Villareal #1: No Place Rather

By cinnderella

6.7M 190K 68.3K

Hassena More

No Place Rather
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
No Place I'd Rather Be

Kabanata 23

118K 4.3K 2.3K
By cinnderella

Hi, for those who are confused: Linus (Lay-nus)

Kabanata 23
(NPR)



Yup, I'm that bird. The bird they were talking about, the bird who had been well cared by the owner but suddenly confused about the real one and the trap because it looks the same and yes, I'm that bird who have been trapped effortlessly.

Marahan niyang hinawi ang mga damit sa aking kama para igilid at doon siya naupo habang buhat parin ako nang walang kahirap-hirap, napalunok ako at nanatiling kalmado ngunit ang puso ay naghahampas sa aking dibdib. His entwined hands rested behind my butt, caging me in between.

Sobrang init ng pisngi ko pero hindi man lang makakilos para umalis sa kanyang hita, I looked like a tiny kid. Sa malapad niyang pangangatawan na halos hindi ako makakawala sa simpleng paraan lang.

"Are you going out?" he asked in a low deep voice.

Bigla kong naalala si Jerald, namilog ang mga mata ko at mabilis kumalas sa kanya. Nadinig ko pa ang buntong hininga niya, wala pa man sa kalahati ng aking paglayo ay hinuli niya ang kamay ko para muling ibalik sa kanyang harapan.

He looked tired and hurt.

"Don't go..." he said softly.

Kumunot ang noo ko at binawi ang kamay sa kanya, nag-iinit ang pisngi ko dahil bulgar parin ang pamumula ng kanyang labing basa.

"At sino ka para utusan ako?" pasinghal ko tanong.

He raised a brow while looking at me intently.

"Gusto mo na naman bang mahalikan?"

Napasinghap ako sa hiya, pagalit ko siyang tiningnan.

"Don't you dare! Ang kapal kapal mo talaga, Linus! Baka nakakalimutan mong marami kayong nanloko sakin? Unfair iyon kung ikaw nakakahalik agad at nakakausap ako ng ganito!" inis at mapait kong sinabi.

Iyon na nga, Hase. Bakit ang lambot lambot mo parin at hindi siya matanggihan? He lied to me but here I am, still loving him.

"Italia, huwag kang nagtatapang mas lalo akong nabubuhayan." he sighed heavily. "Calm down and talk all you want, just not with that angry face."

Mas lalo akong napasinghap at nagalit, sinipa ko ang binti niya at dinuro siya. He just sighed tiredly while watching me. Hindi man lang ininda ang sipa ko.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan! Sinong hindi magagalit na niloko, huh? Sige nga, ilista mo sila nang mapuntahan ko at manghingi ng advice kung paano kumalma habang nagagalit!" sarkastikong sambit ko.

Napakakapal ng mukha niya para sabihin iyon. Nabubuhayan kapag nagtatapang ako? Bakit, mamamatay ba siya kapag kumalma ako? Hindi naman, 'di ba?

He chuckled and shook his head slightly, pumikit ako ng mariin nang marinig ko ang katok sa aking pintuan.

"Manang, pakisabi pong baba-"

"Hase, are you done?" boses ni Jerald iyon.

Namilog ang mga mata ko sa gulat, napatingin ako kay Linus na nakukunot na ang noo at matalim ang mga mata. He glanced at the door behind me and was about to talk but I immediately covered his mouth, matalim ko siyang tiningan.

"Don't you dare talk!" I hissed, nilingon ko ang pintuan. "Wait lang, Jerald. I'm going out, pakihintay nalang ako sa sal-"

Linus gave a quick peck on my lips that startled me sabay hila sa aking baywang, agad akong napatalikod mula sa kanya nang ipihit ako at ihulog sa kanyang kandungan. Bumilis ang paghinga ko.

His arms immediately snaked around my waist while holding my hand. Lumapat ang labi niya sa aking tainga na ikinatindig ng balahibo ko.

"Tell him to watch the fireworks alone." he whispered coldly.

Inis akong nagpumiglas sa kanyang yakap. His hug tightened around me, almost squeezing my body. Hindi na ako makahinga ng maayos pero ramdam ko ang kakuntentuhan sa ganitong posisyon. Nakakainis pero totoo.

