinigawan ba naman ako! Amp. “EH BAT KA GALIT?!”

“HINDI AKO GALIT!”

“Edi Hindi! Highblood ka masyado!”

“Mana lang sayo!” then tumawa siya na nang-aasar.

Tiningnan ko lang siya ng masama then tumabi sakanya at umupo din sa carpet. “Ano nilalaro mo?” pinapanood ko yung nilalaro niya sa t.v.

“Tekken.” Sagot niya habang nakatingin pa rin sa nilalaro niya.

Confused na tiningnan ko siya. “Huh? Taken?!”

Tiningnan din ako ni Shawn na parang confused din siya at pinipigilan niyang tumawa. What’s wrong? “Ano sabi mo?”

“Uhm. T-taken?”

This time tumawa na talaga si Shawn at napahiga sa carpet. What the. Tawa lang siya nang tawa at hawak niya yung tiyan niya. Tiningnan ko yung nilalaro niya. Nakalagay na ‘K.O’.

May mali ba sa sinabi ko?  Grabe, pulang-pula na yung mukha ni Shawn habang tumatawa. Ang saya niya ata?

“Hoy! May bukas pa!” pinalo ko siya sa tiyan niya.

Tumigil din siya sa kakatawa. “Aray! Masakit yun ah!”

Nag tongue out lang ako sakanya. “By the way, mali ba yung sinabi ko?”

“Oo! Hahahahahahhaha.”

“Ano pala yung tama?”

Tiningnan niya yung nilalaro niya. “Argh!! Na K.O tuloy ako ng dahil sayo!”

“Huh?! Ano namang ginawa ko?!”

Tiningnan naman niya ako pero nakangiti na siya. Halatang amused na amused siya. “It’s ‘TEKKEN’ not ‘TAKEN’” then tumawa siya ulit.

Nung narealize ko na mali talaga yung sinabi ko kanina, tumawa na din ako. Medyo pahiya ako dun ah. Kaya pala ang weird, May game ba na ‘taken’? Lol.  Stupid me.

Tawa lang kami nang tawa ni Shawn nang biglang bumukas yung door at may lumapit kay Shawn na bata. Waaaaaaaaaa!! Ang cute nung bata!!

“Kuya!! Kakain na daw!! Kanina pa namin kayo hinihintay!!” then sumakay siya sa likod ni Shawn.

Eto ba si?

“Cloud! Masakit oy! Wag mo naman sakalin ang pogi mong kuya.”

ANG YABANG TALAGA.

“Piggyback Ride mo ako!!” then nag pout yung bata. Waa!! Ang cute niya talaga! “Baba na tayo! Kain na daw. Naghihintay na sina Mommy.”

“Okay Fine fine.” Then binuhat na nga niya si Cloud sa likod. Ang cute nila tingnan. Lumabas na kami ng kwarto at sumusunod lang ako sakanila.

Ayun, hanggang sa makarating kami sa dining area, nagkukulitan lang silang dalawang magkapatid. Nag bless naman sila sa parents ko.

“O tara, kain na tayo.” –Tito Sonny

Ang daming pagkain sa mesa. Grabe lang. Nagdasal muna kami bago kumain. Nasa magkabilang dulo sina Tito Sonny at Tita Sonia. Katabi ko naman sina Mom and Dad. Sa harap naming sina Shawn at Cloud.

“Ako nagluto lahat niyan.” –Tita Sonia.

WHOA. SERYOSO?

“Naku Mare! Ang sarap naman ng mga niluto mo. Ang galing mo talaga magluto kahit kailan.”

No doubt. Ang sarap talaga ng mga pagkain. Kung wala lang ako hiya, baka inubos ko na lahat yung ulam. Lol joke lang.

“Siyempre naman, pinaghandaan ng misis ko yung pag d-dinner niyo dito eh.” –Tita Sonny.

“Chef na chef ang dating ng misis mo kumpadre.” –Dad.

