MASKARA

By PaulitoX

215K 6.5K 721

There is temporary peace among the four magic schools. The Institute is in place to control magical use to pr... More

Prologue
Chapter 1: Juan Miguel
Chapter 2: Paranoia
Chapter 3: The Good Boy
Chapter 4: Ang Ate
Chapter 5: The Institute
Chapter 6: City Of Pines
Chapter 7: Kaibigan
Chapter 8: Maskara
Chapter 9: Ivan
Chapter 10: Kapangyarihan
Chapter 11: Ang Guro
Chapter 12: Young Witch
Chapter 13: Young Elder
Chapter 14: Opening
Chapter 15: Ang Kuya
Chapter 16: First Encounter
Chapter 17: Manifestation
Chapter 18: First Battle
Chapter 19: Target
Chapter 20: Charlotte
Chapter 21: Crush
Chapter 22: Little Bro
Chapter 23: White Demon
Chapter 24: Elder Geron
Chapter 25: Mga Hinala
Chapter 26: Problem Child
Chapter 27: Protection
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 29: Leopoldo
Chapter 30: Mga Elemento
Chapter 31: Temper
Chapter 32: Superhero
Chapter 33: Nicanor
Chapter 34: Ang Kuya
Chapter 35: Stella
Chapter 36: Trio
Chapter 37: Tropa
Chapter 38: Unang Sabak
Chapter 39: Team Work
Chapter 40: Gate Keeper
Chapter 41: Genie
Chapter 42: House of Masks
Chapter 43: The Kiss
Chapter 44: Bond
Chapter 45: Break Out
Chapter 46: Dark Warlock
Chapter 47: Aftermath
Chapter 48: Hunted
Chapter 50: The Promise
Chapter 51: Cute Vigilantes
Epilogue

Chapter 49: Awakening

3.5K 124 22
By PaulitoX

Chapter 49: Awakening

Abala sina Mariel at Leopoldo sa paghahanda ng mga gamit para sa kanilang tatlong estudyante para sa Sabado sa may gubat nang biglang lumindol. "Leo itigil mo nga!" sigaw ni Mariel. "Hindi ako yon!" sagot ng asawa niya kaya yung dalawa napaupo sa lakas ng lindol.

"What is happening?" tanong ni Mariel. "I don't know! Ngayon lang lumindol dito sa gubat na ito" sigaw ni Leopoldo at ilang saglit nakarinig sila ng kakaibang ugong kaya nagtabi sila at nagyakapan. "Is Miggy here? Baka kalokohan niya ito. Diyos ko baka kung ano spell pinag aralan niya" sabi ni Mariel.

"Wala dito yung bata, if he was I would have felt him" sagot ni Leopoldo. Nakakabinging huni ng mga ibon narinig nila, sabay sila napatingala at nakita nila sobrang daming mga ibon sabay sabay papunta sa waterfalls.

"What the hell is happening?" sabay pa nilang bigkas.

Samantala sa loob ng malawak na kwarto takbo ng takbo si Miggy pagkat hinahabol siya ng tatlong nilalang. "Mama" sigaw ng bata na lumuluha sa tindi ng takot pagkat yung papalapit na sa kanya yung tatlong kalaban niya.

Sa isang gilid wala parin malay si Diego habang si Geron namimilipit parin sa matinding sakit pagkat kahit ano gawin niya lalo lamang humihigpit yung pagsakal ng makapal na ugat sa kanyang tuhod.

Nakita niya yung tatalong alaga niya humahabol kay Miggy kaya tiniis niya yung sakit saka siya nagsulat ng mga simbolo sa sahig gamit ang kanyang dugo. Sa malayo si Miggy papalapit na sa dead end, napilitan siyang humarap, sumugod yung nilalang na gawa sa usok kaya ang bata hinarap wand niya saka pumikit. "Wind like a bagyo please" hiyaw niya at nagulat yung bata nang makarinig siya ng mga sigaw. Napaatras niya yung tatlong kalaban, "Signal number three! Four! Five!" sigaw niya sa tuwa at yung nilalang na gawa sa usok halos nawala habang yung dalawang nilalang na kasama nito napaatras ng sobrang bilis.

"Huh signal number ten!" sigaw ni Miggy pero napasundan sigaw niya, "Daddy help" hiyaw niya pagkat sobrang lakas ng hangin bulandra sa mga dingding kaya pati siya natangay. Mala ipo ipo ang nangyari, si Geron lamang ang hindi natangay pagkat nakakapit parin yung ugat sa tuhod niya.

