HER REASONS

By catchingfyre

7.3K 336 54

(Completed) More

HER REASONS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 30
Epilogue

CHAPTER 23

106 9 0
By catchingfyre

STEVE'S POV

A week ago, Chace suddenly called me. I already know na its about Alexa again. Sya lang naman ang nagiging tulay namin ni Chace palage. At masaya ako sa pagkakataong ito. Sobrang saya. Dahil naging malapit muli ang pakikitungo nya sakin.

Noong mamatay ang ina ni Chace ay lumayo ang loob nito sakin. Malaki ang pagkukulang ko sakanya. Dahil sa Depresyong naramdaman ko noon. Ni hindi ko na magawang asikasuhin pa pati na ang naglalakihang negosyo ng aming pamilya. Unti - unti itong bumabagsak. Mabuti nalang ay isinalba ito ni Chace. Sa murang edad nya ay isang napakalaking responsibilidad agad ang kinaharap nya. Alam kong sobrang hirap ng pinagdadaanan nya dahil hindi lang naman ako ang naiwan... kundi pati sya.

Pero dumating ang pagkakataong napalapit ang loob nya sa akin. Bumalik kami sa pigurang, isang buong pamilya. Pamilyang inaasam asam ko noon. At iyon ay dahil narin sa pagdating ni Alexa sa buhay namin.

"D-dad..." mahihinang hikbi ang kasunod na narinig ko mula sa nagiisang anak ko.

May anong kirot ang naramdaman ko sa aking puso. I don't want to hear my son's sobs. Iisipin ko pa lang na nasasaktan sya. Ay dobleng sakit na ang nararamdaman ko.

"Chace... May problema ba anak?" Kalmado kong sagot.

"Dad, listen. T-they... they already f-found A-alexa..." and his sobs broke each words he's spilling. "A-ayoko D-dad. Ayoko mawala satin si Alexa. P-please bumalik nalang tayo sa states. Ilayo natin s-sya D-dad..."

Tahimik lang akong nakikinig sakanya. Alam kong dadating rin ang araw na mahahanap na si Alexa ng tunay nyang magulang. Si Alexa na para sa akin ay parang tunay ko nang anak.

"Dad, Can I be selfish this time?"

Napabuntong hininga ako ng malalim bago ko sya sinagot.

"Chace, we can't... Alam nating dalawa na dadating ang araw na to. At babalik pa rin ang ala ala nya. Hindi natin sya pwedeng itago panghabang buhay. Ayaw mo naman siguro syang mabuhay sa puno ng kasinungalingan."

Kasinungalingang alam kong hinding hindi ko pag sisisihan. Ginawa ko lamang iyon para narin sa kaligtasan nya. Masakit, Oo. Sino bang hindi maaapektuhan. Parang anak ko na rin sya. Pero kahit bali-baliktarin pa ang mundo. Hindi pa rin sya maituturing na akin.

"Dad, Hindi ko kaya..."

"We'll fix it. Uuwe ako dyan. I'll give you a call. Settle all the meet ups sa family nya. And we'll talk to them first before Alexa. Now son, listen to me. I know you love her. But.. we can't hide her from her real family. I hope you get my point. I love you both. Please do take care of her. "

Matapos ang usapang iyon eto ako ngayon kinakabahang kakaharapin ang katotohanan. Katotohanang magpapabago nanaman ng mundo ko. Mundong mawawalan nanaman ako ng mahalagang tao sa buhay ko.

Sa di kalayuan ay natatanaw ko na si Chace kasama ang nag iisang prinsesa ng buhay namin. Tumakbo ito palapit sakin.

"Daddy!" isang mahigpit na yakap ang natanggap ko sakanya. Kumirot ang puso ko. Ito naba ang huling beses kong maririnig yang salitang 'Daddy' sakanya. Huwag naman sana... Dahil kahit ako ay ayaw ko syang bitawan.

