Ruel's Charm

By xianrandal

2.1M 26.7K 1.4K

He is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell i... More

Author's Note
Otor's Note #2
Ruel's Charm
1 First Encounter
2 Can't Remember Her
3 Hold Up
4 Police Interview
5 The Visitor
6 Entrapment
7 First Dinner Together
8 Shooting Competition
9 The Visitor
10 The Event
11
12 The Ride
13
14
15
16
16b
17
18 - Jogging Time!
19 M.U.
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60 - END (tonay na koya)
Special Chapter (geh na lang)
Special Chapter 2 - na naman!

40

27K 359 17
By xianrandal

40

Medyo nahihirapan ako kay Ruel! Pinahihirapan niya ako! Waaaaaaaaaaaa! At ngayon, hindi ko alam saan papunta ang aking update, medyo mahaba ng konti, wala sanang violent reaction..mahirap kaya mag-isip, try nyo! Wahahahaha! Isa pa pala, nakalimutan ko na paano magdrama, purong kabaliwan lamang kasi ang alam ko. Oha! Ayan, basa na….Weyt! Don’t forget to comment para alam ko kung ano na ba tinatakbo ng story na to, yung vote naman, konsensiya nyo na lang..wahahaha! Jowk!

*****************************

“Are you ready?” Celerio asked her. Kanina pa siya ready at ang binata lamang ang inaantay niya. They need to go to Cotabato City.  Dun nila kukunin ang mga ebidensiyang kakailanganin.

“Yes.” She got her backpack and went with Celerio. Sasakyan nito ang napili nilang gamitin. Kung siya ang masusunod, mas magandang magmomotorsiklo sila, mas mabilis, kaso ang sabi ni Celerio, takaw disgrasya raw.

“After this, babalik ka ng Kidapawan?” He asked her. May lungkot sa boses nito.

“Yes. This is the only reason why I went here. Tumawag ako kay Chief kagabi, ang sabi niya, as soon as ma reseolve, babalik na ako.” Tila excited na sabi niya.

“Mamimiss kita.”

“Ako rin naman. Kaso kailangan ng bumalik.”

“Dahil kay Ruel?”

Ngiti lamang ang isinagot ni Gabrielle. Sa ngiting yun, obviously, alam na ni Celerio ang sagot. Madaling araw ang biyahe nila para maaga pa sila sa kanilang pupuntahan. Malapit lang naman ang Cotabato City, hindi aabutan ng isang oras. Pababa na sila nung biglang may humarang na tatlong motorsiklo sa kanilang daraanan.

“Celerio huwag kang huminto!” Nagpapanic na sabi niya. Isa pang itim na van ang bigla na lamang sumulpot mula kung saan kaya natapakan ng binata ang break kung hindi mababangga sila. Nagsibabaan ang mga sakay ng motorsiklo kasama na ang sakay ng van. Alisto ang mga mata nina Celerio at Gabrielle. May mga baril naman sila pero kumpara sa dami ng nasa harap nila ngayon at sa high fire arm na hawak, tagilid sila.

“Gab, don’t open the door.” Hindi pupuwedeng umabante si Celerio dahil sa van na nakaharang.

“Baba!” Narinig nilang utos sa kanila ng mga tao sa labas. Nakatutok lahat ng baril ng mga ito sa kanila.

“Celerio, mamamatay na yata tayo.” Bigla siyang nakaramdam ng matinding takot. Sa dami na ng operasyon na naranasan niya, ngayon pa lamang siya nakaranas ng ganito.

“Relaks, Gab. Presence of mind.” Pareho silang may barin na dalawa pero wala pa rin silang laban. Kung anu-ano ng pumapasok sa utak ni Gabrielle ngayon. Ang mga magulang sa States at mga kapatid, pati na rin si Ruel.

Wala silang choice kundi ang bumaba ng kanilang sasakyan, compared to these devilish looking men in front of them, wala silang kalaban-laban sa mga ito.