"Peste kang bata ka" bulong niya sabay napatingin sa ipo ipo kung saan mga alaga niya, katawan ni Diego at yung bata nasa loob nito. Sa loob ng ipo ipo nasuntok at nasipa si Miggy kaya yung bata napalabas. Naiiyak siya, gumagapang sa tindi ng sakit pero nakayanan niya tumayo.

Unang lumabas ng ipo ipo yung isang nilalang na may espada, pagtayo nito medyo pa siya hilo kaya si Miggy kinabahan. "When opponent has a weapon always watch his shoulders...when weapon is long stay at a distance..." bulong niya sa sarili habang inaalala mga turo sa kanyang ng kanyang coach at master ng karate.

"Wrong..stay close so they opponent cannot swing the weapon...pag short stay far" bulong ng bata sa sarili kaya napalunok siya saka nilabas ulit wand niya. Tumakbo si Miggy papunta sa kalaban, nakita ni Geron yon kaya napailing ang matanda. "Siraulo na bata pala to" sabi niya.

Kinasa ng nilalang espada niya, "Faster Miggy" bulong ng bata kaya nakalapit siya ng husto, pagtaga ng nilalang sobrang lapit na ni Miggy kaya wala nang matamaan yung espada. "Roots" bulong ng bata at may mga ugat na lumabas mula sa katawan niya, tumalon yung bata saka kumapit sa likod ng nilalang.

Mga ugat kumapit sa katawan ng nilalang kaya nagwala ito pagkat hindi niya makita si Miggy. Tinutok ni Miggy dulo ng wand niya sa batok ng kalaban saka nagpalabas ng iba't ibang mga bolang apoy at liwanag.

Na groggy agad yung nilalang, pagewang gewang ito sa tindi ng hilo pero walang tigil parin si Miggy. Sinubukan ng nilalang abutin yung bata, nagpanic si Miggy, winasiwas niya yung wand niya at nagkaroon siya ng ideya. Nagulat si Geron nang tila nagkaroon ng light saber yung bata kung saan naputol nito yung kamay ng nilalang na alaga niya.

"Yes!" sigaw ni Miggy sa tuwa kaya kumalas siya sa mga ugat, pagtunton niya sa sahig pinagtataga niya ng kanyang light saber yung likod ng tuhod ng kalaban kaya napaluhod ito.

Tatagain sana ni Miggy likod ng kalaban nang nahila siya nung nilalang na gawa sa usok. Nasuntok ulit yung bata sa mukha nung isang nilalang, niyakap siya ng usok ng sobrang higpit kaya nagsisigaw yung bata.

"Sige hawakan mo..." sigaw ni Geron na tinuloy yung naudlot na sinusulat niya sa sahig. Nagliwanag ang mga simbolo, napangisi yung matanda kaya si Miggy nagsisigaw. Binitawan siya ng nilalang, si Miggy napahiga sa sahig at nangingisay. Si Diego inuga ang ulo niya, "Boss hindi ako makagalaw" sabi niya.

"Shut up!" sigaw ni Geron, "Ilapit yan dito" utos niya kaya dinala ng mga nilalang yung bata palapit sa matanda. "Such a young child but very high potential. Diego! Pasukin isipan niya" sigaw ng matanda.

"Hindi ko kaya boss" sigaw ng unano. Nagpupumiglas si Miggy, "Wag mo na subukan, I already casted magic binds around your body. It is useless...oh your necklace...a blue crystal...hahahaha so your are protected by Amado hahaha" hiyaw ng matanda sa tuwa.

Nangingisay na si Miggy, takot na takot na siya kaya di niya mapigilan ang maiyak. "Diego! Do it now while he is crying" sigaw ng matanda kaya nagpilit yung unano at pinilit pasukin ang isipan ng bata.

Sa loob ng isang madilim na kweba sumulpot si Diego, "Bata nasan ka?" sigaw niya. "Dito" sagot ni Miggy kaya pumasok sa kweba yung unano. "Ano nakikita mo Diego, tell me who he is" sabi ni Geron.

"Sandali lang boss nasa loob ako ng kweba" sagot ng unano. "Hello" sabi ni Miggy na nakaupo sa isang sulok habang pinupunasan isang maskara niya. "Ang dami mo naman maskara" sabi ng unano kaya ngumiti lang si Miggy.

Sa kwarto, "Tarantado! Bakit mo kinakausap?! Takutin mo agad!" sigaw ni Geron. "Sandali lang boss, nadadala ako pagkat ang cute niya...parang ang hirap saktan" sabi ng unano. "Bumalik ka doon at takutin mo!" sigaw ni Geron.