"We will talk, ayaw ko ng may tutang nakahabol sayo." nadinigan ko ng iritasyon ang kanyang boses. "Tell him now or I'll go out and face your puppy."

Napasinghap ako at mabilis kinabahan dahil sa kanyang sinabi. Halos marandaman ko ang kabiguan dahil mukhang gagawin niya ang lahat ng sinabi kahit pa makita siyang narito ng kanyang empleyado.

"Let me go." mariin kong sambit.

"Tss," hindi niya ako pinakawalan.

I wriggled irritatingly. "Kakausapin ko siya, pakawalan mo ako!"

He's like a kid, iyong pasaway na bata. Isip bata!

"Can't you just shout? Ako nga nasisigawan mo, e."

Wow, inutusan pa ako.

"Dahil karapat-dapat kang sigawan!" I spat.

Unti-unting lumuwag ang kanyang hawak, he sighed heavily and looked at me seriously. Nang masulyapan ko ay nakita ko ang iritasyon sa kanyang mga mata.

"Talk to him without smiling para hindi umasa." he said quietly and seriously.

Seriously!? Baliw ba 'to?

Ngumiwi ako at mabilis siyang tinulak para iwanan roon dahil sa walang katuturan niyang pinagsasabi, agad akong lumabas ng silid at sinara ang pintuan para ikulong siya roon. Nakita ko agad si Jerald na nakahilig sa pader habang nakatingin sa kanyang wristwatch.

Nang makita ako ay napaayos ng pagkakatayo, his eyes scanned me. Kumunot agad ang noo niya nang makita ang suot kong pangtulog. Samantalang siya ay handang handa na sa aming pupuntahan, this is the first time I saw him in casual clothes hindi normal sa madalas na suit and tie.

I smiled weakly.

"Hi." I greeted.

He bit his lower lip, mukhang alam na niya na hindi ako makakasama pero iba parin ang kanyang tinanong.

"Hindi ka pa tapos magbihis? I can wait..." he smiled gently.

Huminga ako ng malalim at hilaw na ngumiti.

"Sorry, Jerald. Sumama kasi ang pakiramdam ko, maybe we can watch it together next time?" pampalubag loob ko sa kanya.

Nahihiya talaga ako na hindi makakasama at naabala pa siya sa pagsundo sa akin ngayon. I even said sure earlier!

Umangat ang kamay niya para hapuin ang noo ko, gusto ko sanang umiwas pero huli na. Nagulat pa ako nang ngumiwi siya at naniwala sa aking sinabi.

"Mainit ka nga. May gamot ka ba diyan? Should I buy you first before going? Hindi ka kasi makakalabas na ganyan ang pakiramdam."

I felt a sudden guilt. I sighed heavily and smiled slightly.

"I'll be fine, thank you. Sa susunod nalang tayo manuod kapag naging maayos na ako," nakangiti kong sinabi at sinsero.

Wala naman akong sakit at kung ano man ang sinabi niyang mainit ako ay baka lang iyon sa aking galit kay Linus.

He nodded and smiled.

"Anytime, I'll wait for that time..."

I waved my hand at him, nang makaalis na siya ay napabuntong hininga ako at nakaramdam ng kalungkutan dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya. I shouldn't lie but what can I do? Hindi ako makakatakas kay Linus lalo pa't narito siya.

Paniguradong gagawin niya iyong sinabi kaninang magpapakita Kay Jerald, ayaw ko na matsismis lalo iyon. To think that we just talked about Linus earlier! Hindi ko pa nakakalimutan pero wala akong balak sabihin iyon.

Binuksan ko na ulit ang pintuan para makapasok, halos mapatalon ako nang makita siyang nakatayo sa gilid at tila kanina pa roong naghihintay o nakikinig sa pinag-uusapan ng nasa labas.

"Ano bang ginagawa mo diyan!? Tsismoso ka!" singhal ko sabay bagsak ng pinto.

"You promised him to watch next time?" he asked coldly while looking at me.

Iritado akong kumamot sa ulo at dumiretso sa fridge para makainom ng tubig, naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

Ano bang pakealam niyang kung sumama ako kay Jerald? Nauna rin naman ang usapan namin kung hindi lang siya papansin at nagpunta rito!

"Pinapaasa mo lang iyong tuta," malamig niyang panunuya.

