Mr. Perfect Gangster! (Comple...

De MarianaLiang

877K 10K 548

Every girl's dream is to find their prince. Isang mabait, mapagmahal at lahat kayang isuko para sayo. in shor... Mai multe

Authorable Note!!
Prologue
1 [Miss Frog Printed Panties]
2 [Uno's Toy}
3 [Amputik ko!]
4 [My Classmate John]
5 [Youtube]
6 [Tarantula]
7 [Ako ang iyong konsensya!]
8 [ Eri alam mo tanga ka!]
9 [End of the world??]
10 [ Gotto]
11 [Mouth to mouth?]
12 [Ang chismoso na tin!!]
13 [Jelling Jelling]
14 [Ang hot ni kuya butcher!!!]
15 [mas lalong hindi ko siya girlfriend!!!!]
16 [We Heart Uno Fans Club]
17 [di ko ineexpect]
18 [eeeeeeeeehhhhhh???]
19 [o-okay ka na??]
20 [ako ang kidnapper mo ngayong gabi]
21 [ako ang harapin niyo ngayon mga gagamba!]
22 [Kissing Booth]
23 [Safe and Sound]
24 [gumagalaw na hagdanan]
25 [Tulong!!!]
26 [Buhay na manok]
27 [Detention]
28 [Happy birthday Uno!]
29 [Virgin ka pa ba?]
30 [Mahoma]
31 [Past]
32 [Subuan moko!]
33 [Beach}
34 [puppy love]
35 [watch the spider cry]
36 [hhmmmm]
37 [Sino ka?]
38 [Rambulan]
39 [Letting Go]
PINAKAFINAL CHAPTER
Special Chapter ^_____^ si author.
Authorable Note!

FINAL CHAPTER [The Imperfect Gangster]

18.2K 190 9
De MarianaLiang

All beginning has an ending and this is the ending.

[aminin mo yung kasabihan ko walang kwenta. -_______-]

I would like to thank all the readers out there who are my inspiration to write. You guys make me go crazy!! HayLabYu.

[ahaha..echusera lang si author...Hahahha..XD]

ABANGAN PO ANG BIG SURPRISE LATER.

^_____________^

===========================

[Mr. Perfect Gangster a story written by MarianaLiang]

==========================


FINAL CHAPTER

[The imperfect Gangster]

===========================

5 years old pa lang ako nang makilala ko si Franny.

Wala akong kaibigan nun sa school dahil lahat sila inggit sa status ng pamilya ko.

Lahat sila inaaway ako.

Ako kasi ang nag-iisang apo na babae ng may-ari ng school kaya naman lahat ng gustuhin ko nakukuha ko and my classmates hate me for that.

Dahil sa rasong yan, lahat ng luho sa buhay pilit kong tinalikuran. Pinilit kong maging isang simpleng bata kaso wa epek. Ayaw parin nila sa akin.

Iyak ako ng iyak nung araw na yun habang pinupulot ko yung mga gamit ko sa ulan. Nihagis kasi ng mga kaklase ko yung bag ko kaya naman nagkalat lahat ng gamit ko.

Pati nga yung lunch ko nabasa na ng ulan at naputikan.

Nagulat ako nang biglang may tumulong sa akin.

Inayos namin ang mga gamit ko tapos hinila niya ako sa isang shed. Naupo kami dun.

Miksha: salamat ha.

Bata: wala yun. ako nga pala si Francisco.

Miksha: aaah..Miksha ang pangalan ko. puede bang Franny na lang itawag ko sayo? An haba ng pangalan mo.

-_____- mahaba ba yun?? (sa isip ni Cisco)

Franny: sige na. ako na si Franny. Bakit ka ba nagpapaulan? Bakit nabasa gamit mo?

Ay oo pala kailangan ko mag thank you.

Miksha: thank you nga pala sa pagtulong sa akin. Kasi nihagis ng mga kaklase ko yung bag ko.

Franny: why?

Miksha: ayaw nila sa akin. Spoiled brat daw ako.

Franny: ngek. Sa ginagawa nila hindi ba sila spoiled? Yaan mo na sila. Ako na lang kaibigan mo.

Miksha: talaga??? ^____________^

Waaaahhhh..ang saya saya ko.

Franny: oo.

Miksha: talagang talagang talaga????

Franny: oo nga! Kulet!

