When She Courted Him

By pajibar

603K 12.7K 2.9K

❝Dear Crush, kung ayaw mo akong ligawan, pwes. Ako ang manliligaw sayo.❞ More

Prologue
Introduction
First
Second
Third
Fourth
Fifth
Sixth
Seventh
Eight
Ninth
Tenth
Eleventh
Twelfth
Thirteenth
Fourteenth
Fifteenth
Sixteenth
Seventeenth
Eighteenth (Part One)
18.2
19
Twentieth
Twenty First
Twenty Second
Twenty Fourth
Twenty Fifth
Twenty Sixth
Twenty Seventh
Twenty Eight
Twenty Ninth
Thirty
Thirty First
Thirty Second
Thirty Third
Thirty Fourth
Thirty Fifth
Thirty Sixth
Thirty Seventh
Thirty Eight
Thirty Ninth
Fortieth
Forty First
not an update
Forty Second
Forty Third
Forty Fourth
Fourthy Fifth

Twenty Third

9.5K 233 32
By pajibar

—Hayley’s Point of View—

                Maya-maya pa, bumaba na kami ni Dylan sa babaan namin pero tahimik pa rin ako at hindi umiimik, at wala pa rin naman siyang pakialam. Hindi man lang ako pinapansin.

                “Anong problema mo?” tanong sa akin ni Dylan na parang naiirita. OMG may pake siya sa akin! Sa wakaaaaas! Kinikilig ako!

                “Ikaw!” sabi ko. “Pwede ba sa sususnod wag kang tatabi sa ibang babae! Katulad kanina, ako lang mag-isa ang nakikipaglaban sa sa ating dalawa! Halata namang gusto kang landiin nung babae kasi kahit na alam niyang magkatabi tayo, sumisingit pa rin siya!”

                “Psh, yun lang pala.” Bulong niya, pero rinig ko pa rin.

                “Anong “lang” ka dyan?!  Hoy, masakit kaya! Sa tabi ko pa kayo mismo naglalandian!”

                “Naglalandian?”

 

                “Oo! Nakikita ko nag-uusap kayo kanina! Wag mo na i-deny!”

 

                Napansin kong parang biglang nagulat si Dylan sa sinabi ko. “T-teka, narinig mo ba kung anong pinag-uusapan namin nun?”

                “Hindi! Sayang nga eh! Tsaka ikaw naman, bakit mo kinakausap yun?!  Masakit kaya yun sa part ko!”

               

                Pansin kong medyo parang lumuwag naman yung pakiramdam ni Dylan sa sinagot ko.

                “Eh ano ngayon? Maganda naman siya ah.” Ngumisi si Dylan tsaka naglakad. Tumakbo ako at sinabayan siya kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.

                “Maganda? Maganda ba ‘yun? Eh puro make-up lang naman yung nasa mukha niya ah!” pagkontra ko.

                Pero totoo naman kasi! Maganda lang siya kasi may makeup siya. Siguro—siguro lang—mas gaganda siya kapag walang makeup. Sexy rin naman siya, maputi. OMG nakaka-insecure nga siya!

                “So? Maganda pa rin.” Sagot naman ni Dylan.

                “Hindi mo nga siya kilala eh!” sabi ko.

                “Eh kaya nga nag-uusap kami kanina eh, para mas makilala ko pa siya.”

                Naglakad ako ng mabilis at tumigil sa harapan niya. “Teka, may gusto ka ba sa kanya?”

                Kahit na alam kong masasaktan lang ako sa isasagot niya, tinanong ko pa rin.

                “Ano bang pake mo?” hindi niya ako pinansin at saka ako nilagpasan sa paglalakad.

               

                Tinignan ko lang siya sandali. Parang seryoso nga siya sa mga sinasabi niya. Waaaaa! Baka nga na-love at first sight siya dun sa babae kanina!

               

               “Seryoso?” mahina kong tanong, na medyo malungkot na rin. “Gusto mo ba talaga siya?”

                “Bakit ba?” tanong niya.

