Haywired

By PitchNight

37.8K 1.1K 250

An Arcella Series Ruth Christie Melchor She fell for her best friend. What a cliche situation pero nangyari... More

Haywired
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Afterword
Author's Note
The Gallant Proposal

Chapter 17

599 20 5
By PitchNight

Okay

Namilog ang mata ko sa kanyang tanong. "Score? Wala!"

He tsked. "Then, is being with him for excursion part of your boss-employee relationship?" His brows shot up and he stared at me skeptically.

"Hindi lang naman kaming dalawa. Engineer Franco will be with us in the next few days," I explained.

Totoo ang sinabi ko sa kanya pero hindi naaalis sa kanya ang pagdududa.

"Swear, Luke!" Itinaas ko pa ang aking kanang kamay.

Dinilaan niya ang kanyang labi at napailing na lang. Medyo gumulo ang buhok ko sa biglaang pag-ihip ng hangin.

"I've told you, Ruth. He's a playboy. He may have plans to use you!"

Nalito ako sa pinangsasabi niya. "Use me for what?"

Napasabunot na lang siya ng kanyang buhok dahil sa aking pagiging slow.

Mariin siyang napapikit bago nagsalita. "Use you for his satisfaction!"

"Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Jai," pagtatanggol ko kay Jai.

He groaned at me. Inis na inis dahil pinagtanggol ko si Jai.

Hindi kaya...

"Nagseselos ka ba?" Nasabi ko na rin.

Ngumuso siya at hindi man lang tumingin sa akin. Iniwas niya ang tingin at tumingala sa madilim na kalangitan. Hinihintay na mahulog ang unang patak ng nyebe sa kanya.

"Lucas, nagseselos ka ba?" Ulit ko.

Umiling siya. His lips curled into a bitter smile. "How ironic! You once wanted my... our attention, rather. Now that I'm trying to give it to you, doon ka naman umiwas."

"Hindi ako umiiwas..."

"Maybe, you're right," binaling niya ang tingin sa akin. "I'm jealous."

Napalunok ako. Tila ba may isang malaking bara na nasa lalamunan ko. Sa oras na kinumpirma niya sa akin na nagseselos nga siya, unti-unti ring umiba pinapakita niya sa kanyang mga mata. It isn't anger nor softness but sadness. Parang biglang kinurot ang puso ko. I felt like everything in me just crashed down.

"Nagseselos nga talaga ako," pagpapatuloy niya. "Nagseselos ako sa trabaho mo."

He looked at me with soulful eyes. And for some reasons, I just felt my heart raced.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakadama ng guilt. I should not be guilty. Anong masama sa paghahabol ng pangarap at sa pagbubuti sa trabaho?

"Lucas, you of all people should understand," I said. "Alam mo kung ano ang trabaho. Kung paano maging busy at parang wala ka nang oras para sa ibang bagay. Nasabi ko nga noon na nagtampo ako dahil hindi na tayo masyadong nagkikita at nabubuo na ang gap sa pagitan natin. I did not mean to say it to you. Sadyang lasing ako noong gabing 'yon. Luke, kung di ako lasing hindi ko naman sasabihin 'yon. Iintindihin ko kayo ni Kaye kahit hindi ko kayo lubos na maintindihan. Pero, Luke, naiintindihan ko na, ngayon. I finally realized that we will take our own paths. Na hindi na tayo tulad noon. Ngayon, hindi lang sa ating pagkakaibigan at studies umiikot ang buhay natin. We have changed our priorities and that priority is chasing our own dreams. Sinuportahan ko kayo ni Kaye sa gusto niyo. I never stopped you from doing what you want. Sana naman suportahan mo rin ako."

"Sinusuportahan kita, Ruth," aniya.

"Sinusuportahan?" Pinandilatan ko siya. "Kung sinuportahan mo ako, sana inisip mo man lang kung ano ang magiging tingin sa'kin ni Jai matapos mong gawin 'yon."