Miksha: yehey!!!!

Sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya.

May bago na akong kaibigan!!! Yehey!!!!

Simula nung araw na yun lagi na kaming magkalaro. Nung birthday ko nga andun din siya eeeh.

Every week end nasa bahay namin siya. Magkakilala kasi pala ang parents niya at ang lolo ko kaya ayun payag na payag silang lagi kaming magkasama.

Kahit nung summer na magkasama parin kami.

Naglalaro kami nun sa swing nang biglang lumapit sa amin ang walong batang lalake. yung isa nakatayo sa unahan.

Hinila ako ni Franny papunta sa kanila..

Franny: ito nga pala si...

Uno: ayoko siyang makilala! Kami ang kaibigan mo Cisco! Sa amin ka makipaglaro.

Franny: pero Uno..

Bigla akong tinulak nung batang lalake at hinila na nila si Franny palayo.

Iyak ako ng iyak. Wala nanaman akong kaibigan.

Nung nagpasukan na ulit, bihira na kaming magkita ni Franny. Lagi niyang  kasama yung mga kaibigan niyang lalake.

Minsan tumatakas si Franny at naglalaro kaming dalawa pero dahil dun binubully ako nung kaibigan niya.

Minsan naisip ko sana mawala na lang ako para hindi na ako nalulungkot ng ganito haaay..

Nakita ko si lolo na naglalakad sa may playground kaya agad akong tumakbo sa kanya.

Miksha: hi lolo!!!

Lolo: oh iha. Asan na si Francisco?

Miksha: andun po oh.

Tinuro ko sila nung mga kaibigan niya.

Lolo: aah. Magkaibigan pala sila ni Uno.

Miksha: kilala niyo po siya lolo? Yung batang bully?

Lolo: bully? Haha..oo iha. Oo pala simula ngayon lagi mo nang kakalaruin si Francisco ha.

Miksha: bakit po lolo?

Lolo: siya kasi ang magiging asawa mo balang araw. Haha..

Miksha: ano po ang asawa??

Lolo: basta apo hehe. Napagkasunduan na namin yun. o sya may gagawin pa ako.

Miksha: babye po.

Humalik na ako sa pisngi niya at naglakad na pabalik sa swing.

Ano kaya ang asawa???

Baka naman bestfriend?

Haha..tama!

Balang araw magiging bestfriend ko si Franny. ^__________^

Miksha: ay balat ng sibuyas!!!

Bigla kasing may nagtakip sa mga mata ko.

Miksha: Franny!!! Alam ko ikaw yan!!!

Tinanggal niya ang mga kamay niya.

Teka hindi ito si Franny. Siya yung, yung..yung bully eeh!! waaahhh..anong gagawin niya??

TT_________TT

Uno: wag ka ngang OA jan! andito ako para..

Tumingin siya sa malayo at kinamot ang pisngi niya.

Miksha: para ano?

Uno; magsorry.

Miksha: wala yun. ayus lang sanay na ako.

Uno: okay!!! Alis na ako!!!

Bigla na siyang tumakbo palayo pero bigla ulit siyang bumalik? -____-

Uno: oh sayo na to.

Miksha: ano to??

Inabot niya sa akin ang isang box na glass. May gold na pider sa loob. Hindi naman tunay pero yung pagpinisil mo eeeh tumutunog. Ganun siya. Mejo malaki din siya. Mga isang kalahating foot rule din.

Kinuha ko yun at tinignan. May nakalagay na name sa ilalim.

Uno: Viper ang pangalan niyan. Regalo sa akin ni kuya Jiro. Sayo na!!!

Miksha: eeh. bakit mo binibigay kung regalo to sayo??

Uno: tsk. Peace offering.

Bigla ns siyang tumakbo palayo. Nu kaya yun???

Anyways, ang cute nung regalo niya hehehe...nilagyan ko yun ng parang chain at lagi ko nang dala.

Sinabit ko kasi siya sa bag ko.

====

Si Franny:

Haaayy..exam week nanaman! Nakakaboring!!!

After ko mag-exam lumabas na ako ng room.

Nakita kong may pinagkakaguluhan yung mga bata. May binubully ata.

Hindi ko sana papansinin kaso pamilyar yung boses.

Agad akong lumapit.

Hindi nga ako nagkakamali. Si Miksha yung umiiyak.

