Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

45

5.5K 84 5
By septemberoyal

JHO


Wala na kameng afternoon training at kanina pang tanghali natapos ang class ko kaya papunta ako ngayon sa supermarket, mamimili ako ng mga ingredients para sa baking session namen ni beatriz mamaya sa house nila. Saturday kase ngayon at uuwi kame sa kanila, doon ako muna magi-stay hanggang sunday ng hapon bago sabay kameng babalik sa eliazo ng gabe.


Palabas na ako ng eliazo ngayon ng makita ko si marci na nasa lobby ngayon, isang malapad na ngiti ang ibinigay nya sa kin ng magkita kame. Napakunot noo naman ako ng makita ko sya na kausap sina ponggay at deanna.



"Eto na pala si jhow jhow." si ponggay ng malingunan ako.


Wala na akong magawa pa kaya nilapitan ko na lang sila. "O-oh, marci, bakit andito ka?" then nag smile ako sa kanya.


"Eh di dinadalaw ka." diretsang sabe neto.


Di ako nakasagot kaya napangiti na lang ulit ako, napatingin din ako kina pongs at wong na tahimik na nakatingin lang sa min.


"Sabe kase nila na aalis ka daw ngayon, aalis ka ba talaga?" si marci.


"Ah oo." sagot ko. "Pero mag susupermarket muna ako,may bibilhin lang ako."


"Tara hatid na kita." aya neto sa kin.


"A-ano kase eh.....Uhm.....nakatawag na kase sila sa uber eh, di ba girls?" sabay baling ko kina pongs and wong.


"Hehehe.....Eh kase......" si ponggay na napapakamot sa ulo.


"Di ka nakatawag?!" si deanna at nahihiyang tumango naman si ponggay then nag peace sign sa kin.


Patay! sa isip isip ko. Si ponggay talaga!


"Ako na lang." mabilis na sabe ni marci. "Saang supermarket ba?"












"Akala ko ba ihahatid mo lang ako dito." tanong ko kay marci.


Nasa supermarket na kame ngayon at nag iikot na para maghanap ng mga kelangan ko mamaya para sa baking session namen ni beatriz sa house nila pero itong si marci ay nakasunod pa rin.


"Sasamahan na kita,baka marame kang bilhin. Para di kana mahirapang magdala ako na ang gagawa nyan mamaya." sabe nya sabay smile sa kin na halos wala ng mata ngayon. Parang si beatriz lang,nawawala ang mata pag masaya at nakangiti ng wagas.


( naisingit mo pa talaga ang wala eh 'no? )


Nasabe ko lang naman, kase pareho silang naniningkit lalo ang mata pag natawa or nakasmile.


( magkaiba kaya sila...... itong isa kase ay no feelings ka pero isa naman na wala ngayon ay dun ka may feel----)



"Shut up!"



"Huh?" si marci with questioning look on his face.


Napalakas kase ang pagsabe ko non tas saktong may sinasabe itong si marci kaya napatingin sya sa kin ngayon. Baka isipin nyang sya yung pinatutungkulan ko ng shut up,kelangan ko ng magandang palusot.


"S-shut up.....Ang mahal naman pala neto." sabe ko sabay pakita ko sa kanya ng hawak hawak kong bote ng wine. "Sensya na,ha. Napapasabe kase ako ng "shut up" pag nagugulat ako eh, imbes na mapamura ako ay yun ang nasasabe ko."


"Ahhh.....kala ko kase, pina tatahimik mo na ako." si marci tas napakamot sa ulo nya. "Sabihin mo sa kin pag naiirita ka na sa kadaldalan ko ha, baka di ka na natutuwa sa kin eh."


"Okay lang, ano ba?" ako sabay palo sa braso nya. "Ay, sorry.Masyado ba akong feeling close sayo?" baka mapikon kase napalo ko sya.


"Sus,wala yun." si marci. "Andito na ba lahat ng kelangan mo para sa baking session nyo ng friend mo?" pagiiba ng usapan neto.


Tiningnan ko yung listahan ko,baka kase may nakaligtaan pa ako. "Okay na, sakto na lahat."