The breeze turned colder and colder. Kanina pa ako nilalamig kahit may suot naman akong jacket.

He sighed and removed his scarf.

He put his scarf around my neck and he smiled weakly. "Isipin mo na ang gusto mong isipin, Ruth. I'm just concerned. And... I hope you enjoy Jai's company."

His last six words was laced with sarcasm.

Tinalikuran niya na ako at umalis. I wasn't able to utter a single word. Instead, I watched him walk away. Na-guilty ako dahil pinagalitan ko siya.

Napabuntong-hininga ako. Tama ba talagang pinagalitan ko siya?

Napabuntong-hininga ako at pumasok na ako sa hotel at wala sa sariling  pumasok sa lift. Napahilamos ako ng mukha.

Naramdaman ba ni Luke ang naramdaman ko noon? It was really pretty childish. Naiintindihan ko na rin ang inis ni Lucas noong nagpahiya-hiya ako sa birthday ni Rio.

We may have different traits as best of friends. Kaye loves fashion. Luke is dedicated to business. I pursue architecture. Ngunit, isang ugali ang magkapareho kami. We're all impulsive and driven by sensibility.

Napadpad ako sa harap nang kwarto ni Jai. Nagdadalawang-isip kong kinatok ng tatlong beses ang pinto.

"Jai, are you there?"

Ilang segundo ay bumukas ang pinto.

"Ruth, magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas," namamaos niyang sinambit. Kalmado ang kanyang mukha. Though, he looks like he's undergoing distress.

"Sorry, Jai..." Napayuko ako sa hiya.

Pilit siyang ngumiti. "Wala 'yon, Ruth. Luke can be hot-tempered. I understand that he just cared for you so much. Rest now. Good night."

"Good night." I returned the smile.

Dahan-dahan niyang sinarado ang pinto. I waited for the click before proceeding to my room.

Naabutan ko si Architect Aqi, nag-iimpake.

"Architect..."

"Call me Aqi, Ruth," aniya.

"Aqi, aalis ka bukas?"

"Wala akong rasong manatili pa. Huling araw ko na 'to para sa LaVega," sagot niya.

"Bakit?"

"I decided to work somewhere else. Mas malaki ang opportunidad kaya sinunggaban ko na lang," aniya.

Kaya nang mag-umaga ay hinatid namin si Architect Aqi sa airport. Jai looks even more stressed. Unang pagkakataon kong nakita siyang ganito ka tamlay.

Nagdesisyon kaming mag-almusal sa isang restaurant bago tumulak na para maglibot sa Milan.

Maraming mas engrande, sopistikada at magagandang disenyo at arkitekto pa akong nakita maliban sa pinuntahan naming Golden Quadrilateral at Doumo di Milano. We visited some historic place and museums too. The designs were really impressive but I just can't imagine it to be the design of FestiveParade.

Nakakuha lamang ako ng ideya nang napadpad kami sa huling destinasyon namin sa paglilibot dito sa Milan.

I quickly took a picture like I always do when we visit the preceding places.

It was geometrically designed with large, vertical, rectangular windows. With intricate designs.

"Ano'ng tawag dito?" Tanong ko kay Jai.

"Palazzo Castiglioni," tugon ni Jai. "Ito na ba ang gagawin mo sa FestiveParade?"

Tumulis ang aking labi. I can imagine Lucas looking at me with bored expression while saying 'Too grand.'

"Art Nouveau would not past Luke's taste," I stated.

"Then downgrade it," Jai suggested. "Just reduce putting some intricate sculptures. Focus more on its geometric designs."

Ideas suddenly flooded my mind. Kung alam ko lang na dito nga talaga ako makakakuha ng inspirasyon sana pinaaga ko na lang paglipad ko rito!

Akalain mo sa isang araw may natapos na agad akong disenyo.

