*Kathryn's POV*
"Oh gising ka pa?" tanong ko kay Daniel nung naalimpungatan ako.
"Nag-aalala ako kay Chandria. Nakakatulog kaya siya ng maayos? Kumain na kaya siya?" tanong niya habang nakatingin lang sa bintana.
Niyakap ko siya mula sa likod, "Hon, okay lang si Chandria. Wag ka na mag-alala kasama niya si Deej. Hindi siya papabayaan nun"
Napahinga siya ng malalim, "Yun na nga! kasama niya si Deej. Kath lalaki pa din si Deej, paano na lang kung--"
"Shh" pinigil ko na yung sasabihin niya, "Kilala natin si Deej. At hindi naman papayag si Chandria sa ganun"
Niyakap niya din ako. Ngayon, nakahiga na kaming dalawa, "Hindi ko lang talaga maiwasang mag-alala. Hindi ako sanay na wala si Chandria dito sa bahay ng ganitong oras"
"Ako din naman eh. Pero kung ako sayo, natutulog na ako! Para bukas ng umaga mapuntahan kaagad natin sila"
Hinalikan niya ako sa noo, "Sige, tara tulog na tayo"
Humiga na kaming dalawa.
"Goodnight! I love you!" tapos kiniss niya ulit ako sa noo
Niyakap ko naman siya, "I love you more"
*the next day
Napadilat ako nung may dumila sa mukha ko. si Chamy pala! dito siya natulog sa kwarto namin kasi hindi siya sanay matulog ng walang kasama. Bumangon na ako para hanapin si Daniel, ang aga pa ah! nasaan na yun?
"Manang, si Daniel po?"
"Ay nako mam Kath, maago ho umalis kasama si Nash. Susunduin ata si Chandria"
Tumango na lang ako tapos napangiti. Mahal na mahal niya talaga si Chandria.
"Manang kape nga po" tapos pumunta ako sa garden at tinawagan si Daniel
"Goodmorning hon! sorry hindi na ako nakapagpaalam. sarap ng tulog mo eh, ayaw naman kitang gisingin"
natuwa naman ako, "Okay lang hon. Ano? nakita niyo na si Chandria?"
"Oo, kasama na namin. Pauwi na rin kami. Sabay-sabay na tayo magbreakfast"
"Sige hon, magluluto na ako"
"I love you!"
Kinilig ako! "I love you too!"
Binaba ko na yung call tapos nagpunta na sa kitchen, ininom ko muna yung coffee ko tapos nagsimula na akong maghiwa ng mga lulutuin ko.
"Mam tulungan ko ho kayo?"
umiling naman ako, "Hindi na po manang, kaya ko na 'to"
"Sige ho, sa likod lang ako tawagin niyo na lang ho ako kung kailangan niyo ng tulong"
"Sige po"
Pagkatapos ko maghiwa nagsimula na akong magluto. Omelet at fried rice na lang yung niluto ko kasi madali lang yun.
Nung natapos na ako magluto, ako na rin yung naghanda ng mesa. Nakakamiss din magluto ng breakfast para sa family tapos sabay-sabay kayong kakain habang nagkwkwentuhan ng kung anu-anong nangyayari sainyo sa araw-araw. Sayang kulang kami, wala si Derrick.
Hindi rin nagtagal dumating na sila. Niyakap ko kaagad si Chandria
"Princess! pinagalala mo kami! lalo na yang daddy mo"
Niyakap niya ako ng mahigpit, "I'm so sorry mommy"
"Ok lang. buti walang nangyaring masama sainyo"
"Ang bango! Naks ma! ikaw nagluto? tara kain na tayo!!" sabi naman ni Nash
"Sige tara na habang mainit pa yung kanin"
Sabay-sabay na nga kaming nag-almusal.
