Mafia Heiress Possession: Hur...

By GoddessNiMaster

2.1M 81K 13.7K

An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adven... More

Mafia Heiress Possession - Season 1
Announcement
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 13
Pahina 14
Pahina 15
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 18
Pahina 19
Pahina 20
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24
Pahina 25
Pahina 26
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
Pahina 30
Pahina 31
Pahina 32
Pahina 33
Pahina 34
Pahina 35
Pahina 36
Pahina 37
Pahina 38
Pahina 39
ChibiChibi (trip lang, post ko ulit :p)
Mafia Heiress Possession - Season 2
Pahina 40
Pahina 41
Pahina 42
Pahina 43
Pahina 44
Pahina 45
Pahina 46
Pahina 47
Pahina 48
Pahina 49
Pahina 50
Pahina 51
Pahina 52
Pahina 53
Pahina 54
Pahina 55
Pahina 56
Pahina 57
Huling Pahina
Epilogue
Extra Untold Moments: Cane & Simone
Extra Untold Moments: Simone & Lihtan
Another Extra Chapter
All about Hurricane
Reader's Favorites, why? Part 1
Reader's Favorites, why? Part 2
Been A While.

Pahina 21

28.7K 1.2K 103
By GoddessNiMaster

Pahina 21
MYSTERIUM

Haring Agnol's Point of View

Ang batang binibining iyon...

"Amang Hari, kilala mo ang ama't ina ni binibining Cane?" -Prinsipe Lucien

"Hinding hindi ko malilimutan ang dalawang taong nagpatiklop sa mga Hari, at isa na ako roon, Hasil."

Sampung Hari na hindi magkasundo na nagawa nilang pag-ayusin.

Ang mag-asawang tumulong at nagbigay ng edukasyon sa amin upang magkaroon ng kabuhayan ngunit dahil sa kasakiman ng ibang Hari ay...

"Isa bang Prinsesa si binibining Cane?" tanong ni Lucien.

Prinsesa? Umiling ako.

"Higit pa siya sa isang Prinsesa at Reyna, Lucien."

Higit pa...

Anong dahilan Eros? Bakit mo pinadala ang iyong anak na babae sa teritoryo namin?

Labing-siyam na taon ang lumipas, hindi na kayo nagpakita pa. Hindi ko inaasahang may darating na tulad niyo. Mukhang kahit na pinutol na namin ang ugnayan sa inyo ay hindi pa rin nawawala ang tainga niyo sa mga nangyayari.

Ang binibining 'yon, hindi siya basta basta. Unang pagtapak niya pa lamang sa Hideus ay naramdaman ko na ang presensya niya at ang mga mata niyang kahit nakatingin lang ay parang bilanggo ka na. Isang maling galaw lamang ay kaya ka nang pabagsakin.

At ang mga kasama niya. Ang mga halimaw na kasama niya. Paano niya napagsama at nakuha ang mga ito? Ang mga maiilap at hindi ordinaryong halimaw na kinatatakutan ng lahat ay nasa kanya.

"Hahahahahaha."

"Amang Hari?"

Nang tumigil ako sa aking halakhak ay napangisi ako.

"Simula sa mga susunod na araw, asahan niyo ang mga delubyo at pagbabagong magaganap sa lahat ng Kaharian"

"Anong ibig niyong sabihin, Haring Agnol?" -Prinsipe Lucien

Humarap ako sa Teresa kung saan nakikita ang nga nasasakupan ko.

Aabangan ko ang mga gagawin mo, binibini...

"Heneral Sen!"

"Kamahalan."-Heneral Sen

"Ano ang ginagawa ni Prinsesa Shea?" seryosong tanong ko.

"Patuloy pa rin sa pagwawala sa kanyang silid at ang Mahal na Reyna ay ibig kayong makausap." -Heneral Sen

"Nasaan ang Reyna?" malamig na tanong ko

"Nasa iyong silid, Kamahalan." -Heneral Sen

"Prinsipe Lucien..."

"Haring Agnol..." -Prinsipe Lucien

"Tinatanggap ko na ang pag-urong mo..."

