Kathang Isip

By iamateJR

3.4K 129 98

Who's willing to live, laugh, love? Happy Reading ??? Author's Collection of Short Stories.... >__< More

WARNING !!!
Miss Author (status:online)
YOU (as told by my HEART)
Game of Love
Love Knows, Love Grows
Love Letter
The Gift
Ang Unang Dalaw ni Lottie
Buwan (Acacia Love Story)

KKK (Kamalasan, Katangahan, Kahihiyan)

282 12 15
By iamateJR

Graduate na ako ngayon pero hindi ko parin talaga makakalimutan ang katawa-tawang pangyayari during my freshman year. I used to be a silent type girl but since this incidence came, i got the name "JOKER".

Isa akong college student, laking probinsiya pero hindi naman pahuhuli sa modern world kahit papaano. Dahil sa magiging future career ko, napilitan akong mamuhay sa siyudad.

Kinagabihan bago magsimula ang pasukan, hindi na ako mapakali sa kwarto ko. Labas pasok sa bag ko ang mga gamit ko. Kung hindi man ako nakaharap sa salamin, nakahiga ako habang paulit-ulit na binabasa ang magiging sched. ko kinaumagahan. Hindi ako makatulog at lalong hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Yun bang hindi mo malaman kung excited ka o kinakabahan ka lang pumasok sa bago mong school. Nilingon ko ang wall clock sa taas ng pinto. 10:30 na pala pero hindi parin talaga ako dinadalaw ng antok. Kinuha ko si Lappy Top at nag-internet muna ako.

 Kinabukasan...

"Bunsoy, 5:30 na, gising na. May pasok ka na, hoi gising ka na diyan bunsoy." ramdam ko ang pagyug-yog sa akin ni kuya para gisingin pero ayaw dumilat ng mata ko gawa ng pagpupuyat ko kagabi.

Ilang sandali pa, naalimpungatan ako ng makita kong 5:45 na. OMG! 7 ang klase ko. Dali-dali akong naligo at nagbihis. Kanina pa ako tinatawag ng kuya dahil ihahatid na niya daw ako. 7 daw kasi ang schedule ng check-up niya. Sermon pa ang inabot ko pagkababa ko kasi, kababaeng tao ko daw hindi ako marunong maglagay ng neck tie. Mas lalo na naman akong pinagalitan.

Sa school...

"Bunsoy, susunduin na kita mamaya huh! Itxt mo ako kung pauwi ka na." paalala ng kuya ko sakin habang nagmamadali akong lumabas ng saakyan.

"Yes kuya, Ba bye." sabi ko at humalik ako sa pisngi niya.

"Bunsoy, ingat ka. GOODLUCK." pahabol pa niya.

"Yes kuya." nilingon ko siya at nagwave ng goodbye sa kanya.

"BUNSOY." ano nanaman ba, papasok na ako o. Kuya naman eh.

"YES! kuya." napatigil ako sa paglalakad at nilingon ulit siya.

"Bunsoy yung zipper ng palda mo bukas." kinapa ko yung may side ng palda ko at OMG bukas nga. Agad kung sinara to. Tiningnan ko naman ang mga tao sa paligid ko, nakatigin silang lahat sa akin. Nag-V sign na lang ako sa kanila. Hindi ko na nilingon pa ang kuya ko at dali-dali na akong pumasok ng gate habang nakayuko sa sobrang kahihiyan.

Sa may gate, kelangan mo munang itap yung ID mo sa tapping machine bago makapasok sa school. Nagpakiramdam muna ako at sakto may pumasok na isang babae at tinap yung ID niya at nung makita niyang naread na ang barcode sa may ID, dumaan siya sa isang bakal at tuluyan ng nakapasok sa classroom. Ginaya ko yung babae.