"Dad.." Ani ni Chace. Ngumiti lang ako bilang tugon.

Agad ko namang binaling ang tingin ko kay Alexa. "Did you miss me?" Tanong ko sakanya. Isang malawak na ngiti ang nakakurba sa mga labi nya. Ang saya saya ng itsura nya. Napakasaya. Ayokong mawala iyon at ayokong masaktan sya. Ano bang dapat kong gawin?

"Ofcourse! I missed you Dad! Sobra akong excited makita ka. Dad you should stay here for long. Ipapasyal ka namin ni Kuya."

Masayang bati nya sa akin. Hindi ko napigilan at niyakap syang muli. Dumalo naman si Chace.

How can I let go this little angel I'm hugging right now. Parang ayaw ko rin syang pakawalan. Please konting panahon pa. Ayaw ko pa syang mawala sa akin. sa amin...

AIDAN'S POV

"Dad please calm down. Baka bigla na silang dumating." Ani ni Andrew. Kanina pa ako palakad lakad sa kinapwepwestuhan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Isang hindi inaasahang balita ang natanggap ko. Buhay daw si Sky. Halos matulala ako sa balitang iyon. At sa kabilang banda ay may kung anong tuwa naman ang nasa puso ko. Pero bakit ngayon lang. Bakit ang tagal bago namin nalaman na buhay sya.

At ngayong araw na to. Sa mismong oras na to ay kakausapin kami ng mga mabubuting taong nagligtas sa buhay ng nag iisa kong prinsesa. Malaki ang utang na loob ko sakanila. Dapat ko silang pasalamatan ng buong buhay ko.

Marahan akong umupo at pinakalma ang aking sarili. Habang si Van naman ay tahimik lang na nakaupo sa gilid ko. Alam kong kinakabahan din sya.

*Tok Tok Tok

Magkakasunod na katok ang narinig namin. Sila na siguro yung kumakatok. Bigla naman akong kinabahan. Wala pang ilang minuto ay pinapasok na ni Andrew ang aming munting bisita.

Unang pumasok ang isang binatilyong sa tingin ko ay si Chace na kaklase nila. Magalang itong bumati sa amin. Base sa pagkakakita ko, napalaki sya ng maayos ng mga magulang nya. Bumati narin ako pabalik sakanya.

At hindi ko inaasahan ang kasunod nitong lalaki.

"Steve."

"Aidan."

Halos sabay naming sambit. Napatigil ako at tindig na nakatayo habang nakatitig sa mga mata nya. Pagkabigla ang mababakas sa mga mata nya. At ganon na rin siguro ang makikita sa itsura ko ngayon. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga. Siya nga ang matalik kong kaibigan.

"Magkakilala kayo Dad?" tanong ni Andrew sakin. Tumango ako bilang sagot. Ihinakbang ko papunta sakanila ang mga paa ko.

"Ikaw. Ikaw ang nagligtas sa anak ko?" Mahinahon kong tanong.

"Hindi ko inaasahang magkikita tayong muli Aidan. Kung ganon... anak mo pala sya. Anak nyo ni Anya. Kaya naman pala ang gaan ng loob ko sakanya." Nang banggitin nya iyon ay isang malungkot na ngiti ang pinakita nya. Apektado pa rin ba sya hanggang ngayon? Sa bagay na naging dahilan ng alitan namin.

Laking pasasalamat ko sa ginawa nyang iyon. Si Steve ay isang mabuting kaibigan. Nawalan kami ng komunikasyon dahil

narin sa personal na bagay. Isa na roon ay ang pagpapakasal namin ni Anya.

Bestfriend ko si Steve. At sa kasamaang palad ay sa iisang babae kami nag mahal. Walang iba kundi kay Anya. Nagparaya sya pero alam kong naging dahilan iyon para maputol ang pagkakaibigan namin. Simula ng ikasal ako ay hindi ko na sya nakita pang muli.

