chapter 23 - Still him..

4.6K 69 0
                                    

ALFIE'S POV

Nakita ko pagpasok ko, kausap na ni unice si ashley na kasama si roy at umiinom. Di ko na napigilan si unice. Nauna kasi syang pumasok. Eh ako nagpark pa ng kotse. Ayaw ko na ngang sumama sakanya kundi lang dahil sa papa ko, eh. Di pa kasi alam ng papa ko ang nangyari. Tss. 

At kakaiba si ashley. Nakainom na kasi. Nakakainis talaga tong roy na to! Ako nga di ko hinahayaan na uminom yan si ashley, eh. Okay lang kung kasama ako. Pero yung ganto? Tss. Naiinis ako ng sobra. Nagulat naman ako nung sinagot nya si unice ng wala pang isang segundo after magsalita ni unice. Parang ang tapang nya ngayon, ah. 

Lalo pa ata nainis nung kinapitan ako ni unice at sinabing parehas nilang kasama ang mga boylet nila.. Ugh. -_- Siguro iniisip na nya na baka kami na ni unice. At si unice ang dahilan kung bakit ko sya iniwanan dati. Aish! Sana hindi naman ganun!

Maya-maya lumayo narin kami ni unice sakanila. Pero hindi parin maalis yung atensyon ko sakanya. Gusto ko na syang pigilan sa kakainom. Kada napapatingin ako sakanya, laging may bagong shot na dumadating. Hayss! Kelan pa ba sya ganyan kalakas uminom? Di naman sya ganyan, eh.. 

Kinakausap ako ni unice ng kung anu-ano. May about sa business. At syempre di naman mawawala yung mga pang-iinsulto nya kay ashley. Kundi lang babae to, nasuntok ko na talaga to, eh. >.< Umiinom narin kami ni unice. Patuloy lang sya sa pagkekwento. Patuloy lang din ako sa pagtango bilang sagot sakanya. 

Nung napatingin ako sa side nila ashley.. Nakita ko umiiyak nanaman sya. :-< Ako nanaman ang dahilan nyan. At nakikita ko rin na napapatingin sya dun sa babaeng kumakanta. Jealous yung kinakanta. Nagseselos ba sya kay unice? Mejo natutuwa ang puso ko kung ganun nga. Hayss. Napatingin ulet ako sakanila at nakita kong may sinasabi sakanya si roy. May pahimas-himas pa ng likod. Tss. Suntukin ko kaya yan! >.<

Umalis sya. Pumuntang cr. Si unice naman may kinausap sa phone nya lumabas muna saglit. Lalapitan ko sya.. 

"ash kausapin mo naman ako. Pakinggan mo naman ako." Sabi ko

"Oh bakit ka andito? Diba kasama mo yung GIRLFRIEND mo!" 

Girlfriend? Di ko sya girlfriend! Tss. Gusto kong sabihin yun. Pero pano ko pa makakaila? Eh ayan na nga yung nakikita nya. :-<

"Pakinggan mo naman muna ako, ash."  Sabi ko ulet

"Ano pa bang papakinggan ko alfie, ah? Para mo na ngang sinampal sakin yung katotohanan sa pagiging sweet nyo ni unice, eh." 

Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi nya. Nagseselos nga ba talaga sya? Naguguluhan ako. 

"nagseselos ka ba?" Tanong ko..

Hindi naman nakapagsalita si ash at biglang dumating si roy! Pinipigilan akong kausapin si ash.. At sya pa mismo ang sumagot sa tanong ko. Isa nalang susuntukin ko na to. Aish! Pero nagmamakaawa na ko sakanya, ayaw parin nya ako pagbigyan. Nainis na ko kaya kung ano na nasabi ko sakanya. Sa sobrang kalasingan ko, napaupo nalang ako sa suntok nya.. Gusto ko pang tumayo at gumanti pero nahilo talaga ako ng sobra.. >.<

Lumapit sakin si unice. Nakita nya na sinuntok ako pero kay ashley parin sya nagalet.. Gusto kong pigilan dahil umiiyak nanaman si ashley pero hindi ko na magawa dahil dumudugo narin yung tagiliran ng bibig ko dahil sa pagkakasuntok sakin ng gagong roy na to. 

The next thing I know is wala na si ashley pati si roy sa harap namin at nandito na ko sa bahay namin. Sa kwarto ko.. Wala narin si unice. Tsaka ko naisipang tawagan si ashley para humingi ng sorry. Pero nararamdaman ko naring di nya sasagutin. Hayss. (__ __) Di ko na alam gagawin ko.. Makatulog na nga lang ulet. 

ASHLEY'S POV

Kinabukasan. Nagising ako at bumaba sa kitchen. Nakita ko naman si roy habang patungo ako dun. 

I will always love you (completed)Where stories live. Discover now