Sobrang bilis ng pangyayari, namalayan na lamang niya na hinihila na siya ng dalawang lalaki papasok sa sasakyan ng mga ito. Sumigaw siya kahit pa alam niyang imposibleng may makarinig sa kanya sa lugar na iyon. Sisigaw sana siya muli ngunit binigyan siya ng napakalakas na sampal ng isang lalaki. Sapilitan siyang ipinasok sa loob ng van ng mga ito.  Nakikita niya na binubugbog si Celerio sa labas. Gusto man niyang tulungan ang kasama at kaibigan ay wala siyang magagawa.

Ilang sandali pa ay ipinasok rin nila si Celerio sa loob ng van. Awang-awa si Gabrielle sa kaibigan. Duguan ang mukha nito. “Mga hayop kayo! Ano bang kailangan ninyo sa amin ha!”

Nagsitawanan lamang ang mga lalaki sa loob ng sasakyan. “Kami wala, pero yung nag-utos sa amin, meron.”

“Sino! Wala naman kaming atraso sa inyo! Pakawalan nyo kami!” Naramdaman niyang hinawakan ni Celerio ang kamay niya, signalling  her to stop talking.

“Ang ingay mong babae ka! Gusto mo yatang masaktan.” Galit na sabi ng isa.

“H-huwag.” Kahit hirap ay nagawa pang magsalita ni Celerio.

“Oy! Nagfefeeling superman! Kayo kasi, ang titigas ng mga ulo ninyo! Sinabi nang tumahimik, hindi pa ginawa. Tsk! Mukhang tatahimik na talaga kayo ng tuluyan.” Nagtawanan na naman sila.

Malayo rin ang nilakbay ng sasakyan nila, nakita ni Gabrielle  na nakasunod ang kotse na ginamit nila ni Celerio kanina, kung nagkataon, walang makakaalam na nangyari sa kanila ito ng binata.

God, help us! Piping dasal niya. Saan sila dadalhin ng mga ito. Maliwanag na kaya kitang-kita na niya ang hitsura ni Celerio na putok ang pisngi at gilid ng bibig. Nagsimula nang mamaga ang mga suntok at bugbog na inabot nito kanina. Tinignan siya nito.

“G-gab.” Inabot nito ang mukha niya at pinunasan ang gilid ng bibig niya. Dumugo pala ito kanina nung nasampal siya. Hindi niya kasi namalayan.

“Tama na yang ka sweeten na yan! Baba!” Hinila sila ng mga ito!

“Ano ba! BItiwan mo ako!”

“Baka gusto mong samain ka sa akin?”  Nangigigil na sabi ng lalaki sa kanya.

“huwag!” Masakit man ang katawan ay nasabi ni Celerio. “Babae yan.”

“Oi! Lover boy!” Nagtawanan ang mga ito. Kinaladkad sila pareho patungo sa isang lumang bahay sa gitna ng napakalawak na lupain. Hindi familiar and dalawa sa lugar, malayo ito sa kabihasnan kaya malamang kahit magsisigaw sila, walang makakarinig.

Itinali silang pareho sa isang poste, tulad nang mga napapanood na pelikula ni Gabrielle. Biglang inilabas ng mga ito ang cellphone nilang dalawa, ipinakita sa kanya ang screen. Tumatawag si Ruel!

“Tumatawag ang Ruel. Ano, gusto mong sagutin ko na ito at sabihin kong pinatay ka na namin?”

“Hayop ka! Huwag mong pakialaman ang gamit ko!” Sigaw niya. Nagsitawanan lamang ang mga ito.

“Alam mo, magpasalamat ka at may awa pa ang Boss namin, kabilin-bilinan na huwag kayong pakialamang dalawa. Lalo ka na.” Sabay ngisi sa kanya.

“Gago! Sabihin mo sa gago mong Boss na wala akong atraso sa kanya!”

“Ang talas talaga ng dila mo.  Kapag ako nakakuha ng go signal para sa iyo, pahihirapan talaga kita. Ibang pagpapahirap!” Pagkatapos ay tila demonyo itong tumawa. Bitbit ang mga cell phones nilang dalawa ni Celerio. Iniwan silang nakagapos na dalawa.