"T-tito Aidan. Van. Andrew." tawag isa isa sa amin ni Chace. "P-parang awa nyo na. Huwag nyong ilayo sa amin si Alexa. H-hindi ko kayang mawala sya sa amin. Simula ng dumating sya sa buhay namin parang naging buo na ulit ang pamilya ko. Kaya kahit anong mangyari nakikiusap ako na huwag nyo syang ilayo sa amin ni Daddy."

Sinserong sabi nya. Halos wala akong masabi dahil alam kong napalapit narin ang loob nila sa anak ko. At wala naman akong balak na ilayo sakanila ang anak ko. Isang malaking utang na loob ang mayroon ako sakanila. At ayokong masaktan sya sa pagkakataong ito. Ayokong lumayo ang loob nya agad sa pangalawang pagkakataong pagkikita namin. Ayoko...

"Chace" Puno ng otoridad na boses ang narinig ko kay Steve. Huminga ito ng malalim at saka tinignan ang anak na katabi nya.

"Alam nating pareho na wala tayo sa lugar para ilayo sya sa tunay nyang pamilya. Oras na para makasama nya ang tunay nyang pamilya. We'll let her go--"

"--Let her what Dad?! Hindi mo ba sya mahal?! Kase ako hindi ko kaya. Hinding hindi ko kayang pabayaan sya! Nawala na sakin si Mommy pati ba naman sya Dad?! I was once shattered and I can't help it kung mawawala sya satin"

Halos lumuhod na si Chace sa harap ng kanyang Ama. Puno ng pagmamahal. Iyan ang makikita mo sa mga mata nya. Masaya ako kahit papano sa mahabang panahong nawalay sakin ang anak ko ay may taong nag aruga at nagmahal sakanya. Pagmamahal na kayang tumbasan ang kaya kong ibigay. O higitan pa.

"She's like a daughter to me. Kung masakit sayo. Mas masakit sakin... I want to be selfish. I want to take her away. Malayo sa tunay nyang pamilya. Pero hindi ko gagawin dahil Mahal ko ang kapatid mo. Sa mundong ito Chace hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong maging makasarili. Kapag mahal mo ang isang tao, at ang pagiging makasarili ang iisipin mo ay binibigyan mo na sya ng rason para unti unti lang iwanan ka. Ang pag papaubaya lalo na alam nating nahanap na sya ng tunay nyang magulang iyon lamang ang magagawa natin. Dahil sobra natin syang mahal. We will let her go. We will do that Chace..."

Ilang sandaling katahimikan ang pumanig sa pagitan namin.

"Steve. Chace." Tawag ko sakanila. "Huwag kayong mag alala. Hinding hindi ko sya ilalayo sa inyo. Lubos akong nagpapasalamat dahil sa pag mamahal na binigay nyo sakanya. Isa lang ang hiling ko. Sana tulungan nyo kaming mapalapit sakanya hanggang sa tuluyang maka alala sya."

"Salamat Tito!" Masayang sagot ni Chace. Agad naman nya akong niyakap. Somehow I owe them my life.

"Makaka asa ka Aidan. At maraming salamat sa pagkakataong ito." Iniabot nya sakin ang kamay nya at dinalo ko naman ito. At may isa pa akong hiling na nais mula sakanya.

"Pangalawa, sana magka ayos narin tayo Steve."

Sa tagal ng taong lumipas ngayon lang ako nangulila sa isang kaibigan. Isang tunay na kaibigan na masasabi kong pinag sisisihan ko simula noong mawala sya.

Bestfriend. Iyan ang salitang hindi ko na mabanggit banggit mula ng mawala sya sa buhay ko. Partners in Crime. Yan ang bansag sa amin noon. Halos sabay kaming lumaki. Dahil narin sa matalik na magkaibigan ang pamilya namin. Pero unti unti yun natagtag na parang isang mapait na ala ala.

