The Murder Suspect (COMPLETED)

By SinDeeXIV

2.3K 176 8

How will she escape the crime she commited. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Chapter 15

112 7 0
By SinDeeXIV

The next day, we went again to Camila because she will be discharge and today is her flight too, going to Australia.

Kinailangan pa namin syang ihatid sa airport at kinailangan ko pang pilitin si Detective Park na samahan ako.

"Last na 'to ah! Ang dami-dami mo ng hinihinging pabor sa akin!" He said on our way to the airport. Nasa likod si Camila at tahimik lang.

"You mean nanghihingi ka ng kapalit? Fine, name it. Hwag lang ang katawan ko dahil mahal 'to." I hissed at natawa sya or more like tawa ng pangi-insulto.

"Aanhin ko naman yang katawan mo? Ang payat mo na nga, ang puti mo pa." Mabilis na nanlak ang mata ko sa narinig dahil parang pinuri lang naman nya ako pero bakit ayaw pa nya?

"I get your point, hindi ka mahilig sa maganda? Now I know you too well, marami akong kilalang pangit." I answered.

"Wala akong sinabing maganda ka at wala akong sinabing gusto ko ng pangit." He answered back and I laughed.

"Really? So what does detective Park want?" Panunukso ko dahil mukhang deep ang gusto nya.

Tumahimik sya saglit na para bang nag-iisip bago bumaling sa akin. "Well, ayaw ko sa maputi. Gusto ko morena. Ayaw ko rin sa payat, gusto ko chubby." Naalis ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng pagtataka.

"Lahat ng sinabi mo ay ang mga ayaw ng isang lalaki, why morena? Why chubby?" Tanong ko at sya naman ngayon ang tumawa.

"Wow. Hindi halatang interesado ka sa tipo ko." He smirked kaya nalukot ang mukha ko at tinignan sya ng matalim.

"Wow. Hindi halatang ang feelingero mo." Sunod nalang naming narinig ang tawa ni Camila sa likod.

"Masyadong halata ang pinsan mo, Camila pero denial pa. Hindi pa ba kasi ako diretsuhin na may gusto sya sakin eh." Nakangising sabi pa ni Detective kaya lalong namilog ang mata ko sa gulat sa mga naririnig mula sa kanya.

"You know what, ang kapal ng mukha mo." I hissed at lalo lang nila akong pinagtawanan.

"Ang cute nyo, bagay kayo!" Camila said at natahimik si Detective habang ako ay mabilis na napangisi. It's my turn to laugh at him, bitch.

"O bakit natahimik ka?" I teased him pero hindi sya sumagot. "Ikaw yata ang may gusto sa akin eh. Aminin mo na, para naman masabi ko sayo kung basted ka o hindi." I kidded pero hindi parin sya sumasagot.

"Eh kung may gusto, Hen?" Sumingit na naman si Camila.

"I'll think about it." I shrugged at naramdaman kong sumulyap sa akin si Detective so I winked at him at nag-iwas na naman sya.

Uh-oh. Looks like someone is falling for me.

Pagdating sa airport ay hindi kami umalis hanggang sa hindi nakakaalis ang eroplanong kinasasakyan ni Camila.

"Uuwi na ba tayo?" I asked Detective while we're walking back where his car parked. Hindi sya sumasagot at seryosong naglalakad lang kaya natawa ako. "Sineryoso mo talaga yung biruan? Don't worry I have no plans in falling for you." I said para mapanatag ang loob nya. "At kung sakali mang magustuhan mo ako, basted ka na so no worried, okay?" Muli kong dagdag.

Nilingon nya lang ako with his boring looks and uttered nothing hanggang sa marating na namin ang sasakyan nya at sabay na pumasok sa loob.

"I don't want you to feel awkward detective sa pambabasted ko sayo, okay? So let's just slide this one now." I said again at nagulat nalang ako nung bigla syang lumapit sa akin.