                “Eh kasi,” hindi ko alam kung sasabihin ko ba talaga ‘to o hindi eh. “Kung gusto mo talaga siya, edi kailangan na kitang i-let go?”

 

                Ang babaw lang ng rason kong ‘yun para mag-let go. Pero kasi alam niyo naman si Dylan di’ba? Wala siyang nagugustuhang babae. At kung darating man yung time na maiinlove talaga siya, syempre kailangan ko na siyang pakawalan. Para saan pa kasi kung ipagtutulakan ko pa rin ang sarili ko sa kanya kung may iba na rin naman siyang mahal?

                Matagal kaming hindi umimik ni Dylan noon. Hinihintay ko lang ang sagot niya.

                “Sira ka ba? Ikaw ngang kakilala ko na, hindi ko pinapatulan. Eh siya pa kayang hindi ko kakilala?” pagkatapos niyang sabihin yun.

                Teka? Anong sinabi niya? Anong ibig-sabihin nun? Wala akong naintindihan!

                “Wait! So hindi mo siya gusto?” tanong ko.

                “Kakasabi lang kasi eh.” Walang emosyon niyang sagot.

                “Eh hindi ko naintindihan yung sinabi mo eh.” Pasensya, alam niyo namang slow ako paminsan-minsan. Este, palagi pala.

                “Edi bahala kang intindihin nalang ‘yun.”

                Maya-maya pa, pumila kami ni Dylan sa bilihan ng tickets para sa LRT. Buti nalang at wala masyadong tao ngayon kaya kahit papaano ay mabilis lang kami doon at hindi ko masyadong pinawisan.

                Nag-swipe na kami ng mga cards namin at hindi rin nagtagal ay dumating na yung tren.

                Pagkapasok namin doon, sobrang daming tao kaya siksikan. Wala pang available na mauupuan doon kaya nakatayo lang kami ni Dylan.

                Pero alam niyo ba kung ano yung pinaka nakakakilig?

                Kasi nakatayo kami sa train ng magkaharap! At ang matindi pa? Magkalapit kami dahil sa sobrang siksikan! Waaaaa! Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon grabe!

                An lapit-lapit niya sa akin. Magkadikit rin ang katawan namin ngayon. Amoy na amoy ko ang pabango niya at kitang-kita ko ang perfection ng kanyang mukha. Although hindi siya nakatingin sa direksyon ko (medyo awkward kasi), masaya na ako kasi kasama ko siya ngayon.

                “Ay! Sorry.” Sabi ko.

                Bigla kasi tumigil ang tren para sa susunod na station kaya naman na-out of balance ako at dahil sa nasaharapan ko si Dylan, napayakap ako bigla sa kanya. PROMISE HINDI KO TALAGA SINASADYA YUN HAHAHAHA. Feeling ko tinulak talaga ako ng guardian angel ko para mangyari yun.

                Pero shaaaaaaaks! Kinikilig ako sa mga nangyayari! First time ko lang na mapalapit sa kanya ng ganito.

                “Sinasadya mo ‘yun noh.” Mahinang sabi ni Dylan, pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

                “Hoy, hindi ah!” sabi ko naman.

               

                Kahit na sobrang siksikan ngayon at mainit, okay lang. Once in a lifetime chance lang ang ganitong pagkakataon kaya naman, grab it!

                Nang medyo lumuwag-luwag na sa loob at nabawasan na ang mga pasahero, nagkaroon ng isang bakanteng upuan sa harap namin kaso hindi ko alam kung uupo ba ako o tatayo nalang. Kasi naman, hindi na rin naman kami magkadikit ni Dylan ngayon dahil maluwag na. Sayang naman. Yun pala ang tinatawag nilang Seven Minutes in Heaven. Haha joke lang yun.

                “Upo ka,” sabi ni Dylan at hinawakan ang likod ko para alalayan ako sa pag-upo ko dahil umaandar na ang tren at baka matumba pa ako ako whatsoever.

                Grabe hindi ko alam na medyo gentleman rin pala ‘tong si Dylan kahit papaano! Teka, baka naman gentleman rin siya sa lahat?