Nag k-kwentuhan lang yung parents namin ni Shawn, ako naman focus sa pagkain. Hahahaha. Matakaw eh.

“Kuya! Who is She?!” narinig ko sabi ni Cloud.

Napatingin lang saakin si Shawn.

“Cloud baby, she’s your Ate Chelsea.” –Tita Sonia

“Anak siya ng Ninang Cherry  mo at Ninong Samuel mo.” –Tito Sonny

Napatingin naman ako kaagad sa parents ko. Inaanak nila si Cloud? Bat di ko alam yun?!

“Baby Girl, di mo alam na inaanak namin si Cloud dahil di ka pumunta nung binyag niya.”

Ohhh.. Nag nod lang ako kay Mom.

“She’s kinda familiar.” Wow. Taray ng English ng batang to ah!

“Really? Naku, baka may kamukha lang siya na nakita mo dati baby.” –Tita Sonia.

“Maybe.” Then nagkibit balikat lang si Cloud

“Ilang taon na po siya?” tanong ko sa parents ni Shawn.

“He’s already 4 years old.”

Whoa. 4 years old lang?

“Ohh. Okay po.” Then nag smile lang ako.

Bandang 8 pm na kami natapos kumain. Nag stay muna kami sandali sa bahay nila. Yung parents naming, as usual andun sa sala nag k-kwentuhan. Di na naubos yung mga kwento nila! Amp.

Kaya stuck ako ngayon sa dalawang magkapatid na ito. Andito kami ngayon sa parang uhm. Di ko alam kung anong tawag sa room na to. Parang ‘tambayan’ room?

“Hi!” sabi saakin ni Cloud.

“Hello.” Then ngumiti ako sakanya. ”What’s your Name?” Nakita ko naman na tiningnan ako ni Shawn na parang ang weird ko.

“I’m Cloud Sean Delos Reyes Salvador! Do You know How to Play Chess?”

“Uhm Yeah.”

“Let’s Play!” then may kinuha siya dun sa ilalim ng table. Chess nga.

“Kampi kayo ni Kuya. Kalaban ko kayo.”

“Okay.” Then inayos na namin yung chess pieces. Tumabi naman saakin si Shawn. Nasa harap namin si Cloud.

Bumulong ako kay Shawn. “Marunong siya mag chess?”

“Yeah. Tinuruan ko.”

“Really? Diba 4 years old palang siya?”

“Oo. Bakit? Masama bang turuan ng chess ang mga 4 years old?”

Tiningnan ko siya ng masama. BAT BA ANG SUNGIT NITO?!

Ayun, nagsimula na kami maglaro ng Chess. And ANG GALING NG BATANG TO. Si Shawn naman, tumabi lang saakin. Hindi man lang ako tinutulungan!

Well, di naman ako masyadong mahina sa Chess. May alam din naman ako eh.

Nung malapit na ma checkmate yung King ko, nagulat ako dahil biglang may ginalaw si Shawn.

AMP! BADTRIP! WRONG MOVE!

“Checkmate.” Then ngumiti si Cloud.

“Ang galing talaga ng bro ko!” then nag fist to fist silang dalawa.

ASDFGHJKL! Bat pakiramdam ko eh pinagtulungan ako ng magkapatid na to?!

“Imagine, natalo mo yung 15 years old. Tsk tsk. Iba na talaga pag tinuruan ko noh Bro?”

“Opo nga kuya! Akala ko matatalo po ako eh. Haaayy. Loser siya kuya!” then nag sign ng ‘L’ si Cloud sa forehead niya.

AY ANG BATANG TO!

Tumawa lang si Shawn.

“Ya! Di naman yun yung dapat ang gagalawin ko eh!” then hinampas ko si Shawn. “Bat di mo pinagsasabihan kapatid mo? Diba bad word yung ‘Loser’?”