Agad akong pumunta sa harap niya.

Franny: tama na!!!! layuan niyo siya!!!

Hinila ko na siya at tumakbo na kami papunta sa playground.

Pinunasan ko ang mga luha niya.

Kahit umiiyak ang batang to ang ganda niya.

Miksha: salamt Franny aaah.

Franny: wala yun. Oo pala Miksha.

Kinuha ko yung envelope sa bulsa ko at inabot ito sa kanya.

Franny: punta ka ha. babye! Ikaw daw ang escort ko.

Miksha: anong escort?

Franny: ewan ko. babye.

Agad na akong tumakbo. May exam pa kasi ako ulit eeeh.

======


Si Miksha:

Andito ako ngayon sa bahay ni Franny. Birthday niya kasi eeh.

Nag-aayos ako para mamaya. Ako daw kasi ang partner niyang lalabas.

After akong ayusan ng make up artist eeh lumabas muna sila tapos pumasok naman si Franny.

Ewan ko pero feeling ko nahihiya ako.

Miksha: maganda ba?

Franny: sobrang ganda mo ngayon Miksha.

Waaahhh..mas lalo akong namula!!!

Franny: hahah..Miksha may ibibigay pala ako sayo.

Miksha: huh? ano naman?

Lumapit siya sa akin at pumunta sa may likuran ko.

May isinuot siya sa akin na necklace. Kalahating heart.

Franny: pagpinagdikit mo yung mga necklace natin mabubuo yun.

Miksha: wow ganda!! Pero para saan ito?

Franny: lilipat na kasi kami ng school. Tapos sabi ng lolo mo doon kana daw muna sa England.

Miksha: hmm..sandali lang naman kami dun.

Franny: gano katagal?

Miksha: 3 years lang. may aayusin lang dun si lolo.

Franny: hmm..matagal yun Miksha.

Tumayo ako at humarap sa kanya. hinawakan ko ang mga kamay niya.

Ewan ko ba pero bumilis bigla yung puso ko. waahh..ambata ko pa may sakit na ako!!!!

Miksha: babalik naman ako Franny eeh. promise babalik ako.

Franny: okay basta pagbalik mo magpapakasal na tayo ha.

Miksha: okay.

Franny: promise??

Miksha: promise. ^__________^

Nagpinky swear kami.

Lumabas na kami ng room. Aba grand entrance kaming dalawa. After nun tinawag na siya ng parents niya para magblow ng candle.

Nakita ko si Uno kaya naman lumapit ako sa kanya.

Uno: bakit ka nakatingin??

Miksha: wala! Salamat ha at peace na tayo.

Uno: tsk. Pake mo??

Miksha: sungit mo naman ^________^

Uno: bakit  kaba nakangiti nanaman?

Miksha: kasi masaya ako.

Uno: tsk. Kung alam mo lang nakakatibok ng puso yung ngiti mo.

Ang hina nung sinabi niya. Hindi ko narinig.

Miksha: ano yun?

Uno: wala!!

"Happy Birthday Cisco..." kanta ng lahat.

Nagblow na ng candle si Franny at nagpalakpakan kami.

Lalapit sana ako sa kanya nang biglang may humawak sa braso ko. may hawak siyang baril.

Waaah..natatakot ako.

Andami nila. Lahat sila may dalang baril. Nagpaputok sila.

Waaahh..natatakot na ako.

Nagkagulo na ang mga tao. Waaahhh..binuhat ako nung lalake.

Sinipa siya ni Uno sa bandang ibaba kaya naman nabitawan niya ako tapos bigla na akong hinila ni Uno.

Takbo kami ng takbo kaso may mga humahabol sa amin. Waaahhh..anong kailangan nila sa akin???

Bata ako!!!

Uno: dali! Dito tayo.

May nakita kaming mahabang lamesa.

Inangat ni Uno yung cover nun at nagtago kami sa ilalim.

Miksha: natatakot ako Uno.

Uno: dito ka lang. ako nang bahala sa kanila.

Miksha: ayaw.

Uno: magtiwala ka. ako na ang bahala.

Miksha: okay.

Wala na kasi akong choice eeh.

[ayan na po ang de ja vu haha..]

Lumabas ng cover si Uno pero may lalakeng humawak sa kanya. may tinakip sa ilong niya at nawalan siya ng malay.