Pagkatap ko ng ID ko at nakita kong nabasa na yung barcode sa may ID ko, papasok na sana ako kaso sumabit yung laylayan ng palda ko sa may bakal na daraanan mo kaya napilitan akong bumalik para hawiin yung palda ko at papasok na sana ulit ako ng biglang tumigas yung bakal at hindi na ako makapasok ibig sabihin, kelangan mong itap ulit yung ID para makapasok. Tinitigan ako ng guard at hinihintay kung anong susunod na gagawin ko. Nararamdaman ko ang mga tao sa paligid na pinagtatawanan nila ako. Nakapagdesisyon na ako, dumaan ako sa may visitor's entrance at nag sorry sa guard at nagpaliwanag ako. Siyempre sinabi ko yung totoo na hindi ko alam paano gamitin yung tapping machine na yun. Buti na lang pinagbigyan niya ako kasi freshman pa lang daw ako. Sinermonan lang ako ng kaunti tapos pinaalis na din ako.

Hawak ko ngayon yung sched. ko at tiningnan kung saang room ako ngayon. A10 room ako, saan kaya yun. Di bale maaga pa, may time pa akong maghanap. Nilingon ko yung buong paligid at nagbakasakaling makita ko yung A10 room pero nabigo ako. Kaya napilitan akong hanapin yung A1 room para dun magsimulang maghanap. Dire-diretso lang ako sa paglalakad.

"A1..............A2..............A3...............A4...................A5." huh saan ang kasunod nito. Lumiko ako sa may bandang kanan ko dahil napansin kong may mga rooms pa doon.

"A6.............A7.................A! Eh, Miss anong room po ito?" tanong ko sa babaeng nakaupo sa may front desk.

"Dean's Office ito? May kailangan ka?" sagot nung babae sakin. Dean's office? Hala mali yung napasok ko. Humingi na lang ako ng pasensiya at umalis na sa may Dean's Office. Naghanap ulit ako. Nakita ko yung hagdan pataas. Nagbakasakali akong nandun yung A10 room pero napansin kong nasa B floor na ako kaya bumaba ulit ako at patuloy parin sa paghahanap. Sinulyapan ko yung relo ko. Hala! 6:45 na, malapit ng mag 7. Nasan na ba kasi yung magiging room ko, kanina pa ako naghahanap. Nasa A Floor naman ako.

Napansin kong may daan sa kaliwa ko at napansin kung hindi ko pa napapasok yun kaya nagbakasakali ako, baka nandun yung A10 room pero bigo nanaman ako kasi C.R pala yun ng lalaki. Napagkamalaman pa ako nung sumusunod sa aking lalaki na namboboso daw ako. Tumakbo ako palayo sa lalaking yun dahil nagulat ako ng tinanong niya ako ng ganun.

Ilang sandali pa, bumalik ulit ako sa A floor at hinahanap pa din ang A10 room.

“Miss, Are you OK? Anong hanap mo?” tanong sakin ng isang babae. Napansin ata akong kanina pa pabalik-balik mula sa A1 hanggang A5 babalik galing A6 at A7 tapos pupunta ulit ako sa A1.

“Ah Ate, malapit na kasing mag 7 pero hindi ko parin nahahanap yung A10 room, nasaan po ba yun.” Tanong ko sa babaeng kumausap sa akin.

“Ah! A10 ba kamo? Diretsuhin mo ang daan na to hanggang sa may madaanan kang C.R ng lalaki tapos sa dulo nung may makikita kang hagdan pababa, doon ka dumaan makikita mo dun ang A10 room.” Tumakbo na ako papunta sa A10 matapos kung magpasalamat sa kanya. Pumasok ako agad sa isang classroom pagkababa ko, buti na lang talaga wala pa yung teacher. Hinahabol ko yung hininga ko. Sobrang hinihingal ako.

“Pass your class card in front, make it sure that it is completely filled-up.” Narinig ko na lang na sabi nung teacher na kasunod kong pumasok.

Buti na lang pala talaga at nafill-upan ko na to buhat pa kagabi dahil sa hindi ako madalaw dalaw ng antok. Pinasa ko yung class card ko sa lalaking nasa unahan ko. Napansin ko namang bigla niya akong nilingon at nagkatitigan kami.

“BSA ka?” tanong niya saken.

“OO! Bakit?” sabi ko na lang.