Sana sa pagkakataong ito ay magkaroon rin ng bagong simula sa pagitan namin. Bilang magkaibigan.

Dahil ang tunay na Kaibigan. Kahit saan hindi mo basta basta mahahanap yan. Marami ka mang makilalang maaaring maging kaibigan mo pero pili pa rin ang mananatiling tapat sayo. At isa na si Steve roon.

"Magkaayos? A-YO-KO nga." napanganga naman ako. Hindi lang ako pati narin sila Chace, Andrew at Van.

"Matapos mong agawin noon yung magiging girlfriend ko. Edi sana nakabuo nako ng basketball team. Kaya A-YO-KO makipag ayos sayo. Saka pinag kalat mo noon na mas gwapo ka kesa sakin? Hoy Aidan sinasabi ko sayo ngayon ako kaya ang Heartthrob ng Unibersidad natin at nadamay ka lang dahil magkasama tayo--"

"--So anong gusto mong palabasin na nahawa lang ako sa kagwapuhan mo? Kung ayaw mo edi huwag! Mayabang ka pa rin tulad ng dati. Kaya di nako mag tataka kung ako ang mas gusto ng mga babae noon kesa sayo!"

"Aba sumosobra ka na Aidan ha. Napilitan lang sila dahil hindi ko sila type! Aminin mo na babaero ka noon."

"Hep! Ano ba Dad daig nyo pa teenager kung magtalo!" Saway sa amin ni Andrew.

Nagkatinginan kami at sabay na tumawa. Naaalala ko noon ang kabataan ko kasama ang taong ito. Isang mahigpit na yakap ang binigay nya sakin at agad ko itong tinugon.

Pakiramdam ko kumpleto nako. Hindi ko pa man nakikitang muli ang anak ko. Ngayon pa lang ramdam ko na ang sobrang kasiyahan.

ALEXA'S POV

ding dong

ding dong

ding dong

Napatingin ako sa pinto. Its not Dad and Chace. I'm sure of it. Sino naman kaya ang mag dodoorbell sa unit namin. Bakit kase iniwan nila ako dito. Gusto ko pa naman sumama sakanila.

I open the door and saw group of people. They looked shock as I face them.

"Excuse me do you need something?" I raise my eyebrow as I asked them. Sino ba sila para istorbohin ako.

"A-ano" Sabi ng isang babaeng parang maiiyak na.

"What?" nakakainis may kailangan ba ang mga to. Hindi ko naman sila kilala. Im just wasting my time. Im about to shut the door pero pinigilan ito ng isang kasama nila.

"T-teka A-alexa kaibigan kami ni Chace." Then upon hearing my brother's name hinarap ko ulit sila. So kaibigan sila ni Chace. Edi ibig sabihin kaibigan din nila si Jin.

Nagpalinga linga ako pero di ko sya makita. Nailing ako kaunti. Ano ka ba Alexa. Bakit mo ba sya hinahanap. Wala naman syang pakialam sayo. Malamang nandun nanaman yung tangang yun nakabuntot sa babaeng nagugustuhan nya. Shit Why I am irritated. Tsk! Napasimangot nalang ako.

"Sorry pero wala si Chace. He's with my Dad. Bumalik nalang kayo ulit."

"Oh bakit naka tayo lang kayo dyan?"

And there pumintig nanaman ng kakaiba ang puso ko. I just heard his voice. Pero eto ang epekto sakin. Nakakainis hindi ko naman sya gusto. Arrrgghh! Okay fine! Gusto ko nga ata sya!

"Jin" I don't know why, pero I just call his name. I find it weird.

"Alexa mga kaibigan nga pala namin ni Chace. Pinapapunta nya kami dito mag antay nalang daw kami kung ayos lang."

Sabi nya habang nakangiti. Oh his smile. Bakit parang namiss ko ang lalaking to. Kakakilala ko pa lang sakanya pero parang ang tagal tagal na namin magkakilala. I think I'm crazy.

