Dreams, Destiny, and You?

By stuckindreamworld

2.7M 34.3K 7.4K

[Daddy? Series 2] I was haunted by these DREAMS, despised by DESTINY, but there's one question that is stuck... More

Dreams, Destiny, and You? (DDY) [BOOK 2 OF DADDY?]
Capitulo Uno: Sulat
Capitulo Dos: Mommy?
Capitulo Tres: Clever kid
Capitulo Kwatro: Magazine
Capitulo Cinco: Music Room
Capitulo Seis: Jale P.
Capitulo Siete: 1 week
Capitulo Ocho: Detective Vaughn
Capitulo Nueve: Ulan
Capitulo Diez: Stuck
Capitulo Once: With You
Capitulo Doce: Magtanim ay 'di biro
Capitulo Trese: H-Help..
Capitulo Katorse: Parehong tanga
Capitulo Kinse: Uh-Oh
Capitulo DiecisΓ©is: Mission Look for KC Sungit at DJ liit?
Capitulo Diecisiete: Hide-and-Seek
Capitulo Dieciotso: You're IT
Capitulo Diecinueve: King of the Apes
Capitulo Veinte: Friends?
Capitulo Veintiuno: Everywhere Everything
Capitulo Veintidos: Tara na
Capitulo Veintitres: CHANDRIA
Capitulo Veintikwatro: Vanilla anyone?
Capitulo Veintisingko: Memory
Capitulo Veintisais: Choose Wisely
Capitulo Veintisiete: Chandria's Special Chapter: The Truth
Capitulo Veintiocho: I Know
Capitulo Veintinuebe: UKILYF
Capitulo Treinta: They're coming...
Capitulo Treinta y uno: Christmas Grand Ball
Capitulo Treinta y Dos: Best Night Ever
Capitulo Treinta y Tres: Happy New Year!
Capitulo Treinta y Kwatro: Mabuhay Ang Bagong...?
Capitulo Treinta y Cinco: Final Warning
Capitulo Treinta y Seis: See you soon
Capitulo Treinta y Siete: Wait for me
Capitulo Treinta y Ocho: It hurts
Capitulo Treinta y Nueve: They're Alive
Capitulo Cuarenta: Hey There
Capitulo Cuarenta y Uno: For Real
Capitulo Cuarenta y Dos: Daddy?
Capitulo Cuarenta y Tres: Diary
Capitulo Cuarenta y Cuatro: Secrets
Capitulo Cuarenta y Cinco: TP2
Capitulo Cuarenta y Seis: Lazuli
Capitulo Cuarenta y Siete: Take a Chance
Capitulo Cuarenta y Ocho: Hurry up!
Epilogue: Kidnap My Heart
DDY - Author's note
ANNOUNCEMENT!
QUESTION: GUYS, PASAGOT.
SC 2: From Paris with Love

SC 1: Kyle Christian Angelo "Cinco" Bernardo

18.3K 478 78
By stuckindreamworld

SPECIAL CHAPTER 1

**CHANDRIA**

 "Babs, lika na. Kupad naman o, slowpoke ka pa rin hanggang ngayon. Baka iwanan na tayo ng eroplano," sabi ni Danel. Atat e.

"Wait lang Unggs. Atat neto. Chill. Kalma. Hindi pa naman boarding o," sagot ko.

Nandito kasi kami sa may airport at kumakain pa ako. Kagutom kaya. E kanina niya pa 'ko pinipilit na pumunta na kami sa may waiting area, ang kulit. Excited lang 'yan sa honeymoon getaway namin kaya ganyan e.

"Ang takaw kasi! Tara na Chands! Wifey! Babs! Honey! Baby! Let's make some babies--este joke lang.  'Lika na kasi!" pamimilit niya. Humawak pa siya sa kamay ko, parang nakuryente tuloy ako sa ginawa niya.
 

At dahil namula rin naman ako sa sinabi niya, medyo nawalan na ako ng ganang kumain. Nangangamatis na nga yata 'yung pagmumukha ko kaya napayuko ako at umiwas ng tingin. Muntik na rin akong mabulunan nu'ng sinabi niyang 'let's make some babies'. Lesheng unggoy na 'to. Ang daming alam na kalokohan. Pero kinakabahan ako na nahihiya na ninenerbiyos na excited na a, basta, basta, basta... basta 'yun. Ganito pala feeling ng bagong kasal, tapos first honeymoon niyo pa. Nakakaloka.

