Bribing Mr. President

By CincoMedicatus

1.5M 22.3K 1.9K

"Nate, bribe me please." More

Bribing Mr. President
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

Epilogue

35.7K 896 68
By CincoMedicatus

Thank you po sa lahat! Maiksi man ang number of chapters nito ay nagawa niyo paring sumabay. Thank you, as in sobra! To my beloved Cincos, alam ko. Alam kong maganda ako. Hahaha!

P.S. Sana po suportahan din natin si Socorro kahit walang hiya siya. Please click the external link. :)

x

EPILOGUE

 

AFTER THIRTY SIX MONTHS

I was busy checking the arcade out. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nakasanayan ang bagong mukha nito. Mula kasi sa pagiging gawa nito sa kahoy noon ay gawa na siya tiles at semento. Seryoso? What the hell did I miss?

Pailing iling kong tinitingnan si Socorro na ngayon ay panay ang tango sa mga estudyanteng nakakakita sa kanya.

“Ang laki ng pinagbago mo, couz. Si Embry ba?” Usisa ko.

Mabilis niya akong inirapan bago nilagok ang isang shot.

Alumni kasi ngayon at bilang President ng university ay malaki ang bahagi niya para maging successful ang event.

Ang bilis ng panahon.

Parang kahapon lang ay naging parte ako ng school na ito. Hindi ko lubos maisip na sa mga panahong ‘yon ay bumalik ako dito mismo sa lugar kung saan muli kong binuksan ang nakaraang akala ko ay matagal nang nakasarado.

“Don’t start, couz.” Pagsusungit niya.

Humagalpak ako sa tawa at sinimsim ang isang vodka.

“Hindi ka ba hahanapin sa loob ng Gymnasium?” Pag-iiba ko.

Pasimpleng umiling si Socorro. “Not really. Besides, hindi naman talaga kami ang host. Tsaka, I want to unwind. Ang sakit sakit na ng likod ko.”

 

Tumango ako at pinagmasdan si Socorro na nag s-stretch. Ang sarap niyang pagtawanan dahil sa kabila ng concealer ay halata parin ang pagiging haggard niya.

Napangiti ako ng palihim. Sa kabila kasi ng mga nangyari kay Socorro, hindi ko aakalain na magiging ganito siya ka responsable. Ang laki na ng pinagbago niya. May pakialam na kasi siya iba.

“Alam mo couz, kung gaano inulan ng gwapo ang school, ganun din ang pagbaha ng pangit!” Biglang sabi ni Socorro.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at ni isang letra ay wala akong makapa. Anak ng.. Sinabi ko ba kanina na nagbago na siya? Napailing nalang ako at tumawa sa inasta niya.

“Tumigil ka nga!” Panimula ko. “Kung makapagsalita ka parang wala kang…”

“Aaaaaaaaahh!! Don’t say bad words!” Tinampal niya ang bibig ko at pinanlakihan ng mata.

Humalakhak ako at napailing.

Sa unang pagkakataon ay bigla kaming natahimik ni Socorro. Ayaw ko man ay hindi ko na naiwasan. Shit lang. it’s been two months.

Hindi ko mapigilan ang maging matabang. Maging matabang sa dalawang buwan na hindi niya pagpaparamdam sa’kin. Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin kay Socorro. Kanina pa pala niya ako tinitingnan at para bang binabasa ang mga bagay na tumatakbo sa utak ko.

“Ayoko na!” Sigaw ni Micaela habang padabog na nilapag ang mga pagkain na binili niya.

Tuloyan na akong natawa dahil sa abot langit na pawis sa noo at mukha ni Micaela. Gago talaga ‘tong si Socorro.

“Ayoko nang makipag bet sa inyo!” Reklamo niya sabay turo niya sa amin.

Imbes na maawa ay natawa kami ni Socorro. Ngumuso lang si Micaela at umirap. Pero ang irap at nguso na ‘yon ay biglang nawala nang may nagpunas ng mga ito sa kanya.

Pasimple akong umirap sa eksena.

