I will always love you (compl...

By ctnmRsslpH

282K 3.2K 93

There comes a time that you have to deal with the problem, believe with what you can do, be strong and wish t... More

I will always love you
chapter 1 - sweetness
chapter 2 - the problem
chapter 3 - letting go
chapter 4 - living WITHOUT him/her
chapter 5 - Here she comes..
chapter 6 - New partner
chapter 7 - Give a chance!
chapter 8 - Surprise
chapter 9 - New Beginning!
chapter 10 - Moving on..
chapter 11 - Focus
chapter 12 - With her..
chapter 13 - Days, weeks and years passed by..
chapter 14 - just like the first time we met..
chapter 15 - I remember how it hurts...
chapter 16 - party
chapter 17 - may the best man win!
chapter 18 - The preparations..
chapter 19 - The problem again..
chapter 20 - wedding (part 1)
chapter 21 - wedding (part 2)
chapter 22 - Jealousy..
chapter 23 - Still him..
chapter 24 - ^_^v
chapter 26 - livin' with the truth..
chapter 27 - heading back again.
chapter 28 - O-M-G! :"">
chapter 29 - made because of love.
chapter 30 - Oooppss!
chapter 31 - doubts..
chapter 32 - the proposal..
chapter 33 - What the hell?!
chapter 34 - thank you for the broken heart. </3
chapter 35 - leaving all behind..
chapter 36 - revelations..
chapter 37 - Again?
chapter 38 - Approve! ^__^
chapter 39 - Author's note! ♥
chapter 40 - It's up to you to read this. XD ^__^V
PAKIBASA PO.

chapter 25 - the truth! T.T

4.5K 69 1
By ctnmRsslpH

ASHLEY'S POV

"ANO BA TALAGANG TOTOO ALFIE?!! BAKIT MO KO INIWANAN NOON?! ANONG DAHILAN MO?! BASTA-BASTA MO NALANG TINAPON YUNG TATLONG TAONG PAGSASAMA NATIN! PINABAYAAN MO KO!" 

Naglakas loob na kong itanong sakanya yan. Di ko na makaya yung mga nangyayari. Nagiging masaya kami at parang bumabalik sa dati pero may isang bagay talaga na hindi ko maintindihan. Na gusto kong malaman. 

"Kuya! Iniwanan mo si ate ashley? Bakit?" Jade

"Jade, halika. Punta muna tayo dun, oh. Tara na." Nakaramdam naman si macky. At inilayo muna si jade saamin.

"Si ate.." Sabi ni jade na alalang-alala sakin

Hindi na nakapagsalita si alfie dahil sa kabiglaan. Tama ba tong nakikita ko? Naluluha narin sya? Ano ba talagang totoo? Ano ba ang tinatago nya? Aish!! Naiinis na ko. Ano ba?! Hindi ko na sya maintindihan! >.< Bigla naman nya akong niyakap at kung di ako nagkakamali, sobrang higpit ng yakap nya at umiiyak narin sya..

"Ginawa ko yun para sayo ashley." Sabi nya saakin habang nakayakap at umiiyak

Naguguluhan ako! Hindi ko maintindihan. Ginawa nya para sakin? Eh iniwanan nga nya ako, eh. Ano yun? SInadya nyang saktan ako?! Sinadya nyang iwanan ako?! Hindi ko maintindihan. Ang sakit-sakit. T.T

"Ginawa ko yun dahil hiniling yun ng papa mo sakin. Ayoko syang biguin dahil alam ko para rin sayo at sa pamilya nyo ang iniisip nya." Alfie at nakayakap parin

Inutos ng papa ko yun? Pero... Naguguluhan talaga ako! Bumitaw na sya pagkakayakap sakin at umupo kami sa bench na nakita namin. Pinagpatuloy naman nya ang pagpapaliwanag, umiiyak parin. Nararamdaman narin nya ata ang sakit na nararamdaman ko. T.T

"Naalala mo nung last na punta mo sa condo ko? Yung dinalhan mo ko ng pagkain? Yung huli nating pagkikita na masaya tayo. T.T nung gabing hinatid kita sainyo at hinarang tayo ng papa mo. Yun ang mga sinabi nya saakin. Pinakiusap nya saakin na iwanan kita. Dahil hindi ka nga aalis ng Pilipinas kung tayo parin.." 

