chapter 22 - Jealousy..

4.5K 57 2
                                    

ASHLEY'S POV

Hapon na pala. Wala na si Roy sa paligid ko. Asan na kaya yun? Ayos lang kaya sya? Naka-uwi ba sya ng maayos? Hayss. Ang laki talaga ng pasasalamat ko dun sa taong yun. Kapag ganto ang sitwasyon ko, anjan sya para sakin lagi.. -_-

Gutom na gutom na nga pala ako, kaya ako nagising. Pano ba naman, 4pm na oh! Tss. Naghilamos lang ako at nagmumog tapos bumaba na ko sa dining para kumain.. Naabutan ko ang mama ko na may mga papeles na pinipirmahan. pero di ko na pinansin yun. Alam ko namang mga papeles lang yun ni papa. Minsan kasi si mama ang pumipirma kasi alam nya kung pano ang pirma ni papa.

"Oh anak, buti nagising kana. Kumain ka muna." 

"Ma, si roy?"

"Ah, umalis na kaninang madaling araw. Mga 4am. Nagising ako nun at naalala kita. Kaya chineck kita sa room mo. Nakita ko naman sya na nakatulog na dun sa sofa sa kwarto mo. Nahihirapan siguro kaya mabilis magising." 

"Bakit di nyo nalang sya sa guestroom pinatulog?" 

"Yun nga ang sabi ko, eh. Pero tinanggihan nya." 

Tumango nalang ako at kumain na. Hinainan kasi ako ni manang mercy. Katulong namin.. 

"Okay ka lang ba anak? Sino iyong babae kagabi?" Tanong ulet ni mama

Napabuntong hininga nalang ako. Naalala ko nanaman. "Ma, yun yung nagkakagusto kay alfie. Kahit dati pa nung kami pa. Ayun akala nya siguro kami ulet ngayon ni alfie." Sagot ko

"Mahal mo parin si alfie ano?"

"Kaya naman talaga bumalik dito para kay alfie, eh. Pero may isang bagay talaga ang hindi ko pa nalalaman. Nararamdaman ko." 

"Anak malalaman mo din yon. Maghintay ka lang ng tamang panahon." Sabi ni mama sakin na parang nalungkot at yumuko

"Ma, may alam ba kayo sa totoong dahilan kung bakit iniwan ako ni alfie dati? Sagutin nyo nga ako."

Hindi sya umiimik. Hindi makapagsalita ang nanay ko. Bakit ganyan sya? May alam ba talaga sya? Sila ng papa ko? 

"Ma? Answe----

"Wala kaming alam kung bakit iniwan ka ni alfie! Hindi namin alam ang dahilan kung bakit!" Singit ng papa ko

"Eh bakit hindi makasagot si mama? At tsaka masyado kayong defensive. May tinatago ba kayo sakin?" Sagot ko na nanggagalaiti na.

"Wala kaming alam sa mga sinasabi mo ashley! Stop it already!" Sabat pa ng papa ko

"Nararamdaman ko may hindi pa ko nalalaman. Bakit ba ganyan kayo sakin ngayon? Kakaiba mga kinikilos nyo ngayon! Kung ayaw nyong sabihin, ako mismo ang aalam sa sarili ko." Sagot ko at  agad akong pumanik sa kwarto ko para makapagbihis at makaalis dito sa pesteng bahay na 'to!

"Ashley anak.. Huminahon ka. Saan ka pupunta?" Sabi ng mama ko

"Sa lugar na hindi nyo alam!" Sagot ko at umalis na pero nakasalubong ko si roy

"Ash, saan ka pupunta?" Sabi ni roy na nagtataka

"Kahit saan! Halika sumama ka nalang sakin. Ayoko dito sa bahay na 'to!" 

Nakadating na kami sa kotse ni roy at hindi parin sya tumitigil sa katatanong sakin. Kung anong nangyari.. 

"Ano ba talagang nangyari ash?" Tanong nya

"May mga kailangan akong malaman roy. May hindi sinasabi ang mga magulang ko sakin." Sagot ko

"Hindi naman siguro magagawa nila tita yun diba? Malay mo nama----"

I will always love you (completed)Where stories live. Discover now