Tahimik na lang akong tumayo at hindi umiimik. Tumayo na rin si Daniel habang hawak-hawak 'yung kamay ko. Holding hands while walking kami, nakaintertwine. Hindi rin siya nagsasalita at pasipol-sipol lang. Naglakad na kami papasok sa loob. Tamang-tama at paalis na 'yung eroplano, nagboboard na sila ng mga pasahero.

Nakapasok na kami sa loob at siyempre, nasa first class seat kami. We're on our way to Paris, the city of love. Excited na talaga ako! Matagal ko nang gustong pumunta ro'n e kaya pinagbigyan niya ako.

"Ngiting-ngiti ka naman Babs, 'wag masyadong excited," sabi ng epal na unggoy sabay kindat. Taas baba pa 'yung kilay niya at nakangisi. May iniisip na namang masama. Ay bastos na 'to.

"Manyak ka! Manyak!" sigaw ko habang paulit-ulit siyang hinahampas.

"Aray! Hahaha! Aw! Joke lang Hone--aray! Wifey naman! Haha. Saka mo na ko bugbugin pagdating natin do'n. Bugbugin ng halik!" sabi niya. Makatawa, wagas e.

"Bastos! Manyak! 'Wag ka nga Unggs! Behave." Ang gago po niya, hiyang-hiya na ako dito. Actually kami lang 'yung nandito sa may first class area, binayaran kasi ni Daniel lahat ng seats na available para wala raw istorbo sabi niya. Nagsasayang ng pera 'no? Sinaway ko nga kaso pasaway pa rin. Gusto niya raw akong masolo. Kainis na lalaki, ang daming alam. This is gonna be a long ride. 2 days pa bago kami makarating. Buti na lang may mga stop overs.

"Ang ganda mo kasi Chandy!" sabi niyang naggigigil at hinalikan akong bigla sa may cheeks. Loko, chansing e.

"DJ! Huwag makulit!" suway ko. Paulit-ulit kasi na nagnanakaw ng halik sa may cheeks ko, ang adik. Ayaw tumigil. Buti na lang walang tao kasi pulang-pula na ako dito. Ang harot ni Daniel! Nakayakap pa nga at linalayo ko siya kaso masyado siyang malakas. Ayaw paawat.

Umaandar na sa ere 'yung eroplano pero nang-aasar pa rin si Daniel. Hinahalikan ako sa noo, sa ilong, sa cheeks, sa baba pero hindi niya hinahalikan 'yung labi ko. He keeps on teasing me at hinahalikan ako malapit sa may labi. Napapalunok tuloy ako.

"DJ..." pigil ko sa kanya. Ayaw niya pa ring huminto. Sinuot ko na lang 'yung sleeping mask ko sa mata para hindi ko siya makita, susubukan kong matulog at hindi siya papansinin.

Nakapikit lang ako pero hindi pa rin siya humihinto. Hindi ko nga makita 'yung pagmumukha niyang ubod ng gwapo pero naaamoy ko naman na siya ngayon, ang bango bango niya. Nakakaadik. Ang lapit lapit pa niya sa akin. Ang kulit kasi.

Naramdaman kong dumampi na 'yung labi niya sa may labi ko, smack lang naman.

Lumipas ang ilang sandali, hindi niya na ako ginugulo. Nagtaka tuloy ako. Hindi ko naman kasi siya makita kasi nakasuot ako ng eye mask. Inaantok ako e. Noong sinilip ko siya saglit, hayun, knock out na pala, tulog na ang loko. Hindi kasi nakatulog 'yan kagabi, zombie kanina e. Kaso, hyper pa rin. Sinuot ko na lang ulit 'yung eye mask. Matagal pa naman ang biyahe.

Hindi ko namalayan, tuluyan na rin pala akong nakatulog.

PABABA NA 'yung eroplano. Ilang minuto na lang ay makakalapag na kami. Excited na excited na talaga ako. Si Daniel, parang wala lang, normal lang. E dito naman kasi sila tumira noon kaya hindi na bago sa kanya. Heto siya sa tabi ko, parang tanga, nakangiting mag-isa habang nakatingin lang sa akin. Wala sa sarili. Baliw lang e.