Nakapila na kame sa counter at may 3 cart pa ang nauna sa min na nakapila ngayon. Naisipan kong i text si beatriz para i-update sya na nakapamili na ako,may afternoon class pa kase sya ngayon kaya di nya ako nasamahan mag grocery. Pagkatapos ng morning training namen ay di na kame nagkita ng maghapon, di na rin kame nakapag lunch together kase umuwi saglit ito sa house nila para dun maglunch with her family kase paalis sina tito at tita papuntang australia para umatend ng bussiness conference doon at ang sabe sa kin ni bea na baka one week na sila magtagal doon para magbonding/ magbakasyon na rin pagkatapos ng conference nila.


"Sino nga palang friend mo ang pupuntahan mo?" tanong ni marci.


"Kina bea ako tutuloy." simpleng sagot ko na di tumitingin sa kanya dahil busy ako sa kakareply sa damulag ko.


"Close kayo 'no?" si marci. "Sa buong team, sya yung pinaka close mo?" tanong pa nya.



"Yup." maikli kong sagot na panay pa rin ang kakapindot ko sa phone ko kase ayaw tumigil sa kakatext si bea, puro kalokohan at corny nyang jokes lang naman ang tini-text.


"Si bea yang ka text mo?" si marci pa rin.



Napa angat ako ng tingin sandali. "Pano mo nalaman?"



"Iba kase yung ngiti mo kanina kesa ngayong may ka text ka. And obviously, ganyang ngitian yung nakikita ko sayo pag kasama mo sya." si marci.



Di na ako nakasagot kase turn na pala namen cashier. Palabas na kame ng supermarket at tulad ng sabe netong kasama ko na sya na ang magbibitbit ng mga pinamili ko.Di naman ganong karame pero dalawang eco bag ang pinaglagyan neto.


"You want, merienda na muna tayo?" aya ni marci.


"Maybe next time na lang,ano kase eh........baka matraffic pa ko. Eh magco-commute lang ako ngayon." tanggi ko. "Sorry."


Napatango na lang si marci tas bahagyang naunang maglakad sa kin. Para naman akong nakonsensya sa pagtanggi ko sa kanya, halatang nalungkot ito pero kase pag kumain pa kame siguradong gagabihin ako neto pauwi sa house nila bea at siguradong mag aalala ang damulag na yun. Tinanggihan ko rin kase yung pag sundo nya sa kin sabe ko kaya ko namang pumunta mag isa sa kanila.


( If i know.....Ayaw mo lang pagtagpuin yung manliligaw mo at yung bff mo. )


Okay. Fine. Isa na rin yung dahilan na yun, ayokong magkita sina bea at si marci. Di ko pa kase nasasabe hanggang ngayon kay bea ang tungkol kay marci, ang pagkaka alam pa nga nya na babae itong si marci eh. Di ko na rin naman nagawa pang sabihin sa kanya na lalake ito dahil siguradong kikilatisin or baka takutin pa nga nya si marci pag nalaman nyang manliligaw ko ito kahit di pa naman ako napayag na ligawan nya ako. Ayaw paawat eh lageng bukambibig ay liligawan daw nya pa rin ako sa ayaw or sa gusto ko.


"Hatid na lang kita." si marci pagkalabas namen sa supermarket.


"Wag na, marci." ako. "Magco commute naman ako eh---"


"No. Di kita papayagang mag commute mag isa, may dala naman akong kotse eh, turo mo na lang yung daan papunta sa house ng friend mo." mariing putol neto sa kin.


"Hindi na. Nakakahiya na masyado sayo." ako.


"Manliligaw mo nga ako di ba? Kaya ginagawa ko lang yung nararapat kong gawin." si marci pa rin.


"Di ba sabe ko naman sayo na di pa pwede akong ligawan." malumanay kong paalala sa kanya.



"Pero bakit?" nakakunot noo ngayon itong kaharapan ko. "Bakit ayaw mong ligawan kita? May boyfriend ka na ba?"



"Single nga ako di ba." ako. "Hindi naman porket ayaw magpaligaw ay may boyfriend kaagad pwede namang choice ko lang yun."



"Kaya nga choice ko rin na i- pursue kita." sandaling nanahimik si marci pero nakatingin sya ng diretso sa kin.


Nailang ako kaya nag iba ako ng tingin at nagtingin tingin sa mga taxi na nagdaraan sa harapan namen.



"Jho, mahal kita." si marci na nakatingin pa rin sa kin hanggang ngayon. "Liligawan kita kase mahal na kita."