“Wala ng class card diyan.” Huling call ng teacher sa harapan kaya tumayo na siya para ibigay yung class card naming dalawa dahilan para hindi niya nasagot yung tanong ko.

Isa-isa kaming tinawag nung teacher para magpakilala ng biglang….

“Oh! May foreigner tayo dito.” Sabi niya at napatingin ako sa buong klase kung sino yung foreigner na tinutukoy niya.

“Sino si Miss Cassie?” Cassie? O___O ako yun ah. O baka naman may iba pang Cassie. Pero bakit walang ibang natayo. Nakiramdam muna ako sandali.

“Sino si Miss Cassie Freeman?” Hala ako na nga yong tinutukoy niya. Tumayo na lang ako.

“Yes Sir?” pautal kong sabi at kinakabahan.

“Are you sure you belong in this class?” tanong niya saken. Wala akong naimik kahit isang salita man lang.

“Because I thought I will be handling BSBA 2, and as far as I see, you’re a freshman right?” hala! Anong ibig sabihin nito. *gulp*

“Ahm! Yes Sir, I’m a freshman student and I think I was assigned in your class.” Sabi ko na lang pero kinakabahan ako, anong meron? Bakit niya ako tinatanong ng ganito.

“Are you sure? May I see your schedule?” utos niya sakin. Hala!! Dugudugdugudug.

Inabot ko sa kanya yung class sched. ko at nag-aantay ako sa harap niya ng sagot.

“Oh! You are supposed to be at A10 right now Iha!! Can’t you read the signboard there in front of the door?” tapos tinuro pa talaga sakin yung pinto. Napatingin naman ako at…

O__O

My Ghad……..

This is so Insane…

Whaatttt!!!!

THIS IS A9 ROOM…..

What am I looking for is A10 room and where am I right now in this very small world…

Ghad!! What am I supposed to do.

Nagsorry ako sa teacher dahil namali ako ng pasok. Pinagtawanan naman ako sa buong klase. Palabas na ako ng pinto at paiyak na din ng biglang…

“Miss Cassie, nasa baba pa ng floor na to ang A10 room. Pagkalabas mo dito, makikita mo ang hagdan pababa at yun ang daan sa A10 Room. Here’s your class card.” Sa sobrang kahihiyan nakalimutan ko pa pala ang classcard ko kaya naman bumalik ulit ako para kunin yun.

Hindi ko na alam gagawin ko. Dumaan na lang ako sa sinasabi niyang daan then...

BOOM

Siguro naman ito na ang A10 room….

Dahan-dahan lang akong pumasok. Dinig mula sa labas ang tawanan nila. Hala! Mukhang huli na ako. Pero pumasok parin ako at dumiretso sa table nung teacher at nagtanong. Napansin ko namang nagtinginan silang lahat sakin. Natural, sino ba naman ang hindi pagtakahan kong nahuli ka sa klase. To think na, first day of class.

“Sir! Siguro naman po ito na ang A10 Room?” tanong ko at tinitigan lang ako na para bang kung nakamamatay lang ang titig malamang bigla na lang akong nawala sa harapan ng teacher na to at sa harapan ng klase.

“Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?” sungit naman nito.

“Sir, na---” pinutol niya agad yung sasabihin ko at nagsermon sa harap ko na parang homily session lang. Paiyak na ako sa mga sinasabi niya at biglang…

“JOKE!!” sabi nung teacher tapos tawanan naman sila sa buong klase. Akalain mong nagawa pang magjowk sa pagkahaba-haba ng sinabi niya. TSSS….nga naman.

Patulo na talaga yung luha ko pero imbis na maiyak ako kasi napapahiya nanaman ako ay natawa pa ako kasi akala ko talaga pinapagalitan ako.

Dahil huli ako, tinanong ako kung bakit ako late at yun na nga, kinuwento ko sa buong klase ang nangyari simula sa Kamalasan sa ID Tapping Machine, hanggang sa Katangahang ginawa ko sa paghahanap sa A10 Room and finally, mula sa Kahihiyang nangyari sakin sa A9 Room.

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
73.4K 2.1K 28
GXG
3.5M 154K 144
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...