As in super duper lapit na para bang hahalikan na nya ako kaya mabilis akong napalayo hanggang sa sumandal na ako sa pinto.

"Put on your seatbelt instead of blabbering nonsense." Seryosong sabi nya at sya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nung lumayo rin sya at inayos ang sarili nyang seatbelt. "Sit tight." Muli syang nagsalita kaya nilingon ko sya at seryoso lang syang nakatingin sa dinadaanan namin.

"What?" Tanong ko dahil baka nagkamali ako ng dinig.

"Sit tight." Muli nyang sagot. "Because today, we're going to play hide and seek." He smirked at bigla nalang nyang pinatakbo ng mabilis ang sasakyan.

Mabilis akong napakapit dahil hindi ako na-inform na mukhang nakikipagkarerahan sya. "Hey, slow down!" I said dahil wala naman yatang humahabol sa amin, bakit bigla syang nagkakaganito.

"Close your eyes." He said pero hindi ako sumunod. "If you can' stand this one, close your eyes." He added pero hindi parin ako sumunod. Ayaw kong mamatay na nakapikit no.

"Detective slow down ano ba! Ano bang nangyayari sayo? Sira ulo ka ba?" Kinakabahang tanong ko.

"I said sit tight, close your eyes and shut up!" Sigaw nya kaya lalo akong nakaramdam ng takot. "Someone is following us since our way to the airport at kanina pa nila tayo pinapaputukan!" Bulyaw nya kaya lalong tumindi ang kaba ko bago lumingon sa likod.

He's right. May kotseng nakasunod sa amin at may nakadungaw na lalaki habang pinapaputukan nila kami. Napapikit ako nung kalabitin ng lalaki ang gatilyo dahil akala ko tatamaan ang sasakyan pero hindi.

"My car is bulletproof. Pero hindi ang gulong kaya umupo ka ng maayos!" Detective said again at sumunod na ako. Iniabot nya sa akin ang cellphone nya at kinuha ko naman. "Call detective Belmes and tell him what is going on and where the hell we are." Utos nya na mabilis kong sinunod.

Walang passcode ang cellphone nya kaya mabilis kong natawagan si Detective Belmes and told him what Detective Park asked me to.

Nakarating kami sa area na ma-traffic kaya natigil na sila sa pagpapaputok at mabilis na tinabihan ni Detective Park ang container van. Nung umusad ang trapiko at nakakita sya ng eskinitang maliit, mabilis syang lumiko doon.

Lumingon ako sa likod at nakita ang kotseng nakasunod sa amin na dumiretso kaya nakahinga ako ng maluwag.

Kaso muli na naman akong nagulat kay Detective nung lumapit sya at alisin ang seatbelt ko. "Baba bilis!" Utos nya kaya bumaba ako. It turns out na dead end pala ang napasukan namin kaya mabilis syang umakyat sa bakod.

"Teka hindi ako marunong!" Reklamo ko ng makita ang ginawa nyang pag-akyat.

"Akyat na bilis! Sasaluhin kita!" He said at nung nasa taas na sya, he jumped off the other side.

"Natatakot ako!" I honestly blurted out.

"Umakyat ka na dahil nandyan sila at mamamatay ka!" Bulyaw nya kaya mabilis akong nataranta.

Kahit mahirap, umakyat ako sa bakod at nung nasa taas na ako. Pakiramdam ko masusuka na ako sa taas nun.

"Talon bilis!" He shouted habang winawayway ang kamay nya to encourage me to jump pero natatakot talaga ako.

"Natatakot nga ako!" Sigaw ko pabalik kaso narinig ko nalang ang malakas na putok ng baril kaya wala sa sarili akong napatalon pababa.

I even saw detective opened his arms to catch me pero dahil sa taas nun at sa bigat ko, pareho kaming natumba. Bumangon naman sya agad at mabilis na hinawakan ang kamay ko para magtago sa malaking container drum dahil pinapaulanan parin nila kami ng bala.