"Nash gagraduate ka ba?" tanong ni Daniel habang natatawa
"Oo naman pa! ako pa!" pagyayabang naman ni Nash
"Eh kuya ano yung nakita kong papel na may big red mark na F sa room mo?" tanong ni Princess
Napatingin kaming lahat kay Nash
"Papel ng kaklase ko yun! pinatago lang!" pagdedeny naman niya
"Ang galing! kapangalan mo yung classmate mo?" sabi ulit ni Chandria
Napakamot na lang ng ulo si Nash
"Ano yun 'nak?" tanong ni Daniel
Napayuko naman si Nash, "sa Araling Panlipunan po"
Tumawa si Daniel, "Alam mo, okay lang yan! Mahirap talaga yan! Economics ba?"
tumango siya
"Nako! bagsak din ako jan!"
pinalo ko naman sa braso si Daniel.
"Bawi na lang next time. okay?" sabi ko
Nagthumbs up naman siya.
Pagkatapos namin kumain naligo na ako kasi may pasok pa ako ng 9am. tapos si Daniel naman may biglaang meeting ng 9:30am.
*Chandria's POV*
Buti na lang nagkaroon ng biglaang meeting si Daddy!!! It means mamomove yung sermon niya sakin! Yes!
Grabe kanina sobrang lakas ng heartbeat ko, nakakatakot si Daddy. Parang monster!
*Flashback*
"Chandria!!" nagising yung diwa ko nung narinig ko yung voice ni Daddy
"Dad!!" tumakbo ako palapit sakanya tapos niyakap siya
"Umuwi na tayo!"
"Pano po si kuya Deej?"
"Malamang uuwi siya sakanila!" sereyosong sabi niya, "Deej umuwi ka na! Hindi na mauulit to"
Tinignan ko si kuya Deej, halatang natatakot din siya kay Daddy, "o-opo. sorry po" tapos sumakay na siya sa kotse niya kaya sumakay na rin kami sa car tapos umuwi.
Habang nasa car kami napapalunok na lang ako. Dagdag pa si kuya Nash na nagmamade face saakin. Binibigyan ko siya ng death glare pero walang talab!
"Chandria, mag-usap tayo pag-uwi!"
"y-yes dad"
*End of flashback*
Napahiga na lang ako sa bed ko. Inaalala ko yung mga nangyari kagabi. Sobrang caring pala ni kuya Deej. Nung nilalamig ako pinahiram niya yung shirt niya, okay lang daw na siya na lang yung ginawin kesa ako.
He's so sweet!!
Kaso, last na yun. I can't blame daddy, nag-alala lang siya saakin.
Dahil wala naman ako magawa sa house, natulog na lang ako. Medyo hindi kasi ako comfortable sa tulog ko kagabi.
***
Nagising ako afternoon na. Lumabas ako ng room ko tapos nakasalubong ko si Daddy.
"Princess sama ka sa Party Palace?" tanong ni Daddy
Napasmile naman ako, "Yes!"
"Sige, magready ka na alis tayo after an hour"
Tumango naman ako tapos naligo na then nagbihis na kaagad. After 30 minutes ready na ako! namiss ko rin kasi yung lugar na yun kaya excited na ako bumalik.
Habang hinihintay ko si Daddy tinext ko na si Julian. I told him na pupunta ako sa Party Palace tonight. Nagreply naman siya na pupunta din siya.
I have to admit it, na miss ko din siya especially yung mga corny but funny knock knock jokes niya.
"Princess, let's go?" sabi ni Dad
Sumakay na ako sa car tapos nagearphones kaagad ako. Baka kasi matraffic si Daddy tapos maalala niya na sesermonan pa niya ako. Pumikit na din ako para kunyari tulog ako at hindi niya ako pwedeng guluhin.
Medyo dinidilat ko yung isa kong mata para tignan kung malapit na ba kami. Buti hindi ako nakikita ni Daddy, sereyoso siya sa pagdadrive eh.
Pagdating namin sa Party Palace dumiretso na si Daddy sa backstage, ako naman sa playground. Dun kasi kami magkikita ni Julian, mahirap kasi kapag sa loob kasi mainit tapos sobrang daming tao.
Pagupo ko sa swing, may biglang tumulak sakin. Hindi naman masyadong malakas kaya hindi ako nahulog. Paglingon ko binigyan ko kaagad siya ng deathglare. Then nung nakilala ko kung sino yung tumulak sakin, "I hate you!" tapos nagcrossarms ako.