"Okay fine. Pumasok na kayo." Medyo mataray kong sabi. Hindi ko pwedeng ipahalata na masaya ako dahil nakita ko sya. Mamaya pagtawanan nya lang ako. Saka naiinis ako. He said hindi nya ako iiwan pero antagal tagal nya bumisita ulit sa amin. Shocks! Nababaliw na nga ako. Bakit umaasa ako sa sinabi nyang yun. Paasa sya. And its not good to like him. May ibang gusto na tong tangang to kaya hindi pwede.

Isa isa naman silang umupo. Tulad kanina nakatingin lang sila sakin. Awkward. Thats what I can see.

"J-just wait here." Ani ko na medyo kinakabahan. Sino bang hindi kakabahan halos tunawin nila ako sa mga tingin nila. At isa pa yung isang babae halos patayin naman ako ng titig nya.

Dali dali akong pumunta sa kitchen. Sabi ni Chace pag may bisita I should act nice. Kaya eto ako nag preprepare ng sandwich and juice para sakanila. Tinuruan naman ako ni Chace kaya hindi ako papalpak dito. And there easy as one, two & three I'm done.

Pagbalik ko naguusap lang sila pero hindi ko marining ang mga iyon. Inilapag ko ang dala ko na agad namang tinulungan ng isa sakanila.

"Oo nga pala. Ipapakilala ko sayo yung mga kaibigan ng Kuya mo." panimula ni Jin. Tumango lang ako bilang sagot. Parang ayaw gumana ng pag tataray ko pag sya na ang nagsasalita.

"Eto nga pala si Amber." turo nya sa babaeng halos maiyak iyak kanina. Para naman syang bata. For the sake of Chace. I'll be nice. Just this day.

"H-hi--" I was about to speak and then that girl hugged me. I was shock. Dahil hindi ako ako sanay naitulak ko sya.

"Ouch!" Ani ni Amber. "Amber! Ayos ka lang?" sabi naman nung isang lalaking katabi nya.

"Hey! why did you do that." sabi naman nung babaeng halos patayin ako sa tingin.

"Hindi ko sinasadya. Bigla nya akong niyakap. Saka hindi ko naman sya kilala." paliwanag ko. why I'm explaining myself to them. Sila nga ang nanggugulo dito.

"P-pasenya kana di ko sinasadyang yakapin ka. Ako nga pala si Amber. S-sana maging magkaibigan tayo." Ani ni Amber. I looked away. Ayokong tignan yung mga mata nya. Parang nakokonsensya ako sa ginawa ko sakanya.

"I-i..." I bit my lower lip. Ayan nanaman. Kinakabahan nanaman ako. At isa pa to sa bilin ni Chace. I should learn to say Sorry. "I-i'm S-sorry."

"A-ah saka nga pala. Eto naman si Tyler." turo ni Jin sa lalaking tumulong sakin kanina. Tyler pala pangalan nya. Nginitian nya naman ako.

"Eto naman si Kid." turo nya ulit sa isa pang lalaking halos hindi kumikibo pero ang lalim ng tingin nya sakin. Naiilang tuloy ako.

"Hi." sabi nung Kid sabay abot sakin ng kamay nya. Hindi ko mabasa kung anong ekspresyong meron sya. "Hi." bati ko pabalik pero hindi ko tinugon ang kamay nya.

"And lastly, si Kourtney nga pala." huling pagpapakilala ni Jin. Kourtney? So this is the lucky bitch. I mean lucky girl na pinagmumukmukan ng tangang to.

I just raised my brow to her. With matching cross arms pa sa chest. Hindi naman sya maganda para habul habulin. Hindi rin naman sya approachable. Ewan ko pero ayaw ko sakanya. O sadyang naiinis ako kase may gusto sakanya si Jin.

"I don't like you." I mutter. Di ko naligilan at nasabi ko sakanya yun. Mas nainis ako ng nginisihan nya ako.