Nakitawa naman si Cloud kay Shawn. “AHAHAHAHAHAHHAHAA. Kuya! Kelan pa naging bad word yung ‘Loser’?”

“Ewan ko Bro. Tanungin mo sakanya. Hahahahhahaha.”

G*go to ah?

Hay nako! Pag wala lang talagang bata kaming kasama, Inaway ko na talaga si Shawn.

“Kuya, She’s really familiar.”

“Huh?”

Tinuro niya ako. “Ikaw ba si Sheila?”

“Uhm Yeah?”

Tumingin naman siya kay Shawn. “Kuya, diba siya yung nasa pi---hmpp”

Biglang tinakpan ni Shawn yung bibig ni Cloud. “Oo! Siya yung babae dun sa The Grudge. Same sila ng buhok no?”

WHAT?!

“Ya!!!” sinagawan ko talaga si Shawn.

Tinanggal na niya yung kamay niya sa pagtakip sa bibig ni Cloud. “Now that you mention it.. Kamukha din niya yung multo dun sa The Grudge kuya.”

ARRGHHHHHH!!!

Tiningnan ko naman ng masama si Shawn. “Nanonood siya ng The Grudge? At saka, Ano bang pinagsasabi mo na ako yung multo dun?!”

“Kamukha mo kasi eh. Nag agree din naman yung bro ko.” Then tumawa siya. Tumawa din si Cloud.

HAY NAKO!!! BALIW BA ANG MAGKAPATID NA TO?! DI SILA NAKAKATUWA!

Chelsea, Patience.. Patience ang kelangan mo sa dalawang to! Nako!! Sana mag invite na sila mom na umuwi kami. May pasok pa ako bukas! Ayoko naman mag-isa umuwi dahil gabi na.

“Let’s Play Scrabble!”

Since bata naman to, pagbigyan nalang. “Sure!”

Ayun, naglaro na kami ng Scrabble. Si Shawn yung taga score namin.

Grabe. Bilib talaga ako dito kay Cloud. Akalain mo yun? Nakikilaro ng Chess at Scrabble saamin? 11 years kaya ang age gap namin sakanya. Ang talino niya pa! Hindi lang basic English yung word na na c-create niya habang naglalaro kami.

Nung napuno na yung board, as in wala na malalagyan, tinapos na naming yung game at binilang na yung score. Tiningnan ko naman yung hawak na notebook ni Shawn at dun nakalagay yung mga scores.

Shawn-302       Cloud-258     Sheila-250

Nanlaki yung mata ko nung nakita ko yung scores. FOR REAL?!

Hinampas ko si Shawn. “Ya! Nandaya ka ba?!”

Tumawa lang si Shawn. “Hindi noh. Talagang ikaw ang pinakamababa. Tsk. Talo ka pa ng bata Sheila sunget!”

Tiningnan ko lang siya ng masama. I can’t believe this! Di nga? Ang gaganda pa nga nung ginawa kong words eh! Matataas din yun!

Tumawa naman si Cloud nung nakita niya yung score. “Hahahahahahaha. Natalo ko siya kuya!”

Tumawa din si Shawn. “Oo nga eh. Tskk. Palitan nalang kayo ng age. Ikaw na yung 15. Siya na yung 4 years old.” Then tumingin saakin si Shawn.

KAASAR TALAGA!!!

“Pinagtutulungan niyo naman ako eh!!” then nag pout ako at umupo sa sofa.

Tumabi naman saakin si Cloud. “You know what Ate Chelsea?”

Tiningnan ko siya. “What?”

“You’re dumb.” Seryoso niyang sabi saakin.

Nagulat naman ako. “C-come Again?”

“I said You’re dumb.” Then ngumiti siya ng nakakaloko.

Arrrrghhhhh!!!! “Shawn! Pagsabihan mo nga tong kapatid mo!!” Titingin sana ako kay Shawn pero di ko na siya nakita. Where is he?! Iniwan niya ako sa batang to?! Kaasarrr!!