Ako naman, parang batang nakatingin sa may bintana, nakikita ko na kasi 'yung Eiffel Tower at sobrang ganda no'n! Samahan mo pa nu'ng mga night lights, ang cool tignan! Kahit maliit lang 'yun sa view namin, wala akong pake! Oh my gosh talaga! Dream come true! Pinanggigigilan ko nga 'yung braso ni Daniel. Gusto kong tumalon sa tuwa kaso bawal kasi pababa na nga 'yung plane, kailangang nakaseatbelt at nakaupo nang maayos.

"Please stay in your seat until the aircraft has come to a complete standstill and the 'Fasten Seatbelt' sign has been switched off. Thank you. The local time is 8:43 PM."

Ayan na, naglanding na kami pero umaandar pa rin 'yung plane, siyempre ipapark pa 'yan. Parang kotse lang 'no? Nakasuot na ako ng makapal na damit. Medyo malamig na rin kasi, mag-De-December na kaya. November 27 na kasi, noong November 25 kami kinasal 'di ba? 14 hours rin naman kasi ang biyahe, medyo matagal-tagal din.

Excited na talaga akong lumabas! Hello Paris!

Touch down!

**DANIEL**

"Tara na! Tara na!" excited na sigaw ni Chands, nakalabas na kasi kami ng airport at hila-hila niya ako. Nakakawala ng pagod 'yung mga ngiti niyang walang kasing katulad, siya lang talaga 'yung tanging babaeng nagpapasaya sa akin nang ganito. Kanina pa tuloy akong parang tanga na nakangiti lang dito at hindi nagsasalita. Wala na talaga akong hihilingin pang iba, kasi siya pa lang sapat na. 

Para siyang bata sa mga kilos niya, sobrang saya lang e. Bakit kaya ang daming babaeng may pangarap na makapunta rito sa Paris? Ano bang meron sa Eiffel Tower at gustong-gusto nila 'yun? Ang weird e. Hindi ako makarelate. Pwede ko naman siyang pagawan ng tore na kasing taas no'n kung gusto niya. Sus naman kasi, may pa-city of love, city of love pang nalalaman. Buti na lang prepared na prepared na ako.

"Babs, najejebs na ako. Wait lang, hintayin mo ako dito. Babalik rin ako agad," paalam ko sa kanya at umaktong taeng-tae na kahit joke lang 'yun. Naniwala naman siya sa akin e. Laughtrip pero pinipigilan ko tawa ko!

Umupo siya sa may bench at nakatitig lang sa akin na parang nandidiri, pero umaakting lang 'yan. "Eww. Kadiri ka Unggs, shupi na. Bilisan mo! Mister Jebs! Balik agad!" sabi niya. Dali-dali naman akong umalis pero sa totoo niyan, nagtago lang naman ako malapit lang din sa kanya, pero sinigurado kong hindi niya ako makikita.

Let the fun begin, magpapakastalker muna ako ngayon. Sana maging masaya siya sa 5 days stay namin dito sa France.

This is for her anyway.

**CHANDRIA**

TATLUMPUNG MINUTO na ang nakakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Daniel. Naiinip na akong naghihintay dito, linalamig na rin. Nasaan na ba 'yung lalaking 'yun?

Hindi ko naman kasi siya macontact kasi wala kaming phone. Saan ko siya hahanapin 'di ba? At saka, gabi na kaya. Loko 'yun.

Napatayo na lang ako rito sa kinauupuan, hahanap na lang ako ng coffee shop o restaurant kaysa  nakatambay ako dito sa bench sa labas. Baka mamatay pa ako sa lamig.

Aalis na sana ako nang biglang...

"Ay anak ka ng unggoy!" Nagulat ako nang biglang may kumalabit sa akin. Paglingon ko...

"Angelo?" nagtataka kong tanong. Nakangiti siya sa akin at may dala-dalang isang boquet ng red roses. Anong ginagawa niya rito?

"Cara, congratulations," sabi niya at inabot sa akin 'yung bouquet na hawak niya. Sinuotan niya pa ako ng fur coat, ewan ko kung saan niya nakuha.

Nginitian ko siya pabalik. "Thanks, Kuya Gelo," sabi ko sa kakambal ko, mas nauna siya ng konti sa akin e. Saka mas trip kong tawagin siyang Kuya. Bati na kaya sila nina Mommy?

"No problem little sis. Follow me," utos niya sa akin. Ewan ko kung kasabwat siya ni Daniel pero susunod na lang ako kaysa maghintay na parang tanga rito. Hello? Nasa Paris na ako! Uso gumala!