*******************

Kanina pa tumatawag si Ruel sa nobya pero ring lamang ito ng ring at hindi sinasagot. Hindi naman iyon ugali ni Gabrielle, kadalasan, kahit busy ito, nasasagot pa rin niya ang kanyang telepono. Baka naman may meeting o talagang busy ang nobya? Mamaya na lamang niya ito tatawagan ulit. Bigla kasing na move ang kanyang business conference sa Canada, bukas na agad ang alis niya. Kailangan niyang makausap ang nobya. Kung sana ay malapit lamang ang Parang, pinuntahan na niya ito.

He went to the office and do the tasks that he needed to do. May kailangan pa kasi siyang tapusin bago ang biyahe niya bukas. Nag-usap rin sila ni Aron Miguel, ipinapatanong nito kung pupuwede bang madaanan niya si Candice sa Canada, kung sakalaing malapit lang, kukumustahin kung okay lang ba ang dalaga.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Talaga yatang wala na siyang nararamdaman kay Candice kundi pagiging kaibigan. Kung siguro magkikita sila, mas magiging komportable siya, kasi wala nang malisya iyon, hindi tulad dati. Naalala na naman niya ang nobya. Tuwing iniisip niya si Candice, talagang pumapasok sa eksena si Gabrielle.

Hanggang sa isip niya, feeling niya magseselos ang kanyang si Gabrielle. Kinuha niyang muli ang cell phone at tinawagan ang dalaga. Nag riring lamang at walang sumasagot. He decided to text.

Honey ko, bakit hindi mo sinasagot ang cellphone?

 

Hindi nagreply ang nobya kaya imbes na mainis at mainip ay pinirmahan na lamang niya ang mga dapat pirmahan.

****************************

“Sorry, Gab. Sorry.” Kanina pa humihingi ng paumanhin si Celerio sa kanya. Ngayon lamang sinabi ng binata na may natatanggap na pala itong death threats tungkol sa kasong hinahawakan nilang kaso, at nung isang araw, nakatanggap ito ng order na kailangan na nilang bitiwan ang kasong hinahawakan.

“Wala na rin tayong magagawa, andito na eh. Kaya lang, makakaligtas ba tayo, Celerio? Tinangay nila pati sasakyan mo. Walang maghahanap sa aking pamilya…maliban kay Ruel. Siguradong tumawag na naman yun.” Alam na kasi niya ang routine call ng nobyo.

“hahanapin ako sa bahay,alam ng mga kapatid ko at magulang ang nangyayari kaya siguradong maalarma ang mga iyon kapag hindi ako kumontact ng buong araw.”

“what if hindi? What if sila ang kokontact sa pamilya natin?” Nagpapanic na tanong niya. Paano kung magtext ang mga ito kay Ruel? Sa pamilya niya? Hindi niya mapapatawad ang mga ito.

“Gab, have the faith. Makakaligtas tayo.”

Biglang bumukas ang pinto at kinuha ng sapilitan si Celerio. Kahit anong sigaw ni Gabrielle ay wala siyang nagawa. Naiwan lamang siyang nag-iisa. Mas lalo siyang natakot. Natakot siya para sa sarili niya, para kay Celerio, para sa pamilya, at para kay Ruel.

Nanatili siya sa madilim sa silid na iyon, walang pagkain at kahit inumin man lang, hindi niya alam kung ilang oras, basta ang alam niya, napakatagal. Ang dami nang pumapasok sa isip niya.

“Pasok! Ang tigas mo, bibigay ka rin pala!” Narinig niyang sigaw ng isang tao, sa sobrang tagal niya ay nasanay na ang mga mata niya sa dilim.

“Celerio! Hayop kayo! Anong ginawa ninyo sa kanya?”