"Ang sama ng ugali mo! Hindi siya tuta! Tsismoso ka, kung ayaw mong makarinig ng ganoon huwag kang makinig! At wala kang karapatan para sabihin ang mga iyan!" pagalit kong sinabi.

Tuta? Si Jerald? Siya nga ang mas mukhang tuta ngayon na sumunod pa rito at sapilitang pinagkasya ang sarili niya. Mabuti sana kung cute siya baka inampon ko pa.

"Paasa..." pasaring niya pa at umismid.

Pumikit ako ng mariin at kinagat ang labi ko sa sobrang iritasyon.

"Umalis ka na, pwede ba?!" inis na inis kong pagtataboy.

Ako pa ang paasa?

"Huwag kang paasa, pwede ba?" pagbabalik niya sa malamig na tinig.

Suminghap ako at nginisian siya ng mapait.

"Okay, Linus. Hindi ko siya paaasahin dahil sasagutin ko siya kapag nanligaw. Ayos ka na? Hindi ko siya papaasahin! Kaya ikaw, umalis ka na dahil ayaw kong makita ang pagmumukha mo rito!"

Hindi kaya siya ang paasa? He made me believe that they were one! Well, yes, they have the same name Demetrius but they are not the same person! Magkaibang magkaiba sa pagkatao pero dahil masaya ako ay hindi ko pinag-iisipan ng masama at nagsisinungaling na pala sa akin.

His defined jaw clenched tightly. My heart raced.

"Babasagin ko ang mukha ng magiging nobyo mo." he said darkly.

Suminghap ako at bahagyang napamaywang sa kapaguran. Tinaasan ko siya ng kilay kahit na kabado ako.

"Binabalaan mo ba ako? Hindi ako natatakot!" matapang kong sinabi.

Bakit naman ako matatakot, e, wala naman siyang karapatang pangunahan o balaan ako sa mga ganoon bagay dahil malaya ako! Oo, nalaman kong ako ang ibon na may nagmamay-ari pero may ibang hinahanap, pero ngayon ay malaya ako at hindi ko siya hahayaang angkinin ako!

Muling umigting ang panga niya at ngayon ay iritado na talaga ang pinapakita, his eyes remained dark but anger was evident.

"That's not a warning. It's a fact about me, Italia. I will break anyone would come near you."

Ngumisi ako. Nakakatawa talaga ito! E, bakit hinayaan niya ako sa kapatid niya noon? Tapos ngayon gaganyan-ganyan siya sa akin?

I inhaled deeply. "Even Leonel?"

Break anyone, huh? Kung totoo man na mahal niya nga ako gaya ng sinabi noon sa akin, hindi ba dapat siya ang lumaban sa kapatid niya? E, bakit kahit sinabi niyang mahal ako ay hinahayaan niya ako sa kapatid niya?

Ang sakit tanggapin, para ba ako sa dalawa? Kung mahal niya ako hindi niya hahayaang mahawakan o may makasa akong iba na alam niyang gusto ko noon at gusto rin ako!

Mas lalong umigting ang panga niya, pumikit siya ng mariin na tila nahihirapan at pagod sa lahat ng nangyayari.

I see it painful yet so beautiful. Kahit sinasaktan niya ako ay mas nasasaktan akong makita siyang ganyan at tila bigong-bigo sa kanyang sitwasyon na hindi ko maintindihan dahil walang eksplanasyon.

I smirked bitterly.

"See? Hindi mo naman pala kaya, huwag kang magsalita ng tapos!" ngumisi ako sa pait na nararamdaman.

Bakit? Bakit lahat kaya niya pero si Leonel ay hindi? Bakit pagdating sa kapatid niya ay parang nanghihina siya? Bakit ganoon? Sa pagkakakilala ko sa kanilang dalawa ay mas malakas siya kung titingnan, he even told me he's the rebel brother but that's not what I'm seeing now...

He looked so down and breaking but still concealing it with his dark coldness that it hurts me. Palagi nalang ba siyang magtatago ng sariling nararamdaman?

His eyes darted on me coldly and darkly while jaw is clenching like he's suppressing the anger he's feeling.

"Do you want it, Italia?" he asked coldly.

Kumalabog ang dibdib ko. My eyes heated up while looking at his eyes that full of hatred and pain now. Hindi ko alam na ganoon kadali siyang magkakaroon ng emosyon kapag kapatid na niya ang usapan.

He loves him... of course.

