100 Steps To His Heart [Publi...

Door Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... Meer

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[42] Bati na tayo, Mico.

189K 3.6K 1.9K
Door Girlinlove

Chapter 42

Hope’s POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay nina Venice. Papasok na ako sa subdivision nila. Tutulungan niya kasi akong magrecord ng composition project ko kay Miss Inigo dahil meron daw silang recording room sa bahay nila.

Habang naglalakad tulala ako, lutang ang isip ko. Matagal ko ng pinapanalangin na sana one day mapuno na lang ang utak ko at hindi siya puro hangin, pero hindi ganito ang gusto kong mangyari! Punong puno na ang utak ko!

Una sa lahat, mahal daw ako ni Mico. Hindi ko alam kung saan niya nahugot yun pero bakit naman niya ako mamahalin?! Ni hindi ko maisip kung anong pwedeng dahilan o kung kailan pwedeng magsimula. Wala talaga akong idea! Pag magkasama naman kami wala na siyang ginawa kung hindi ang asarin ko, so saan napasok doon yung nainlove siya sa akin?!

Pangalawa, niloloko lang daw ako ni Enzo. Bakit naman sasabihin ni Mico yun? Alam kong minsan hibang siya pero alam ko namang hindi na aabot sa paninira niya kay Enzo! Bestfriends sila at alam ko namang hindi gagawin yun ni Mico para lang makuha ako. Pero kung ganun nga… Sa paanong paraan ako niloloko ni Enzo? Okay sige hindi siya nag I love you pero nag I love you na ba ako? Okay sige, sa utak ko maraming beses na, pero sapat na ba yung batayan para sabihin na niloloko niya ako? Kapag ba hindi nag ‘I love you’ hindi ka na agad mahal? Hindi ba dapat action speaks louder than words?

Pangatlo, alam kong sumobra ako sa sinabi ko kay Mico noong huli kaming nagusap. Alam kong mali na sabihing hindi ko siya pwedeng mahalin. Utang na loob naman Hope, kailan pa tumaas ang tingin mo sa sarili mo at ikaw pa mismo ang nagsabi noon kay Mico? Minsan talaga narerealize ko na mahina talaga ang ulo ko eh. Pero kasi… sumobra din siya noong pinilit niya na niloloko lang ako ni Enzo. Bakit? Ganoon na ba ang tingin niya sa akin? Sobrang hindi deserving ng love ni Enzo? Ganun?

Ayoko ng magisip. Lord, gusto ko lang po ng matinong lovelife. Yung pagkagising ko sa umaga nakangiti ako at pagtulog ko sa gabi nakangiti pa rin ako. Yun lang po.

*doorbell*

“Hope! Hi! Come in!” Bati sa akin ni Venice. Nakapambahay siya na dress pero bakit ganoon? Parang aalis pa rin siya sa bahay? Kailan ba ako hindi mastastarstruck kay Venice?

Pumasok ako sa kanila at bigla akong sinalubong ng hug ni… Sino pa ba?

“LOVE! Hello! I miss you.” Oo, si Bryle. Haay. Minsan iniisip ko kahit makulit ‘to, at least siya yung hindi sumasakit ang ulo ko. Yung dalawang kaibigan niya kasi masarap paguntugin eh.

“Sorry Hope, hindi kita nasabihan kay Bryle. Bigla bigla kasing nangraraid ng house eh.” Sabi ni Venice sabay tingin kay Bryle. Si Bryle naman biglang kumindat kay Venice. Anak ng! Noong una cute sila eh, ngayon nakakainggit na lang eh. Lalo na’t magulo ang lovelife ko.

“V wag masyadong ganyan, baka magselos si Love ko. Tandaan mo, ito ang kauna unahang babaeng nangreject sa akin kaya special ‘to.” Sabi ni Bryle, napangiti na lang si Venice tapos sabay hinila ako kay Bryle na kulang na lang wag ako pahingahin sa higpit ng yakap.

“Let’s go, Hope. Magrecord na muna tayo. Manggugulo lang ang isang bata diyan.”

“No way, V! I’m here to listen to Love’s voice. You’re singing right?” tanong sa akin ni Bryle. Ako? Kakanta? Kung may choice ako ayoko pa sanang magunaw ang mundo, pero ginusto ni Ma’am Ira ‘to eh.