"Pero.. Baki---" 

"Sinubukan kong gumawa ng ibang paraan. Sinubukan kong kontrahin ang papa mo. Pero nakiusap na sya sakin. At gusto nyang mangako ako. Pagkatapos nun, di ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan din ako sa twing naiisip ko na sasaktan kita. Parang dinudurog ang puso ko sa bawat salita na sinabi ko sayo noon. Patawarin mo ko ashley pero di ko rin ginusto yun." 

"Mahal na mahal kita. Alam mo yan. At alam ko mahal mo parin ako. Ngayong maayos kana, at maayos na kayo. Andito na ko ulet, ginagawa ang lahat para mabawi ka. Sa totoo lang, pinangako ko sa sarili ko na babawiin ulet kita. At once na mabawi kita, hindi ko na hahayaang maagaw ka pa sakin o mawala. Kaya please, mahal ko, patawarin mo ko. I need you back. I need you in my life. T.T" 

"Nagawa ng mga magulang ko yun sakin?" Sagot ko

"You don't need to be mad at them. Inisip lang nila ang pamilya nyo. Pati ikaw, para maging successful ka." 

Niyakap nalang nya ulet ako. Yun pala ang dahilan. Yun pala ang totoo. Ngayon naiisip ko kung pano nagawa sakin yun ng mga magulang ko. Bakit kailangan humantong sa ganung sitwasyon? Pano nila naatim na makita nila akong nasasaktan at umiiyak? Araw-araw yun! Oh my god! I cna't believe this! T.T

Gusto kong magalit sakanila. Pero kung di nangyari yun, wala ako ngayon sa ganitong katayuan. Hayss! T.T Di ko alam kung matutuwa ako sa nalaman ko o hindi, eh. Ang gulo sa utak ko! T.T

"Hindi ko naman sinabi na bumalik ka sakin ngayon agad-agad. Ang gusto ko lang malaman mo na ang totoo. Yun lang. Pero mas magiging masaya ako kung babalik ka sakin, ash. Mahal na mahal kita." Alfie

Niyakap nanaman nya ako.. ng sobrang higpit..

"Si unice. Pano sya? Diba girlfriend mo sya?" Tanong ko

"Hindi. Hindi ko sya girlfriend. At kahit kelan di ko sya naging girlfriend. Okay?" 

"Eh bakit ganun nalang kung dumikit sya sayo? At tsaka lagi nyang sinasabi na sakanya ka." 

"Hindi totoo yun. Kilala mo naman yung babaeng yun, eh. Mapang-angkin!" 

Hindi na ko sumagot.. Maya-maya..

"Jade! macky!" tawag ni alfie sa dalawang bata

"Let's go home. Pagod na si ate nyo. At ikaw jade baka hinahanap kana ng mama mo." Sabi ulet ni alfie

Hinawakan ni jade ang mga kamay ko at tumingin lang sakin. Wala syang sinasabi pero meaningful ang mga titig nya. Alalang-alala sya sakin, nakikita ko yun. At parang nagalit pa sya kay alfie dahil napaiyak nya ako.. 

Sa byahe, tahimik lang kami.. Walang nagsasalita. Si jade, kumandong sakin. Nasa shotgun seat kami. At hindi ko napansin, nakatulog narin pala sya. Pano kasi ang traffic tapos ang haba pa ng byahe. 

Nang makarating kami sa bahay namin. Nadatnan namin ang mama ko at mama ni jade na naghihintay sa may sala at nagkekwentuhan. 

"Naku! Maraming-maraming salamat talaga sayo ashley, ah. Nakakaistorbo na ata sainyo si jade." Sabi ng mama ni jade

"Naku, tita! Hindi po no. Gusto ko nga po lagi kasama si jade." sagot ko

"Umiyak ka ba iha?" Sabat ng mama ko

Hindi ako nagsalita. Tinignan ko lang ang mama ko. 

"Mare, uuwi na kami ni jade. Salamat ulet. Ashley, una na kami.." Sabi ng mama ni jade

"Sige po. Ingat po. Dalaw po ulet kayo dito.." 

Natahimik kami pagkaalis nila jade. 

