MASKARA

By PaulitoX

215K 6.5K 721

There is temporary peace among the four magic schools. The Institute is in place to control magical use to pr... More

Prologue
Chapter 1: Juan Miguel
Chapter 2: Paranoia
Chapter 3: The Good Boy
Chapter 4: Ang Ate
Chapter 5: The Institute
Chapter 6: City Of Pines
Chapter 7: Kaibigan
Chapter 8: Maskara
Chapter 9: Ivan
Chapter 10: Kapangyarihan
Chapter 11: Ang Guro
Chapter 12: Young Witch
Chapter 13: Young Elder
Chapter 14: Opening
Chapter 15: Ang Kuya
Chapter 16: First Encounter
Chapter 17: Manifestation
Chapter 18: First Battle
Chapter 19: Target
Chapter 20: Charlotte
Chapter 21: Crush
Chapter 22: Little Bro
Chapter 23: White Demon
Chapter 24: Elder Geron
Chapter 25: Mga Hinala
Chapter 26: Problem Child
Chapter 27: Protection
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 29: Leopoldo
Chapter 30: Mga Elemento
Chapter 31: Temper
Chapter 32: Superhero
Chapter 33: Nicanor
Chapter 34: Ang Kuya
Chapter 35: Stella
Chapter 36: Trio
Chapter 37: Tropa
Chapter 38: Unang Sabak
Chapter 39: Team Work
Chapter 40: Gate Keeper
Chapter 41: Genie
Chapter 42: House of Masks
Chapter 43: The Kiss
Chapter 44: Bond
Chapter 45: Break Out
Chapter 46: Dark Warlock
Chapter 47: Aftermath
Chapter 48: Hunted
Chapter 49: Awakening
Chapter 50: The Promise
Epilogue

Chapter 51: Cute Vigilantes

4K 116 15
By PaulitoX

Chapter 51: Cute Vigilantes

Sa loob ng isang conference room sa palasyong lumulutang sa ere nagtipon tipon ang mga matatandang magic users. "Sir verified po na yung namatay ay si Hilario talaga" sabi ng isang dalaga.

"Yung Hilario natin?" biro ng isa. "Hahahaha no, our very own Hilario is still alive but nasa quarantine kasi parang may nawawalang parte ng isipan niya. He does not even know where he placed his wand" sagot ng isang matandang babae.

"So the dark warlock Hilario is dead, huh again. Baka nanaman mamaya magulat ulit tayo at mabuhay ulit yan" sabi ng isang matandang lalake. "Yung unang pagkamatay niya wala naman ebidensya, this time his body has been taken" sabi ng isang babae.

"At least nabawasan tayo ng babantayan, ilan pa ba ang nagtatago?" tanong ng isang matandang babae. "Dose pa po pero yung iba tumakas na palabas ng ibang bansa recently" sabi nung isang dalaga.

"Okay what is the next agenda?" tanong ng isang matandang lalake. "Ah..there have been series of reports...the Institute had to work overtime to correct and erase the memories of a lot of people" sabi ng dalaga.

"Why?" tanong ng matanda. "Madam there seems to be a vigilante group of witches" sagot ng dalaga. "Anong ibig mo sabihin?" tanong ng matanda. "First of all the officers of the institute has proven that they are not magic users. The culprits are witches"

"Example, meron po isang grupo ng kabataan, tinatawag na gang. Sama sama sila naglilibot, naninira, nananakot...to cut the story short madam e sabay sabay po sila nagkaproblema sa mga daliri nila"

"Kasi po may hand signals sila or hand signs, ah how do I explain this? They twist their fingers to form their group sign when they see each other" sabi ng dalaga. "Yes we are aware, hindi kami masyado matanda" sabat ng matanda.

"So ayon po, lahat po sila naging permanent yung hand sign nila" sabi ng dalaga at may mga ilang matanda ang hindi nakapigil sa pagtawa. "We were too late madam, hindi na po natin naayos kasi naalerto ang media at naging big news na po"

"Ang pinapalabas ng doctor ay nerve and muscle problem pero hindi niya maexplain bakit sabay sabay sila kaya lahat po sila under observation pa. We tried to cure them but to no avail, ang sabi ng mga kasama nating witches masyado daw malakas yung curse na pinataw sa grupo na yon" sabi ng dalaga.

