Mafia Heiress Possession: Hur...

By GoddessNiMaster

2.1M 81K 13.7K

An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adven... More

Mafia Heiress Possession - Season 1
Announcement
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 13
Pahina 14
Pahina 15
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 19
Pahina 20
Pahina 21
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24
Pahina 25
Pahina 26
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
Pahina 30
Pahina 31
Pahina 32
Pahina 33
Pahina 34
Pahina 35
Pahina 36
Pahina 37
Pahina 38
Pahina 39
ChibiChibi (trip lang, post ko ulit :p)
Mafia Heiress Possession - Season 2
Pahina 40
Pahina 41
Pahina 42
Pahina 43
Pahina 44
Pahina 45
Pahina 46
Pahina 47
Pahina 48
Pahina 49
Pahina 50
Pahina 51
Pahina 52
Pahina 53
Pahina 54
Pahina 55
Pahina 56
Pahina 57
Huling Pahina
Epilogue
Extra Untold Moments: Cane & Simone
Extra Untold Moments: Simone & Lihtan
Another Extra Chapter
All about Hurricane
Reader's Favorites, why? Part 1
Reader's Favorites, why? Part 2
Been A While.

Pahina 18

30K 1.3K 119
By GoddessNiMaster

Pahina 18
Poisonous Taki (1st Part)

"Lihtan..." lumapit ako sa kanya at umupo sa batong inuupuan niya.

Nakaharap siya sa dagat.

"Wala na naman siya, Cane." sambit ni Lihtan.

Alam ko ang tinutukoy niya.

"Nag-aalala ka kay Taki?" ngiting tanong ko. Parang bata na tumango si Lihtan at hindi ko mapigilang guluhin ang buhok niya sa taglay niyang ka-cute-an.

"Bigla na lang siyang nawawala sa t'wing tulog na tayo." narinig kong boses ni Tenere na gising na rin. Si Simone naman ay nanatiling nakasandal sa pader ng kweba habang nakapikit pero alam ko na gising ito.

Madaling araw na at mga dilat na ang mga mata namin.

Tumingala ako sa napakagandang buwan na siyang nagsisilbing liwanag namin. Napakasarap sa pakiramdam ng paghampas ng alon sa karagatan at ang malamig na simoy ng hangin.

Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Lihtan habang napapaisip din kung anong ginagawa at nasaan sa mga ganitong oras na 'to si Taki. Mula nang makilala namin siya ay lagi siyang nawawala kapag dumidilim na at magigising kami na nasa tabi na namin siya at natutulog. Napangiti ako dahil naalala kong nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Simone. Gustuhin mang tumayo ni Simone ay di niya magawa dahil sa nakapatong na ulo sa kanya.

Napakakulit at cute ni Taki. Na marinig ko pa lang ang pangalan niya ay natatawa na 'ko.

Pero nasaan siya ngayon? Nag-aalala kami.

Napaupo ako nang diretso nang may maramdamang paparating.

"T-Taki... Taki!!"

Bigla siyang bumagsak sa lupa, hawak ang tagiliran at may dugong umaagos doon.

"H'wag kayong lumapit..." nahihirapang pakiusap niya at pinilit na tumayo.

"Taki..." nag-aalalang tawag namin sa kanya.

"Ano bang problema mo?! Fvck!" akmang hahawakan siya ni Simone nang biglang...

"HAYAAN MO 'KO! H'WAG KANG LALAPIT!" sigaw niya.

Bakit natatakot siyang lapitan namin?

Ngayon lang namin siya nakitang ganyan.

Parang nagulat din siya sa kanyang pag-sigaw. Umatras siya palayo sa amin.

"Taki.,." lumapit ako.

"Cane, h'wag mo akong lapitan." natatakot na sambit niya.

Mas binilisan ko lumapit at bigla siyang natumba. Tutulungan ko sana siya...

"Nagmamakaawa ako h'wag mo akong lapitan, Cane. A-ayokong mamatay ka."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin, Taki?" tanong ni Tenere at humarang sa harapan ko.

"N-Nakamamatay ang dugo ko." pinatakan niya ng dugo ang halaman na nasa tabi niya na mabilis na nangitim.

Nabalot kami ng matinding katahimikan.

Nakatingin kami sa kanya na nakayuko ngayon habang nakabagsak pa rin sa lupa.

Bigla siyang nanginig at narinig namin ang nakakahabag na pag-iyak niya.

Taki...