Nagpalinga linga ako sa paligid at masasabe kong marame ang tao ngayon dito sa pwesto namen at ang boses netong kasama ko ay may kalakasan pa, nakakahiya kung may makarinig pa. Kaya hinarap ko agad ang lalakeng ito.



"Marameng lugar para pag usapan yan, wag dito please." ako at kinuha sa kanya yung pinamili ko.



"Sorry." si marci. "A-akin na yan, ako na magdadala."



Akmang kukunin nya ulit pero iniiwas ko na ito sa kanya. "Kaya ko na." pero sadyang gusto nyang kunin ang dala ko kaya nakuha nya.



"Hatid na lang kita." pamimilit nya talaga.



"Marci please lang, wag ka na lang makulit." nagsisimula na akong mairita. "Ayokong magpaligaw hanggat walang go signal ng bestfriend ko.......Pwede ba yun?"



Isang puting kotse ang huminto ngayon sa tapat namen ni marci bumusina pa ito sa min kaya nagtaka ako. Wala akong maalala na kumuha ako ng uber or even sa grab para magpahatid kina bea,napatingin ako sa katabe ko pero nagkibit balikat ito sa kin.


Halos lumabas sa dibdib ko ang puso ko ng bumaba na ang may ari neto, isang naka maroon v-neck na shirt at white maong short with white rubber shoes. Naka black cup din ito tulad ng madalas nyang get up pag gumagala kame, lalong dumoble ang kaba ko ng umikot ito at lumakad palapit sa min.


"Jhoana, lets go....."
















BEA


Thank you lord at natapos din ang last class ko for today.😀 At paalis na ako para sunduin ang baby ko sa supermarket, kahit di nya alam na susunduin ko sya. Ang usapan kase namen na hihintayin ko na lang sya sa bahay namen dahil doon sya matutulog.



Namili lang sya ng mga ingredients para sa baking session namen mamaya, gusto kase nyang mag bake kase ng cake ngayon kaya support ko na lang sya, gusto ng baby ko eh.



Nangingiti ako habang nagmamaneho. "Magugulat yun for sure."
Nag text ako pero di ko sinabeng papunta na ako sa kanya, humaba na nga ang palitan namen ng convo kase medyo ma traffic pero di ako masyadong nainip dahil sa kanya.



Nasa vicinity na ako at papunta na sana ako sa parking lot ng mamataan ko si jho sa hintayan para sa mga taxi, kaya dun na ang punta ko ngayon. Ang malapad kong ngiti ay napalitan ng pagkunot noo. Meron kaseng lalakeng umaaligid sa kanya, di ko gusto yun. Kahit bawal na magpark doon ay wala na akong pelam, gusto kong ilayo dun sa lalakeng yun ang baby ko.




Bumusina ako ng ilang beses sa kanila at buti naman napansin din nila ako, lumabas ako at nilapitan ko agad. Di ko nga pinansin yung lalakeng nasa tabe lang nya eh kase di naman sya importante..




"Jhoana, lets go....." ako.



"Ah o-oo...." si jho na parang natataranta.




"Asan na yung pinamili mo?" tanong ko ng mapansin kong wala syang dala kahit ano.



"Ay oo." saka nya hinarap yung lalake na nakatayo lang sa tabe namen. "A-ano......Uhm......T-thank you."



Nag smile lang ito sa kanya saka ibinigay sa kanya yung dalawang eco bag pero bago pa mabuhat yun ni jho ay ako na ang kumuha at nagbitbit. Narinig ko pang nagpasalamat si jho dun sa lalakeng di naman katangkaran pero pamilyar sa kin yung mukha nya. Meron ng security ang lumapit sa kin para sabihing ialis na doon ang kotse ko kaya inaya ko ulit si jho.




Pinapasok ko muna sa passenger seat si jho pati na rin ang mga pinamili nya paikot ko na ako sa driverseat ng tawagin ako ng lalakeng yun.



"Excuse me?" ako at nilingon ito.



"Im Marci.....Marci Bacalla......" pakilala neto sa kin.



Lalong napakunot noo ako ng marinig ko ang name na yun. Sandaling sinulyapan ko mula sa loob ng kotse ko si jho na napapakagat labe, saka muli akong tumingin sa kausap ko.