“Seriously? Kailangan talaga sa harap harapan ko?” Biglang singit ni Socorro.

Natawa nalang ako dahil sa reaksyon niya. Dapat kasi ay ‘yon ang sasabihin ko pero naunahan niya yata ako. Umiling ako at hinarap sila.

“Hoy Siobhan Imperial! Sa oras na saktan mo yan, tatanggalan kita ng ngala-ngala!” Banta ko kay Hanz.

Napabuntong ako nang nangako si Siobhan sa’kin. Hindi ko alam kung ilang beses na niyang pinangako sa’kin ‘yon. Gusto ko lang naman kasi ng assurance. My best friend is very fragile. Ayaw na ayaw ko ang nasasaktan siya.

Umirap ako sa kawalan nang naglampungan na naman ang dalawa.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa maorganisa ng utak ko kung paano nagkaroon ng relasyon si Siobhan at ang best friend ko. Oo, advantage sa’min ‘yon dahil kilala ko na siya. Pero hindi ko parin talaga maiwasang magduda at paulit ulit na magdalawang isip.

Kahit gwapo at mabait ‘tong si Hanz ay may pagka gago rin ito. Napairap ulit ako.

Tss. Men and their hidden agendas.

Nang malapit ng mag hating gabi ay napagdesisyonan na naming pumasok sa Gymnasium. Hindi ko alam kung paano kami nakapasok. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi kasali ‘yung mga taga ibang batch.

Bigla nasagot ang tanong ko nang makarating kami sa entrance ng gym at pasimpleng kinindatan ni Socorro ang nagbabantay doon.

Wala na. Nilipad na yata ang panga ko dahil sa sobrang gulat.

Ang akala ko kasi ay kaya kami makakapasok dahil sa President siya. Pero mukhang nagkamali na naman ako.

“What the f-uck Socorro?” Reklamo ko nang makalayo layo na kami sa entrance ng gym.

Tumawa lang si Socorro ng malakas at may binulong bulong. Gusto ko tuloy mairita. Hindi kasi tama eh. Alam kong wala ako sa lugar para mangialam pero mali talaga.

She’s committed for Pete’s sake!

 

Hindi na ako nakaapila nang hinila niya ako papasok sa gym. Luminga linga pa ako dahil nawala sa paningin ko ang dalawang lovers kanina. Bigla nga akong kinabahan dahil baka ni-rape na ni Siobhan si Micaela!

“Tsk. Stop searching your best friend!” Sigaw ni Socorro sa kabila ng malalakas na music sa loob ng gym.

Hindi na ako sumagot dahil parang malalaglag na ang tainga ko dahil sa lakas ng music. Tangina. Kahit mahal na mahal ko ang Talk Dirty ni Jason Derulo, hindi ko parin gustong marinig ‘yon na ganito kalakas. Pakiramdam ko matatanggalan ako ng matris dahil sa sobrang lakas ng impact nito.

“Couz, wanna bet?” Malakas na sabi ni Socorro. Napaatras pa ako ng bahagya dahil sa nilapit niya pa ang bibig niya sa tainga ko bago nagsalita nang pasigaw.

“Ano na naman ba ‘yan?” Natatawa kong sabi.

Tumahimik si Socorro – na tila ba nag-iisip. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Simula kasi nung nalaman niya ang tungkol sa bet games namin ni Mica ay para bang na-adik na ito. And speaking of adik, hindi mo talaga mamatamisin o lubos maisip na ganung klaseng bet ang gusto niya.

“Hulaan natin ang color ng boxers nung Emcee!” Nakangiting sabi ni Socorro habang nakaturo sa Emcee na chinito.

“No way.” Kontra ko.

“Yes way!” Giit niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil mukhang seryoso talaga siya. Napakamot nalang ako at tumango. Tangina. Mukhang mapapasubok ako nito ah. Pero mukhang Malabo din naman na malaman namin. Sa sobrang dami ba naman ng tao at sobrang busy ng Emcee.

Ngumiti ulit ako sa pinsan ko at nakisakay sa trip niya.