Nag-umpisa na siyang maglakad at sumusunod lang ako, wala ni isa ang nagsasalita sa amin, ang awkward. Nahihiya kasi ako sa kanya e. Biruin mong two years din kaming hindi nagkita, matagal din kaya 'yun.

"Look Cara, alam kong awkward ngayon pero okay na ang lahat. Okay na tayo, okay na 'yung pamilya natin, wala na rin akong pagtingin sa 'yo. Kalimutan na natin 'yon dahil tanggap ko na namang magkapatid talaga tayo, magkakambal pa nga e. Grabe 'no, unexpected? Siguro, kaya ako nagkagusto sa 'yo kasi nararamdaman kong kapatid kita, iba nga lang siguro 'yung interpretasyon ko roon sa naramdaman kong 'yon." Napabuntong-hininga siya saglit at napatigil. Ako naman, nakikinig lang.

"Sa totoo lang, kinausap ako noon ni Daniel, noong tumakbo ako at nalaman ko ang lahat. Walang may alam pero kinausap niya ako no'n. Tagos lahat ng mga sinabi niya sa akin. Ang swerte mo sa kanya. Nang dahil sa kanya, napatawad ko na rin si Mommy at okay na kami. Nagpaalam lang ako noon na lalayo na muna at hindi nila 'yun sinabi sa 'yo. Pero 'wag kang mag-alala, okay na ako..."

Napahinto siya sa paglalakad, nasa harap na kami ng isang ferris wheel. Linahad niya 'yung kamay niya sa harapan ko. Inabot ko iyon at inalalayan niya ako pasakay. Pumasok na rin siya sa loob. Sinara na nu'ng nagbabantay 'yung pinto. 

Makalipas ang ilang sandali, nagsimula na itong umandar. Ang tahimik naming dalawa, walang nagsasalita. Pataas kami nang pataas at nakadungaw lang ako sa labas. Tanaw na tanaw kasi 'yung Eiffel Tower at 'yung buong siyudad na punong-puno ng ilaw. Ang gandang tignan.

"Ang ganda 'no?" sabi bigla ni Kuya Gelo. 

Napangiti ako at napatingin sa kanya. Nakatanaw rin siya sa labas at nakangiti, nagniningning pa 'yung mga mata niya habang pinagmamasdan 'yung tanawin, nakakahawa tuloy. Parang ang saya-saya niya. "Oo nga, Kuya," sagot ko na abot mata ang ngiti. Naramdaman kong okay na talaga kami. Hindi na awkward.

Habang patuloy sa mabagal na pag-ikot 'yung ferris wheel, patuloy rin kaming nagkukwentuhan. Kinuwentuhan niya ako ng kung anu-ano na naranasan niya sa loob ng two years na hindi ko siya nakita. Siya na pala ang nagmamanage noong company nila. Siyempre, kahit si Daddy 'yung tunay naming tatay, 'yung kinalakihan niya pa rin 'yung tatay niya by heart. Mahal niya e. 

Nagpalitan lang kami ng kuwento ni Angelo, masaya na kami para sa isa't-isa. Pero, ang dami niya palang pinagdaanan sa loob ng dalawang taon na nakalipas. Malungkot akong napangiti, buti na lang nakayanan niya. Time heals everything sabi nga nila.

Nang malapit nang bumaba 'yung ferris wheel at patapos na kami, ginulo niya 'yung buhok ko na parang bata. "Don't worry Cara, I already found the girl of my dreams..."

Pagkasabi niya no'n, biglang nagbukas 'yung pinto at tumigil na pala sa pag-andar 'yung ferris wheel. Sino kaya si lucky girl?

Pagkalabas na pagkalabas namin, nakita kong nakatayo roon si Daniel at kasama niya si...

Juliette.

Kasama niya si Juliette...si Cheska. Hinawakan ni Angelo 'yung kamay ko at hinila niya ako papunta sa kanila. 

 "Brad, binabalik ko na 'yung asawa mo. Salamat sa oras," sabi niya kay Daniel. Kinilig naman ako nu'ng narinig ko 'yung word na 'asawa'. Ano ba 'yan. Hindi pa rin kasi ako sanay masyado. Parang kailan lang... teenagers pa lang kami, boyfriend ko pa lang siya. Tapos ngayon... asawa ko na. O 'di ba?