"I say let them be" sabi ng matanda. "Oo nga, para hindi na makapag hasik ng lagim ang mga gang gang na yan" sabi ng matandang lalake. "Yes, it may be harsh but let that be a lesson to those gang members. Maganda yan para matakot din ibang gangs...teka sila lang ba ang inatake or meron pa?" tanong ng isang matandang babae.

"Sila palang po pero aantayin pa po natin may ibang gang ang maatake ng same curse?" tanong ng dalaga. "You said yourself we were too late already, the public already knows through the media and the doctor already gave his theory"

"Wag na natin pakialaman yan. So next" sabi ng matanda. "Mga magnanakaw na nagnanakawan po" sabi ng dalaga at nagtawanan na yung mga matatanda. "Are you kidding me?" tanong ng matanda.

"No sir, series of events sir, magnanakaw ninakawan kapwa magnanakaw tapos nagreklamo sila sa baranggay" sabi ng dalaga. "Hahaha, sorry but did we try to find the culprit? Kasi kung isolated yan sa isang baranggay then the witch must be from there" sabi ng matanda.

"Yes sir, but it was a chain curse. Base po sa expert natin nagsimula po yung curse sa isang magnanakaw. Tapos ang curse niya is to rob his fellow robber and when he does the curse now also affects that person"

"Hindi po mahanap yung pinagmulan e" sabi ng dalaga. "My goodness that is going to be a problem" sabi ng isang matanda. "I don't think so, magandang problema yan kasi mga magnanakaw lang naman ang mga mahuhuli. Think about it" sabi ng isang matandang lalake.

"What else do you have for us?" tanong ng matandang babae. "Yan palang po yung major incidents, the rest are minor ones" sabi ng dalaga. Binasa ng matandang babae yung listahan, "Bakit parang isip bata yung may pakana nito?" tanong niya.

"Baka yan ang gusto nila isipin natin para hindi sila mahuli. You know those witches are very clever" sabi ng matandang lalake. "Tell the others to just observe. Wala naman masyado masama sa ginagawa ng mga yan. Basta tell them to get ready to erase memories pag medyo malabis na ang ginawa ng mga bruha" sabi ng matanda.

"But sir" pilit ng dalaga. "Fine! Sige gumawa kayo ng isang squad to look for the culprits" sigaw ng matanda. "I am just doing my job" bulong ng dalaga. "Kaya nga, since you seem to want them to be caught badly then you head that squad. Get anyone you want to accompany you. Go Dianne!" sigaw ng matanda.

Samantala sa loob ng isang fastfood restaurant magkakasama sina Miggy, Stella at Eric. "Tignan mo yung nagmop ng floor o, lagi siya sa malapit sa stairs tapos pag girl na nakapalda umaakyat sumisilip siya" bulong ni Stella.

"Bad yon sabi ni mama" sabi ni Miggy. "Kaya nga, turuan mo nga ng lesson" sabi ni Stella. "Ikaw nalang" sagot ng batang lalake. "E di ko alam e, dapat lesson" sabi ni Stella.

"Sige" sagot ni Miggy saka may binulong siya. "Ano ginawa mo?" tanong ni Stella. "Ayan o may girl na naka palda, tignan mo" sabi ni Miggy. Pinanood nila umakyat yung babae, yung isang staff na kunwari nagmop ng sahig biglang hindi makatingala. Bungisngis na si Stella pagkat nanginginig na yung lalake, yumuyuko na siya para lang makasilip pero hindi niya maigalaw ulo niya.

"Miggy hindi na siya makaka look up forever?" tanong ni Stella. "Pwede basta hindi sumisilip" sagot ng batang lalake. "Ang galing galing mo na talaga mag curse" sabi ng batang babae. "Hindi, hinehelp lang ako ng spirits" sagot ni Miggy.