"Uy sorry na" hinaplos niya yung buhok ko
"Don't talk to me"
"Please Princess Chandria, I'm sorry" pagpapaawa niya
"Hindi na tayo friends, Julian!" tapos nagbelat ako sakanya.
Umupo siya sa swing na katabi ko, "knock knock"
"Who's there?" mataray na tanong ko.
"nice guy!"
I looked at him, "nice guy who?"
"Can we pretend that airplanes in the nice guy like shooting stars?"
napafacepalm ako, "Srsly Julian? pacorny ka ng pacorny"
nagpout naman siya, "Teka mag-iisip pa ako"
Natahimik kami for a while tapos bigla siyang kumanta
"Justin Bieber reason, Justin Timberlake's enough, just a second were not Frozen but Baked so we could learn to love a gate." in the tune of Just give me a reason.
Napatingin ako sakanya, medyo natawa ako.
"Ayon tumawa din! bati na tayo please"
I let out a sigh, "Sige na nga!"
Nag-aja siya, "Sabi na di mo ako matiis eh!"
Napailing na lang ako while laughing.
We spent the whole night exchanging stories and jokes. Sobrang namiss namin ang isa't isa kasi ang tagal naming hindi nagkita at nakapagkwentuhan. Naging busy daw siya kasi bumaba yung ibang grades niya kaya kailangan niyang bumawi. Naging ok na daw ulit kaya nakakapunta na siya dito with his mom.
"Btw, next month na yung graduation ah?" tanong ko. Bigla ko lang kasi naalala.
Tumango siya, "Grabe, akalain mo yun? magcocollege na ako?"
"Weh? gagraduate ka ba?" asar ko
Inambahan niya ako ng palo, "Syempre! Ako pa! Ako nga yung baliwdictorian eh"
Tumawa naman ako, "Tapos si kuya Deej yung Salot-tatorian"
Nagsmile lang siya tapos natahimik ulit kaming dalawa. After mga five minutes, nagsalita siya.
"Anong meron sainyo ni Deej?"
Nagulat ako so I looked at him, "W-we're friends"
Tumingin din siya sakin, "Alam mo parang may gusto siya sayo"
Pinigil ko yung smile ko
"Matagal ko na napapansin sakanya yun eh. Pero ewan ko lang din, baka malandi lang talaga siya kaya ganun yung treatment niya sayo"
"He likes me" nagulat din ako sa sinabi ko.
Nanlaki yung mga mata niya, "So..." he let out a sigh, "MU kayo?"
"Ahmm, I don't know" napakibit-balikat ako
"Oo, MU kayo. Gusto ka niya, gustung-gusto mo siya." dry na sabi niya
"Ganon na ba yun?"
Tumango lang siya.
"Btw, movie marathon tayo!" nagchange topic na ako kasi medyo awkward yung topic namin.
"Sige ba! sainyo o samin?"
"sa house na lang namin"
Tumango naman siya, "Kailan?"
"Tomorrow? after school?" tanong ko
Nagthumbs-up siya, "Ano kaya papanoorin natin?"
"Try natin yung Miracle in Cell no. 7! napanood mo na ba yun?" tanong ko
"Hindi pa. Maganda pa yun?"
Tumango ako. Tignan natin kung maiiyak siya kapag pinanood namin yun!
Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa matapos yung gig nila Daddy. Nagaya na rin si Daddy umuwi kasi pagod na daw siya kaya nagbabye na ako kay Julian at kay tita Ingrid.
Habang nasa car kami, nagearphones ako ulit. Pero kinalabit ako ni Daddy kaya tinanggal ko.
"Tomorrow we'll talk about Deej"
Tumango na lang ako. Grabe sobrang lakas ng heartbeat ko. Papagalitan niya ba ako? or pagsasabihan lang? Papalayuin niya kaya ako kay kuya Deej? or pwede pa din kami maging friends? sobrang daming tanong sa isip ko. Gaahhh!
________________________________________________________
Maikli lang ulit wag kayo umasa XD
Malapit na pasukan <///////3
Twitter: @AgentPurpleWP
- Jenn <3