Marci Bacalla...... yung bagong friend ni jho?.......Yung pinakilala sa kanya nila Ged at Marge?.......Yung madalas nyang kasama sa mga gala.......Na buong akala ko ay babae pero.......LALAKE PALA ITONG SI MARCI?!



"Im Bea---"



"Bea de leon." putol nya sa kin saka nagsmile. "Syempre kilala na kita. Kilalang kilala ka kaya, kahit sino kilala ka." sabe pa neto.



"Okay." ako tas nagsmile na lang sa kanya. Papasok na ako ng kotse ng tawagin nya akong muli kaya nilingon ko ulit ito.



"Alam kong close kayo ni jho....." si marci na nilapitan pa ako.



So? Gusto kong sabihin sa kanya pero di ko na ginawa pa. "Yeah, were close, i mean super close." correction ko. "As a matter of fact i am her---"



"Best friend." putol nya sa kin. Nakakahalata na ako ah, ang hilig nyang putulin ang mga sinasabe ko. "Best of friends kayo ni jhoana......"




"Ano ba talaga yung gusto mong sabihin? Kase kanina pa ako pinaaalis ng guard dito oh." naiirita na ako sa lalakeng ito.



"Sorry." si marci. "Kase sabe ni jho di raw sya tatanggap ng suitor hanggat walang pahintulot ng bestfriend nya.....Kaya sayo na ako ngayon dederekta.......Pwede ko bang ligawan si jho?........Yung bestfriend mo?"














Nakarating kame ng bahay madilim na, dahil dyan sa traffic tas dagdagan mo pa yung naubos nameng oras dahil sa marci na yun. Wala akong kibo buong byahe kahit pa panay ang kwento ni jhoana, nakikinig lang ako tas tatango lang o di kaya iiling. Nahalata na yata ni jho na wala akong sa mood ngayon kaya nanahimik din ito hanggang sa makarating nga kame sa bahay.



Tanging kame lang dalawa ngayon ang naiwan kasama sina yaya at dalawa nyang helper dito sa bahay. Wala sina mom and dad tas di rin makakauwi dito si kuya. Pagka kain namen ng dinner ay dumiretso ako sa room ko alam kong nakasunod lang sa kin si jho,hanggang ngayon kase di ko sya kinakausap.



"Beh....." si jho na katatapos lang maglinis ng katawan at tumabe sa kin sa bed.



Di ko na sya nilingon pa kase busy ako sa kakapanood sa netflix. Umusog sya palapit sa kin tas kinalabit ako, sandali ko syang sinulyapan at agad din nag focus sa pinanonood ko.



"Beatriz......" si jho at niyakap ako pa side ways. "Galit ka ba? Di mo na ako pinapansin eh tas ang cold mo pa sa kin kanina pa."



"Im just......Tired." sabe ko na lang pero ang totoo nyan naiinis ako sa kanya ngayon.



"Gusto mo massage kita beh?" si jho.



Umiling ako. "Itutulog ko na lang ito." sabe ko. Itutulog ko lang ang inis ko sayo bakasakali bukas wala na 'to.



Pinatay ko na ang pinanonood at pumuwesto na ng higa at tinalikuran ko talaga sya. Bahala sya dyan. Naramdaman ko ang paghiga din nya sa tabe ko.



"Beh, alam kong badtrip ka sa kin." panimula ni jho. "Sorry.......Bukas babalik na lang ako ng eliazo."



Napakunot noo ako ng marinig ko yun. Uuwi sya? bukas? "Wala namang nagpapauwi sayo rito." ako in malumanay tone.



"Para ka kaseng galit sa kin." si jho.



"Di ako galit, okay?" ako. Inis lang.



"Pero ang cold mo naman." si jho. "Di ako sanay na ganyan ka sa kin."



Umupo ako sa pagkakahiga ko. "Naiinis ako sayo." sabe ko.



Umupo rin si jho. "D-dahil ba kay---"



"Bakit di mo sinabe sa kin na lalake pala yung marci na yun?" ako tas nilingon ko sya sa tabe ko. "Buong akala ko na yung bago mong friend ay babae." tas sarcastic na natawa. "Ang tanga ko lang kase di ko naisip na baka lalake yung bago mong friend, sabagay marci kase yung name nya, ang lakas lang maka babae."