"Okay ka lang?" Tanong nya at tumango ako kahit na hindi.

Nilabas rin nya ang baril at nakipagpalitan ng putok sa kanila. Napansin kong may pintuan pala sa kinasasandalan kong pader kaya tinulak ko yun at natuwa ng bumukas yun.

Nakita ni Detective kaya sinenyasan nya akong pumasok sa loob pero hinila ko ang kamay nya dahil gusto ko, sabay kaming pumasok.

Nagpaputok lang sya ng dalawang beses bago tuluyang sumunod sa akin. Backdoor pala ng isang restaurant ang napasukan namin at mabilis na napasigaw ang mga crew ng makita kami lalo na ang hawak na baril ni Detective.

"Pulis 'to!" He said and showed them his ID at sinenyasang tumahimik.

Naglakad kami hanggang sa makalabas sa kitchen nila at tumambad sa amin ang dami ng customer. Mabilis na tinago ni Detective ang baril nya dahil baka magtakbuhan ang mga tao kapag nakita nila yun.

Lumabas kami sa front door at doon lang namin natanaw ang sunod-sunod na police car na paparating.

Ang kalbong detective ang nakakita sa amin and he stop pero pinalabas lang sya ni Detective Park. "Stay with her and don't go away!" He said to him at aangal sana ito pero nakapasok na si Detective sa loob at humarurot na palayo.

Sinundan naman sya ng tatlo pang police car hanggang sa kami nalang ni kalbo ang naiwan. "Okay ka lang?" Tanong nya at kahit na ayaw ko sa kanya, tumango ako kahit na may gasgas ang siko ko dahil sa pagtalon ko kanina.

Ilang saglit pa, napuno ng sigawan at takbuhan ang kalsada dahil sa sunod-sunod na putok ng baril sa pagitan ng mga humahabol sa amin at sa mga pulis.

Mabilis akong pinayuko ng kalbong detective at pinatago sa likod ng trashcan. "Hwag kang aalis dito!" He warned me at tumango ako.

Napapikit ako sa lakas ng mga putok na namanayani sa paligid pero nung imulat ko ang mga mata ko, napasigaw nalang ako dahil isang sibilyan ang tinamaan sa mismong harapan ko at nang matumba sya, nakadilat pa ang mga mata nya at nakatingin sa akin.

Sumigaw ako at mabilis na lumayo sa kanya sa gulat at takot hanggang sa may maramdaman akong bisig na humawak sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang tarantadong ito.

"Kapag sumigaw ka, matutulad ka sa babaeng yan." He warned me kaya tumahimik ako at wala ng nagawa ng hilain nya ako patayo. "Sumama ka sa akin kung ayaw mong may iba pang madamay." He said at wala na akong nagawa kundi ang pumikit.

Pagmulat ko ay nasa harapan ko na si Detective Park kaya mabilis akong napaupo. Sinuntok nya ang taong humihila sa akin at nabitawan nito ang hawak na baril.

"Hayop ka." Detective Park said habang patuloy itong inuulan ng suntok hanggang sa mapahiga sila.

Kaso sa hindi inaasahan, nasalo ng lalaking yung ang kamay nya at sinipa sa sikmura kaya tumilapon si Detective. Nagkaroon ng pagkakataon ang lalaking yun na bumangon at si Detective naman ang inulan nya ng suntok.

Sa sobrang taranta at gulat ko sa nangyayari, kinuha ko ang tumilapon nyang baril kanina. Nanginginig ang mga kamay ko ng hawakan yun pero kailangan kong palakasin ang sarili ko.

"Isa kang malaking sagabal sa plano." I just heard the man saying at ng lingunin ko sila, nakatayo na sila at nakatutok na sa leeg ni detective ang isang patalim. "Kaya para mawala ang sagabal na isang katulad mo, papatayin nalang kita." He said kaya nagkaroon na ako ng lakas para pulutin ang baril at itutok yun sa lalaki.