"Maraming salamat, Haring Agnol." -Prinsipe Lucien

Napabuntong hininga ako. Ayoko nang maulit ang mga pagkakamaling nagawa ko.

"Prinsipe Hasil."

"Amang Hari..." -Prinsipe Hasil

"Maaasahan ba kita?" mahinahong tanong ko sa aking anak habang nakatingin sa nagbabadyang kadiliman sa kalangitan.

"A-Amang Hari..."

"Ikaw ang susunod sa aking yapak. Sana'y hindi mo ako biguin."

"Makakaasa kayo, Kamahalan!" -Prinsipe Hasil

Niyakap ko ang aking anak na ngayon ko lamang ginawa sa buong buhay ko.

"A-Ama..."

"Ipinagmamalaki kita, anak."

Nagtungo ako sa aking silid kung saan nag-aantay ang aking Reyna.

"Reyna Sheena." malamig na bati ko rito na nakaupo ngayon sa aking pahingahan.

"Kamahalan..." malamig ding bati nito.

Napangisi na lamang ako.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Kinakailangan ba ng dahilan upang dalawin ang aking Hari?"

Nilapitan ko ito at pasakal na hiniga sa aking pahingahan.

"A-Ack!! K-Kamahalan!"

"Pinatay mo ang minamahal kong babae. Pinatay mo si Matilda."

Isang malakas na sampal ang binigay ko at saka ito binitiwang maluha-luha.

"Umalis ka sa harapan ko, bago kita mapatay."

"P-Pagsisisihan mo ito!"

Pagbagsak na naupo ako sa gilid ng aking pahingahan at hawak ang aking ulo.

"Matagal na akong nagsisi."

Kahit na maraming babae, prinsesa at reyna ang nakilala ko, hindi pa rin nila mapapantayan si Matilda. Kahit na marami akong babae, si Matilda pa rin ang nakatatak sa puso ko.

Ang mga babaeng iyon ay para lamang mas lumakas ang aking kapangyarihan na labis kong pinagsisihan. Kung nasa piling ko lamang si Matilda ay hinding hindi ko ilulunod ang sarili ko sa kapangyarihan.

Hintayin mo lamang ako, mahal ko. Matapos kong itama ang mga pagkakamali ko ay magkakasama na tayo.

Hurricane's Point of View

Hihikab hikab na lumabas ako ng kweba.

"Magandang umaga." bati ko sa kanila nang nakangiti.

"Magandang umaga rin." bati nila.

"Hehehe, bakit?" tanong ko dahil nakatingin sila sa akin.

Napatingin ako kay Simone na pinatong sa ulo ko ang taklob ko.

"Aalis na tayo."

"Waaah! Talaga? Saan tayo pupunta?"

"Bukod sa KIN Palacio at Hideus ay may isa pang lagusan dito na maghahatid sa atin sa Mysterium ayon kay Lihtan." sambit ni Tenere na kinatango ni Lihtan.

Mysterium?

"Hindi pa ako nakakapunta roon pero sa pagkakaalam ko ay maraming daan doon na nakahihilo at nakakalito. Kaya naman hindi sila madaling nasasakop ng ibang kaharian." -Taki

Ah... Tumango tango ako at tumayo.

"Punta na tayo!" palakpak ko.

Napapakamot na tumayo rin sila.

"Naiintindihan ko na ang ibig mong sabihin, Simone." -Lihtan

"Ako rin." -Taki

"Naiintindihan na rin kita, Simone." -Tenere

"Ha? Anong pinag-uusapan niyo?" nakangusong tanong ko dahil sa mga bulungan nila.

"Kapag may sinabing lugar sa kanya pupuntahahan niya." -Tenere

"Hindi siya magdadalawang isip." -Taki

"Go lang nang go." -Simone

"Ano 'yung go nang go?" -Lihtan

"Fighting." -Simone

"Payting?" -Lihtan, Tenere at Taki

"HAHAHAHAHAHAHA! PAYTING!" wagayway ko sa mga kamay ko.

