When She Courted Him

By pajibar

603K 12.7K 2.9K

❝Dear Crush, kung ayaw mo akong ligawan, pwes. Ako ang manliligaw sayo.❞ More

Prologue
Introduction
First
Second
Third
Fourth
Fifth
Sixth
Seventh
Eight
Ninth
Tenth
Eleventh
Twelfth
Thirteenth
Fourteenth
Fifteenth
Sixteenth
Seventeenth
Eighteenth (Part One)
18.2
19
Twentieth
Twenty First
Twenty Third
Twenty Fourth
Twenty Fifth
Twenty Sixth
Twenty Seventh
Twenty Eight
Twenty Ninth
Thirty
Thirty First
Thirty Second
Thirty Third
Thirty Fourth
Thirty Fifth
Thirty Sixth
Thirty Seventh
Thirty Eight
Thirty Ninth
Fortieth
Forty First
not an update
Forty Second
Forty Third
Forty Fourth
Fourthy Fifth

Twenty Second

10.2K 205 28
By pajibar

—Hayley’s Point of View—

 

 

 

                “Ano pa bang kulang? Ah! Sunblock!” agad-agaran kong binuksan yung drawer ko at kinuha ang sunblock. Nang mailagay ko na ito sa bag ko, mabilisan kong isinara ang zipper at tumakbo papalapit sa may pinto.

                Bago ko tuluyan na pihitin ang door knob, lumingon muna ako sa likod ko at tinignan ang paligid. Hmmm. May nakalimutan pa ba ako?

                Ah, wala na yata! Gora na!

                Nagmamadali akong tumakbo sa hallway at halos magkadarapa na ako (hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang pagmamadali o sadyang madulas lang talaga yung floor). Wala na akong balak pa mag-elevator kasi alam kong mas matatagalan ako dun dahil puno pa, kaya tinakbo ko nalang yung hagdan.

                Anak na tokwa naman kasi, bukas na yung birthday ni Ken at ngayon na yung schedule namin ng pag-alis. Magkakasabay sana kaming pupunta doon sa venue dahil medyo malayo ‘yun at para tipid sa pamasahe, pero anak ng tokwa talaga dahil iniwan nila ako!

                Sabi nila, 8:00 daw magkita-kita kami sa parking lot ng school, pero langya naman, 10:30 na oh!

                Kahit na alam kong maliit nalang ang possibility na makita kong nandoon pa sila, sinubukan ko pa rin at nagmadali pa rin ako dahil think positive nga daw eh.

                Pero dahil sobrang swerte ko ngayon, WALA NA TALAGA SILA!

 

                Eh siraulo rin naman kasi yung bestfriend kong si Scarlett. Invited rin naman siya sa party tsaka nakapag-usap na rin kami na sabay kaming dalawa na aalis ngayon. 

                Pero anyare? Iniwanan ako ng kutong-lupang 'yun! Hindi man lang ako ginising or whatsoever. Basta pinabayaan nalang ako! Lagot sa'kin 'yun kapag nagkita kami mamaya or bukas. Sagot niya ang recess at lunch ko for one month.

                Tapos yung iba ko namang kakilala, hindi rin naman ako tinawagan or minissed call or tinext! Para namang hindi ko sila kaibigan!

                Huhuhu. Kawawa naman ako. Para namang wala akong kaibigan o bestfriend dahil iniwanan nila ako ngayong kailangan ko sila. Mabait naman ako sa kanila ah! Lagi ko naman sila tinutulungan. Pero bakit ngayon mag-isa lang ako?

                Huhuhu. Nakakalungkot talaga.

                So I guess mag-isa nalang akong makakapunta doon (kung kakayanin ko). Sikat naman yung resort kaya makakahabol pa naman ako. May mapa naman na nakalagay doon sa invitation card eh.

                Kinapa ko sa bulsa ng bag ko yung invitation card para tignan muli ang mapa.