Kinuha niya rin ako mula sa ilalim ng lamesa. Sigaw ako ng sigaw kaso may tinakip din siya sa akin kaya nawalan ako ng malay.

=============

Si Franny:

"Miksha! Asan si Miksha!!!"

Tumakbo ako para hanapin siya.

Nakita kong buhat siya ng isang lalakeng nakaitim. Wala siyang malay.

Miksha!!!

Pilit ko siyang hinabol pero ambilis nung lalakeng may buhat sa kanya.

Nakita kong sumakay sila sa isang itim na van. Pinilit ko ring makapasok sa loob ng van.

Nakapasok ako kaso saktong isasara nila yung pinto kaya naipit ang paa ko.

Sobrang sakit pero si Miksha.

Pilit kong inaagaw si Miksha. Wala akong pakialam basta ang importante makuha ko si Miksha.

Pati yung nagdadrive nung van nakialam na sa amin.

Tinutukan niya ako ng baril.

Natakot ako.

Pero bago niya pa ito maiputok, nabangga ang van sa isang ten  wheeler truck.

Napatalsik ako palabas ng van.

Naramdaman ko na lang na masakit ang mukha ko.

Puno ng dugo ang mukha ko..

Miksha...si Miksha...

============

Nagising na lang ako sa hospital.

Nakabenda ang mukha ko. may mga inayos daw kasi.

Franny: mommy, asan po si Miksha! Nakuha po ba siya??

Nagtinginan lang ang parents ko.

Mommy: magpahinga ka muna anak. Hindi maganda sayo na mastress.

Franny: pero mommy.

Daddy: sabihin mo na honey. Mas lalo siyang mag-aalala.

Mommy: haay. Anak..

Hinawakan niya ang  kamay ko.

Mommy: nawawala si Miksha. Natagpuan ang van na wala na yung driver at si Miksha.  Ginagawa na ng lahat ang makakaya nila para mahanap siya.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin.

Pero dahil nga medyo natrauma din ako sa nangyari sa akin eeeh hinayaan ko na silang matatanda na maghanap kay Miksha.

Isang pangako na lang ang pinanghawakan ko.

Alam kong babalik ka Miksha..

Naniniwala akong babalik ka.

===========


BACK TO PRESENT:

Si Cisco:

Tsk. Kung makapagflashback si author wagas. Kitang nagmomoment ako eh!

Para akong tanga na umaasa pa sa pangakong yun.

Hindi ko din alam ang nangyari kay Eri. Bakit ba hindi niya ako maalala???

Dahil ba nag-iba ang itsura ko??? pero..

Tsk. Tama na Francisco!

Hindi na siya babalik. Masaya na siya..

Kinuha ko yung kwintas niya sa bulsa ko.

Tinignan ko ito.

"paalam Miksha.."

Itatapon ko na sana ito pero may humawak sa kamay ko..

"huwag.."

==================


Si  Eri:

"apo, hindi mo ba ako natatandaan?"

"alam ko po kayo yung tumulong sa akin na makapasok dito sa school."

"hindi yun iha. Ako ito. Ang lolo mo."

Biglang tumigil ang mundo ko.

Bigla na lang umagos ang luha sa mga mata ko..

Bata pa ako noon pero alam ko lahat ng mga nangyari sa pagkabata ko..

Lahat yun, hindi ko nakalimutan. Itinago ko lahat sa puso ko dahil may part sa akin na ayaw ko nang bumalik.

Hindi ko lang masyadong mamukhaan ang mga tao pero alam ko lahat.

Yung kababata ko. si Franny. Si lolo..

Agad akong tumayo at niyakap si lolo.

Niyakap niya din ako.

"Miksha apo ko.."

"Lolo...antagal po nating hindi nagkita."

"ano ba ang nangayri iha? Bakit hindi ka bumalik??"

"lolo, alam niyo naman pong malungkot ang kabataan ko kaya pinili kong mamuhay ng normal. Bilang isang normal na tao."

"pero apo...sinong kumupkop sayo? Anong nangyari??"

"Lolo, kinidnap po nila ako dahil gusto nilang humingi ng pera. Pero dahil sa aksidente nakonsensya siya. Siya lang ang nag-iisang nakaligtas. kaso hindi niya ako magawang ibalik dahil baka makulong siya. Kaya inuwi niya na lang ako sa kanila. Mababait naman sila lolo. Inalagaan nila ako at namuhay kami ng masaya."