"H-Hindi normal ang dugo na dumadaloy sa akin. Maiintindihan ko kung n--natata-"

Tinakbo ko ang kinababagsakan niya at niyakap siya nang mahigpit. Naiyak din ako dahil ramdam na ramdam ko ang lahat ng takot at lungkot niya.

"Cane..." gulat na sambit nila maliban kay Simone.

"G-Gamutin natin ang sugat mo." sambit ko at lumayo para suriin ang sugat niya.

Inagapan ko ng kamay ko ang pagdugo ng tagiliran niya.

Gulat na gulat siyang nakatingin sa akin.

Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa balikat ko at itinayo.

"Kumuha kayo ng maligamgam, Simone." sambit ko at inihiga si Taki na nakatulala sa akin.

Bakas sa mukha niya ang panghihina.

Kinalkal ko ang travel bag ko at nilabas ang first aid kit.

Pinunit ko ang suot niyang damit.

"S-Sandali..."

"H'wag kang malikot." seryosong sambit ko.

Tumambad sa amin ang katawan niyang may mahabang kalmot at malalim.

Sa bakas na 'yon ay nasisiguro kong gawa 'yon ng mga delikado at malaking hayop sa kagubatan.

Tinanggap ko ang damit na binigay ni Simone at piniga sa tubig at nilinis ang sugat ni Taki. Mabuti na lang may dala akong rubbing alcohol.

"Tiisin mo."

"Aww! Masakit!"

"Hindi ah." ngisi ko sa kanya at pinatakan sa kamay si Lihtan at Tenere.

"Masakit ba?"

"M-Malamig at masarap sa balat." manghang sambit ni Lihtan.

"Hindi 'yan tinitikman, Tenere. Hehehe."

Hinarap ko si Taki na naguguluhan. Napabuntong hininga ako habang ginagamot ang sugat niya.

"Hindi ako tinatablan ng lason kaya hindi ako mamamatay." mahinahong sambit ko rito at nginitian.

"Wag kang mag-alala, ayos lang 'yan." dagdag ko pa.

"P-Paanong nangyari 'yon?"

"Nakuha ko sa Dad namin."

"Sa iyong Ama? P-Paano?"

"Hindi ko na natanong pero para ito sa kaligtasan namin." nakangusong sambit ko.

"B-Bakit? May kalaban ba ang pamilya mo?"

Natawa ako dahil sa tatlong mukha na nakaharap sa mukha ko at abang na abang sa ikukwento ko. Pinagpatuloy ko ang pagbalot sa katawan ni Taki at kumuha ng gamot.

"Hindi ko mabilang."

Nanlaki ang magaganda nilang mata kaya natawa ako nang malakas. Kita ko rin ang pigil na ngiti ni Simone sa mga itsura nila.

"Bakit may mga kalaban kayo?" tanong ni Tenere na kinangiti ko dahil sa lalim ng pagkakakunot ng noo niya.

"May mga nilalabag kasi sila at pinipigilan namin ang mga hangarin nila." sagot ko at binalot na ng tela ang katawan ni Taki. Tinitigan ko si Taki.

Napakaimposible ng iniisip ko pero hindi ko mapigilan.

Gustuhin ko man itanong ang nanyari sa kanya ay sa tingin ko hindi pa ito ang tamang oras.

"Bumibigat ang pakiramdam ko nang makita ang pag-iyak mo." sambit ko dito.

Nakita ko ang pag-awang ng labi niya.

"Kapag gusto mong umiyak, sasabayan kita umiyak. Hehehe." sambit ko at nginitian ito.

Nakatitig siya sa akin na parang bata. Ginulo ko ang buhok niya.

"Ayos lang 'yan, Taki. Ayos lang 'yan." tumango siya. Wala ng bakas ng malungkot na Taki.

Tinapik ko nang mahina at paulit ulit ang balikat niya hanggang sa makatulog na siya.

Tiningnan ko sila Lihtan na nakatingin sa akin.

"Bakit?"

Sabay na umiling sina Lihtan at Tenere at tipid na ngumiti. Seryoso naman ang mga mata ni Simone na nakatingin kay Taki.

"Hindi niya sinasadyang sigawan ka, Simone."

"I know, sa tingin ko gawa ng lobo ang sugat niya."

Napangiti ako sa kanya. Nag-aalala siya.

"Sa tingin ko din." sambit ko at binalik namin ang tingin kay Taki.

Ngayon niya lang ako tinawag na 'Cane'.

"Hindi natin siya pababayaan." sambit ko habang nakangiti.