                Huh? Teka, bakit wala?

                Wala akong nakapang envelope doon sa bulsa kaya binuksan ko na yung mismong bag ko para hanapin 'yun.

                HAAAAAA? Bakit wala?! Eh nilabas ko na nga 'yun kanina at pinatong na kanina sa lamesa, bakit wala pa rin dito?!

               

                Langya naman oh! Ang swerte, swerte, swerte, swerte ko takaga ngayong araw! Naiwan ko pa yata sa dorm yung inivation card! Eh importanteng importante pa naman 'yun dahil kapag hindi ko 'yun nadala, hindi nila ako papayagan na pumasok sa resort! Sayang naman!

 

                Sa ayaw at sa gusto ko, napilitan akong bumalik ulit sa dorm para kunin yung invitation card. Pero this time, hindi na ako nagmamadali, nag-elevator na lang rin ako para hindi ako mahirapan. Nawalan na talaga ako ng ganda—este gana.

 

                Pupunta pa ba ako sa party ni Ken? Haaaaay. Kahit nakakatamad, kailangan ko talagang pumunta dahil may tatlong rason ako.

 

                Una, kasi birthday ni Ken. Ang dami-dami niyang ginawang kabutihan para sa akin at ang pagpunta sa birthday niya ay isa sa mga bagay na pwede kong magawa para suklian siya.

 

                Pangalawa, pupunta si Hubby doon, at kapag nandoon siya, kailangan nandun rin ako. Kailangan ko kayang magpapansin sa kanya ‘no.

 

                Pangatlo, syempre kailangan kong kalbuhin ang mga kaibigan kong pinabayaan at iniwan ako ngayon! Ang hirap-hirap kayang mag-commute mag-isa!

 

 

                Sumakay na ako sa elevator at hindi nagtagal ay nakarating na ulit ako sa dorm namin. Nang makita ko ang kama ko, na-tempt nanaman akong humiga nalang doon buong araw, kaya mabilisan kong kinuha ang inivitation card para maka-alis na kaagad. Oh tukso, layuan mo ako!

 

 

                Nakatunganga lang ako sa labas noon habang iniisip kung ano na dapat ang gagawin ko sa buhay ko. Mukha na akong pulubi, buti nalang at medyo maayos naman ang itsura ko at malinis tignan.

 

 

                Habang naghihintay sa wala, biglang nahagip ng mata ko si Dylan na naglalakad sa di kalayuan. Waaaa! Bakit siya nandito? Akala ko umalis na siya kasama si Ken!

 

                “Hubby!” sigaw ko, pero hindi siya lumingon. Hindi niya yata narinig.

 

                “Dylanbabes!” sigaw ko ulit, this time, lumingon na siya.  “Halika!” masaya kong bati sa kanya.

 

 

                Pero hindi niya ako pinansin. Tinignan niya lang ako tsaka tumignin sa malayo. Parang hindi niya narinig ‘yung mga sinabi ko.

 

 

                Hay. Napaka-ano talaga neto. Ako na nga lang lalapit!

 

 

                Binuhat ko ang bag na dala ko at lumapit ka Dylan na kasalukuyan pa ring nakatayo at parang naghihintay rin.

 

               

                “Tinatawag kita kanina, hindi ka lumapit.” Bungad ko sa kanya nang makalapit na ako.

 

                “Ikaw may kailangan, bakit ako ang lalapit?” pambabara naman nito.

 

                Gentleman talaga. Nahiya naman ako.

 

 

                “Ano hinihintay mo?” tanong ko. Para naman hindi awkward yung atmostphere.

 

                “Kahit ano, pero hindi ikaw.”

 

 

                Nagulat naman ako dun sa sinagot niya. Aba! Nagtatanong lang naman ako at wala naman rin akong sinabi na hinihintay niiya ako!

 

                “Seryoso ako, ano ba!” pangungulit ko.

 

                “Seryoso rin naman ako, ah.”