Napatingin naman sa akin si Kuya Gelo. "Cara, you know Juliette, right? Siya 'yung sinasabi ko sa 'yo. We're getting married soon."

"OMG! Cheska! Congrats!" Napayakap ako bigla kay Juliette na halatang nagulat. Yinakap niya rin ako pabalik. 

"Thank you sister-in-law!" sagot niya at ngiting-ngiti. Kaaliw lang e. Yinakap ko rin si Angelo. "Congrats Kuya Gelo!"

"Thank you, Bal. Invited kayo sa kasal," sagot niya at yinakap rin ako pabalik. Bal? Kakambal? Okay.

"E-Ehem!" sabi naman ni Unggs. Epal forever. "Tara na, Chands."

Bigla niya akong hinila at kinaladkad palayo. Nataranta tuloy ako at napalingon sa likod. "Bye Kuya Gelo, Cheska!" sabi ko at nag-wave hands. Kumaway rin sila pabalik at tawa nang tawa. Tinatawanan kami. Si Daniel naman, patuloy lang akong kinakaladkad. Bastos na 'to. Napakaseloso e kapatid ko naman 'yun.

Nanahimik na lang ako at sumusunod na sa kanya. Nang makalayo na kami, hinawakan niya 'yung kamay ko. Holding hands while walking na ang peg namin, hawak hawak ko pa rin sa isang kamay 'yung bouquet na binigay ni Angelo kanina.

Napatigil kami sa harap ng isang malaking bahay tapos tanaw pa rin sa 'di kalayuan 'yung Eiffel Tower. Oh my gosh lang talaga! Gusto kong pumunta ro'n! Pero...

"Let's go inside," sabi ni Unggs, nakangiti na ang mokong na parang walang nangyari. Nakapokerface lang ako habang nakatingin sa kanya. Nakatayo lang at walang balak na pumasok.

Napafacepalm siya. "Sorry kanina, Honey. Look, it's our honeymoon trip. Let's just enjoy. At saka, gabi na. Tapos sobrang lamig pa. Ayoko namang magkasakit ka. We'll go to the Eiffel Tower tomorrow. I promise..." sabi niya at malungkot na napangiti.

Napayuko siya sa harap ko at hindi na nagsalita. Ay sus, tampururut. Ang cute lang magdrama e. 

Bigla ko siyang hinalikan sa cheeks na ikinagulat niya. "Lika na!" sabi ko at hinawakan 'yung kamay niya. Ako na mismo ang nanghila sa kanya papasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok na pagkapasok ko, napanganga na ako. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo, pulang-pula pati yata sa tenga. Wala pa rin talaga siyang kupas. Napapabilis niya pa rin 'yung tibok ng puso ko, para ngang drum sa sobrang lakas e. Ramdam na ramdam ko Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo.

Madilim sa loob ng bahay pero may mga naka-form na candles sa bawat sulok pati sa may hagdan, hindi siya as in na kandila, ilaw siya pero mukhang kandila. Ang dami ring nakakalat na red petals sa sahig pati sa may hagdan, kitang-kita ko 'yun. Ang bango bango pa. Napaka-romantic sa loob. Nakaka-amaze. Bigla ring may tumutugtog na instrumental, 'yung senti. Wala na. Wala na talaga..

Napaiyak na ako, tears of joy po. Siniksik ko 'yung ulo ko sa may dibdib niya at napayakap sa kanya. Siya naman tawa nang tawa. Pero bakit gano'n? Nakaka-inlove 'yung tawa niya! Kainis! Pero...

Nagulat na lang ako nang biglang...

"OMG! Unggs! Huwaaah! Ibaba mo 'ko! Daniel! DJ! Ano ba! Hoy!" sigaw ko sa kanya. Bigla niya kasi akong binuhat. Bridal style! Sigaw ako nang sigaw pero buhat-buhat niya pa rin ako. Tumakbo siya paakyat sa hagdanan at pumasok sa isang kwarto, ako naman sigaw pa rin nang sigaw. 

Pareho kaming bumagsak sa King sized na kama sa loob, punong-puno rin 'yun ng petals at mga candle lights. Hingal na hingal akong nakatitig lang sa may kisame habang yakap-yakap ni Daniel. Rinig na rinig pa rin dito sa loob 'yung romantic na music...nakakadala.