"PAYTING!" Gumaya rin sila sa akin maging si Simone na nakapokerface pa rin.

Hindi ko mapigilang kurutin ang magkabilang pisngi ni Simone. Kahapon pa siya.

"Ang cute cute mo, Simone!"

Namula ang buong mukha niya.

"T-Tss." -Simone

"PAYTING~ PAYTING~~" paulit ulit ni Taki sa ginagawa na labis kong kinatawa.

Habang naglalakbay kami ay panay ang tawanan namin dahil hindi sila nauubusan ng kwento.

"Ganito?" tanong ni Taki kay Lihtan.

Itinuturo ni Lihtan kay Taki ang mga natutunan niyan, pisbam, pingke twer at tamsap. Hahaha.

Sina Simone at Tenere ay naglalambingan na naman.

Paminsan minsan kinukuhanan ko sila ng pictures at vini-video-han. Hehehe.

"NANDITO NA TAYO." -Taki

MYSTERIUM....

"Wow." manghang sambit ko habang umiikot.

Inayos ni Tenere ang taklob ko na kinanguso ko pero nginitian niya lang ako.

"Pagtitinginan ka, lalo na ng mga kawal, Cane." sambit ni Tenere.

Humaba lalo ang pagnguso ko at tumingin kanila Lihtan, Taki at Simone na umiwas ng mga tingin.

"Ang daya. Dapat kayo rin." sambit ko. Hehehe, akala niyo ha?

Naglalakad kami ngayon at pareparehong may mga taklob. Hihihihi!

"Mas lalo tayong pinagtitinginan." buntong hiningang sambit ni Simone.

Painosenteng tiningnan ko ito.

"Talaga?"

Namula ang mga tainga niya.

"Ayos lang 'yan. Sama sama naman tayo. Hahahahaha!" palakpak ko.

"TAMA ANG AKING BINIBINI. PISBAM!" makulit na sambit ni Taki at inangat ang kamao na sinangga ko rin ng kamao ko.

"Ako rin, pisbam." -Lihtan

"PISBAM!!" nag-pisbam kaming lahat at pinagtitinginan kami sa ginagawa namin. Hahaha.

Naglakad muli kami...

"Kain muna tayo." sambit ko nang maalalang hindi pa kami kumakain.

"Wala na tayong-" -Simone

"AAAH!"

"MAGSITABI KAYO!"

Nagkagulo ang buong paligid, nakita namin ang pagwawala ng malaking kabayo at ang nakasakay na matandang bumagsak.

May mga naghagis ng lubid sa leeg ng kabayo. Hindi pa rin ito tumigil sa pagwawala at napatakbo ako patungo roon bago pa nila hatawin ng latigo ang kabayo.

"CANEEEE!!!" -Lihtan, Tenere, Taki, Simone

"Wag!! Wag niyo gawin 'yan." pigil ko may hawak ng latigo.

"Umalis ka riyan binibini! Hindi mo ba nakikita ang nangyayari?!" sigaw ng may hawak ng latigo.

"Nakikita ko at mali ang ginagawa niyo." sambit ko sa mga ito at hinarap ang kabayo at binuksan ang lagyanan ko ng tubig.

"Nauuhaw lang siya." sambit ko at pinainom ng tubig ang kabayo na kumakalma na. Pinat ko nang paulit ulit ang ulo niyo at natawa ako sa pagdila nito sa mukha ko.

Inalis ko nang dahan dahan ang mga lubid na nasa leeg niya at hinayaan naman ako ng mga may hawak no'n. Nginitian ko sila na nakaawang ang mga bibig, dahil siguro sa nalaman nila.

Binuhusan ko ang mga kamay ko ng natirang tubig at nilagay ang basa kong mga palad sa mukha nito.

"Pakabait ka." Sambit ko rito at tinulungan tumayo ang matandang ginoo na nakasakay kanina sa kabayo.

"S-Salamat, binibini."

Dinilaan din siya ng kanyang kabayo.

"Mukhang humihingi ng tawad ang alaga niyo, hehehe, naglalambing."

"Hahahaha." tawa nito at haplos sa alaga.