Ang cute sana ng Cloud na to eh! Kaso Nakakainis ang ugali!! Mana talaga to kay Shawn Panget!

“I think Kuya went to the C.R.” Tiningnan ko lang ulit si Clyde. “You’re dumb”

“Oo na. Paulit-ulit ka naman eh.”

“I don’t like you for my kuya!”

AYOKO DIN SA KUYA MO! Gustong-gusto ko na talaga patulan itong batang to.

“ You’re dumb! You’re not sexy! Gusto ni kuya yung mga matatalino! Yung mga ubod ng ganda! Yung mga sexy!”

Tiningnan ko ng masama si Cloud. Bata ba talaga to?! Baka naman matanda na talaga to? Meron lang Hormonal Disorders kaya mukhang bata? Yung katulad sa movie na Orphan. Lol.

“Grabe naman standards ng kuya mo! Sa panahon ngayon, wala ng ganun noh!”

“Meron kaya! Yung nililigawan ng kuya ko!”

Na curious naman ako bigla sa nililigawan ni Shawn Panget. “Talaga, may nililigawan si Kuya mo?”

“Oo! Sabi ni kuya matalino daw, sexy! Maganda! Mukhang model! Mabait din daw!”

Aba! Baka naman niloloko lang ni Shawn yung kapatid niya?

“Baka naman niloloko ka lang ng kuya mo?”

“Hindi noh! Hindi ganun si Kuya!”

Then dumating bigla si Panget. “Hoy, Tama na yan. Wag nga kayong mag-away. Cloud, tama na yung pag-iinsulto sa Ate Chelsea mo. Uuwi na siya.”

Insulto talaga yung term?!

Tiningnan ako ni Shawn. “Oy Sunget, tinatawag ka na nila sa baba. Uwi ka na daw.”

“Okay!!” then tumayo na ako. Tiningnan ko si Cloud. “Bye Cloud! Kiss mo si ate.” Biro ko sakanya.

Tiningnan naman ako ng masama ni Cloud. “Ayoko nga! Ayoko mag kiss sa mga Loser!”

“Edi wag!”

Tumawa nalang si Shawn saamin. Lumapit ako sakanya. “Tawa-tawa mo diyan? Bye na Panget!”

“Bye Sunget!” then ginulo niya yung buhok ko.

Tiningnan ko lang siya ng masama at lumabas na sa room na yon. Pero naalala ko na di ko pala alam kung saan pupunta -.-

Pumasok ulit ako sa room.

“Shawn! Samahan mo naman ako! Di ko alam kung saan sila eh.”

“Okay.” Then binuhat ni Shawn si Cloud.

Nung nakarating na kami kung san yung parents naming. Nagpaalam na kami sakanila.

“Bye Po Tita and Tito.” Then ngumiti ako sakanila.

“Bye Iha! Balik ka next time ah.” –Tita Sonia

“Sige po.” Then ngumiti ako.

NO WAY. AYOKO NA BUMALIK NEXT TIME! BAKA HIMATAYIN AKO SA SAKIT SA PUSO NG DAHIL KINA CLOUD AT SHAWN.

Nagpaalam na din yung parents ko sakanila.

“Bye Sunget.”

“Bye Panget.”

Aalis na sana ako kaso tinawag naman ako ni Cloud. “Ate Loser!”

Tiningnan ko siya. Buhat pa rin siya ni Shawn. “po?”

“Lapit ka. May sasabihin ako.”

Nilapit ko naman yung ears ko sakanya and then….

He kissed me on the cheeks. What a sweet Kid? 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: I love This Update! Hahahaha :") Please Vote And Comment! :3 Picture po nina Cloud and Shawn sa gilid! :D


By The Way, May New Story ako. Title is 'L Hexagon!' :D 


Continue Reading

You'll Also Like

63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
152K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
295K 20.8K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...