ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)

By TakahashiKazumi

174K 5.4K 374

Genre/s: Fantasy, Romance, Action Welcome to the world of angels and demons. *** 'HALF DEMON', a story of a 2... More

Prologue
CHAPTER 1: The Kidnappers
Chapter 2: The Lord's Daughter
Chapter 3: Mission
Chapter 4: Prisoner
Chapter 5: Forced
CHAPTER 6:Saved
CHAPTER 7: Escaping
Chapter 8: Absence
Chapter 9: Attack
Chapter 10: Sealed
Chapter 11: Unsuccessful
CHAPTER 12: Mortal World
CHAPTER 13: First Stay
CHAPTER 14: Flying Lesson
CHAPTER 15: Search
CHAPTER 16: Selos
CHAPTER 17: Black and White
CHAPTER 18: Rare BindinG
CHAPTER 19: War of Angels
CHAPTER 20: Gray Light
CHAPTER 21: The Reality
CHAPTER 22: Fighting the creator
CHAPTER 23: Story Behind
CHAPTER 24: Riddle
CHAPTER 25: Guessing
CHAPTER 26: Grief to Bliss
TALK TO ME
RAFFLE
ANNOUNCEMENT
Chapter 20 Completed Version
Chapter 21 Completed Version
Chapter 22 Completed Version
Chapter 24 Completed Version
Chapter 25 Completed Version
THE EPILOGUE
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
SPECIAL CORNER
Instagram
Other Stories You Might Like

Chapter 23 Completed Version

2.2K 61 0
By TakahashiKazumi

THIRD


Dumating ang araw na nakuha ni Dark si Rosevina sa Heavenly Kingdom. Iyon ang unang pagtatagumpay ng plano ng maylikha at ang siyang dahilan bakit ito lagi ang napag-uutusan sa iba pang sumunod na mga plano.


Pinadala naman agad ni Master Heteu bilang spy si Jrewick na nagbalatkayong dark angel sa underworld na humahanap lang ng chempo upang maitakas si Rosevina. Dun nakilala niya si Helen na siyang laging nasa gilid ng maylikha. Nagkaroon sila ng pagkakaintindihan sa paglipas ng mga araw habang naghahanda pa ang Underworld para sa susunod na plano.


Sa bahagi naman ni Rosevina, nakakulong lang siya sa isang malawak na chamber kung saan ay si Dark lang ang dumadalaw. Araw araw itong pumapasok sa silid upang pilitin si Rosevina na kumain. Hanggang sa hindi na naging matigas ang ulo ni Rosevina dahil narin sa hatid ng gutom sa kanya.


Habang tumatakbo ang mga araw unti-unting nahulog si Rosevina sa manhid na si Dark sa di malamang dahilan. Napapangiti na siya sa tuwing pumapasok ito sa silid.


"Dark," nakangiting sambit nito.


"Oras na para sa susunod na plano," seryosong sabi nito sabay kalag kay Rosevina.


"Anong gagawin niyo sa akin?" Kinakabahang tanong niya dito.


Nagsmirk lang si Dark. "Ikaw at ako ang bubuo ng legendary breed Rosevina. Ngayon na ang ritual."


Napaiyak si Rosevina habang marahas siyang hinihila ni Dark. Sa mga oras na yun, nagsidatingan narin ang mga light angels dahil sa hindi nagkaroon ng pagkakataon si Jrewich na kunin si Rosevina. Habang nagkaroon ng labanan sa labas ng pagdadausan ng ritwal, pumasok si Jrewich para sana hadlangan ang mangyayaring ritwal pero si Helen ang unang bumungad sa kanya pagpasok niya.


"Helen?"


"Jrewick, isa kang light angel?" pagkabiglang tanong ni Helen kasabay ang pagtulo ng mga luha nito.


"Helen, patawarin mo ako."


Napahawak si Helen sa tiyan niya. Napatingin naman si Jrewich dito.


"Hindi ko maintindihan nung una bakit nagkakaroon ako ng emosyon pero ngayon alam ko na ang dahilan. Dahil ito sa magiging anak natin na may dugong light angel na tulad mo."


"Magkakaanak tayo?" Mas lalong nabigla si Jrewich. Nabitawan niya ang sandatang dala niya at niyakap si Helen.


"Helen, totoo ako sayo. Mahal kita," bulong niya dito.


"Mahal din kita."


At nangyari ang rare binding sa pagkakataong iyon na siyang nakita naman ni Master Heteu. Matapos ang awtomatikong binding, dun na nagsalita ang master.


"Helen, isang malaking kapahamakan ang nag-aabang sayo pag nalaman ito ng Lord ninyo," sabi ni Master Heteu.


"Isama niyo na ako." Pagmamakaawa nito.


"Hindi iyon ganun kadali Helen. Tapusin muna natin ang gulong ito bago magdesisyon," sabi ni Master Heteu.


Sinamahan ni Jrewich si Helen para magtago dahil buntis ito. Sa kabilang banda, nakahiga na si Rosevina sa altar na parang kama na napapalibutan ng itim na kandila. Mahigpit na hinahawakan ni Dark ang mga braso niya.