Nagsitawanan lamang sila. “Pinakanta lang naming, gusto pa kasing masaktan kaya ganyan ang nangyari. Ang dami palang nagmamahal sa iyo.” Lumapit ang isa sa kanya. Mula sa munting ilaw na nagmumula sa dalang flashlight ng mga ito. Hinawakan siya nito sa pisngi. Diring-diri siya sa hitsura at amoy nito. Gusto niyang masuka.

“Ang arte mo ha!” Sinampal siya nito ng pagkalakas-lakas. Gustong sumigaw ni Celerio, gusto niyang pigilan ang mga ito pero wala siyang lakas.

“Pasalamat ka at malakas ka sa Boss namin, kundi, kanina ka pa naming pinagpasa-pasahan. Gusto ko kasi yang mga tipo mo, mga palaban!”

“Baboy! Hayop! Pakawalan mo kami dito! Mga hayop! Wala kaming atraso sa inyo.”

“Iyon ang akala mo! Mga sagabal kayo, nagmamagaling. Matagal na naming itong ginagawa tapos bigla kayong haharang sa daan. Pwe!”

“Boss, andito na ang makakain nila.” Sabi nung isa.

“Ilapag mo, si lover boy ang magpapakain sa babaeng iyan. Iwan na sila, kahit naman nakakalas ang tali, hindi pa rin makakatakas yan.” Humalakhak pa ito. Iniwan ng isa ang tray ng pagkain

Ilang minuto pa at sila na lamang dalawa ni Celerio ang nandun. Liwanag lamang mula sa labas ang tanging ilaw nila, mabuti nga at meron.

“Celerio, talk please.”

“G-gab.” Halos gumapang na ito papunta sa kanya. “Gab, sor-ry.” Hirap na hirap ito sa pagsasalita. Naiyak na si Gabrielle sa awa sa binata.

“Tungkol ito sa kasong hinahawakan natin, alam ko.”

“O-o. Gab, pa-pata-yin nila sina Ma-ma.”

“Hayop sila! Lumaban sila ng patas!”

“Si –si Ru-el.”

Bigla siyang nagpanic pagkarinig sa pangalan ng nobyo. “Anong tungkol kay Ruel?” Kinabahan siya ng todo. “Ano ang tungkol kay Ruel!”

“Ki-kilala ni-la si Ruel. May sumusunod sa kanya.”

“Mga tarantado sila! Mga hayop! Bakit pati siya idadamay!”

“Si Ma-ma, pati mga kapatid ko.”

“Tumakas tayo, Celerio, kalagan mo ako bilis!” Utos niya. Kanina pa niya iyon ginagawa at alam niyang nagkakasugat na ang mga kamay niya. Pilit na lumapit sa kanya si Celerio. Ibinigay ang natitirang lakas para kalasin ang pagkakatali ng mga kamay niya.

Nung makawala at saka niya lamang naharap si Celerio, awang-awa siya sa pagmumukha nito. Halos hindi na niya makilala.  

“Lumaban tayo, Celerio, kaya natin ito.”

“G-gab.”

Pumunta siya sa may pintuan. Sinubukang buksan subalit naka locked ito. Mula sa labas ay dinig niya ang isang boses na tila pamilyar.

**********************

Wala lang, di pa kasi ako nakapagsulat nang sad ang ending, susubukan ko lang…..pero…wala eh, I always believe in happy ending, though I’ve only known a few..kanta ba? Ang tagal kong hindi na update ito.

Ito seryoso, sa mga nagbabasa ng stories ko, daan naman kayo sa aking pa contest at magrate dun ng entries, sige na.. 1-5 lang naman, hindi masakit sa brain cells, pramis! Tink yu!

-Xian-

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
30.7K 633 39
a cliche story na about sa girl na torn between TWINS xDD ... just read the prologue please *u*
262K 4.2K 43
Chandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang ta...
1.5M 27.5K 65
Posible bang magkasundo ang isang bad boy na tulad ni Ash at bad girl na tulad ni Atilah? Who will fall first? The bad boy Ash or the Bad girl Atilah...