“Ano’ng hula mo?” Tanong niya.

Hindi muna ako nagsalita at sinundan lamang siya papunta sa isang table na punong puno ng guests. Akala ko lalagpasin lang namin ang table na ‘yon pero doon talaga tumigil ang pinsan.

And what’s next? Pinagtaasan niya ng kilay ang mga taong nakaupo dun. Pagkatapos nun ay dali daling umalis ang mga nakaupong mga babae kanina. Napanganga ako ng wala sa oras.

“Lika couz, upo na tayo.” Aya ni Socorro.

Sumimangot ako at umupo katabi niya.

“That was very rude, Socorro.” Sabi ko.

Humalukipkip siya habang nakatingin sa Emcee. Parang nilagpasan lang niya ang tanong ko.

“Ano’ng hula mo ulit?” Tanong niya.

Okay. Talagang nilagpasan lang niya ang tanong ko. Napailing nalang ako at wala sa mood na nagsabi ng black.

“Hmm. Common. Tingin ko pink.” Napanganga ako sa sinabi niya.

Lumingon ako sa may stage at pinasadahan ng tingin ang lalaking Emcee.

“Bakit pink?” Tanong ko.

Hindi na niya ulit ako sinagot. Siguro dahil sa sobrang lakas ng music o baka wala lang talaga siyang masagot. Natawa nalang ako. Kung ano ano kasi ang naiisip eh.

Pero mukhang sa pangawalang pagkakataon ay nagkamali na naman ako. Bigla kasing sumigaw si Socorro at inagaw ang atensyon ng lahat.

“Poging Emcee! May tanong ako!” Natahimik ang buong paligid.

Lumingon si Socorro sakin at kumindat. Mabilis ko siyang pinanlakihan ng mga mata.

“Ano’ng color ng boxers mo?” Bulgar na tanong ni Socorro.

Napayuko ako dahil sa sobrang hiya. Nakarinig ako ng malalakas na tawa. Sh-it! Nakakahiya talaga! Halos mapalubog na ako sa kinauupoan ko. Oh God! Ano pa bang aasahan ko? Nakalimotan kong si Socorro pala ‘tong kasama ko.

Palihim kong nilingon si Kuya Emcee and I swear, sobrang putla niya! Napamura ako dahil pakiramdam ko mukhang matatalo ako.

Natahimik ang buong paligid. At sa totoo lang gusto ko ng bawiin ang mga salita ko.

“Pink.” Pumiyok ang boses ng Emcess.

Napapikit ako ng mariin at napakagat sa labi.

Sh-it. Talo nga ako.

Tulala ako habang pabalik kami ng arcade. Kung hindi lang talak ng talak si Socorro ay siguro kanina pa ako nawala sa lugar na ‘to at nakabangga ng maraming tao.

“Kiss mo ‘yun!” Masayang sinabi ni Socorro, na siyang nagpabalik sa’kin sa ulirat.

“H-ha?” Tanong ko. Parang nabingi ako sa gusto niyang ipagawa.

Umirap siya at may tinuro. “Sabi ko kiss mo ‘yun.”

 

Nilingon ko ang tinuro niya. At sa totoo lang, hindi lang ako nabingi dahil pakiramdam ko nabulag narin ako. Mabilis ko siyang sinapak.

“Gago ka ba?!” Mura ko.

Humagalpak ng tawa si Socorro. Agad akong nagmura ulit.

Tangina. Ba’t ako hahalik sa isang bungi?!

Sinamaan ko ng tingin ang wala hiyang kong pinsan na halos mamatay na sa sobrang tawa. Hindi ko ‘yon nagustohan. Pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko. Iisipin ko palang parang.. I mean, wala naman akong galit sa mga bungi. It’s just that, let’s be real, diba masyadong awkward yun?

Minura ko si Socorro nang itulak niya ako patungo sa direksyon na ‘yon. Gusto ko siyang sapakin ulit dahil bukod sa mukha niyang nakakairita ay panay pa ang tukso niya.