"Eh ano naman kung lalake si marci, wala namang masama akong nakikita ---"



"Oo nga. Wala namang masama talaga eh. Ang point ko ay di mo man lang sinabe sa kin ang totoo, ilang beses ko kaya syang tinatanong sayo di ba?" ako na naiinis na talaga.




"Ipapakilala ko naman talaga sayo kaso masyado tayong busy both sa acads at sa training kaya wala lang akong mahanap na time para makilala mo sya."



"Okay given na yung were both busy sa pagiging student-athlete naten pero sana man lang beh, sana man lang kahit pahapyaw lang sinabe mo na yung bago mong friend ay lalake pala at hindi babae tulad ng iniisip ko di ba." nagsisimula ng tumaas ang boses ko. "Alam mo, marame kang chance para sabihin sa kin 'to pero mas pinili mong wag na lang para ano jho, para gulatin ako tulad kanina?"



Tumayo ako sa bed, gusto kong magkaroon muna kame ng space ngayon. Gusto kong makita ang reaksyon nya.




"Di naman sa ganon beh---"



"Ganon yun jho." mariin kong correction sa kanya. "Tapos ano? Ako talaga ang pinangsangkalan mo sa kanya na kesyo ayaw mong magpaligaw sa kanya hanggat walang pahintulot ko---"




"Dahil yun ang gusto kong mangyare." mataas na rin ang boses nya. "Ikaw yung kaisa isang taong malapit sa kin, kaisa isang taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra sobra kaya nga ikaw din ang gusto kong magdesisyon pagdating sa mga ganto."




AKO?! Bakit ako?!



"Bakit susundin mo ba pag sinabe kong ayoko sa kanya? Ayokong maligawan ka nya or kahit na sino? Gagawin mo?" panghahamon ko sa kanya.



Tumayo rin sya tas lumapit sa kin. "Yun ba ang gusto mo?" si jho na mababa na ang boses ngayon.



Di ko alam kung o-oo ba ako or hindi. Nakatingin lang ako sa kanya at ganundin sya sa kin.



"Yun ba ang gusto mo?" ulit nya. "Kung yun ang gusto mo eh di......Susundin ko......"



Tama ba yung pagkakarinig ko? Susundin nya ako?




"Kung ayaw mo akong maligawan, sasabihin ko kay marci---"



"Gusto ko." putol ko tas napabuntong hininga. "G-gusto kong maging masaya ka, ayoko namang maging single ka na lang dahil lang sa ayokong maligawan ka." tumingin ako ng diretso sa kanya. "Jho, marameng magkakagusto sayo sure yan, ang tanging magagawa ko na lang ay suportahan ka kung sino man yung maswerteng lalakeng yun na magugustuhan mo rin."



Bakit parang biglang lumungkot ang mata nya?


"Sure ka?" si jho.



Tumango ako. "Oo naman. Bestfriend mo ko di ba kaya support lang ako sayo.........Kung saan ka masaya doon ako." tas isang pilit na smile ang ibinigay ko sa kanya.


Shit! Ang sakit naman! Napakasinungaling ko.














Ngayon namen gagawin yung pinlano nameng pag bake ng cake na dapat ay kahapon kaso di na natuloy kase ginabe na kame ng uwi tas nagkaroon pa kame ng onteng pagtatalo.



Pero mukhang okay na kame ng baby ko, naunang nagising si jho sa ming dalawa yun naman pala para magluto ng breakfast namen. Dinala nya pa ito sa kwarto ko kaya ang drama namen ngayon ay breakfast in bed, kinikilig ako ng lihim kase first time na may gumawa sa kin ng ganto. At talagang nakakapag pasaya ng araw ang ginawa ng baby ko, bawing bawi na sya sa di pagsabe sa kin yung tungkol kay marci.



Mabilis kong inalis sa isipan ko yung dahilan kung bakit kame nagtalo kagabe, maganda ang simula ng araw ko at ayokong masira yun dahil lang sa lalakeng yun.



"Ligo ka na." si jho pagkatapos nyang iligpit yung pinagkainan namen.



"Ang aga pa kaya." reklamo ko tas muling nahiga.



"Oi, tumayo ka nga." sita nya sa kin pero dumapa pa ako sa bed ko. "9:00 am na po kaya, magbe-bake pa tayo ng cake."



"Mamayang hapon na lang, beh." reklamo ko. Gusto ko pang matulog eh.