 

 

                Inirapan ko nalang siya. Alam kong wala rin namang patututnguhan ‘tong pinag-uusapan namin. Pero kahit na ganun, gusto ko pa rin siyang kausap.

 

                Napatingin ako sa mga dala niya at napansin kong may hawak rin siyang envelope na kaparehas ng envelope ko.

 

 

                “Oh? Pupunta ka sa birthday party ni Ken?”

                “Malamang, bestfriend niya ako. Imposibleng mawala ako dun.”

                “Hindi! I mean—papunta ka pa lang sa birthday party ni Ken?”

                Yes, kunwari nagkamali lang grammer  ko, para hindi ako pahiya. Tsaka para hindi halatang hindi ako nag-iisip.

                “Bakit ba?”

               

                Sungit-sungit nito, kainis. Nung isang araw lang ang bait niya sa akin tapos ngayon biglang ganito na. Meron yata ngayon eh?

 

                “Kasi,” nahihiya pa ako. “Sabay nalang tayong pumunta dun.”

               

                Napatingin siya sandali sa akin habang ako, naka-puppy eyes lang para pumayag siya. Pero imbis na maawa, aba, naglakad pa papalayo si Dylan!

 

 

                “Huy, sandali lang!” sigaw ko at hinabol siya.

                “Sige na, sabay na kasi tayo. Wala namang masama doon, di’ba? Tsaka parehas lang rin naman tayo ng pupuntahan.”

                “Ayoko na.” Sabi nito ng walang emosyon.

                “Bakit naman? Feeling mo naman masamang tao ako. Feeling mo nanakawan kita o re-rape-in or ki-kidnapp-in sa kahit anong oras.” Pagkukumbinsi ko.

 

                “Parang ganun na nga.” Sagot naman nito.

                “Hoy ang kapal naman ng mukha mo!” sabi ko bigla.

 

                Eh nakakainis naman kasi, hindi ko naman iniisip gawin sa kanya ‘yung mga bagay na sinabi niya eh. Okay na ako sa simpleng pag-stalk lang.

 

                “Ako pa makapal mukha ngayon?” Hinarap niya ako.

               

                “Eh kasi naman! Makikisabay lang naman ako kasi hindi ako magaling mag-commute mag-isa papunta dun. Tapos iniwanan ako ng mga kaibigan ko sa mga oras na akala ko mapagkakatiwalaan ko sila! Wala naman akong balak gawing masama sa'yo!”

                “Malay mo.” Sagot niya ng mahina at saka itinaas ang kanang kamay na naging senyales na sasakay siya sa jeep.

                “Sige na kasi! Kailangan ko talagang pumunta sa birthday ni Ken. Importante 'yun para sa akin.”

                Napatigil bigla si Dylan sa sinabi ko at nilingon ako. Para bang bigla siyang nairita sa sinabi ko.

                “Importante yung party para sayo, o importante si Ken para sa'yo?” Ngayon bigla talagang naging seryoso ang itusura niya at halatang-halata na 'yun. Para bang galit na galit.

                “Pwede both?” Sabi ko. 

                Importante sa'kin ang party kasi makakasama ko ng matagal si Dylan dito at ito yung way para masuklian ko ang mga ginawa para sa akin ni Ken.

                Importante naman sa akin si Ken dahil siya yung taong palaging nandyan kapag walang-wala ako at hindi niya ako pinapanayaan.

                Inirapan nalang ako ni Dylan saka siya sumakay sa jeep. Dali-dali na rin akong sumunod sa kanya para hindi ako maiwanan. Sa ayaw at sa gust niya, sasamahan ko siya!

                Dahil marami at maluwag pa naman ang space sa loob ng jeep, tinabihan ko nalang si Dylan doon. Hindi naman siya nag-react kaya ngumiti nalang ako. 

                Gusto niya rin ako katabi OMG!

 

 

 

—Dylan’s Point of View—



                “Bayad po,” sabi ko sa driver. “Dalawa po 'yan.”