Hindi ako makapagsalita dahil sa nagbubukol na emosyon at luha sa aking mga mata. I don't want this talk, baka kung ano ang masabi ko. I don't want to hurt him, I don't want to see him in pain. Tama na...

"Answer me..." he commanded harshly.

Napatalon ako sa kaba. Bumilis ang paghinga ko dahil sa determinasyon at pait na pinapakita niya. Nanatiling siyang nakatayo at matatag roon pero bakas ang panghihina sa mga matang pilit pinapatapang ng determinasyon. Para akong dinudurog noon.

"Sagutin mo kung gugustuhin mo bang sirain ko pati siya." muli niyang pag-uutos.

My heart hurt.

Bumuhos ang luha ko dahil sa pinapakitang galit at sakit ng kanyang mga mata habang mariing nakatitig sa akin. Umiling ako ng umiling habang lumuluha ng tahimik, nakakapanghina ang lahat.

Ilang beses ba akong masasaktan pa? Hell, sa buong buhay ko nasasaktan na ako sa aking paligid na kinagisnan, hanggang sa pagmamahal ba naman ng taong nagpapasaya sa akin?

"Just give me the fucking answer, and I'll let you see how I'd do that!" he said hoarsely.

Mas lalo akong naiyak dahil sa sakit. My lips quivered and the frustration I'm feeling finally ate me. Huminga ako ng malalim habang tinitingnan siya at wala na akong pakealam kung maging kaawa-awa pa.

"Oo!" iyak ko. "Oo, Linus! Kung totoo man ang sinabi mo sakin noon na mahal mo ako, hindi mo na dapat tatanungin iyan dahil kahit hindi ko sabihin ay ipaglalaban mo ang nararamdaman mo para sa akin! Kaso palabas nga lang pala ang lahat kaya hindi ko na aasahan pa!"

I cried quietly, sobs echoed the whole room. Tinakpan ko ang aking mukha at kinusot ang aking mga mata para mawala ang mga pesteng luha.

Totoo naman! If he really loves me, he would fight for that love! Pero ano bang gusto niya? Kung hindi niya pala kaya iyon ay dapat hindi na niya ako sinundan o kulitin ngayon! I don't even know where is Rius now! Probably, he's just around Laguna dahil tapos na ang training!

"Bullshit!" he spat. "Everything I did is all fucking true! I was a coward for him, hindi ko itatanggi na duwag ako kapag siya ang usapan pero ngayon... I want your answer for this fucked up situation, 'cause I'll be a fighter for you, Italia."

Humagulgol ako, naghalu-halo ang lahat ng emosyon na hindi ko maipaliwanag. Nagugulat, natutuwa, nagagalit, nag-aalangan, nasasaktan at masaya na kahit papaano pala ay kaya niyang gawin iyon para sa akin... ngayon.

Ang tanong ay kung totoo nga ba... he lied so many times! Lahat ng pagsasama namin noon ay kasinungalingan at pagpapanggap kaya hindi ako makapaniwala na nagsasabi siya ng ganito ngayon!

"Bakit ka ba kasi nagpanggap? Bakit niyo kasi ako niloko? Bakit kayo nagpanggap na iisa kapag ako ang kasama?! Nakakafrustrate, Linus! Hindi ko alam kung bakit niyo ginawa sa akin iyon! Pero..." I said frustratedly while crying.

Bakit kasi? Hindi ko alam kung dapat akong magpasalamat na ganoon ang nangyari dahil nakilala ko siya, minahal ko siya at hanggang ngayon. Pero paano kung hindi siya dumating o nagpanggap? Siguro masaya lang ako kay Rius...

Humikbi ako.

"Pero... kahit ganoon, ikaw parin. Ikaw parin ang gumugulo sa akin ngayon, ikaw pa rin ang dahilan ng sakit ko, ikaw pa rin ang dahilan ng lahat kung bakit ako nakakaramdam ng ganito!"

His bloodshot eyes widened a bit while watching me painfully. Pumikit siya ng marahan na tila kumakalma sa lahat ng sinasabi ko. Umiwas ako ng tingin at nagyuko ng ulo habang pinipigilan ang paghikbi.

"Ayaw ko na talaga sayo, Linus. Ayaw ko na, nakakapagod na at ayaw ko nang maramdaman ito dahil tanga na ako kung tatanggapin ko parin lahat ng kasinungalingang iyon." pumikit ako ng mariin.