"Babalik na kaya tayo sa eliazo mamaya, nukaba?" si jho. "Ito lang yung time naten for baking."



Pero lalo ko lang sinubsob yung mukha ko sa unan at pumikit. Tinatamad talaga akong tumayo guys.



"Di mo ba ako tutulungang mag bake?" si jho pa rin pero di na ako umimik. "Nagpromise ka kaya sa kin na tutulungan mo akong mag bake."



"Di naman kase ako marunong di ba, si mommy ang hustler pag dating dun." sabe ko.



"Kaya nga sabay nateng gawin yung di pa nateng nagagawa." pamimilit ni jho tas naramdaman ko ang pagupo neto sa tabe ko. "Gusto ko ikaw yung kasama ko sa mga ilang "first time" kong gagawin....."



Napadilat ako ng marinig ko yun, gusto nyang magkasama kame sa mga di pa nya nararanasang gawin? Napangiti ako tas biglang nakaramdam ako ng kilig.



"Pero kung ayaw mo....." tas naramdaman kong pag tayo nya sa tabe ko.



Mabilis kong hinawakan ang kamay nya para di na makalayo pa. " Sinong may sabeng ayaw ko?" tas tumayo na ako. "Give me 15 minutes para makapag ayos, mauna ka na sa kitchen i-aassist ka nila yaya para sa mga gagamitin naten dyan sa baking session naten." ako tas nag wiggle ng kilay.




Inabot na kame ng tanghalian pero hanggang ngayon ay di pa rin namen tapos yung chocolate cake namen. Tumingin na nga kame sa internet para malaman namen kung pano, ayos naman sana kaya itong baby ko di pa rin satisfied sa gawa namen. Panay nga tikim tas tanong sa kin.




"Beh....Di sya masarap." reklamo ni jho. "Ginawa naman naten yung instruction pero ba't ganon?....."




"Nukaba? First time lang naman nateng mag bake kaya pwede na yan." sabe ko tas hinubad na yung afron.




Muling dumutdut si jho sa ginawa nameng icing tas tinikman ulit. "Ihhh......Bakit si tita det, ang sarap nyang mag bake?" tas napapadyak pa.



"Malamang, matagal na nyang ginagawa yun 'no. Saka sabe ko naman sayo na master na yan ni mom." ako.




"Sana talaga andito si tita para i-supervised tayo." si jho na nagkanda haba ang nguso.




Di kase namen na meet yung dapat na lasa ng icing namen, eh sumunod naman kame sa instruction kontodo bantay pa kame sa oven para di masunog yung tinapay pero sa icing nagkatalo talaga buti na lang talaga di pa namen inilalagay sa chuvon. Tinikman muma ni jho kaya nalaman nyang di masarap daw yung gawa namen.




"Ayoko na." biglang sabe neto tas inalis yung afron nya. "Sayang lang yung perang nagastos, di naman masarap. Pano naten bibigyan ang team kung ganyan ang lasa nyan?" naiinis na sabe ni jho.




Lumapit ako sa kanya. "Ano ba kase ang lasa?" pati ako na cucurious na kung anong lasa yung ginawa namen.

Muling dinutdut ni jho ang isa nyang daliri sa gawa nameng icing, eh sa tinatamad akong dumutdut din doon kaya yung daliri na lang nya na merong icing ang isinubo ko.




"Hmmm....." ako habang ninanamnam ko pa sa bibig ko ang lasa ng icing ni jho....I mean yung gawa ni jho......na icing.....hehehe.....😅. Ano ba kaseng pinagsasabe ko?




Medyo may pagka mapait nga sya..... at parang.......may mali, bukod dun sa lasa. Napatingin ako kay jho na di na nakilos sa kinatatayuan nya habang nakatingin pa rin sa kin. Saka ko lang napagtanto na nakasubo pa rin pa pala yung daliri nya sa kin.




OH SHIT! Napamura ako sa isipan ko.



Agad kong tinanggal yun at gumawa ng space sa pagitan namen pero di naman ganon kalayo. Ang tanga mo bea! Ano ba ang pumasok sa isipan mo at ginawa mo yun? Nakakahiya kay jho. Nabastos mo sya!




Alanganin akong tumingin sa kanya pero napansin kong namumula ito. "Ehem...." tikhim ko. "D-di naman ganon kasama yung lasa." sabe ko saka dumutdut sa icing at muli kong tinikman pero this time yung daliri ko na yung ginamit ko. "Mapait pait nga lang pero may tamis din naman." sabe ko.