                Gulat na nilingon naman ako ni Hayley. “Huh? Dalawa? Pati ako?”

                “Ayaw mo? Sige babawiin ko.”

                “Joke lang, Hubby! Wag ka na magalit.” Nginitian niya ako kaya naman hindi na ako nakasagot sa kanya.

                Meron kasing something na kakaiba sa ngiti niya eh. Hindi ko alam kung ano pero parang mas nagiging cute siya kapag ginagawa niya 'yun? Ah-erase, erase.

                “Weeeee! Ang sarap ng hangin!” Sabi niya habang naka-dungaw sa bintana ng jeep. 

                Dahil nasa harapan ko lang siya naka-upo, amoy na amoy ko ang bango ng kanyang mahabang buhok na nililipad ng hangin papunta sa direksyon ko.

                Kitang-kita ko rin kung gaano siya kasaya at parang first time niya lang na makasakay ng jeep dahil para siyang bata.

                “Manong driver, bilisan niyo pa po!” Utos niya.

                First time nga lang ba talaga niyang makasakay sa jeep? Bakit hindi niya alam na bawal utusan ng ganun yung driver?

                I mean, hindi naman sa bawal, pero hindi ba siya nahihiya?

                “Wag ka ngang maingay.” Sabi ko.

                “Ay, maingay na ba ako masyado? Hehe, sige sorry.” At saka niya inayos ang pag-upo niya at para bang walang nangyari.

                “Alam mo ba, ang saya ko ngayon.” Sabi niya sa akin.

                “Bakit?” Tanong ko.

                “Kasi katabi kita.” Kwento niya. “Sana nga mas maging siksikan na dito para mas lalo pa kitang madikitan.”

                “’Wag ka ngang ambisyosa.” Sabi ko.

                “Pake mo ba? Walang basagan ng trip.” 

                Habang magkatabi kami, naramdaman ko nanaman yung malakas at mabilis na kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam talaga kung anong nangyayari.

                Malapit na ba ako ma-heat stroke?

                “Akala ko kanina ang malas ko kasi naiwanan ako ng mga kaibigan ko. Pero ngayon, sinswerte naman ako dahil sa'yo.” Ngumiti siya sa akin.

                Mas lalo naman bumilis ang tibok ng puso ko kaya tumingin ako sa ibang direksyon.

                “Eh ano ngayon?” Sabi ko.

                “Wala lang,” sabi niya. “Eh ikaw? Bakit hindi ka sumabay sa iba kanina?” Nagpa-rent kasi sila ng isang mini bus at doon na lang daw kami sasakay papunta sa venue pero sinadya kong wag sumama.

                “Hindi. Ayaw ko talagang sumabay sa kanila.”

                “Bakit naman?”

                “Kasi akala ko sa kanila ka sasabay kaya hindi ako sumabay. Pero kung ako ba naman ang minamalas, nagkasabay pa rin tayo.”

                “HOY! Na-hurt ako ah!” Sabi niya at hinampas ako sa braso. “Pero alam mo ba kung anong ibig-sabihin ng mga nangyayari ngayon?”


                “Ano?” Tanong ko naman.

                Ngumiti siya ng napakalawak at saka sinabing, “DESTINY! Meant to be na talaga tayo!”

 

 

                Sa sobrang ingay at lakas ng boses niya, napatingin sa amin ang ibang mga pasahero. Ako ang nahihiya para sa kanya eh, kasi pati ako dinadamay niya sa mga ganitong bagay na hindi ko naman gusto.

                Tumigil sandali ang jeep at naghanap ng mga pasahero. Unti-unti nang pumapasok ang mga tao sa jeep at pagkatapos, biglang may isang babae ang umupo sa gitna namin ni Hayley. Para bang pinilit niya talaga na isiksik ang sarili niya doon kahit na may iba pa namang spaces na pwedeng upuan.