Sa loob ng kweba lumapit si Diego, "Para saan ang mga maskara na yan?" tanong niya. "Kasi sabi ng lolo ko...ahmm..madami daw bad people na nakakatakas kasi daw hindi sila nakikilala" sabi ng bata.

"Ano?" tanong ni Diego. "Kasi lolo ko ay judge. Si lolo may bad feelings kasi kahit alam niya bad na yung guy e hindi naman ma prove ng lawyer na bad kasi hindi daw nakita yung face. Kahit sabihin daw ng witness siya e hindi naman nakita ang face"

"Kaya sabi ni lolo ko na halos lahat ng daw ng gagawa ng bad e nagsusuot ng mask" sabi ni Miggy sabay tinignan yung unano. "Ah..madami ka maskara kasi gusto mo gumawa ng bad?" tanong ni Diego kaya napangisi si Miggy saka sinuot maskara niya.

Biglang nawala si Miggy kaya yung unano napalingon. Dumilim sa kweba kaya nagsisigaw si Diego. Sa kwarto napatingin si Geron sa unano, "Hoy bakit ikaw yung nagsisigaw?" tanong niya pero hindi sumagot si Diego. "Boss tulong, ang dilim! Wala ako makita!" sigaw niya.

"Tarantado! Ikaw dapat yung nananakot sa bata. Bakit ikaw yung natakot?" sigaw ni Geron. Nagtulong tulong yung mga nilalang niya para putulin yung ugat. Binuhat siya nung nilalang na gawa sa usok at nilapit sa katawan ni Deigo.

"Hoy! Ano bang nakikita mo?" tanong niya saka humawak sa ulo ng unano. "Gumalaw ka! Bakit ka natatakot sa dilim?" sigaw ni Geron kaya sa kweba nagtuloy si Diego maglakad. Tumigil siya nang makarinig siya ng kakaibang huni, "Sige tuloy lang, bakit kasi hindi ka magsindi ng apoy?" sabi ni Geron.

"Kanina ko pa sinusubukan pero hindi ka pwede gumamit ng salamangka dito sa lugar na ito" sabi ni Diego. "Siraulo! Ikaw may gawa ng lugar na ito diba?" sabi ni Geron. "Hindi boss...nagulat nga din ako e. Imbes na siya yung dalhin ko sa nakahandang lugar e ako ang dinala niya dito" sagot ng unano.

Napatigil yung unano, pareho silang may nakitang mga kakaibang mata na gawa sa matingkad na kahel na apoy. Napaatras si Diego, "Hindi ako takutin bata, teritoryo ko yan e" sabi niya. Nagtakip ng tenga ang unano, maski si Geron bumitaw pagkat nakarinig sila ng sobrang nakakabinging huni ng ibon.

Sa kwarto gumapang palayo si Geron, si Diego nagsisigaw, "Boss tulong" hiyaw niya. Dugo ang dumaloy palabas ng mga tenga ng unano, si Geron napatingin sa katawan ni Miggy na labis na nangingisay. Biglang naupo ang bata, hinaplos niya yung maskara niyang nasa may tiyan niya.

Napatingin si Miggy kay Geron, ang matanda nagulat pagkat yung mga matang nakita niya sa madilim na kweba ay ganon din sa mga mata ng bata. Sinuot ni Miggy yung maskara niya, umapaw palabas yung kulay kahel na apoy sa kanyang mga mata.

"Ano ka?" tanong ni Geron na nakaramdam ng labis na pagbabago sa aura ng bata. Lumapit yung nilalang na gawa sa usok, muli niya nahuli si Miggy sa higanteng kamay niya pero ilang saglit parang sumabog si Miggy.

Napanganga si Geron nang nabalot ng kahel na apoy ang batang lalake na nakawala sa alaga niyang nilalang. Hinaplos ni Miggy yung ere, napatulak ng sobrang lakas na hanging yung nilalang na kalaban niya. Sumugod yung isa, si Miggy tumakbo ng sobrang bilis, nailagan niya yung suntok, inakyat ng bata na parang unggoy yung braso ng kalaban saka kumapit at binira ng double feet spin kick mukha ng nilalang.

Hindi bumitaw si Miggy, ginamit niya dibdib ng patumbang nilalang bilang spring board, nagbounce si Miggy ng sobrang bilis. Hindi naka react si Geron sa bilis ng bata kaya nasapol siya ng isang mala kometang suntok sa mukha.

Nagskid palayo si Miggy, si Geron nakahiga at galit na galit. Nalasahan niya dugo niya, naupo ang matanda at paspas na ginawang bakal yung isang paa niya. Nakatayan niya tumayo, humarap siya kay Miggy na nakatayo lang at tila nag aantay.