Napailing nalang ako at sa huli ay naglakad patungo sa lalaking nagsasaway na may nakahating labi. Sh-it. Parang gusto ko na yatang umatras. Hindi naman siguro magagalit si Socorro diba?

Oh God!

Pumikit ako ng mariin nang nasa harap ko na si kuya. Huminga ako nang malalim at nagmura ulit. I stretched my left arm towards him.

“Ku--”

What the heck?

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang namatay ang ilaw.

Halos mapatalon ako sa gulat dahil bukod sa tili ng mga tao sa loob ay may biglang humila sa’kin at madiin akong hinalikan!

“ANAK NG PANTY!” Sigaw ko nang humiwalay na ang labi ng lalaking ‘yon sa’kin.

Halos masuka ako dahil pakiramdam ko nag cheat ako! Pakiramdam ko cheap ako!

Inayos ko ang damit ko at naghanda. Wala akong pakialam kung madilim. Hinanda ko ang sarili ko para sana apakan ang paa ng damuhong ‘yon pero napatigil ako dahil bumukas ang ilaw.

Agad kong pinikit ang mga mata ko dahil bigla ‘yong sumakit sa biglaang liwanag na dala ng ilaw.

Nang makabwelo na ako ay bumuga ako ng hangin at binuksan ang mga mata. Samu’t saring emosyon na ang nasa isipan ko.  May humalik sa’kin at hindi ko matanggap na hindi ako nakaganti!

“Tang-” Sabi ko pero di ko natuloy ‘yon dahil wala na akong kaharap ngayon.

Bigla akong namutla dahil nawala na ang mga tao sa paligid ko. Nasa gilid ako ng gym at sa tanaw ng mga mata ko ay talagang wala ng tao.

Napatuwid ako ng tayo nang nakarinig ako ng tikhim. Hindi ko alam pero sobrang namamawis ang mga kamay ko.

Babe..

 

Oh God!

Yung boses na ‘yon. Hindi ako pwedeng magkamali!

Napakagat ako sa labi ko at unti unting lumingon sa likoran ko.

Ang una kong nakita ay ang mga taong nasa event na nakatayo lahat – nakangiti – at may hawak hawak na puting rosas.

Biglang tumulo ang luha ko nang lumiko ang mga mata ko sa gitna and there, nakita ko si Nate. He was wearing a black tux at naiinis ako dahil pareho kami ng kulay ng damit! Sh-it. Destiny nga kami! LOL!

Pero sh-it talaga. Shit. Shit. Shit.

Ngumisi si Nate nang makita reaksyon ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya. Walang hiya kasi. Ginawa akong tigang ng dalawang buwan.

Lumipad ang kamay ko sa mga mata ko at pinunasan ang mga luhang ‘yon. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Nate at nag-extend ng dalawang kamay, as if signaling me to hug him.

Natawa ako at mabilis na lumapit sa kanya. Napaiyak ako ng sobra nang maramdaman kong totoo nga na nandito siya.

Oh sh-it. Nandito nga siya.

“I’m sorry” Aniya. “Alam kong nawala ako ng dalawang buwan. Hinabol ko kasi ang organizer ng event na ‘to para sana pakiusapan siya.”

 

Hindi na ako makasagot sa sinabi niya. Walang hiya. Kahit sampung taon niya akong gawing losyang at maputla dahil sa sobrang katigangan ay wala na akong pakialam.

“Gago talaga yang pinsan mo. Ang sabi ko sa akin ka niya ipalapit pero sa iba pala talaga.” Mura at sumbong ni Nate sa’kin. Hindi ko naiwasan ang umirap at natawa si Socorro dahil nakita niya ‘yon.

Tumili siya bago sumigaw, “Sorry! I prefer a twisted love story.” Natatawang sabi niya.

Inismiran ko siya bago bumitaw sa yakap kay Nate.

Mataman ko siyang tiningnan at halos mapapikit ako nang marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala ‘yon sa labi ko.

“Same old Kareeza.. Madali paring pakiligin.” Singit niya.