"Here's the propose design for FestiveParade. Engineer Jairus dela Vega has already approved and it will only need your approval before we present it finally to the board," I said in front of Lucas.

Mariin ang pagtingin sa akin ni Lucas. Tila ba sinusuri ako ng mabuti. Hinahanapan ng butas. Siya lang ang kaharap ko ngayon pero ramdam ko ang kaba. Paano pa kaya kung isang panel ng businessmen ang kaharap ko?

Huminga ako ng malalim bago magpatuloy. I want to present my work professionally. Mag e-effort ako at tuturingin ko si Lucas bilang isang kliyente at hindi kaibigan. Natuto na akong ibahin ang personal sa trabaho. He's my best friend but right now, he's a client. Saka, praktis na'to kung ipiprisinta ko na 'to sa board of directors.

"As you said, FestiveParade will serve as a facade for MegaWorld. Therefore we have to make it attractive to the people. It has to look fresh and new to the people," ani ko.

Pinakita ko gamit ang laptop ang magiging disenyo ng FestiveParade. "This will be my proposed design for FestiveParade. It is not as grand and intricate compared to what I've seen in Milan but it is very fresh in the eyes of the people. I actually inspired the design from Palazzo Castiglioni which  adapted Art Nouveau as his architectural style."

"This is nothing like Palazzo," Lucas commented.

Nagtiim-baga ako. "Wala naman talagang pagkakahawig sa Palazzo Castiglioni. Ang sabi ko inspired lang hindi ko ginaya." Tumuwid ako sa pagkaka-upo bago magpatuloy. "As I have said, I was inspired by Palazzo but I know you won't prefer super exquisite designs. I decided to downgrade it into Art Deco. As you see, it has turned into a French style of architecture."

Natapos ako sa pagsasalita at nahuli ko si Lucas na malagkit ang titig sa'kin.

"What?" I asked, obliviously.

Binaling niya sa laptop ang tingin niya. "Wala. Nakakapanibagong makita ka sa ganyang suot."

Jusko! I'm trying to be professional here tapos ganoon 'yung pinagsasabi niya?

I wore a body-hugging black turtle-neck dress. I start to wear maxi dress, slacks and all those office attires when going to work. Ngayon lang naging pikit ang damit ko dahil hinablot ko lang talaga ito sa closet. Ikaw ba namang muntikang ma-late!

Nevertheless, I did not really dwell on what he said.

Napatikhim ako. "So, how is this design? Should I make some modifications?" I asked.

"No. This is more than good," he answered.

Napangiti ako. Masaya ako dahil nakapasa na sa kanya ang disenyo ko. Hindi ko inakalang sa lahat ng tao, mismong kaibigan mo pa pala ang kay hirap e-please.

"Anyway, have you seen my proposed design for Plazure?" Tanong ko.

I sent it to him via e-mail when I was in Italy. May mga caption na 'yon ang eksplenasyon para wala na siyang masyadong tanong.

Tumango siya. "I have already approved on one of those. I'll tell my secretary to send it to you."

"Alright, then. That's all. Jai and I will start to work on the materials, proposed budget and the site. After that, the construction will immediately follow," I said.

"Okay," matipid niyang tugon.

Umalis na siya palabas ng silid. We acted like nothing happened between us. He still remained as my client. Ang tanong, nagtampo ba siya sa'kin bilang kaibigan?

🏙️

Luh! Nagkalabuan na!

Enjoy reading!

Continue Reading

You'll Also Like

444K 10.2K 36
QUARTET SERIES #2 Lavender fontanilla ~ Lavender needs to find a wife to fulfill his grandfather's wish para makuha ang mana niya. Wala naman siyang...
103K 1.8K 46
[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #5: Cristine Lauren When she thought they were never meant to be together, she made their own destiny. She left him...
615K 11.6K 37
Jeannie and Jean Rose share the same face but are both total opposites in character. Kaya laking gulat na lang ni Jeannie ng nag-ala Julia Roberts a...