Napatingin ako bigla kay Daniel. Nagulat ako kasi nakatingin rin siya sa akin, titig na titig. Pinagpapawisan pa siya. Napalunok tuloy ako. Shete, ang hot po niya. Bakit parang biglang uminit dito sa kwarto? Ugh...

Linapit niya 'yung ulo niya sa may leeg ko, naramdaman ko 'yung mainit niyang hininga. "DJ!" sigaw ko. Nakakakiliti kasi. Pero, matigas ulo niya, nang-aasar. Nagulat ako nu'ng bigla niyang hinalikan. 

OMG.

Nag-init na naman 'yung mukha ko, abot hanggang tenga. Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. Ano ba 'to? Hindi ako makahinga. Oxygen please! Ang landi niya po. Pero kasi... ugh. "DJ... Hmm..." tawag ko ulit sa pangalan niya. Nanghihina na ako, hindi ko na kaya. Parang hindi ko na makontrol 'yung katawan ko. Nakakalasing 'yung mga halik niya. Napayakap na rin ako sa kanya, kapit na kapit. Bigla niya pa akong hinalikan sa may tenga. Fudge! Naramdaman ko na naman 'yung kuryente. Para siyang nasapian sa ginagawa niya, gigil na gigil. 

I felt something twitched sa may... basta 'yun. 

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at umalis sa kama. Malandi siyang tumingin sa akin sabay wink at lipbite. Punyeters, anong nangyari? "Chands baby, shower lang ako saglit tapos ikaw sunod. Para fresh!"

Hindi na niya ako hinintay na makasagot at dire-diretso sa may banyo na nandito sa kwarto. Pero kitang-kita kong pulang-pula 'yung mukha niya kanina. Loko 'yun! Tahimik lang tuloy akong nakahiga rito. Nakakahiya ako kanina! Muntik na 'yun a! Siya kasi e. Am I really ready for this? 

Natatakot ako. Ninenerbiyos ako na excited na hindi ko maintindihan. Kung anu-ano tuloy naiisip ko habang hinihintay siyang matapos. Shete lang.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na siya sa may banyo. And oh my goodness! Nakatapis lang ng tuwalyang nakahubad. Kitang-kita ko 'yung...'yung...'yung... abs niya! OMG to the highest level. "Honey, ligo ka na. Bilisan mo!" sabi niya.

At dahil natataranta na ako sa ayos niya. Napatakbo ako at linagpasan siya. Binalibag kong pasara 'yung pinto. Pagpasok ko ro'n, nakaready na 'yung bath tub at puro may petals rin! Naghubad na ako at nagsimulang maligo sa tub. Sinara ko 'yung curtains, meron e.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako ro'n pero kasi nakakarelax tapos ang bango. Ang sarap lang sa feeling. Nang matapos na 'ko, umalis na ako sa tub. Kinuha ko 'yung tuwalya sa may gilid.

Nagulat ako sa nakita. Napanganga ako. Wala na 'yung mga damit kong nandoon kanina. Pero may ibang nando'n.

LINGERIE!

Isang black at sexy na lingerie!

Kita na buong kaluluwa ko ro'n! Lahat-lahat na! Dyusko! Eto isusuot ko? Buwisit si Daniel! SERYOSO BA SIYA?! Napasigaw ako at napatakip sa katawan ko. OMG. Nakakahiya! Ang lakas po ng trip niya. Narinig kong tawa siya nang tawa sa labas. Hinahampas ko naman 'yung pinto at sigaw nang sigaw.

"DJ! Ibalik mo 'yung damit ko!" sigaw ko. Pero tawa pa rin siya nang tawa.

"CHANDY! Kung ayaw mong lumabas na suot 'yang LINGERIE! Ako ang papasok sa loob! May SUSI ako!" sagot niya na tawa pa rin nang tawa.

FUDGE.

Bwisit na unggoy! Pulang-pula na ako rito sa hiya. Kainis! Isusuot ko ba o hindi? Aish!

Anong gagawin ko?!

--------------

A/N: HAHAHAHAHA. Bitin? Sorry po. Sorry ngayon lang nag-UD. :3

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 19.4K 81
All Rights Reserved. 2012 Property of: DLuckyone
832K 33.7K 49
King Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Damon King - The Oldest son, Football(Socce...
129K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
6M 138K 67
Ang tao ay para sa tao. Syempre alangan namang para sa hayop diba? Isipin mo nalang kung anong pwedeng mangyari kapag ganun. Pero ibig din bang sabih...