"Kakainin mo fries mo?" tanong ni Eric. "Sige sa iyo na" sabi ni Stella. "Ang tagal naman ni mama" sabi ni Miggy. "Wait lang tayo daw, pero Miggy naawa ako don sa tinuruan natin ng lesson" sabi ni Stella.

"Sino don?" tanong ng batang lalake. "Yung nag steal ng hair gel na nakita natin tapos nakalabas siya ng store. Tapos nakita natin ulit umiiyak na kasi yung hair niya wala na kasi naalis alis" sabi ni Stella kaya biglang natawa si Miggy.

"E ikaw naman nag curse don" sabi ni Miggy kaya natawa bigla si Stella. "Ikaw naman nag add pinakapal mo eye brows niya na naging bangs" sabi ng batang babae kaya lalo sila nagtawanan habang si Eric busy parin sa pagkain niya.

"Bad ba talaga tayo?" tanong ni Stella. "Ewan ko, basta ginagamit natin powers natin sa mabuti. E punishment kailangan talaga sa bad" sabi ni Miggy. "Ayan na si mama mo" sabi ni Stella. Pumasok si Vivian at napangiti. "Awww so behaved you three, did you talk to strangers?" tanong ng matanda.

"No mama, pero ang tagal mo mama. Kaya ayaw ka kasama ni papa pag nasa mall kasi ang tagal mo bumili" sabi ni Miggy. "E wala naman siya nabili" sagot ni Stella kaya natawa sobra si Vivian. "Stella when you grow older you will understand" sabi ni Vivian.

"Tita manonood na ba tayo ng sine?" tanong ni Eric. "Yes dear, come on lets go" sabi ni Vivian. Sa loob ng sinehan kain ng kain ng popcorn si Eric kaya bungisngis si Vivian. "Mama o" bulong ni Miggy saka tinuro yung magsyota sa malapit. "Ay naku, don't look" sabi ni Vivian pagkat naghahalikan yung dalawa.

Bungisngis si Stella na bumulong kay Miggy. "Bad ba yon?" tanong niya. "Siguro kasi sabi ni mama don't look" sagot ni Miggy. "Ako magcurse sa kanila" sabi ni Stella. "Wag na kasi love naman yung kiss diba?" sabi ni Miggy. "E sabi nga ni tita don't look e diba" pataray na sagot ni Stella.

"I will just put them to sleep" bulong niya sabay napangisi. "Mama they got tired kissing" biro ni Miggy. "Ay naku, ha? Nakatulog talaga sila?" tanong ni Vivian na nalito. "Mama quiet na the movie will start na" sabi ni Miggy.

Pagkatapos ng sine nagtungo na sila sa parking area. "Hala tita look! Scratch" sigaw ni Eric. "Oh my God!" sigaw ni Vivian nang makita yung sobrang habang scratch sa gilid ng kotse. "Security!" sigaw ni Vivian kaya yung mga bata nagpanic.

"You three wait here, you wait here" sigaw ni Vivian sa inis kaya pumasok yung tatlo sa kotse. "Your mama is mad" sabi ni Stella. "Mahal kasi magpaayos ng scratch e kaya si lolo maingat sa car niya" sabi ni Miggy.

"E saan pumunta si tita?" tanong ni Eric. Lumabas si Miggy, hinaplos niya yung parte ng kotse na may gasgas sana nagliwanag ang mga mata niya. "Uy what are you doing?" tanong ni Stella.

Sa malayo may dalawang lalake na nagmamasid. "What is he doing?" tanong nung binata. "Shhhh let us just watch" sagot ni Victor. "Miggy ano ginagawa mo?" tanong ni Eric. "Nakikita ko siya, he is a boy, he is tall..." bulong ni Miggy saka bumitaw at naglakad palayo.

"Uy sabi ng mama mo dito lang tayo" sabi ni Stella. Sa malayo napangiti si Victor. "Impressive, he found the car" sabi niya. "How did he do it?" tanong ng binata. "It does not matter how, this boy has great abilities. The question is ano gagawin niya" sabi ni Victor.