Tinaas ni Geron mga kamay niya kaya nawala ang kanyang mga alaga. "Sige, magtuos tayo. Only one of us will come out of this room alive at ako yon pagkat hindi ko hahayaan mapahiya ang pangalan ko. I will not be remembered as the elder who was beaten by a child" sigaw ng matanda.

Tinungkod ni Geron staff niya, inusli niya palad niya at may maliit na bolang apoy ang lumitaw. Dinabog ni Miggy paa niya, inusli niya din palad niya at may sobrang liit na apoy ang lumitaw.

"Are you mocking me?" tanong ni Geron. Yung apoy sa palad niya nahati sa dalawa, si Miggy sumubok gumaya pero tila sumayaw lang yung apoy sa palad niya. "Hahahahaha...aah" tawa ng matanda pero napatigil pagkat lahat ng pader sa kwarto nasimulang masunog ng kulay kahel na apoy.

Sinara ni Miggy palad niya, pinatigas ang kanyang kamao saka nagdirty finger kaya nainis yung matanda at pinakawalan yung kakaibang dalawang apoy. Habang nasa ere nagbago kulay ng mga apoy sa asul, nagpaikot ikot sila at nang magsama nabuo ang isang sobrang laking ibon na gawa sa asul na apoy.

Nanginig si Miggy, "Water water" bulong niya at pagdabog niya tinuro niya wand niya sa papalapit na ibon. Malakas na pressure ng tubig ang lumabas, napangiti ang bata pero hindi ito nagtagal pagkat lumusot yung kakaibang asul na ibon na gawa sa apoy.

"This is not child's play little boy, eto pa isa" sabi ng matanda na nagpalabas ng nag aapoy na aso. Napatakbo si Miggy, narinig niya dasal ng matanda, bigla siyang nakaramdam ng sakit sa tuhod, bumagal tuloy takbo niya at nakagat ng aso yung pantaas niya.

Nakalmot ng ibon likod niya, si Miggy napasubsob sa sahig, sabay na sumugod yung aso at ibon, ang bata nahiga sa likod niya saka tinutok wand niya sa dalawang paparating na kalaban.

Nakagat si Miggy ng aso, yung ibon walang tigil umatake. Si Geron paspas na nagsulat ng mga simbolo sa sahig gamit dulo ng staff niya. Napatigil siya, mala slow motion napatingin sa kanan niya at nakita niya si Miggy na nakaluhod at nagsusulat ng mga simbolo sa sahig. "Ha?" bigkas ng matanda saka tinignan sino yung inaatake ng mga apoy na alaga niya.

Naging usok yung katawan ni Miggy na inaatake ng mga nag aapoy na hayop. Naalala ni Geron yung kulay, yung usok katulad ng alaga niyang nilalang na gawa sa usok. Pagtingin niya kay Miggy napag liyab na niya yung mga simbolo na ginaya niya lang sa matanda.

Napamura si Geron, napahawak agad siya sa dibdib niya pagkat pagkat parang puputok ito. Sumigaw si Miggy, dinikit niya kamay niya sa nagbabagang simbolo sa sahig kaya si Geron lumutang sa ere at biglang pumutok yung mga ugat sa leeg niya.

Pinag ekis ni Geron mga daliri niya, agad tumigil pagdudugo sa leeg niya. Lumipat si Miggy sa mga simbolo na inukit mismo ng matanda. Napamura ulit si Geron at pagliyab ng mga simbolo muling nagdugo ang leeg niya.

Nakita ni Miggy na umeekis ulit mga daliri ng matanda, tumalon siya saka nilabas wand niya. Mala light saber ulit wand niya at pinutol niya mga daliri ng matanda. "Pesteeee kaaaa" hiyaw ni Geron sa galit. Muling sumulpot yung dalawang nilalang niya, napaatras si Miggy, ang matanda agad nahilom leeg niya, humarap siya sa bata na sinusugod ng dalawang alaga niya.

Nacorner si Miggy, ang matanda nagbulong ng isang dasal, biglang sumulpot si Miggy sa harapan niya kaya nalito siya. Mabilis na umikot yung mga nilalang, sumugod sila para huliin yung bata, "Mga tanga!" sigaw ni Geron. Nawala si Miggy, hindi na nakatigil yung mga nilalang pero nagawa ni Geron magteleport.