Nagpunta na nga kami sa recording room nila na mukhang kulang na lang producer at album at magmumukhang singer ang taong kahit papasok lang dito. Bakit ang yaman nila?! Saan nanggagaling ang pera?!

“So, Hope. Shall we record? Are you going to do everything?” tanong ni Venice.

“Kaya kong magitara, pwede ko bang hiramin yung gitara mo?” Nagnod naman siya. Hiniram ko yung gitara niya, tinono, pinractice ng onti at pagkatapos noon sinabi niya sa akin na pumasok na ako sa recording room. Okay, Hope this is it.

**

“Wow, Love! Hindi mo naman nasabi na maganda pala ang boses mo? My god, lalo tuloy akong nasasaktan sa pagreject mo sa akin dati.” Biro ni Bryle. Napangiti lang ako.

“Anything wrong, Hope? You seem… I don’t know, sad? Unfocused? Distracted?” Ano ba yun nakuha niya agad. Napabuntong hininga na lang ako, nagtinginan naman yung BV Couple.

“Love, is this about Gutierrez?” Biglang pasok naman ni Bryle. Si Enzo? Partly. Maya maya biglang si Venice naman ang nagbuntong hininga.

“I can’t do this anymore. Hope has the right to know.” Biglang sinabi ni Venice kay Bryle. Tumitig lang si Bryle kay Venice at matapos ang tatlong minute ng pagiisip, nagnod na siya. Ano ba ‘to?

“Hope, you have to know something. I know I don’t have any right to tell you this, but I’m a concerned friend and I don’t want to see you this way.”

Ano bang nangyayari? Ano ba ‘to? Sabihin niyo na lang. Natetense na ako!

“Hope, I hate seeing you pushing Enzo and Eula together. I know you’re innocent and you’re just being nice. I get it that you don’t want them to be awkward with each other anymore, but you don’t have to do this. You shouldn’t do this, actually.”

“Bakit?” Napabuntong hininga na naman si Venice. Tinabihan na siya ni Bryle tapos hinahawak hawakan lang ang buhok niya. Napangiti ako, hindi sila yung couple na PDA pero alam mo yung konting galaw lang ni Bryle o ni Venice malalaman mo na nagcacare sila para sa isa’t isa? Gusto ko yung ganoon.

“Hope, Enzo and Eula are more than childhood friends.”

Napahawak naman ako bigla sa upuan ko. Tama ba ‘tong narinig ko? Kung hindi lang sila ‘friends’ eh ano pang mayroon sila?

Ano pang mayroon sila, bukod sa parehas ng hobbies at kilala nila ang family ng isa’t isa, ang wala kami ni Enzo?

“Remember Enzo’s story? He got sick when he was a kid right? That’s because of Eula.” Dahil kay Eula?! Anong ginawa ni Eula?!

“They were close friends. Inseparable. Where Enzo is, Eula will be there and vice versa. That’s how close they were. Of course we were kids, around 8 or 9 that time so we didn’t know how ‘love’ works, neither do we know anything about relationships, so hindi ko masabi na they had a ‘relationship’ but you get the idea. Later on, we found out that Eula was Enzo’s first love.”

Boom first love. Sakit.

Grabe, Hope ang tanga tanga mo. Hindi mo napansin yun? Hindi mo man lang naisip yun? Na kaya sila awkward? Tapos anong ginawa mo? Pinaglapit mo pa sila?

“Enzo was super dependent kay Eula. Hindi siya tumatagal ng ilang oras ng hindi kinakausap si Eula or ng hindi katabi si Eula. Gusto ni Enzo nandiyan lang si Eula. They were always together, as I said. Sa room magkatabi, everytime we go out if there’s no Eula, there’s no Enzo. Their families are so close kasi they go out together and spend holidays together. Of course we were all close, but they were closer.”

Gusto ko pa bang marinig ‘to? Akala ko masakit na yung kay Venice dati? Ngayon may Eula pa pala. Tapos ako pa ang nagagawa ng way para mapaglapit sila.