Naging matahimik ang kusina ng ilang minuto, bigla akong nailang. Gusto kong batukan ang sarili ko kase sa katangahan na ginawa ko kanina. Nakakahiya talaga kay jhoana. Bakit ba naisip kong dun ko tikman sa daliri nya yung icing? Eh pwede namang gumamit ng kutsara, eh pwede din naman yung daliri ko na lang!  Di ako nakapagisip ng maayos dun, eh may sarili naman akong daliri.



(Humokage ka lang eh....)




HINDI AH! Promise guys di ako humokage doon or nagbreezy moves man lang basta nangyare lang na di ko pinag isipan, huhuhu.....





Yare ako neto kay kumander, di na sya nagsasalita. Panigurado galit sa kin 'to dahil sa kabastusan kong ginawa.































JHO

Di ako nakakibo at lalong di man lang ako nakakilos ng gawin nya yun. Nasa sala na ako at hinihintay na lang ang pag baba ni bea at pabalik na kame sa ateneo ngayon.




Ilang oras na ang nakalipas ng mangyare yung.........pagsubo nya ng daliri ko. Shocks! di maalis sa isipan ko yung moment na yun. Nagulat ako ng gawin nya yun, napatanga na nga lang ako at di nakakilos, di rin ako nakapag reklamo sa kanya man lang basta ang tanging alam ko lang ay biglang nag stop ang pag ikot ng mundo ko at ang paglakas at pagbilis ng tibok ng puso ko. Alam kong namula rin ako, ramdam ko yun.




"Uhm.....Lets go?"




Napatingala ako ng marinig ko ang boses na yun. Sandali kameng nagkatinginan at masasabe kong di na naging normal ang tibok ng puso ko matapos yung nangyare kanina.





"Tara na, baka maipit na naman tayo sa traffic nyan." si bea at umiwas ng tingin.




"Ah....O-oo....." ako at tumayo na. Bibitbitin ko na sana yung bag ko ng unahan ako ni bea.




"Ako na." sabe nya saka isinukbit sa balikat nya. Nagpatiuna syang lumabas pero ako mej may katagalan pa akong nakatayo bago ako sumunod lumabas.





Papalabas pa lang ako ng maabutan ko si bea na hinaharot si george,andun din si yaya na hinabol pala yung aso kase nakawala.Napapangiti ako sa kinatatayuan habang pinanonood ko sina bea at george na halatang namiss ang isat isa. Narinig ko pang naghabilin si bea sa yaya nya, at puro tango at oo ang naririnig kong sagot naman neto.





Kung di pa ako nalingunan ni yaya ay di pa ako nalapit sa kanila, ng makita naman ako ni george ay sa kin naman ito lumapit at dinamba dambahan kaya umupo rin ako sa tabe ni bea at hinarot harot din ang aso.





Hinihimas himas ko din ang tyan neto tulad ng ginagawa ni bea, sa kakahimas namen ay nagsanggaan hanggang sa magpatong na ang mga kamay namen. Nagkatinginan, ang puso kong di mawala wala ang gantong kaba ay lalong dumagundong at libu libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy ngayon sa katawan ko pero di ko magawang ialis yun doon.




Kung di pa tumikhim si yaya ay di pa kame mag aalis ng tingin sa isat isa, nagpaalam na rin kame dahil pa gabe na naman. Naging tahimik ang byahe namen, ang awkward lang ng katahimikan kaya nagpatugtog ako ng mga songs ko sa playlist ko.





Pakanta kanta pa ako sa umpisa pero nung tumugtog na yung BLINDED ng kithara ay natahimik na ako. Maganda yung song na 'to kaya nilagay ko na sa playlist ko, ang lakas lang maka inlove neto. 😍


Mas pinili kong wag ng sabayan pa yung song kase baka masira pa  lam nyo na mga bes jho-sa lang ako pero hindi singer, hehehe.....
At dahil nga isa ito sa nakaka inlove na song para sa kin ay sinabayan ko rin......sa isipan ko nga lang.😁




Napapikit pa ako at isinandal ko ang ulo ko sa upuan, ang sarap namnamin ng song. Lalo na dun sa favorite kong stanza ng song,hays......Ang sarap ma inlove.




some thing inside me is beating, butterflies sing
thats what you bring, and you make my day overwhelming
just by smiling and now im smiling......