Pagsulpot niya nakaramdam siya ng minit na kirot sa likod niya, bago pa siya makalingon may lumabas sa tiyan niya na ilaw. Dahan dahan siya lumingon at nakita niya si Miggy na sinaksak pala yung mala light saber na mahika niya sa likod niya. Hinugot ni Miggy saber niya, binaon ulit ito tatlong beses sa magkakaibang lugar sa katawan ng matanda.

Napaluhod sa isang tuhod si Geron, tumayo si Miggy sa harapan niya at nung papasugod ang mga nilalang tinutok ni Miggy dulo ng saber niya sa noo ng matanda. Tinaas ni Geron isang kamay niya kaya agad nawala ang kanyang mga alagad.

"You are not going to kill me, I can feel the goodness inside of you" sabi ng matanda. Nilingon ni Miggy si Charlotte, si Geron napalunok at halos maduling pagkat lalo lumapit sa balat niya yung dulo ng saber.

Napanganga si Geron, si Charlotte napatingin din pagkat parang may gumagabay kay Miggy. Isang malabnaw na imahe ang nasa likuran ng bata pero may edad na itong lalake at nakasuot siya ng kuhay kahel na balabad. Mahaba ang buhok nito at may suot din siyang maskara.

Inuga ni Charlotte ulo niya pero nakikita niya talaga yung tila gumagabay kay Miggy. "Impossible...oh this is impossible" bulong ni Geron. Nagsimulang manginig kamay ni Miggy, napangiti si Geron pero nakita niya na may humawak sa kamay ng bata para tulungan siya.

"Who is guiding you?" tanong ni Geron. "Miggy wag na" sigaw ni Charlotte. Napalingon yung bata, nakita yung mukha ng dalaga kaya humarap siya agad kay Geron at nilaslasan ng matindi ang mukha nito. Nagsisigaw yung matanda, si Miggy nagwala at pinuno ng laslas ang mukha ng matanda.

Nakayanan pa tumawa ni Geron pagkat binitawan ng bata wand niya saka umatras. "I can really sense the goodness inside of you" sabi ni Geron pabulong. Inalis ni Miggy maskara niya saka siya nakipagtitigan sa matanda. Tumalikod na si Miggy at naglakad patungo kay Charlotte.

Si Geron huminga ng malalim saka nakita wand ng bata sa sahig. "Miggy watch out!" sigaw ni Charlotte pagkat nakita niya hinawakan na ni Geron yung wand ng bata. Si Miggy hindi man lang kumurap, tinuloy ang lakad niya, "Miggy!" sigaw ni Charlotte pero napatigil din lang pagkat si Geron ang sumigaw.

Tila nasusunog ang kamay niya pagkahawak niya sa wand ng bata. "Buhay na kahoy...peste ka talagang bata ka" sigaw ni Geron. Tumigil si Miggy sa paglakad, ginalaw niya isang daliri niya kaya si Geron humawak ng dalawang kamay sa wand ng bata. "Miggy don't" bulong ni Charlotte.

Ginalaw ni Miggy isa pang daliri niya, wala na control si Geron sa sarili niya, tinutok niya yung wand sa noo niya kaya sigaw siya ng sigaw. "Oh come on, you are a good kid and besides you really do not know magic" sigaw ng matanda.

"Occidere" bulong ni Miggy kaya si Charlotte napanganga habang si Geron napapikit na.

"Occidere"

Continue Reading

You'll Also Like

87.5K 2.4K 26
"๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ข'๐ฏ๐ž ๐ก๐š๐ ๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ , ๐›๐ฎ๐ญ ๐ง๐จ ๐จ๐ง๐ž'๐ฌ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ง๐ข๐ง๐ , ๐š๐ง๐...
220K 10.6K 56
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
26.7K 420 14
DELULU & GUILT PLEASURE
85.8K 2.5K 19
Warning: 18+ ABO worldแ€€แ€ญแ€ฏ แ€กแ€แ€ผแ€ฑแ€แ€ถแ€›แ€ฑแ€ธแ€žแ€ฌแ€ธแ€‘แ€ฌแ€ธแ€•แ€ซแ€žแ€Šแ€บแ‹ แ€…แ€ญแ€แ€บแ€€แ€ฐแ€ธแ€šแ€‰แ€บ ficแ€œแ€ฑแ€ธแ€™แ€ญแ€ฏแ€ท แ€กแ€•แ€ผแ€„แ€บแ€œแ€ฑแ€ฌแ€€แ€”แ€พแ€„แ€บแ€ท แ€™แ€ปแ€ฌแ€ธแ€…แ€ฝแ€ฌ แ€€แ€ฝแ€ฌแ€แ€ผแ€ฌแ€ธแ€”แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€•แ€ซแ€žแ€Šแ€บแ‹