"Don't worry the feeling is mutual." saad nya. With that inirapan ko lang sya. Nakakainis. Bakit ba kase pinapunta pa ni Chace ang mga kaibigan nya dito. Alam naman nyang ayaw ko makipagusap sa iba. And still he's pressuring me to be nice.

AMBER'S POV

Nakatingin lang ako sakanya. Her old mannerisms. The way she bit her lip when she's tensed. Ay iyon pa rin ang makikita mo. Hindi ako makapaniwala na buhay sya. Na buhay ang Bestfriend ko. Kaso may halo ng pangambang hindi nya kami maalala. Isa pa ibang iba yung ugali nya. Nagulat ako ng itulak nya ako ng malakas pero ano nga ba ang magagawa ko hindi nya ako matandaan. Hindi nya matandaan na naging mag Bestfriend ka.

Paano na ngayon to. Mukhang mahirap pa naman syang kaibiganin. Napabuntong hininga nalang ako. Mukang tama nga si Chace. Ibang iba si Alexa. Ibang iba sa dating Sky na kilala ko.

TYLER'S POV

Oh God. Hindi ko mapaliwanag yung tensyon o nararamdaman ko ngayon. She's alive! Masaya ako dahil buhay pala sya. Pero ibang iba ang pakikitungo nya sa amin.

Ibang iba sa dating Sky.  Brat,  yang ang masasabi ko..

Halos mapatulala lang ako. Konting ngiti ngiti. Pero hindi ko magawang kausapin sya. Noong binalita samin ni Andrew na buhay sya lahat kami hindi makapaniwala. Sino ba naman ang maniniwala halos dalawang taon na ang lumipas.

Sa kabilang banda, napaisip ako. Kung buhay si Sky. May posibilidad kayang buhay din si Kathryn?

At muli nanaman akong napa isip.

KID'S POV

Looking at her is like a dream come true. Hindi nga ako nagka mali. Sya nga. Sya yung babaeng nakita ko noon. Habang pinagmamasdan ko sya hindi ko maiwasang hindi isipin na yakapin sya ng mahigpit. Pero I can't do that. Kanina lang kung pano sya mag react sa yakap ni Amber ay ikinagulat nya. To think na mag Bestfriend sila. Mag Bestfriend nga rin pala kami. Pero Ako Mahal ko sya. Hindi lang bilang Bestfriend kundi higit pa...

Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang lakas at bilis ng pag tibok nito. Masaya. Hindi sapat na salita para ipaliwanag yung nararamdaman ko. Dahil sobrang saya ko.

"Kid..." hinawakan ng mahigpit ni Kourtney yung kamay ko. Napatingin ako sakanya. "Please don't leave me." Pagmamakaawa nyang sabi. Puno ng takot, pangamba, pagmamahal at sakit ang makikita sa mga mata nya. I'm an ass. Bakit ko ba nasasaktan ang taong nagmamahal sakin.

"I-i won't." I assured her. She just nod and smile. Napalingon naman ako kay Jin na nakatingin sakin.

Alam kong dapat ko syang kausapin. Kourtney and I are officially dating. Pero hindi ibigsabihin non ay hindi ko na mahal si Sky. Simula pa lang sya ang mahal ko. At alam kong sya pa rin hanggang ngayon. Sya pa nga rin ba? Bakit parang may duda na akong nararamdaman.

Parehong importante sakin si Kourtney at Sky and I don't want to lose any sakanilang dalawa. Noong gabing napatakbo ako sa unit ni Kourtney ay yung gabing nagtangka syang magpakamatay. Sobra akong natakot dahil baka ituloy mga nya. Hindi ako makakapayag na may masamang mangyari sakanya. Ayoko nang maulit pang may mahalagang tao sa buhay ko ang mapahamak pang muli. Hindi ko na kakayanin pa. Sinabi nya saking hindi nya kayang mawala ako. Ang mas masakit pa ay nasasaktan sya ng dahil sakin. At dahil doon ay nasasaktan narin ako. Seeing her crying pained my heart.