( ang ganda nga girl.....Nakakainlove sya.......)



Di ba?



"When you look at me, i was blinded, i was foolishly over my head, i wish you could see whats in my head, it is you i need to be here with me....."



Napadilat ako at napalingon sa katabe ko at tama ako mahina nyang sinasabayan yung song habang focus sa daan, pero sapat na para marinig ko.



"Alam mo yung song?" tanong ko.



Sandali nya akong sinulyapan. "Huh-huh." sabay tango.



"Paborito mo rin sila?" tanong ko ulit at tango ulit ang sagot nya. "Kala ko ba di ka mahilig sa OPM?"



"Sakto lang." si bea na focus sa pagmamaneho. " I mean meron akong ilang mga OPM song sa playlist ko pero pili lang, isa na yung mga song ng kithara. Actually si kuya yung dahilan kung bakit nakilala ko ang music ng kithara, sya muna yung naging avid fan ng banda bago ako." kwento pa nya.



Si kuya loel pala ang may sala eh. "Aminin mo beh, magaganda yung mga songs nila di ba?" ako at inulit ko pa yung song. Ang ganda kase eh....😅




"Yah.....bihira lang ako magandahan sa opm songs kaya masasabe kong maganda talaga." si bea tas bahagyang nag smile na.




"Sa mga songs nila, ano yung pinaka paborito mo?" tanong ko tas bahagyang humarap sa kanya.




Halatang nag isip ang damulag dahil natahimik tas may pagtaas pa ng mata at pag labe. "My world is your love." sagot nya.



"Talaga?!" ako. "Parehas tayo beh! Yun din yung pinakafavorite ko! Nakaka inlove 'no? Siguro pag may kumanta sa kin nun ay naku.....Ay naku lang....." sabe ko tas may pa clap pa sa ere.



"Bakit? Gusto mo yung kinakantahan ka?" si bea. "Pano kung.....di maganda yung boses nung kakanta sayo?"

Napa isip ako. "Ay hamo na yung boses basta ba yung taong gusto ko yung kakanta sa kin eh keri na." tas kinilig ako. "Ngayon pa lang kinikilig na ako."



Napatango na lang ang "driver" ko. "Marame rin silang mga hugot song ah, yung makadurog puso." pag iiba ni bea ng topic.



"Ay oo! pero di ko masyadong pinakikinggan kase ayokong ma badvibes ako saka di naman ako heartbroken kaya yung mga gantong music ang gusto ko.....Ang sarap lang mainlove....."



"Yeah.....Ang sarap nga mainlove...." si bea tas nag smile ulit.




"Wait." ako. "Kahapon ko pa gustong itanong sayo, bakit iba na yung kulay ng baby mo?"




Yung kotse nya kase, kulay puti na ang ginagamit nya. Simula pa lang kahapon nung sinurprise sundo nya ako sa supermarket, di ko nga alam na sya pala yung may ari neto kung di pa sya lumabas ng kotse nya. Nakasanayan ko kase yung black BMW nya ang gamit nya although BMW din naman ito yun nga lang white na sya.



"Pina-palitan mo sya ng kulay?" ako na di makapaniwala.



"Di ko sya pinapalitan ng kulay ah." si bea na di mapigilan ang pagtawa. "It was a gift. Si dad, binilhan nya ako kahapon kaya umuwi ako sa bahay para kunin ito."



"Wow. Rich kid talaga ang beh-stfriend ko." tukso ko pero nailing lang si beatriz sa sinabe ko. "Pero asan na yung dati mong kotse?"
Lalong lumapad ang ngitian neto habang nagmamaneho. "Huy! asan na yung BABY mo ngayon?"







Nilingon muna ako. "Katabe ko." sabay kindat.































































































Continue Reading

You'll Also Like

618K 37.7K 102
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
2.2M 115K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
1.1M 49K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
246K 9.9K 60
𝗜𝗡 𝗪𝗛𝗜𝗖𝗛 noura denoire is the first female f1 driver in 𝗗𝗘𝗖𝗔𝗗𝗘𝗦 OR 𝗜𝗡 𝗪𝗛𝗜𝗖𝗛 noura denoire and charle...