I don't want this pain. Lalo na kung siya ang nagbibigay dahil doble ang sakit ng epekto niya, ang epekto na ang mundo namin ay bawal magsama.

"I pretended, Italia, I fucking lied but I never lied about my feelings for you. God damn it!" he said frustratedly.

Humakbang siya palapit, my knees trembled. I feel very weak and fragile right now that I couldn't even step back, I just felt his hand on my waist. Kumalabog ang dibdib ko nang mas lalo siyang lumapit sa aking harapan, huminga siya ng malalim at marahan akong hinila.

My face rested on his chest, nanginginig ang aking labi habang tahimik lang ang pag-iyak roon. I could almost hear his heavy breathing and heart pounding. Marahan dumantay ang kanyang kamay sa aking likuran.

"You are forbidden..." he whispered quietly. "You're off limits, you're not for me..."

He sighed heavily like it hurts him saying those.

"That were the things he told me, I agreed without knowing you." he heaved a sigh. "... and fuck everything, I found myself wanting to have you, despite of all, you drowned me."

Napapikit ako at mas lalong naiyak. Hinila na niya ako ng tuluyan para mahigpit na ikulong sa kanyang bisig, I was sobbing hard. The pain, happiness and sadness are all here in my damn heart.

"Still, we're not for each other, L-Linus..." naiiyak kong sinabi habang umiiling.

We're not for each, we are forbidden to be like this. We are off limits to feel this way. Kahit pa mahal ko siya at mahal niya ako ay hindi pupwede. I respect Leonel's feelings for me, I respect our friends.

Kasi malinaw na sa akin kung bakit pati sila ay nagsinungaling, they like Rius for me at ang dahilan ng pagtatago noon sa akin ay dalawang tao lamang ang nakakaalam... sila lang.

Explanation is needed to clear things out, but it would hurt me very bad for sure. Kung ano ang dahilan ay masasaktan parin ako at ganito parin ang kalalabasan.

Naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang hininga at bahagyang pagbagsak ng balikat.

"Don't say that," he drawled.

"Pero iyon ang totoo! Hindi tayo para sa isa't isa kahit baliktarin ang mundo! This is not right!" sambit ko.

This is not right! His brother forbid me! His brother owned me first, kahit hindi ko binigyang sagot ay awtomatiko na dahil siya lang naman ang tanging lalaki noon sa buhay ko at hindi tamang mahalin ko naman ang kapatid niya! Ganoon kahirap mahalin si Linus.

"Alam mo naman siguro ang nararamdaman niya para sa akin..." I said. "I will respect that, Linus. I'm sorry..."

I'm sorry... I just can't do this.

His breathing became ragged, he buried his face on my neck and hugged me tightly like he doesn't want to let go. Umiyak ako, ang sakit.

"How 'bout my feelings, baby?" he whispered sternly but weakly. "Paano ako? Paano ka? How about us?"

I closed my eyes gently, I'm hurting bad. I smiled a bit. Ramdam ko ang panghihina niya habang yakap ako, ang kaninang higpit ay tila kumakapit na lamang dahil sa panghihina niya.

"You will heal in time..." marahan kong sinabi kahit sobrang sakit ng salitang iyon. "You will find someone e-else..." my voice broke. "H-Hindi ako iyon, Linus..."

Napaiyak ako lalo. Hindi ako iyon, pero ayaw kong magkaroon siya ng iba.

We will heal, time will heal us. Kailangan lang namin ng oras para doon at makukuha naman kahit gaano pa katagal ang abutin. Makakahanap siya ng ibang para sa kanya... at ako... bahala na. Basta lang maging masaya para sa lahat ng pangyayaring mapait na ito.

Damn it. Damn this life! Damn happiness! Damn every place we cannot be together!

"No one else can heal this but you, only you, please..." he groaned painfully. "...baby, give me a chance. I'm in love with you so fucking bad." he begged.

I cried my heart out in pain.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 142K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.
2.5M 117K 50
The lethal and the pure. The black and white. Opposite sides burning each other's souls. Parvana Naia Bukhari and Zeus Vincenticus Ferrer. When she f...
4.8M 98.2K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
5.6M 183K 48
Dallace, a rebellious student, feels neglected since her father's death. Her mother's new family exacerbates insecurities, leading to harmful behavio...