"Sige! Subukan mo at papatayin din kita!" I forced myself to sound like I'm not actually afraid.

Dahan-dahan syang lumingon sa gawi ko at napangisi pa ng makitang hawak ko na ang baril niya. Hinawakan nya sa leeg si Detective at pumunta sa likod nito habang nakatutok parin ang patalim sa leeg nito.

"Heto na naman tayo, Hennerietta. Ibaba mo na yan dahil hindi mo rin naman yan kayang iputok." Pang-aasar nya. "Gusto mo bang isunod ko ito kay Carlo? Hayop ito eh, kung hindi sya nakikialam wala na sana tayong problema." He said again at napatingin ako kay Detective na seryoso lang.

"Tama na. Pakawalan mo na si Detective, Romano." Mahinahong sabi ko pero natawa pa sya. Tawa ng isang demonyo.

"Pakawalan? Ginagago mo talaga ako ano? Paano ko sya papakawalan eh sya ang malaking sagabal sa plano ko!" Sigaw nya at mabilis akong napatili ng dininan nya ang patalim sa leeg ni Detective.

"No! Romano nagmamakaawa ako. Tama na, wala syang kasalanan!" I pleaded pero tumawa lang sya. "Kung papatayin mo sya, hindi ako makukulong. Sya lang ang may kakayahang ipakulong ako, Romano." I added at nagulat nalang ako nung sumeryoso sya.

"Sya lang? Anong tingin mo sa akin? Bobo?!" Bulyaw nya. "Hwag mo akong pinapaikot, Hennerietta dahil hindi ako katulad mo na walang alam!" Sigaw nya. "Malinaw ang usapan natin na makululong ka kapal— AAAHH!"

Nagulat ako dahil may kung sinong pumalo sa batok ni Romano kaya nabitawan nya si detective at mabilis naman itong napatakbo sa gawi ko.

"I didn't know that hitting someone with a bat is actually good!" Kaso lalo akong nanlumo ng makita si Daniel na sya palang may kagagawan nun.

Hawak hawak pa nya ang isang baseball batt at nakangisi na para bang sarap na sarap sa ginawa nya.

"Papatayin kita!" Pero sa katangahan nya, mabilis na nakabawi si Romano sa pamamalo nya at sinaksak sya nito sa sikmura.

Sa sobrang taranta ko na baka mapatay rin nya si Daniel, wala sa loob na nakalabit ko ang gatilyo kaya natigil si Romano. Tinamaan sya sa braso kaya binitawan nya si Daniel na hawak ang sikmura at namumula sa tinamong saksak.

"Hennerietta no!" Pinigil ako ni Detective ng akmang babarilin ko na naman sya at inagaw sa akin ang baril. "You moron! Hands on your head or I will shoot you to death." Banta nya kay Romano. "I said hands on your heard!" Muli nyang sigaw pero tumawa lang si Romano na walang kahit na anong takot sa mukha.

"Bobo! Itaas mo daw ang kamay mo!" Nakahiga na nga sa kalsada at nag-aagaw buhay, nagawa pang magsalita ni Daniel.

"Alam ko! Naiintindihan ko!" Sigaw rin ni Romano at napasigaw ako ng apakan nya ang sugat ni Daniel.

Tatakbo na sana ako palapit sa kanila kaso pinigil ako ni Detective at mabilis na pinadapa dahil muling dumating ang kotseng humahabol sa amin kanina at pinaulanan kami ng bala.

Si Romano ay mabilis na sumaka sa sasakyang yun at humarurot sila paalis. Muli silang hinabol ng magkasunod na police car at ng makaalis sila, bumitaw ako kay Detective at nilapitan si Daniel na nakapikit na.

Pinulsuhan ko sya at nakahinga ako ng maluwag ng may maramdaman. "Detective, call the ambulance now!" I shouted dahil nakatayo lang sya at pinapanood kami.

