XXX
Gratified
Raven's Pov
'I said stop! Hindi mo ba nakikita hindi nya na kaya ? Bulag ka ba ?' Sigaw nito kay Princess Anela .
Bigla naman na gulat si Princess Anela dahil sa inasta ni Zack sa kanya .
'H-how dare you to stop me' Sambit nito .
Nakita kong nilapitan ni Sir si Princess Anela at mukha pinapaalis na ito .
'R-Raven okay ka lang ?' Nagaalalang tanong sakin ni Kaera kasama si Ryzell.
Tumango tango ako sa kanila . Habang hawak hawak ko ang aking tagiliran na sobrang napuro ni Princess Anela .
'Umalis ka baka di ako makapagtimpi at pumatol pa ako sayo ' banta ni Zack . Nakita ko na lang na sinamaan ako ng tiningin ng Prinsessa bago tuluyan umalis .
Raven gamutin na natin yung mga sugat mo ' yaya sakin Ni Ryzell . Aalalayan nya na sana ako ng may biglang tumulak sa kanya.
Si Zack . Tinulak nya si Ryzell at hinitak nya ko
'At ikaw naman Tanda bakit hindi mo pinigilan ang spoil brat na babaeng yun . Pano kung napatay nya si Flat hah !' Sabi nito kay Sir .
'Awat na dude gamutin na lang muna yung mga sugat at galos ni Raven' awat ni Stone rito .
Tinignan lang ng masama ni Zack si Sir pati ang mga kaklase ko .
'Kayo naman wala man lang umawat, ano hinihintay nyong mapatay ng spoil brat na yun ang kaklae nyo ? !'
Hindi naman nakapagsalita si Sir dahil rito . Pati ang buong klase ay napatulala na lang habang hawak hawak ni Zack ng mahigpit yung kamay ko.
Hindi manlang ako nakaimik hanggang hinitak nya na ko palabas .
'You really stupid! Lalaban ka sa kanya e mas hamak na mas lakas sya sayo ' sabi nito sakin.
Nakikita ko sa mga mata ang matinding galit . Bawat nadadaan namin ay napapatingin samin dahil ang lakas ng boses nya at hawak hawak nya ko.
'Stupid.....you really stupid Flat. Pinagalala mo ko masyado . Hindi mo alam na ang sakit mo sa utak .' Dagdag pa nito .
Hindi nito alintana ang mga mga tingin sa kanya ng mga taong nadadaan namin . Wala syang pake dare-daretso lang sya kakasalita at sa paglalakad .
Ako ang nagawa ko lang ay titigan sya . Hindi ko inaasan na sya ang magliliktas sakin .
Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yun. Mas malakas talaga sya hindi hamak sakin . Kaya malaking pasasalamat ko na dumating sya.
Niligtas nya ulit ako despite of the mean things he always say to me . Kahit medyo jerk sya niligtas nya ko .
'Hoy nakikinig ka ba ? Okay ka lang ba ? Kaya mo pa ba ?' Sunod sunod na tanong nito habang nakatingin sakin.
Ngyon nakita kong may pagaalala sa mga mata nya . At mukhang totoo ang mga sinabi nya .
'Hoy flat okay ka lang ba ? Malapit na tayo sa infirmary ' ani ulit nito .
Napatango tango na lang ako biglang sagot . Ngumiti ako sa kanya bago tuluyan ibagsak ang katawan ko sa kanya.
Thank you Zack ! Thank you .
XXX
Pagmulat ng aking mga mata ay puting kisame agad ng Infirmary ang sumalubong sa akin .
Nilibot ako ang paligid ngunit wala akong nakitang tao kahit isa.
Sinubukan kong igalaw ang aking katawan ngunit nakaramdam ako ng kirot sa aking tagiliran at aking kaliwang binti .
Masakit rin ang aking braso dahil pinansalag ko ito kanina .
Ano na kayang nangyari? Nasan na kaya si Zack ? At Si Kaera ?
Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko kinaya kaya napaupo na lang ako sa kama .
Napansin kong iba na ang damit ko . Isa itong malaking long sleeve . Sinong nagpalit sakin ? Si Zack ba ? Kay Zack ba na damit ito ?
Hala ! Edi ibig sabihin nakita nya ang buong katawan ko . Jerk talaga ang lalaking yun .
'Hindi ako nagpalit ng damit mo stupid flat. Yung kaibigan mo ' bigla akong napatingin sa pintuan ng iniluwa nito si Zack .
May dala itong tinapay at inumin . Inilapag nya ito sa mesa na malapit sa akin .
'Akin yang damit, ang dumi na kasi ng uniform mo at bahagya itong na sira kaya pinalitan ko muna ' dagdag nito .
Napakagat naman ako ng ibabang labi ko dahil roon .
Si kaera pala pero nasan sya bakit wala sya rito ?
'Yung kaibigan mo nasa klase pa . Ako lang ang pinayagan na bantayan ka ' sagot nya .
Ahm mind reader ba itong si Zack ? Bakit alam nya ang iniisip ko ?
'Hindi ako mind reader o kung ano pang iniisip mo masyado lang halata sa mukha mo plus magaling talaga akong manghula sa mga stupid flat ' sagot nito . Sinamaan ko naman sya natingin dahil roon .
Napaka jerk talaga ng isang ito e . Hindi talaga kumukupas .
'Okay ka na ba? Bakit ka nAkaupo dyan ? Magpahinga ka pa, yan ang sabi ng healer ' utos nito habang nakaupo malapit sa aking kama .
'Medyo okay na ko ' sagot ko at kinuha ko yung tubig na dala nya at ininom ito .
'Tch! Humiga ka na muna stupid flat ka talaga e ' muling utos nito .
Hay! Medyo okay na nga ako e . Masyado ko na ata syang naabala ..
'Okay na ko Zack, konting galos lang naman yun natamo ko. Pede ka ng umalis naabala na kita masyado ' sambit ko .
Ngunit hindi ito umalis bagkus ay sumandal pa sa sofa na upuan nya ngyon .
'No, hindi ka pa mukhang ayos . At inabala mo na talaga ako kaya lubusin mo na . ' sagot nya .
Baliw talaga ang lalaking ito minsan talaga hindi ko sya maintindihan .
'Kaya humiga ka na !' Utos nya .
Ngunit ayoko ng humiga dahil mukhang okay na naman ako .
'S-salamat pala sa p-pagligtas sakin kanina at pagdala sakin dito . S-salamat ' ani ko .
Nakita ko naman na napatingin sya sakin . Nagulat ako ng bigla itong lumapit sakin .
'Higa na ' utos nito .
Hala sya ! Bakit kaelangan sumigaw ? E nagpapasalamat lang naman ako .
'May bayad lahat ng ginagawa ko . Kaya magpahinga ka na dahil magbabayad ka pa sakin ' dagdag pa nito .
Kaya wala na kong magawa kung di bumalik sa pagkakahiga ko ngunit nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang aking kamay .hindi tuloy natuloy ang paghiga ko .
'Still hurt ?' Tanong nito habang hinihimas ang kamay ko .
Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. At parang may dumaloy na kuryente sa aking kamay .
'Pinagalala mo ko masyado . '
Bigla naman uminit ang pisngi ko dahil roon . Hindi ko inaasahan na magsasalita sya ng ganto . Bakit?
Boses nya palang kakaiba na then yung pagkakahawak nya sa kamay ko . Sobrang banayad parang ayaw nyang masaktan talaga ako .
'Don't do that again, i swear i will kill you ' banta nito .
Tumingin ito sa mga mata ko . At nagulat na lang ako ng biglang nakita ko ang sarili kong tumatango sa kanya .
Why? Bakit ganto ang epekto mo sakin Zack ?
XXX
LEGAL WIFE NI KIM TAEHYUNG
V