"Tita, ash.. I'd better go. Gabi narin." Alfie

"Sige, ingat. Salamat kanina." Sagot ko

"Ingat ka alfie. ANg pagmamaneho mo wag mo masyado bilisan, okay? Goodnight!" Sabi ng mama ko kay alfie. 

Nang makaalis si alfie.. Pumasok na kami sa loob at nakita kong papaba din si papa. 

"Why?"

"Anong why? What do you mean?" tanong ng mama ko

"Pano nyo nagawa sakin yun?" (__ __) 

"Ano pinagsasabi mo ashley?" Papa

"Wag na nga kayong magmaang-maangan. Alam ko na ang lahat. Alam ko na ang totoo!" napasigaw na ko

"Anak, we're sorry. Iniisip ka la----" 

"Iniisip? Inisip nyo ba ako sa lagay na yun?! Araw-araw nyo ako nakikitang umiiyak! Humahagulgol! Hindi kumakain! Wala sa sarili dahil sa nangyari! Ang selfish nyo! T.T Bakit di nyo nalang ako pinakiusapan? Bakit di nyo nalang ako dinaan sa magandang usapan? Bakit ma? Pa!"

Nagsisimula na kong umiyak dahil sa sakit at sa galit na nararamdaman ko.

"Hindi nyo ba alam kung gano kasakit para sakin ang nangyari? Hindi nyo ko inisip. Inisip nyo lang yung sarili nyo! Yung gusto nyong mangyari! Hindi nyo inisip kung ano ang mararamdaman ko! T.T Lalo kana papa. I thought kakampi kita more than mom pero ikaw pa ang gumawa sakin nito!" 

 "Ate, huminahon ka." Macky

"Isa ka pa. Alam mo na din yung totoo dati pa. Bakit hindi mo sinabi sakin agad?" T.T 

Pamilya ko ba talaga to? Bakit ganto kami ngayon? T.T Ang sakit sakit ng nararamdaman ko..

"Ate, hindi ako ang may karapatan paa sabihin sayo yun. Si kuya alfie lang ang may karapatan. Dahil kahit sabihin namin sayo ang totoo, hihingin mo parin ang side ni kuya alfie. Sana naman maintindihan mo ko. Hindi ko rin gusto na magkahiwalay kayo ni kuya alfie. Botong-boto nga ako sakanya, eh. Pero nung mga oras na yun, si papa ang nagdedecide. Di ako pwede mangealam. At tsaka narinig ko lang ang usapan nila ni kuya nung gabing yun kaya alam ko ang lahat ng totoo." Mahabang paliwanag ni macky

"Anak, patawarin mo kami ng papa mo. Hindi rin naman namin gustong paghiwalayin kayo ni alfie pero yun lang ang tanging paraan kaya pumayag ako sa desisyon ng papa mo. Anak, look at the brighter side, kung hindi nangyari yun, sa tingin mo ba nag-aaral pa ang kapatid mo ngayon? Sa tingin mo ba, maayos ang buhay natin ngayon? Kaya sobrang pasasalamat namin sayo dahil ganto ang nangyari. Humihingi kami ng tawad dahil sa sakit na naramdaman mo pero sana maintindihan mo rin kami ng papa mo." Sabi naman ni mama ko na umiiyak narin at yumakap sakin

"Anak, I'm really sorry. Gusto ko lang din matupad mo ang mga pangarap mo dati nung bata ka pa na lagi mong sinasabi sakin. Natatandaan mo pa ba na pangarap mong magka-hotel ng sarili.. Eto na yun." Papa

"Hindi ko na alam. Hindi nyo alam ang pinagdaanan ko. Hindi nyo alam ang hirap ko.." Malumanay na sabi ko pero di parin ako tumitingin sakanila at umiiyak parin ako

Naglakad na ko at pumanik na sa kwarto ko. Binuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sakit nung iniwanan ako ni alfie.. Sakit nung nalaman ko ang totoo. At sakit dahil mismong mama at papa ko pa ang gumawa sakin ng gantong sakit. T.T Ginawa ko lahat para sakanila tapos ganto pala. Bakit? T.T 

Haysss. Pero di naman ako magtatagumpay kung puro pride ang papairalin ko. Pipilitin kong intindihin ang lahat! Pipilitin kong tanggapin ang lahat ng nangyayari. Eto na ata ang pinakamalala na nangyari sakin. Sobrang sakit! </3

Si alfie pa. Gusto ko naring bumalik sakanya at magkasama narin ulet kami. Pero ano bang totoo sakanila ni unice? Gusto kong maniwala sakanya sa mga sinasabi nyang di totoo na sila ni unice pero may bumabagabag parin sa isip ko. Hayss! Ang dami kong problema. 