Nagsimula na ring dumami ang mga tao at pinalibutan ang wala ng malay na si Daniel. Ilang saglit pa, bumalik na ang police car at tinulungan nila akong isakay si Daniel.

"Hen." Detective called me ng akmang sasakay na rin ako at umiling na para bang sinasabing hwag.

Bumitaw ako sa police car at doon na rin ito nagsimulang umandar palayo. Nadinig ko ang buntong-hininga ni Detective bago magsimulang maglakad. Sumunod ako sa kanya na hindi na mapigilan ang luha sa pag-agos.

Binalikan lang pala namin ang sasakyan nya at ng nasa loob na kami. Hindi ko na maiwasan ang humagulgol. I don't really do this, crying infront of people pero kay Detective? Pakiramdam ko, okay lang na ipakita ang kahinaan ko.

Hindi naman sya nagsalita at hinayaan lang akong umiyak in anger and in my frustration. Galit ako sa sarili ko dahil may nadamay na namang inosente.

Kung sana tumupad ako sa usapan namin ni Romano. Hindi sana mamamatay ang babaeng yun kanina at lalong hindi sana masasaksak at malalagay sa alanganin ang buhay ni Daniel.

Wala silang kasalanan, pero bakit kailangan pa nilang madamay? Romano is right, I should've stick to the plan and didn't come with this detective.

"Hindi sya mamamatay kaya hwag ka ng umiyak." Detective spoke. Akala ba nya umiiyak ako dahil mamamatay na si Daniel? "Konting saksak lang yun at hindi abot sa bituka kaya tama na." He added.

"I'm not crying that he was stabbed." I honestly said. "I'm crying because of regrets." I said at naramdaman kong lumingon sya sa akin.

"Regrets of?"

Huminga ako ng malalim bago sya lingunin para sabihin ang totoo. "Regrets of coming with you. Kung hindi sana ako pumayag, hindi mamamatay ang babae doon kanina at hindi mangyayari ito kay Daniel." I said at bumalik ang tingin nya sa kalsada.

"Hindi mangyayari ito kung sinabi mo na sa akin ang lahat para mahanap na kung sino talaga ang salarin." He calmly answered. "Sabagay, baka tama ka nga. Hindi nalang sana ako nakialam at hinayaan kang makulong sa kasalanang hindi mo naman ginawa." Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. "Pero hindi kasi yun ang sinumpaan kong tungkulin." He added at hindi ako nakapagsalita agad. "I should've not risk my life for nothing." Muli nyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

Doon ko lang napansin ang dugong umaagos mula sa braso nya at pati na rin sa tagiliran nya. He was shot all this time but did nothing. Idagdag mo pa ang sugat sa leeg nya kaya mabilis akong tinubuan ng konsensya.

I was acting so damn worried to that girl and to Daniel pero sya, sya na nagliligtas sa buhay ko palagi at nagtatanggol sa akin, sya na kaisa-isang taong naniwala na wala akong kasalanan.

Was deeply wounded and hurt and yet I didn't notice it.

I feel so ashamed. Damn it! Wala akong kwenta.

Continue Reading

You'll Also Like

81.1K 1.7K 42
Latifah Pacura was deprived of the truth about her life. What if one day it will come to the point that she will know everything? Will she still acce...
2.7K 423 26
GIRL HOUSE SERIES #1: Dimple Castro ---- Dimple Castro is a person scared to trust people. As her family died in a house fire, her life started to ex...
6.5K 293 34
Si Prinsesa Edotheia ay nag-iisang anak na babae nang hari nang Atlantis at namumukod tangi ang kagandahan at kapangyarihan sa lahat, kaya naman mara...
104K 4.2K 32
Rin Daniel- anak ng mga bampira ngunit hindi niya alam bakit tila nahuhuli ang pagkatao niya para maging isa. Marfie Fionna- isa sa pinaka makapangy...