                Eto namang si Hayley, nakikipag-siksikan rin at pinipilit na wag paupuin ang babaeng ‘yun at para bang nag-aagawan na sila pero hindi sila nagsasalita.

                “Manong, ayaw akong paupuin oh!” reklamo nung babae sa driver.

                “Hoy! Paupuin mo nga ‘yan!” saway ni Manong kay Hayley, at mukha namang natauhan na siya kaya umusog siya ng kaunti at napaupo na ang babae sa tabi ko.

                Obviously, gusto niya talaga akong makatabi kaya niya ‘yun ginawa.

                Hindi ko siya pinapansin at hindi ko rin siya tinitignan. Sobrang dami na ng pasahero dito sa jeep kaya naman sobrang magkadikit na rin kami ng babaeng ‘yun.

                “Hi.” Bati sa akin ng babaeng katabi ko. Halos hindi ko na nga siya marinig dahil una, maingay ang jeep. Pangalawa, may mga taong nag-uusap dito sa loob. Pangatlo, mahina ang boses niya.

                Tinignan ko lang siya at hindi ko pinansin.

                “Anong name mo?” tanong niya ulit sa akin.

                “Dylan.” Tipid kong sagot.

                “Oh, nice to meet you, Dylan. Ako nga pala si Aliyah.” Inabot niyasa akin ang kamay niya para makipag-shakehads pero hindi ko ito pinansin. “O—kay...”

 

                Ibinaba niya na ulit ang kamay niya nang mapansin niyang medyo napapahiya na siya.

                “Single ka ba?” tanong niya sa akin, pero hindi pa rin ako umimik. “Okay, I’ll take that as a yes.”

 

                Sunod-sunod ang pagtatanong niya sa akin tulad ng, “Ilang taon ka na?”

                “Taga-saan ka?”

                “Ilan na naging girlfriend mo?”

                “Anong gusto mo sa isang babae?”            

 

 

                Gusto ko sanang silipin kung ano nang reaksyon ni Hayley pero hindi ko siya masyadong makita dahil nakaharang itong babaeng katabi ko. Pero feeling ko, ang tahimik niya ngayon at hindi siya masyadong kumikibo (tulad ng ginagawa ko ngayon).

 

                “Pwede ko ba makuha number mo?” tanong niya sa akin.

                “Ayoko.”

                “Yes, sumagot ka rin.” Sabi nung babae. Hindi ko na tinandaan ‘yung pangalan niya. “Bakit naman?”

                Tinignan ko siya.

                “May girlfriend na ako.” Seryoso kong sabi.

 

                “Oh, akala ko wala. Hindi ka kasi sumasagot. Teka, sino ba?” tanong niya ulit. Naiirita na talaga ako.

                “Ayun oh. Yung katabi mo.” Tinuro ko si Hayley, pero yung hindi masyadong obvious. Baka kung ano nanaman ang isipin nun.

                “Oh...” sabi niya. “Mas maganda pa ako sa kanya.”

                Hindi ko na siya pinansin pagkatapos nun kaya naman sumigaw siya ng, “Manong, para na nga!”

 

 

**

 

 

{ author’s note: omg ang dami ko nang ideas dito pero tinatamad talaga ako mag-type hahaha! anyways, ito yung mga bagay na dapat niyong abangan sa next chapter, (1) isang buong araw mag-aadventure si dylan at hayley, ano kaya ang pwedeng mangyayari? (2) totoo bang hindi sumama si dylan sa mga kaibigan niya papunta sa venue ng party ni ken ay dahil iniiwasan niya si hayley? or may iba pang rason? (3) tuluyan na bang maf-fall si dylan sa baliw na si hayley? or pipigilan niya pa rin ang sarili niya? Abangan }

               

                PS. Add niyo si Hayley sa peysbuk: http://facebook.com/hayleynicolegonzales or external link

                  

Continue Reading

You'll Also Like

448K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.7M 72.4K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...