"pero apo.."

"lolo, mahal ko po ang naging pamilya ko. masaya po ako."

"saka na nga natin pagusapan yan. May isang tao kang dapat kausapin iha."

"huh? sino po?"

"yung kababata mo."

"pero lolo, hindi ko po..."

"kausapin mo si Cisco. Alam niya kung nasaan si Franny. Dali na.."

Si Cisco daw???

Teka naalala ko bigla..si Cisco??? Si Uno??

Antanga mo Eri!

Bakit ngayon mo lang naisip lahat ng pangalan ng kababata mo???

Tumakbo ako kung asan si Cisco.

Nakita ko na siya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..

Si Franny..nagkita kami ulit..

===============

Si Uno:

Tumingin sa akin si matanda.

"oh wag kang magagalit Uno. Alam natin kung sino si Cisco sa buhay ni Miksha."

"tsk."

Naupo na lang ako sa isang bench. Umupo din siya sa tabi ko.

"alam mo Uno, parehong pareho kayo ng daddy mo."

Napatingin ako sa kanya bigla.

"kilala mo siya?"

"kaibigan ko ang daddy mo. Kasosyo din sa negosyo. Ikaw ang perfect duplicate ng daddy mo."

"tsk. Hindi noh."

"maniwala ka. ganitong ganito din ang daddy mo noon. Makulit na bata. Basagulero. Wala ngang kaibigan yun eeh hanggang sa nakilala niya ang mommy mo. Saka lang naging masaya yun."

Hindi ako makapaniwala. Basagulero talaga si daddy dati??

"mahilig din mambully yun tapos medyo babaero din. pero parehong pareho kayo magmahal. Mahal na mahal niya ang mommy mo."

"alam ko yun. kaya nga lagi akong naikukumpara."

"itong batang to oh. hindi ka kinukumpara ng mommy mo."

"tsk. Lagi niyang sinasabi na ito gawin mo kasi ganyan ang daddy mo noon. Ito dapat kasi.."

"alam mo Uno, subukan mo ring intindihin ang mommy mo. Hirap na hirap na siya. Miss na miss na niya ang daddy mo."

"tsk."

"mahal ka nun. Maniwala ka sana. Sa pagrerebelde mo nga ngayon naging perpektong replika kana ng daddy mo."

"tsk."

"your father was a gangster too but unlike you he was an imperfect gangster. Hindi siya sing talino mo.

Hindi siya sing galing at lakas mo. Kaya mong isuko ang sarili mo para sa isang babae. yun ang hindi

kayang gawin ng daddy mo. I can say that you are better than him. Last section nga dati ang daddy mo

sa school na ito. Subukan mong kilalanin ang daddy mo. You'll be surprised."

Tumayo  na siya.

"o siya. Anjan na sila. Kayo na muna ang mag-usap."

Napatingin ako sa harap.

Teka sasakyan namin to aah.

Ginagawa nila dito??

Bumaba sa sasakyan sila anya Jiro, achie Sarah at achie Colleen. Bumaba din si mommy pero hindi siya lumapit sa akin.

"ayos ka lang kapatid? Nag-alala kami nung tumawag si ninong Mahoma." Jiro

"oo nga Uno. Okay ka ba??" Sarah

Tinignan ko si mommy pero nakatingin lang siya sa malayo.

Hindi rin siya lumalapit sa akin.

Ewan ko pero medyo gumaan ang loob ko sa mga sinabi ni matanda.

"Uno, puntahan mo na si mommy. Sobrang alala niyan sayo." Colleen.

Niyakap ko muna silang lahat tapos lumapit na ako kay mommy.

"mommy.."

"hindi na  kita pakikialaman. Do what you want Uno.."

"ma, i'm soorry.."

Napatingin sa akin si mommy. Alam kong gulat na gulat din siya.

Nakita kong tumulo ang mga luha niya. Ako din hindi ko na napigilan.

Niyakap ko siya.

"patawarin moko mommy.."

"it's okay anak. Mahal na mahal kita. Tandaan mo anak. Kahit kelan proud na proud ako sayo. Hindi billang Juno kundi bilang Uno. Mahal na mahal kita anak."