Nang magliwanag na, pagkagising ko ay nakita kong magkakatabi na nakaupo sina Lihtan, Tenere at Simone at parang may pinapanood.

"Anong ginagawa niyo?" takang tanong ko.

Tinaas ni Lihtan ang hintuturo niya at nakita ko si Taki na nagluluto.

"Ipagluluto niya raw tayo."

Binalik ko ang tingin kay Taki na seryosong nag-iihaw ng isda.

Pinulot ko ang dahon ng puno ng saging na nakita ko at nagtungo kay Taki na hindi namalayan ang paglapit ko. Tinaas ko ang dahon sa ulo niya.

"Aking Binibini!"

Nginitian ko siya. Kita ko ang pamumula ng balat niya. Ibinalik ko ang tingin kay Taki. Sa tingin ko ay hindi siya sanay sa initan.

Mukhang okay na siya dahil bumalik na naman siya sa endearment niya sa akin.

"WAAAH! LUTO NA! PARA SA AKING BINIBINI!!"

Natatawang tinanggap ko ang isdang inihaw niya.

"Hehehe. Salamat, Taki!"

"Ang bagal mo, gutom na 'ko." nakangusong inabutan ni Taki si Simone na animo'y takot na takot.

"Patawad sa pagsigaw ko. Hehehe."

"Di ko alam ang sinasabi mo." bagot na sagot ni Simone.

"TAMA! H'WAG MO NALANG INTINDIHIN 'YON!"

"Tenere, Lihtan."

"Salamat."

Nangingiting pinanood ko sila pero mabilis na nabura ang ngiti ko nang makita ang papalipad na pana kay Taki.

Walang pagdadalawang isip na niyakap ko si Taki.

Napapikit ako sa sakit ng maramdaman ang dalawang pana na tumama sa likuran ko. Napaubo ako ng dugo.

"CANE!!!!!"

"Aking b-binibini. Aking binibini!!!"

Nagdatingan ang napakaraming kawal.

Bago pa ako bumagsak ay umalalay sa akin si Taki.

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko.

'Wag mong isipin ang sakit, Cane. 'Wag mong isipin.'

Nang idilat ko ang mga mata ko ay parang dinurog ang puso ko sa pag-agos ng luha ni Taki.

"Fuck! C-Cane..." nanginginig na sambit ni Simone.

"I will kill them!!" nanghihinang hinila ko ang laylayan ng damit ni Simone at umiling.

"Simone..." nanigas ako sa nang marinig ang pagtawag ni Taki kay Simone nang seryoso.

Dahan dahan niya akong ibinigay kay Simone.

Tumayo siya.

Nakatayo silang tatlo sa harapan namin.

Kinabahan ako nang maglakad palayo sa harapin namin sina Lihtan, Tenere at Taki.

Pinilit kong umupo at pikit matang binunot ang dalawang pana sa likuran ko.

"Damn it! Cane!!"

" P-Pigilan mo sila, Simone. H'wag mo silang hayaang makapatay."

Nagtagis ang panga niya at kita ko ang gigil niyang pumatay.

Hinubad niya ang damit niya at itinali sa katawan ko para maibsan ang pag-agos ng dugo mula sa likuran ko.

Isinandal niya ako sa malaking bato.

Naglakad siya patungo kanila Lihtan, Tenere at Taki na walang habas sa pagpapatalsik ng mga kawal na nahihintakutang nakatingin sa kanila.

Nakita ko ang pagbuhat ni Lihtan ng napakalaking bato. Hindi natuloy ang tangkang paghagis ni Lihtan nang may sabihin si Simone.

Hindi hinagis ni Lihtan pero malakas niya 'yong binagsak at nagkanda-pirapiraso.

Maging si Tenere ay hindi natuloy ang balak na pagsipa sa malaking bato.

Pero hindi si Taki.

Si Taki na may mahabang kuko.

Si Taki na namumula ang mga mata sa galit.

Si Taki na mabilis at halos hindi namin makita kung nasaan.

"AAAAAH!!!"

Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin sa hiyaw sa sakit ng mga kawal.

Sunod sunod na nagbagsakan ang mga kawal.

"Taki..." sambit ko sa pangalan niya na ngayon ay wala na sa sarili.

Mabilis na binalik ko ang tingin kay Simone.

"Susubukan naming pigilan ang sarili namin, pero wala kaming magagawa sa kanya." basa ko sa pagbuka ng bibig ni Tenere na seryosong nakatingin kay Taki.

Tumalikod si Lihtan at lumusob muli, at ganoon din si Tenere.