Bigla akong napamulat at sinamaan siya ng tingin. Humalakhak siya at kasabay nun ay ang paghila ko sa buhok niya.

Napangisi ako sa reaksyon niya.

“Alam mo namang gusto ko ng magugulong buhok, diba?” Sabi ko.

Ngumiti siya sa’kin at mabilis akong hinila patalikod sa kanya. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya pero hinayaan ko lang ‘yon.

Magsasalita na sana ako nang may biglang nagflash sa screen.

“Oh shit!” Mura ni Nate.

Natawa ako dahil sobrang epic fail!

“Don’t laugh!” Saway niya.

Nilingon ko siya. “Nate, you really don’t have to do this.  Simpleng proposal sapat na.”

Yes. He just proposed to me.

“Unfortunately, naging jejemon ang nasa screen.” Natatawa kong sabi.

Inirapan niya ako at pasimpleng pinihit ng tingin si Socorro na ngayon ay tawa ng tawa.

Sabi ko na.

 

Napailing nalang ako at magsasalita na sana nang biglang siyang lumuhod sa harapan ko.

“Tss. You’re hurting my ego.” Sabi niya at may dinukot sa bulsa.

Ang tawa ko kanina biglang napalitan ng kung ano. May naghahampasan sa loob ng tiyan ko na para bang nakikipag piyesta din sila kay San Juan.

“Alam kong sapat na ang simpleng proposal but I want every best thing for you. Mahal kita, Kareeza. And you deserve every best damn thing.” Huminga siya ng malalim at pinunasan ang kanyang mata.

Napaiyak ako nang tuloyan na niyang binuksan ang maliit na pulang kahon.

 

“For me, you are living. You occupy space. You have a mass. AND you MATTER, babe.”

 

Napahagulhol na ako dahil sa mga sinabi niya.

“Will you bribe me forever?” Huling sabi niya.

Umiling ako sa kanya. At nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Natawa ako. Lumapit ako sa kanya at pinatayo siya.

“Mauubos ang pera ko.” Nanginginig kong sabi. “But, yes. Kahit isangla ko lahat ng panty ko sa bahay, gusto ko akin ka lang.” Naluluha kong sinabi.

Lumiwanag ang mukha niya at sinuot ang singsing sa kaliwang daliri ko. Umangat ang tingin ko sa kanya at marahan siyang hinila palapit sa’kin at hinalikan.

Binaha ng hiyaw ang buong gymnasium.  At sa totoo lang, wala akong paki. Basta ang gusto ko lang, mahalikan ko siya.

“Hindi ka naman mamumulubi eh.” Aniya pagkatapos ng halik.

“Kasi alam naman nating libre na ako sa simula palang.” Bulong niya at niyakap ako ng mahigpit.

Niyakap ko rin siya at dinama ang init ng katawan niya. Napakagat pa ako sa labi ko nang haplosin niya ang kabuoan ng aking likoran.

“Babe..” Tawag niya and I answered with a ‘hmmm.’

“Pwede bang honeymoon muna bago kasal?”

Napanganga ako sa sinabi niya. Agad ko siyang sinapak pero hinawakan niya ng mabilis ang kamay ko. Mahigpit niya itong hinawakan at ginamit sa paghila sa’kin papalapit sa kanya. Napangiti ako at ginantihan siya ng yakap.

 “I love you, babe..” Bulong niya habang hinahaplos ang aking buhok.

Nangilid ang mga luha ko at bumwelo. “I love myself too.”

 

Kahit lumuluha na ako ay nagawa ko paring matawa sa biro ko. Kalaunan ay tumawa rin si Nate. And I swear to all gods out there, sobrang saya ko. Sobrang saya ko na parang gusto kong lumundag, gusto kong tumili.

I realized that not all bad things are bad. And I realized that bribing him in the first place was not bad.

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 42.4K 40
MINI-SERIES ON TV5; PUBLISHED UNDER LIB. Demi's mom is getting married to a super hot bachelor's dad. Nothing seems to stop this from happening until...
13K 665 63
Status: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda alwa...
570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...
10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...