Niyakap ko lang siya ng mahigpit..

================

Si Eri:

Lalapit na sana ako sa kanya pero naunang lumapit sa kanya si teka. Si Yumi?????

Kung hindi ako nagkakamali siya yung batang si Yumi noon! Tama siya nga yun. teka..

Pinigilan niya si Cisco.

"huwag.."

"teka diba ate ka ni John?" gulat na tanong ni Cisco

"oo ako nga. Huwag mong itapon yan."

"huh? bakit?"'

Lumingon sa akin si Yumi at nginitian ako.

==============

Si Yano:

Buti na lang at may mga tumulong sa amin. Napagod ako dun aaah!!!

Pero tuknene lang!

Nung kinuha ko si Eri kanina, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba.

Para bang gusto ko laging protektahan si Eri???

"Yano! okay ka lang ba???"

Agad na tumakbo si Jade papunta sa akin at niyakap ako. niyakap ko din siya.

"oo ayos lang ako."Bakit hindi ko matanggal sa isip ko si Eri??

Bakit?????

Si Jade ang isipin mo Yano!! Si Jade!!!

Takte talaga! siya parin nasa isip ko. ayaw niyang matanggal.

Aaaaahhhrrrgghhhh...

Umayos ka Yano!!!

=============

Si Cisco

"nagbalik na ang kababata natin."

Yun lang ang sinabi ni Yumi at umalis na siya.

Lumingon ako sa likuran ko.

Nakita ko doon si Eri na umiiyak.

"Franny.."

Lumapit ako sa kanya..idinikit ko ang noo ko sa noo niya. Tumulo na rin ang mga luha ko.

"Miksha.."

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

Antagal kong hinintay ang pagkaktaon na ito.

Bago pa man ako ulit makapagsalita, napatingin ako sa likuran ni Eri.

Nakatingin din siya sa amin.

Lumingon din si Eri.

=====================

Si Caleb:

"honey babe, okay ka lang??"

"oo naman."

"ikaw andami mong sugat. May pasa kapa sa pisngi."

Bigla niyang hinalikan yung pasa ko.

Uy...may naisip ako.

"ito pa honey babe oh masakit."

Tinuro ko yung kabilang pisngi ko at hinalikan niya.

Hahaha...

Lahat na tinuro ko.

"niloloko mo na ako!!!"

"hindi noh!! Masakitt tlaga!"

"sa leeg? Nasuntok ka??"

"hehe.."

Nagpout siya at nagwalk out hehe..joke lang naman yun.

Hinabol ko siya at niyakap.

"I love you honey babe."

"I love you too."

=================

Si Eri:

Nakatayo si Uno sa may likuran namin.

Lumapit siya.

"sino ba ang pipiliin mo. Si Eri o si Miksha?"

Napatitig lang ako kay Uno.

Ngayong bumalik na ang pagkabata ko, sino na nga ba?

Naguguluhan na ako.

Si Eri na mahal si Uno..

o

Si Miksha na mahal si Franny..

Sino nga ba??

=================

Weshung weshung! And it ends there..

Bakit nagkaganun si Yano?? Bakit agaw eksena si Yumi???

Ano ba talaga anyare kay Eri??? Sino ang pipiliin ni Eri??

Anong side kayo??

Uno + Eri = Eno

Or

Miksha + Franny = Shanny

Hahaha..diko alam gumawa ng love team! Basta HenLeb ako haha. Hena + Caleb hahaha..

SORRY PO SA DAMI NG TYPO.

may final chapter pa ito haaha..next chap. pinaka final chapter!!

^_____________^

Continuă lectura

O să-ți placă și

218K 6.1K 54
✔ COMPLETED ✔ UNDER EDITING Please bear with the typings before I edit it. :)
93K 3.7K 42
[WARNING: This story is NOT YET EDITED] "Isang walang kwentang kontrata ang makakapagpabago sa buhay ni Raige Eliz Araña na dating nerd at miss nobo...
19.1K 789 44
Si Ciara ay isa sa pinapakomplikadong babae. Kung naiibenta lang ang katupakan sa mundo malamang sa malamang kasing yaman na ni Paquiao ang taong to...
1.2K 129 41
Simon Marcos fanfiction & TRILOGY #2 Simon, he's that one hard hearted guy. Not knowing that this special girl is going to change him into a soft lov...