“Until the incident happened.” Incident? Anong incident? “When we were I think 11 or 12 years old? Eula suddenly left Enzo. She migrated sa United States without even telling Enzo, without even warning him. Then ayun, doon na nangyari yung sakit ni Enzo. Hindi ko alam exactly kung anong nangyari kay Enzo but yung pagalis ni Eula affected him kaya hindi ba super lala ng sakit ni Enzo before na halos natakot kami na baka hindi na siya makapagsalita?”

Konting konti na lang manglalambot na ako at mahuhulog sa kinauupuan ko.

“So, Hope… I’m just warning you. I know Enzo courts you right now, but you have to be careful. Eula was a special girl for Enzo. Don’t let your guard down. I mean… I was Eula’s friend, but I think what he did to Enzo before was unfair and right now mas may right ka na kay Enzo. So fight for him, okay Hope? He has always been your dream guy right? Fight for Enzo, Hope. Don’t let Eula take him away from you.”

Thank you, Venice. Thank you sa pagkampi sa akin. Tiningnan ko lang si Bryle tapos nagsmile siya and naramdaman ko naman yung sincerity sa mata niya. Hay naku, mahal na mahal ko talaga ang couple na ‘to.

Niyakap naman ako ni Venice, buti na lang hindi ako naiyak.

“I know Enzo likes you, if not I will not even dare say this kasi this is Enzo’s story to share. But I know you’re too innocent and kind and ayokong one day masaktan ka na lang kasi naging mabait ka. That would be too unfair for you.” sabi ni Venice habang pinapat ang likod ko.

“Trust me, Love. Gutierrez likes you. Hindi siya aabot ng pangliligaw sa’yo kung hindi. Kilala namin siya. When he met you, he changed. Yun na lang ang panghawakan mo. Whenever he’s with you, he’s happier.” Sabi ni Bryle.

“Thank you guys. Wag kayong magalala, ipaglalaban ko si Enzo.”

Kahit anong mangyari, kahit na masaktan ako, nangako ako sa sarili ko na kung magmamahal ako ibibigay ko yung buo kasi bakit pa ako magtyatyagang magbigay kung hindi rin naman lahat lahat.

Hindi ko talaga isusuko si Enzo. Lalo na ngayon.

**

Nandito ako sa school, ipapasa ko kasi kay Miss Inigo yung recording ko. Naibigay na kasi sa akin ni Venice yung CD ng record. Binigyan din niya ako ng dalawang copies. Isa sa akin at isa daw para iregalo ko kay Enzo kasi magagandahan daw for sure si Enzo sa ginawa ko.

“Miss Ira, ito na po ang composition ko.” Nagsmile lang si Miss Inigo tapos kinuha na yung CD. Oh, problema non? May pinagdadaanan? Parang lahat ng tao may problema ah. Hay naku.

At speaking of problema, natatanaw ko si Mico sa malapit. Shet, shet shet! Magkrukrus kami ng landas. Anong sasabihin ko? Maghehello ba ako? Magsosorry ba ako? O iiwasan ko siya? O kunwari walang nangyari? Kaso imposible naman yun. Sige na nga maghehello na lang ako. Shocks ang lapit na niya sa akin! Ito na tatlong hakbang na lang, Hope maghello ka na! Ito na ito na!

“He—“

At nilagpasan niya ako na para lang akong hangin na nasa tabi niya. Ni hindi man lang niya ako tiningnan, hindi man lang siya tumigil para tumabi. Derederetso lang siya ng lakad niya.

Lalo tuloy akong nakonsensya. Hindi na ba niya ako pinapansin ngayon? Balik na naman ba kami sa dati? Sa bago pa kami maging magkakilala? Mico, wag ka naman munang dumagdag sa problema ko ngayon please. Kailangan ko pang ipaglaban si Enzo.

And speaking of Enzo dapat magkikita kami dito sa ilalim ng centennial tree ah! Oh wait, siya yung tumatakbo papalapit.

“Enzo!” sigaw ko sabay kaway sa kanya, kumaway din siya. Pagkarating niya, napawisan siya. Aba, minsan lang mangyaring pawisan si Enzo. Kahit ilang patak lang ‘to! Kaya kumuha agad ako ng panyo at pupunasan sana ang mukha niya pero bigla niyang kinuha yung kamay ko tapos tinigil.