Nilapitan ni Miggy yung kotse na pula, hinaplos niya yung hood ng kotse at biglang umilaw yung headlights saka din lang namatay. "What are you going to do?" tanong ni Stella. Binuksan ni Miggy yung kotse, "Caloy help me find hair of the bad boy" sabi ng bata at nagulat yung mga kasama niya nang lumabas si Caloy mula sa kanyang bracelet.

Isang minuto lumipas, "Walang buhok pero eto o may baso ng softdrinks" sabi ni Caloy kaya natawa si Miggy. "Hanggang ngayon takot kayo sa kanya?" tanong niya. "Lagi mo siya kasama?" tanong ni Stella. "Oo kasi friend ko siya, Stella may laway yung bad boy, ikaw na bahala" sabi ni Miggy.

"Ano gagawin ko?" tanong ni Stella. "Ikaw kasi yung marunong dito e, hindi ko pa naaral" sabi ni Miggy. "E ano gagawin ko sa kanya?" tanong ni Stella na nilabas manika niya. "Basta istart mo tapos ako tatapos" sabi ni Miggy kaya pinatakan nila ng soda yung labi ng manika, nagbulong si Stella at bumukas ang mga mata ng kanyang manika.

"Akin na, sige na ako na" sabi ni Miggy na binulungan yung manika. Sa malayo humakbang si Victor. "Sir, ano gagawin mo?" tanong ng binata. "Dito ka lang" sabi ni Victor na nilapitan yung tatlong bata.

Nagkumpol kumpol yung mga bata nang makita yung matanda, "Hello, maybe I can help" sabi ni Victor kaya tumabi yung mga bata. "Aysus, ang haba ng gasgas" sabi ni Victor. Nagtago sina Eric at Stella sa likod ni Miggy, "Kaya ko ayusin yan" sabi ng matanda.

"Pero mahal" sabi ni Miggy. "Hindi, I will use magic" sabi ni Victor kaya nanlaki ang mga mata ng mga bata. "Ayaw niyo maniwala?" landi ni Victor. "Nasesense ko si lolo may powers" bulong ni Miggy kaya natawa yung matanda. Kinilabutan yung mga bata nang may mga anino na lumabas mula sa katawan ng matanda.

Mga anino humarang sa gasgas sa kotse at pagdaan nila nawala na yung gasgas. "Wow!" sabay sabay na bigkas ng mga bata. "Lolo pano mo ginawa yon?" tanong ni Miggy. "You are welcome" sabi ni Victor saka tumalikod at maglalakad na palayo.

"Lolo wait!" sigaw ni Miggy kaya humarap ulit si Victor. "Lolo may magic din kami, mga witch kami" sabi ng bata. "I know" sagot ni Victor. "Hindi siya bad" sabi ni Stella. "Bad? Bakit naman ako magiging bad?" tanong ni Victor.

"E kasi yung ibang lolo e hinahabol yung friend ko tapos pati ako. Pinatay ko siya" sabi ni Miggy. "Oh, do you know that is bad iho?" sabi ni Victor. "I know but he hurt my ate Charlotte. They hostage her so that they can take me. When I saw her she had blood so I killed them" sabi ni Miggy kaya napatigil si Victor.

Hinaplos ng matanda ulo ni Miggy, "You remind me so much of my grandson Raphael. He is your age" sabi ni Victor. "Witch din siya lolo?" tanong ni Miggy. "Hahahahaha...let us not talk about that. Do not worry, you did what you had to do because you needed to protect someone"

"Many will say it is wrong but in my eyes you are a hero" sabi ng matanda kaya napangiti si Miggy. "I like you lolo" sabi ng bata. "Listen to me you three, do not be afraid to use your powers. No one should tell you what is right or wrong. Just use whatever you have"

"Never feel you are different, the truth is you are special. Kaya lang hindi natin pwede ipasikat yung kapangyarihan natin. I sense that you three are being trained by the elements...do not rely on the elements. Use whatever you can learn" sabi ni Victor.