Nag-aatrasan ang ilang mga kawal sa takot.

May sumugat na espada sa braso ni Taki.

Tumalsik sa mga kawal na sumusugod sa kanya.

Nalapnos ang mga balat nila at may isang kawal na natalsikan sa mata.

Parang mabangis na hayop si Taki.

Narinig ko ang pagdaing sa buong kagubatan.

Taki...

Pinilit kong tumayo. Naglakad ako patungo sa likod niya at niyakap siya nang mahigpit.

"Tama na, Taki. Tama na. Ayos na ako, ayos lang ako. Tama na..." hikbing pakiusap ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ni Taki sa kamay ko.

Tila doon lang siya kumalma at natauhan.

"Cane..." tawag niya sa akin.

"Nandito ako, Taki..." sambit ko.

"Sinaktan ka nila." sambit niya na parang hindi niya matanggap

"...hindi ka nila maaaring saktan. Hindi maaari." nanginginig na sambit niya at sunod sunod na pumatak ang luha niya sa kamay kong nakayakap sa kanya mula sa likuran niya.

Babagsak na sana ako nang may sumambot sa akin. Nakita ko si Tenere na umalalay sa akin. Seryoso ang mukha at bakas pa rin ang galit. Si Lihtan at Simone na walang kahit anong emosyong mababakas sa mukha.

Nakita ko ang liparan ng mga ibon. Isang pahiwatig na may paparating.

Naaninag ko si Heneral Sen at kasunod niya si Haring Agnol, Prinsipe Hasil, Prinsipe Lucien at Prinsesa Shea.

"B-Binibining Cane!" windang na tawag nila sa akin maliban kay Prinsesa Shea na namumutla.

Pinilit kong tumayo mag-isa at matalim na nakipagtitigan kay Haring Agnol. Humarang ako sa harapan ni Taki na mabilis na umalalay sa akin.

"May kasunduan tayo, nilabag mo." sambit ko kay Haring Agnol.

"Binibining Cane, wala kaming kinalaman dito. Nalaman namin kay Heneral Sen ang pagkawala ng maraming kawal at-" naputol ang paliwanag ni Prinsipe Hasil sa ginawang pagkwelyo ni Simone sa kanya.

Simone...

"Kung ganoon, sino? Sino ang nag-utos na sugurin kami? Kailangan ko ng matinong sagot!!" nanginginig sa galit na sambit ni Simone.

"Bitawan mo ako! Hindi ko al-"

Lumipad si Prinsipe Hasil sa malakas na sapak na pinakawalan ni Simone sa mukha nito.

"Simone...wag!" pigil ko rito. Kilala ko siya, oras na magsimula siya ay hindi na titigil.

Wag ngayon, Simone.

"Sino?" natigilan ako sa malamig na tanong ni Taki na nasa harapan na ni Haring Agnol.

Tumakbo ako patungo kay Taki bago pa man niya masakal si Haring Agnol. Pinigilan ko ang kamay niya.

Nakita ko ang pamumutla ni Haring Agnol na nahihintakutang nakatingin kay Taki.

Napalitan ng takot at pag-aalala ang mukha ni Taki sa pagtulo ng dugo ko.

Parang napuno na ang damit ni Simone.

"Cane..." naiiyak na sambit ni Taki.

"Binibini..." tawag ni Prinsipe Lucien sa akin pero hindi ako nagawang lapitan sa pagharang ni Lihtan at Tenere sa kanya.

"Binibining Cane, maniwala ka. Wala akong alam sa nangyayari ngayon." sinserong sambit ni Haring Agnol sa kabila ng takot sa mga nasa harapan niya.

"Alam ko." mahinang sambit ko dahil alam ko na ngayon kung sino.

"Sinong nag-utos sa inyo?" malamig na tanong ni Tenere sa mga kawal na sugatan.

"Ang Prinsesa. Si Prinsesa Shea." sagot ng isa sa mga kawal.

Nakita ko ang takot sa mukha ni Prinsesa Shea.

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 1.1K 52
Ever since Daze was still young, she had been always warned by her grandfather not to play near or under the huge tree at the back of their house. Sh...
109K 3.2K 50
|COMPLETE| Genius Series 1 Good Genius (book 2) ACADEMICS SUBJECTS MAKES YOU UGLY!!!! #906 in romance April 30 2018 #845 in Romance March 2 2018 #81...
2.3M 85.3K 84
Highest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang magtransfer sa isang magic school sa isa...
83.3K 1.6K 32
Join the Detective Squad