“I’m okay.” Sabi niya sabay ngiti. Pero iba yung naramdaman ko. Hindi, hindi Hope! Kung susuko ka, sino na ang lalaban? Lalo lang siyang mawawala.

“Uy Enzo, samahan mo naman ako sa mall ngayon. Gusto ko lang kasing ibili si Lola ng recipe sa favorite niyang iluto. Tara?”

“Umm… Right now? Umm, I can’t. I have to go to the bookstore sa school. I have to buy something.” Explain niya. Bookstore? Ay tamang tama.

“Sige sama ako! Bibili din ako ng post its eh. Tara?” Kukunin ko na sana yung bag ko kaso bigla niyang pinigilan yung kamay ko.

“Ay wait, Hope I have to go to the library pala right now. To research some stuffs first. Sorry.” Library na naman? At anong ireresearch niya? Tapos na ang quarterly exams!

“Ah library? Sige samahan kita! May hihiramin din akong libro eh! Tara?” At kinuha ko na ang bag ko, binilisan ko na para hindi na niya ako maunahan. Kaso…

“Is it okay if isama natin si Eula?” Sabi na eh. Hope, please. Wag mo muna paunahin ang selos mo. Please. Baka naman may napagusapan lang sila.

Kaso wala eh. Minsan hindi mo din mapagsabihan ang damdamin mo eh.

“Eula ulit? Hindi ba magkasama na kayo noong isang araw? Tsaka noong isang araw? Atsaka wait… Ummm, oo! Tama! Noong isang isang araw. Tapos ngayon kayo ulit? Siya na lang kaya ang ligawan mo?!” Medyo napasigaw ako at may ibang taong tumingin sa akin pero galit kasi talaga ako eh. Eula na naman. Wag ka na kay Eula.

“I promised her kasi na we’ll go to the library together, I’m helping her sa paper niya eh. She has a lot of special projects kasi diba transferee siya?”

“Isang buwan lang siya dito hindi ba? Hindi niya kailangan yan.” Tapos bigla siyang sumimangot sa pagtataray ko.

“Hope, she needs this. What’s wrong with you? Since when were you so against this? Sasamahan ko lang siya. No big deal.” Oo, sasamahan mo lang siya. Tapos anong sunod? Dependent ka ulit sa kanya tapos ano? Hindi na naman kayo mapaghiwalay? Tapos ako? Ano ako? Masasaktan kasi lahat ng ito inakala kong ‘NO BIG DEAL’.

“Kasi lagi na lang siya ang kasama mo.”

“Why are you so jealous right now? Stop it. It’s getting annoying.” Wow ah!

“Ako pa ang annoying, Enzo? Grabe ka naman.”

“Why? Did I stop you noong nagpupunta ka kay Mico?” Grabe naman, ibabalik pa ba ‘to?

“Si Mico na naman? Tinutulungan ko lang siya noon.”

“Same with me. I’m just helping Eula.”

Hindi ko kaya ‘to. Napapapikit na lang ako. Kung magaaway kami lalo ko lang siya papalayuin sa akin, pero pag pinayagan ko siya lalayo din siya sa akin. Wala na bang ibang paraan para magstay siya? Lahat na lang ba ng choices in favor kay Eula?

“Fine. Sige. Bahala ka na. Buhay mo yan. Sorry.”

Inayos ko yung shoulder bag ko tapos yung buhok ko at dapat maglalakad na paalis. Binagalan ko. Hinihintay kong pigilan niya ako. Pero bawat hakbang, naiiyak na lang ako kasi sa bawat hakbang na lumalayo ako sa kanya, wala man lang siyang ginawa para pigilan ako.

Noong makalayo na nga ako, hindi ko na napigilang hindi maiyak. Kaya tumakbo agad ako sa likod ng basketball gym. Konti na lang naman ang tao. Dito na lang ako iiyak.

Siya pa ang nagalit sa akin? Siya nga ‘tong manliligaw eh tapos ako pa ang nagpipilit na magkasama kami? Hanggang ngayon ba na siya ang ‘manliligaw’ eh ako pa rin ang manliligaw? Kung wala ba ako effort dito walang mangyayari sa amin? Kapag ba bumigay ako hindi man lang siya lalaban?