                Naka-upo na ako, pero siya, nakatayo pa rin. Nakatayo lang siya sa harap ko dahil wala nang ibang space na pwedeng upuan.

                Napangiti ako ng wala sa oras at sa hindi malamang rason. Ang lakas talaga ng tama ko kay Dylan. Kahit sa maliliit na bagay lang, nabubuo niya na ang araw ko.

               

                “Hi, miss.” Narinig kong sabi ng katabi kong lalaki. Halos ka-edad ko lang rin naman siguro ‘to.

                Lumingon muna ako sa kanya para ma-confirm kung ako ba talaga yung kausap niya, at sa akin nga siya nakatingin.

                “H-Hello...” bati ko naman pabalik.

                “Pwede ko bang makuha ang number mo?” ngumiti siya sa akin at para bang bigla akong nasilaw sa kanyang mga braces. Ang cute naman nito!

                Magsasalita palang sana ako nang biglang huminto ang tren at saka bumukas yung pinto. Hinila ako bigla ni Dylan at naglakad siya ng mabilis. Kikiligin na sana ako kasi hawak-hawak niya ako kaso hindi eh, kasi masyadong mahigpit yung pagkakahawak niya.

                “Dylan, wait lang! Masakit!” sabi ko, hindi ko na kasi matiis. Ano bang meron sa kanya?

                Binitawan niya rin sa wakas ang wrist ko, pero medyo malakas yung pag-let go niya kaya nasaktan ako.

               

                “Aray ko naman!” sabi ko.

                “Bakit ka nagkikipag-usap doon sa lalaking hindi mo kakilala?” tanong ni Dylan sa akin na para bang naiirita. Basta may iba sa aura niya.

                “Ha? Sino? Yung lalaki kanina?” tanong ko.

                “Sino pa ba?”

 

                “Malay mo...” sabi ko naman rin.

                “Ikaw pa nagsasabi sa akin niyan kanina na hindi dapat ako nakikipag-usap sa iba, tapos ngayon ikaw ‘tong nakikipag-kwentuhan sa kung kani-kanino!” kung hindi lang talaga siya gwapong magalit, malamang natatakot na ako sa kanya ngayon.

                “Ha? Hindi naman ako nakikipag-kwentuhan sa kanya! Hello nga lang nasabi ko kanina eh.”

                “Parehas lang ‘yun.”

                “Tsaka sinabihan lang naman kita na wag na kausapin yung babae kanina kasi nakaka-selos kaya tsaka nakaka-insecure! Kaya bakit mo naman ako pagbabawalan na makipag-usap sa iba kung hindi ka naman nagseselos?” tanong ko sa kanya.

               

                Hindi naman siya umimik at nakatingin lang ng masama sa akin. Teka ano ba naman ‘yung mga sinabi ko kanina! Mukha akong ewan! Nakakahiya, parang pinapalabas ko na nagseselos siya kahit hindi naman!

                “Tsk, halika na nga!”

                Sinundan ko lang si Dylan sa kanyang paglalakad kahit na wala talaga akong idea kung alam niya ba ‘tong pinupuntahan namin or kung saan ba talaga siya pupunta. Basta kahit saan man kami mapadpad, okay lang! Basta kasama ko siya. Boom panes.

                “Saan tayo pupunta?” tanong ko.

                “Saan mo gusto kumain?” tanong niya sa akin pabalik.

                “Teka, magd-date tayo?”

                “Tinatanong lang kita kung saan mo gusto kumain, date na kaagad?”  sabi niya. “Nagugutom lang talaga ko. Kumain muna tayo.”

               

                To be continued.

{ author’s note: grabe guys ngayon ko lang napansin na 1k na pala ang votes nito at 66k na rin ang reads! grabe hindi ko talaga inaasahan ‘to. salamat sa lahat ng support niyo. i’m planning to publish this under LIB since exclusive writer na nila ako. but still, plan palang naman yun. love you guys! }

Continue Reading

You'll Also Like

53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
1.1M 86.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
5.5M 278K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...