Si roy pa na nasasaktan ko lagi. -_- ano na bang nangyayari sa buhay ko? Bakit ganito? T.T 

ALFIE'S POV

nabigla ako sa mga tanong ni ashley.. Wala na kong choice kundi sabihin na sakanya ang totoo. Wala narin akong magagawa kung magalit man sya o hindi. Basta ang mahalaga, masabi ko sakanya ang lahat. 

Nang masabi ko sakanya ang lahat... Lahat ata ng galit nya napunta sa mama at papa nya. Hindi ko naman sya masisisi kung magagalit sya sa mga magulang nya dahil karapatan nyang malaman ang totoo. Lahat-lahat ng nangyari noon bago ko sya iwanan. 

Masakit din para sakin ang lahat ng nangyayari. Lahat ng mga pinagdaanan ko. Lahat ng mga sakit na tiniis ko nung nakikita ko ang mga pictures nila nung roy na yun. Hindi madali para sakin ang nangyari lalo na kapag nakikita ko rin nasasaktan ang babaeng pinakamamahal ko..

Hindi na sya nakapagsalita pa at umiyak nalang. Tinawag ko na sila jade para makauwi na kami. Alam ko sa ngayon, gusto nya mapag-isa at makapag-isip. Bibigyan ko sya ng pagkakataon para magawa nya yun. Hindi ko naman pwedeng madaliin ang pagdedesisyon nya. Nabigla pa sya mga nangyari na totoo.. T.T 

Mahal na mahal ko si ashley. At hinding-hindi ko na hahayaan na mapunta sya sa iba o mawala pa sya sakin. Hindi na. Ipaglalaban ko na sya no matter what. I love her so much. Kahit makipagpatayan pa ko. T.T

**Calling alex

"Pre! Kamusta na? Uuwi na kami ni anne dyan. Mamayang gabi ang flight namin." 

"Ayos lang pre. Nalaman na ni ashley ang totoo." 

"Ano? Ayos ka lang ba? Si ashley asan sya? Anong nangyari?" 

"Pagdating nyo nalang dito. Tsaka ko ipapaliwanag." 

"Sge pre. Wag maglalaslas! Miss you pre. Smile lang!" 

"Sira ulo ka talaga! Dapat paguwi nyo dito, may inaanak na ko, ah! Sge na bye na!" 

**Call ended

------

ALEX'S POV

"Baby, alam na daw ni ashley ang totoo." Alex

"Ano??!!! Naku! Yung bestfriend ko!!! Umiiyak nanaman siguro yun. Akin na yang cp. Tatawagan ko sya. Need na talaga natin umuwi. Kailangan na ko ng bestfriend ko!" anne

"Wala nang load to mahal. Inubos ko na kay alfie. Uuwi naman na tayo, eh. Puntahan nalang sila agad. Ako muna asikasuhin mo." Sabi ni alex kay anne

"Bakit mo inubos?! Tsk. Ikaw talaga! Ilang beses na kita inasikaso no. -_- Yung bestfriend ko.." 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Okay! 2 updates this night. Haha! Hyper ako, eh! Sana magustuhan nyo! :) 

Vote. Comment. Fan. Go! Dali!! ^_^

Pic ni ashley ------------>

Continue Reading

You'll Also Like

444K 6.2K 24
Dice and Madisson
6.7K 99 20
Sheena. All ready have everything hindi niya maisip kung bakit niya pinakasalan ang lalake na si paul hindi niya maisip kung bakit gusto ng kanyang a...
101K 3K 21
Ano kaya ang mangyayari kung ang isang babaeng pinagbabawalang makipag-boyfriend ay liligawan ng pinakasikat na basketball player n...
21.7K 460 25
'Ang pag-ibig kahit hindi mo hanapin ay kusang dumarating kung para sa isa't isa.' Haha dumating ka nga sa buhay ko pero alam ko namang hind tayo par...