"Lolo pwede mo kami turuan? Gusto ko din yung shadows" sabi ni Miggy. "Wag ka magmamadali iho, bata pa kayo. Maybe one day when we meet again. Juan Miguel, Stella and Eric, good day" sabi ni Victor at bigla siyang naging anino at mabilis na gumapang palayo.

"Wow" bigkas ng mga bata. "Ang galing non" sabi ni Eric. "Lolo is strong, I could feel it" sabi ni Miggy. "He is a good lolo, akala ko bad lolo siya" sabi ni Stella. "Pero wala na yung gasgas talaga, gusto ko din yung magic na ganon" sabi ni Miggy.

Dumating si Vivian kasama nung guard, "Ayan o, ayan may gumasgas sa kotse...nasan na?" tanong niya. "Pinagloloko niyo naman ako e! Sinasayang niyo oras ko" sigaw ng guard kaya humarap si Miggy at nanlisik ang kanyang mga mata. "Miggy don't" bulong ni Stella kaya pumikit si Miggy saka humarap palayo.

"Pasensya ka na" sabi ni Vivian. Nagdaldal yung guard pero bawat salita niya tunog pito. Pigil tawa yung mga bata, si Vivian nagtakip ng bibig, yung guard inuga ulo niya, umubo pero malakas na pito ang tunog.

Naglakad palayo yung gwardya, "Mama naswallow niya whistle niya" sabi ni Miggy. "Oh no, I have to help him then" sabi ni Vivian. "Wag na mama, bad siya kasi sinigawan ka. He will be fine" sabi ni Miggy saka humaplos sa kamay ng nanay niya. "Yes he will be fine. Okay get in the car, but I swear there was a scratch here" sabi niya.

"Tita wala, kwan lang yon tita...ah kwan parang tali tita" sabi ni Eric. "Talaga? Pero hinaplos ko...hmmm" bigkas ni Vivian. "Lets go tita, no more scratch, your car is pretty again" pacute ni Stella.

Sa di kalayuan sumulpot si Victor. "Dito muna tayo" sabi niya. "Hindi mo sila kukunin?" tanong ng binata. "Bakit ko sila kukunin?" tanong ng matanda. "Malakas yung bata" sagot ng binata. "E ano ngayon? Let him learn on his own" sagot ni Victor.

"Ano pa inaantay natin dito? Umalis na sila" sabi ng binata. "Ayan...yung gumasgas sa kotse nila" sabi ni Victor kaya pinagmasdan nila yung binata na papito pito habang naglalakad. Napatigil yung binata sa tabi ng isang sobrang garang kotse.

Naglabas siya ng susi, tumabi sa kotse saka niya ito ginasgasan. Pagkalayo niya agad siya napasigaw. "Aray ko! Aray" hiyaw niya. "Ano po ginawa niyo?" tanong ng binata. "Wala ako ginawa, malakas yung sumpa nung bata" sabi ni Victor.

Lumapit yung guard, yung binata nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit. Lumapit sina Victor, inalis ng binata yung pantaas niya at nagulat sila pagkat may sobrang haba siyang laslas sa dibdib.

"Saan ka sumabit?" tanong ng guard. "Sabit? Tignan mo nga pantaas niya walang bukas" sagot ng binata na kasama ni Victor. "Aray ko! Tulungan niyo ako" sigaw ng binata pero si Victor tumalikod at naglakad palayo.

"Miggy is a dangerous boy" bulong niya. "Sumpa niya yon?" tanong ng binata. "Oo, I have to protect him" sabi ni Victor. "Protect him? From whom?" tanong ng binata.

"From everyone...they will come after him..."

"My grandson will be safe...I know he will. They will guide him when he is ready. The dragons will keep him safe, this I know. It has been written. So now I must protect Miggy..."

"Will Miggy be the friend of my grandson or will he be the one to kill him?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 97.7K 37
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
43.3K 3.3K 24
in which sunoo makes a mistake and 'suffers' the consequences. alternative universe lowercase intended on hold
217K 10.4K 55
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
2.7M 131K 49
when a rich spoiled bad boy Jeon Jung-hoon gets into an encounter with a Muslim girl and they become enemies so he bully her humiliates her and insul...