"Maraming salamat muli, binibini."

"Wala pong anuman, hehehe."

Nagbow ako rito at kinawayan ang kabayo. Pakiramdam ko parang nakangiti ang mga mata ng kabayo?

Lulundag lundag na bumalik ako sa mga kasama ko at nag-peace sign.

"Sandali lamang, binibini." pigil nang matandang ginoo sa amin.

"Po?"

"Tanggapin niyo ito," abot nito ng nakabalot na tela.

Pagbukas ko ay nakita ko ang mabangong mga tinapay.

"Wow, ang bango. Salamat po tamang tama nagugutom na kami, hihihihi!" masayang sambit ko.

"Hahaha, espesyal 'yan! Matagal na ako sa larangan ng masasarap na tinapay!" pagmamalaki nito.

"Ang galing! Salamat po!"

"Salamat po!" pasasalamat din nila Simone.

Kinain namin ang masarap na tinapay habang naglalakad.

Ang dami ng tinapay at napakasarap.

"Simone, ano nga ulit yung sinasabi mo kanina?" tanong ko nang maalala.

"Problem solved na."

"Ha?"

"Ano yung problem solved?" -Lihtan

Hahahahahaha. Nag-uumpisa na naman si Sir Simone sa kanyang discussion.

Napunta ang atensyon namin sa mahabang pila.

"Ano pong mayroon?" tanong ko sa isa mga lalaking nakapila. Puro lalaki ang mga nakapila.

"M-May d-dwelo na magaganap a-at ang mananalo ay may matatanggap na dalawang kilong pilak." sagot nito sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong ko dahil namumutla ito.

Sumulyap siya sa likuran ko at binalik ang tingin sa akin. Tumingin ako sa likuran ko at nakitang seryoso ang mga mukha ng mga kasama ko at maya maya'y ngumiti nang makitang nakatingin ako, maliban kay Simone na nakatingin sa mahabang pila ng seryoso.

"Aaah, salamat po," sambit ko.

"Sasali ako," sambit ni Simone.

Gusto ko rin sana kaya lang puro lalaki lang ang pwede.

"Ako rin," sambit ni Lihtan.

Tiningnan naming lahat si Lihtan na inosenteng nakatingin sa mahabang pila, nagtaka siya sa tingin namin.

Parang hindi magandang ideya dahil baka isang hampas niya lang lumipad na ang makakalaban niya.

"Hindi pwede?" tanong ni Lihtan ng medyo malungkot.

Nakangiting kinuha ko ang nakabalot niyang kamay, ang ekstra-ordinaryo niyang kamay.

"Sa susunod maaari ka nang sumali. Tuturuan ka namin na kontrolin ang lakas ng espesyal mong kamay. At matuturuan ka lalo ni Simone ng mga istilo! Magaling si Simone, gusto mo bang makita?"

Nagliwanag ang mukha ni Lihtan at tumango.

"Gusto ko rin makita lalo ang galing ni Simone." sabik na sambit ni Taki.

"Kung sasali pa tayo, baka tayo tayo lang matira!" tango ni Tenere habang nakangiti.

"Ako nga rin gusto ko, hehehe!" sambit ko rin.

"Tss." -Simone

"Wala ka na namang bilib sa akin, Simone!" nguso ko.

"Ay-bilib Cane!" sambit ni Lihtan na kinatawa ko.

"AY-BILIB DIN AKING BINIBINI!" sambit din ni Taki.

"YIIH! PAYTING, SIMONE!"

"PAYTING, SIMONE!!"

Natawa kami sa paghawak ni Simone sakanyang sintido sa ginagawa naming. Hahahahaha.

Goodluck, Simone...

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 81K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...
83.3K 1.6K 32
Join the Detective Squad
24.8K 738 57
"I needed you, i needed you around and you weren't there." PS:Images from Pinterest.
109K 3.2K 50
|COMPLETE| Genius Series 1 Good Genius (book 2) ACADEMICS SUBJECTS MAKES YOU UGLY!!!! #906 in romance April 30 2018 #845 in Romance March 2 2018 #81...