"You finally found her. What will you gonna do? Will you leave me? Huwag naman ganon Kid. Huwag mo naman ako basta bastang iwanan na parang isang bagay na i-ooff mo nalang. Mahal na mahal mo yang babaeng yan. Sabi mo sya ang True Love mo. Eh ano ang papel ko sayo? Shoulder to cry on. Tandaan mo you were shattered and pained when she was gone. A-and ako ang lage nasa tabi mo. S-sana huwag mong gawin yung naiisip ko. Kase baka hindi ko rin kayanin ng wala ka. Ganyan na kita kamahal. Kung magiging makasarili ba ako pipiliin mo pa bang makasama ako?."

I know. Alam na alam ko ang hirap at pag tyatyaga nya noong mga panahong wala nako sa sarili ko sa sobrang depresyon. At aaminin ko may puwang na rin sya sa puso ko.

And for the last time. I look at the girl I'm waiting for the past two years. Mahal kita noon. Mahal pa ba kita hanggang ngayon?

JIN'S POV

Matiim kong sinara ang kamay ko. Nakakainis. Ngayong nagkita na sila sana wag nyang piliin saktan si Kourtney. We really need to talk.

Kaibigan ko si Kid pero hindi ko maiwasang hindi isipin na gago sya. Alam naman nya. Alam na alam nyang gusto sya ni Kourtney noon pa man.

"You're jealous." rinig kong bulong sakin. Pag lingon ko si Alexa na nakasimangot. Ano pa nga bang bago. Hindi naman sya ngumingiti.

Ako nagseselos?  Ngumisi ako sakanya.  She thinks im madly inlove with Kourtney. 

Ang ganda talaga nya. Noon pa man maganda na talaga sya. Kaya nga... sya ang kauna unahang babaeng nagustuhan ko.

"Oo nga nagseselos nga ata ako." pagkakasabi ko non ay inirapan nya lang ako. Kita mo nga naman ang tindi ng mood swing nya. Pano kaya natagalan ni Chace to. Hindi ko lubos maisip.

"Jin." tawag sakin ni Tyler. "Pano mo nagagawa yun. I mean look at her. Sya nga si Sky pero grabe parang Leon naman sa aura. Hindi ko nga makausap eh." Mukang tangang tanong nya. Natawa ako ng mahina. Pano naman kase kala mo nagpa amo ako ng mailap na hayop. Sya pa rin naman si Sky.

"Ano ka ba kausapin mo lang. Sya pa rin naman yan. Hindi nga lang nya tayo matandaan. Sana maalala na nya tayo..."

"Gusto mo pa sya." Ani ni Tyler.

"Huh?"

"Gago ka pa din Jin." Sabi nya na naiiling iling. Tignan mo to sya nagtanong tas ako pa yung gago. Pambihira! "Sabi ko gusto mo pa din ang first love mo. Gusto mo pa din si Sky."

Nanlaki ang mata ko sa pag banggit nya at agad na tinakpan ang bibig nya. Pesteng bunganga. Shit sya. Agad naman nya yung tinanggal at tumawa lang ng mahina.

"Si Kourtney na ang gusto ko." Mariin kong sabi. Totoo naman gusto ko si Kourtney.  Gusto ko syang protektahan.

Agad naman nawala ang tawa nya at seryosong tumingin sakin. Sa salitang binitiwan nya. Isa lang ang sigurado ako. I was caught off guard.

"The feeling your trying to avoid since then are the same feeling that keep on happening to you again and again. Man your still inlove with her."

With that, I still get those stupid butterflies again...

Continue Reading

You'll Also Like

115K 8.6K 76
And so? An epistolary.
285K 8.9K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
20.5M 506K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]