Oo tanggap ko naman na ako ang mas nagmamahal, ako ang mas nageeffort, ako ang mas lumalaban, pero kahit ba konti hindi niya ibabalik yun? Ako na lang ba ako ng ako? Wala na ba akong karapatang mapagod? Kasi kapag napagod ako at nagpahinga baka mamaya mawala siya. Nasaan ang sense of security? Nasaan yung tiwala na ako ang nililigawan? Nasaan yung pakiramdam na ako yung special?

Bakit ganito? Bakit kailangan ko pang makipagawan para sa atensyon niya? Okay sige. Dahil siya si Enzo at ako lang si Hope. Pero kahit na. Nagdecide siya na ligawan ako, kahit papaano naman umakyat ang level ko. Kahit papaano naman may karapatan na akong mag rant ng ganito.

Ayoko na. Nastrestress ako. Akala ko kapag niligawan ako ni Enzo lahat ng araw pagkatapos noon masaya. Kasi wala naman akong problema kay Enzo, hindi naman siya bastos, hindi naman siya kuripot. Okay naman siya. Akala ko hindi kami magaaway. Akala ko… Well, lahat ng akala ko nagkamali.

Ang gusto ko lang naman yung makasama siya, maging masaya. Yun lang.

“Annoying.”

Napahawak ako sa bibig ko kasi feel na feel ko pa ang pagiyak ko. Napatingin ako sa nagsalita.

“M-Mico? A-Anong ginagawa mo dito?”

“I’m a basketball varsity. I’m the captain. This is our gym.” Ah oo nga pala. Napatigil na lang ako. Tapos natulala na naman. Maya maya naramdaman kong paalis na siya kaya tinawag ko siya.

“Mico.” Tumingin siya sa akin. Ang cold. Naramdaman ko yung rejection, yung galit.

“Kung iiyak ka sa akin, wag ka ng umasang hahayaan ko. Nasabi ko na sa’yo ‘to. Tanga ka lang kasi hindi mo alam kung sino papaniwalaan mo.”

“Pwede bang itigil mo na yung pagpilit na niloloko ako ni Enzo? Hindi, okay?” Pero sa pagkakasabi ko, parang pinipilit ko din ang sarili ko. Napailing na lang siya tapos aalis na naman ulit.

“Pwede bang wag kang alis ng alis? Bakit ba ayaw mong makipagusap sa akin?”

“Kasi hindi ang isang tulad mo ang kakausapin ko.”

Napapikit na lang ako. Sabi ko na eh, galit pa rin siya sa nangyari. Napatayo na lang ako tapos lumapit sa kanya.

“Mico please. Isa isa lang. Hindi kaya ng puso at utak ko ‘to. Isa isa lang. Wag ka munang sumabay. Wag na ikaw please. Right now, magsosorry ako sa sinabi ko sa’yo. Alam kong mali. Hindi ko alam ba’ t ko nasabi yun, pero alam kong mali. Sorry, Mico.”

“Hindi natatama ng simpleng sorry lang ang lahat.”

“Tama na. Please. Ayoko na ng ganito. Ayoko na ng may nagagalit sa akin o may kinagagalitan ako. Isa isa lang.” Sabi ko sa kanya habang umiiyak at hawak hawak ang braso niya. “Gusto mo bang lumuhod pa ako? Gusto mo ba yun?”

“Ikaw, ano bang gusto mo? Na pagkatapos ng sorry mo okay na ulit tayo? Balik na ulit sa dati? Na pagkatapos mong sabihing hindi mo mamahalin ang isang tulad ko, magsososrry ka tapos tapos na lahat yun? Hindi ako tanga, Hope.”

“Alam kong hindi ka tanga. Kung may tanga dito ako yun. Kung napipigilan lang ‘to ginawa ko na. Eh di sana hindi ko na nasabi yun sa’yo, eh di sana hindi ko na pinaglapit si Enzo at Eula, eh di sana hindi ako nahihirapan ng ganito. Pero wala eh… TANGA AKO. Kaya sige. Okay lang. Tatanggapin ko na lahat. Sige na. Ako na lahat.”

Tiningnan lang niya ako ng masama tapos inalis yung kamay ko na nakahawak sa braso niya.

“Too bad, Hope. Too bad.”