"Dark, wag mong gawin to. Maawa ka please." Umiiyak na pagmamakaawa nito.


Walang paki si Dark sa mga pagsusumamo ni Rosevina patuloy lang ito sa ginagawa niyang pagkakadena sa dalagang anghel. Hindi naman lumaban si Rosevina, hinayaan lang niya si Dark. Maya maya nang bitawan na nito ang mga braso niya, niyakap niya ito kasabay ang pagliliwanag niya.


"Anong ginagawa mo?" tanong ni Dark nang biglang nakadama siya ng kakaiba sa loob niya. Patuloy na nagliwanang si Rosevina. Sa di malamang dahilan, biglang tumibok ang puso ni Dark sa unang pagkakataon at niyakap pabalik si Rosevina.


"Anong ginawa mo sa akin Rosevina?" bulong na tanong di Dark dito sabay halik sa leeg nito tungo sa mga labi nito. Sinuklian naman ito ni Rosevina nang walang pag-aalinlangan. The same ferocity and longing. Nangyari ang di inaasahan sa mas madaling paraan na wala man lang nangyaring pagtutol galing kay Rosevina.


Hindi nabawi ng light angels si Rosevina kaya naiwan ito sa underworld habang lumalaki ang tyan nito. Sekreto naman siyang inaalagaan ni Dark at sekreto nilang pinapakita sa isa't isa ang nararamdaman nila na di mapapansin ng maylikha.


"Dark, mahal kita!" bulong ni Rosevina.


"Mahal din kita Rosevina."


"Magkakaanak na tayo."


"Ipapangako ko, itatakas ko kayo ng magiging anak natin," seryosong sabi ni Dark.


Sa puntong iyon, patuloy parin na nagbabalatkayo si Jrewich para masubaybayan si Helen. Hanggang sa iniluwal na nga ang isang malusog na sanggol.


"Lalaki ang anak natin Helen," natutuwang sambit ni Jrewich habang nasa mga bisig niya ang bagong silang na anghel na may maiitim na pakpak.


"Wenxehalt Hollow," nakangiting sambit ni Helen sabay hawak sa kamay ng anak. "Ang magiging pangalan niya ay Wenxehalt Hollow."


"Maligayang pagdating sa mundo ng mga anghel, Wenxehalt."


Walang kaalam alam ang maylikha sa mga nangyayari dahil sa abala ito sa ibang mga bagay. Hindi rin niya malalaman na kalahating light angel si Wenxehalt dahil itim ang mga pakpak nito.


Dumating ang araw na nalaman ng maylikha ang tungkol sa pagtibok ng puso ni Dark. Sobrang nagalit siya sa nalaman.


"Ako ang naglikha sayo, ako ang nararapat mong piliin. Papatayin ko ang dalawang importante sayo pag sila ang pinili mo," galit na sigaw nito sabay sakal kay Dark. "Bukas, gagawin ko na ang fussion para hindi ka makagawa ng iba pang kamalian. Ang maging kaisa ko ay ang dahilan bakit ka nilikha."


Binitawan na nito si Dark. Nang umalis ang maylikha nakita niya si Helen at Jrewich.


"Dark, si Rosevina!" nagpapanic na sambit ni Helen.


Agad naman nilang pinuntahan si Rosevina. Pinahawakan ni Helen si Wenxehalt kay Jrewich para tulungan si Rosevina. Sa araw na yun, iniluwal ang isang babaeng sanggol na anghel na walang pakpak.


"Allisonia ang magiging pangalan niya," sabi ni Rosevina at naglagay ng parang tatoo sa sanggol.


"Lord, itatakas ko siya," sabi ni Helen at sinagawa agad ang isang spell na nagdala kay Allison sa mundo ng mga tao. Naabutan sila ng maylikha bago paman sila makatakas.


"Umalis ka na dito bago kami maging isa, bago matapos ang fussion spell,"sabi ni Dark sabay harang sa kanila.


"Hindi kayo makakaalis!" sigaw ng maylikha sabay tingin sa sanggol na hawak ni Jrewich. Mabilis niyang sinagawa ang fussion spell at sumanib kay Dark. Nagsagawa din siya ng spell para hindi makatakas ang tatlo. Ang tatoo sa likuran ni Wexehalt ay simbolo ng pagkontrol niya dito. Pag nawala ito ay saka pa makakalaya ang tatlong anghel na kinulong niya sa Black Orb.


Ginawa niyang manhid si Wenxehalt at siya mismo ang nagpalaki dito.


***

DARK


Natapos na nga ang ritual at dun nakita kong puti na ang mga pakpak ko at magiliw akong sinalubong ng iba pang light angels.

***

Continue Reading

You'll Also Like

37.6K 1.4K 47
'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One
438K 11.1K 49
BELOVED SERIES: BOOK ONE -------- This is the RAW version of the book, so you might see A LOT of ERRORS.. Originally Written: 2009 Revised: 2014 Publ...
20.8K 855 71
Bella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Qu...
108K 5.4K 68
They say that if they drink my blood their life will be prolonged. If they eat my body- they will never get old and be immortal. And if he takes me a...