Pati ba naman si Mico mawawala sa akin? Bakit ba ganito kakumplikado? Ano bang nangyari at biglang naging ganito?

Noong paalis na siya naglalakad palayo…

“Thank you, Mico. Kasi kahit tanga ako, minahal mo ako.”

Napatigil siya. Matagal. Hindi ko alam kung pagkatapos eh lalakad siya papalayo oh babalik sa akin. Baka lalakad papalayo. Ganoon naman si Mico eh.

Kaso hindi. Tumigil siya, umikot at tumingin sa akin.

“Tanga ka, kaya minahal kita.”

Sa sinabi niyang yun, nagsmile ako.

“Wag ka ng magalit sa akin. Okay lang sa akin kahit hindi mo na ako pansinin sa campus at isipin na wala tayong pinagdaanan. Pero wag kang magalit sa akin, please.”

Lumapit naman ng isang hakbang si Mico.

“Kapag mahal mo ang isang tao, kahit ata anong gawin niya, hinding hindi ka magagalit sa kanya. Kaya kahit na sobrang nasaktan ako sa ginawa mo, hindi ko kayang magalit sa’yo, Hope. Kasi ngayon ko lang naramdaman yung ganito.”

Hindi ko alam kung bakit hindi awkward kahit na nagcoconfess siya sa akin ngayon. Siguro dahil… Close sa akin si Mico at kahit na sabihin niya sa aking mahal niya ako pakiramdam ko walang magbabago sa friendship namin. Hindi ba?

“Siguro nga kasalanan ko rin, kasi nagmahal ako ng isang tulad mo. Bobo, manhid, slow, engot, maingay, makulit, isip bata, magulo, iyakin at sobrang tanga. Pero wala eh. Ganon pala yun? Hindi mo madidiktahan. Kapag nadali ka, sorry ka.”

Sorry daw. Sorry pa siya!

“Excuse me naman, Mico. Maeffort naman ako, caring at mabait. Kaya kahit papaano tiba tiba ka sa pagmamahal mo sa akin.”

“Aanhin ko naman yun kung iba ang mahal ng mahal ko?” tapos nagsmile siya ng onti. “Pero ayos lang. Kasi tinuruan mo na naman ako. Alam mong ako yung tipo ng tao na kapag gusto ko gagawin ko lahat makuha ko lang. At ngayon… Kahit gustuhin kita, kahit ikamatay ko ang pagkagusto kong makuha ka, kung ayaw mo hindi talaga. At least, alam ko yung pakiramdam na magfail at mareject.”

Hindi ko alam kung nagcoconfess o nagyayabang eh. Lumapit siya sa akin bigla tapos ginulo ang buhok ko.

“Wag ka ng masyadong magisip. Kung lokohin ka naman ni Enzo, nandito lang ako na sasapak sa kanya pag pinaiyak ka pa niya.” Tapos pinunasan niya ang luha ko. “Isa pa, hindi bagay sa’yo ang umiiyak. Panget ka na pumapanget ka pa. Wag mo ng dagdagan ang listahan ko ng mga dahilan kung bakit isang pagkakamali ang mainlove sa’yo.”

“Sus, sinasabi mo lang yan. Pero gustong gusto mo talaga ako, ano? Mico?” Binibiro ko lang siya pero bigla niyang inayos ang bangs ko at sinabing…

“Sobrang gusto, kung kaya ko lang palitan si Enzo diyan sa puso mo gagawin ko.”

Napatitig na lang ako tapos napakurap kurap. Tumingin siya bigla sa akin kaya namula ako at napatitig sa baba.

“Pero kung saan ka masaya, okay na ako doon. Wag ka lang umiyak.”

Tumingin ulit ako sa kanya. Salamat, Mico. Buti na lang nandiyan ka.

Pero… Sorry kasi ipaglalaban ko pa rin si Enzo. Kasi tulad mo, siya ang mahal ko. At kahit anong gawing kasalanan ng mahal mo… Papatawarin at papatawarin mo. At kung kaya pang ayusin, kung kaya pang ipaglaban, hangga’t hindi pa siya bumibitaw sa akin… Ipaglalaban ko si Enzo. Kasi mahal ko siya. Mahal na mahal.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

2.1M 142K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.1M 60.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
615K 22.3K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...