ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)

By SweetKitkat

143K 3.1K 379

ONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Al... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16 (18+)
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25

CHAPTER 15

8.4K 196 12
By SweetKitkat

MIRABELLA

Natulog lang ako ng dalawang oras at paggising ko ay nasa kusina na si Krome at naghuhugas ng mga plato.

"Ako na diyan. Magluluto na ako."

Yumuko ito at umalis sa harap ng lababo. Nakalabas na ang hotdog ay itlog na dapat lutuin. Hugas na rin ang kaldero na pang sinaing.

Inilabas ko ang kawali at pinainitan ito.

"Ate, s-sorry," hindi ako sumagot. Nanatili lang akong tahimik. "Gusto ko lang naman po na makatulong kasi napapagod ka na."

Nagbuntong-hininga ako at lumingon kay Krome. "Hindi mo na uulitin iyon?"

Umiling ito ng todo. "Hindi na po."

"Good. Sa susunod na gawin mo ito, hahayaan ko na kunin ka ng mga tao na iyon."

Muntik na ako matumba dahil sa biglang pagyakap nito. Bumaba ang tingin ko sa kanya at nakatingala siya sa akin.

"Ate, huwag mo kong ipapakuha sa kanila. Ayaw ko roon. Huwag mo kong iiwan," hikbi nito.

Binitiwan ko ang mga hawak na kawali at lumuhod upang yakapin ito.

"Hindi ka bibitiwan ni ate. Wala kang dapat ipag-alala. Mahal na mahal ka ni ate."

"Ako rin. Kahit na inaaway mo ko lagi at pinapagalitan."

"Oo naman."

Halos umiikot lang ang buhay ko sa trabaho, bahay, at korte. Mahirap sa simula ngunit nasanay nalang ako. At kahit ilang beses pa kami nagkikita ni Alesteir ay hindi ko pa rin ito kayang tingnan ito sa mata.

Alam ko na konektado ang tatay ko sa nangyari sa magulang niya. Hindi ko maaalis sa kanya ang magalit sa amin.

Ngunit sana ay maisip niya na hindi ang tatay ko ang pumatay sa mga magulang niya. Iyon naman ang inilaban namin sa simula palang.

Nararamdaman ko na malalagpasan namin ang problema na ito.

Pagkatapos namin kumain ay pinapasok ko na si Krome sa silid. Habang nagliligpit ay narinig ko na tumunog ang aking telepono.

Nakita ko ang pangalan ni Attorney kaya sinagot ko iyon.

"Hello po, attorney."

"Mira, pasensya na sa pagtawag ko ng ganitong oras. May nais lang ako na ibalita sa iyo."

"A-Ano po iyon?"

"Nakatanggap ako ng balita na guilty ang magiging verdict."

Nanigas ang aking katawan. "P-Po?"

"Nakarinig din ako ng balita na masyadong malakas ang pamilya nila Alesteir sa courtroom na iyon kaya kahit ano pa ang ihain natin na ebidensya para patunayan na inosente ang itay mo ay walang bisa iyon."

"Attorney..."

"Pero huwag kang mag-alala, gagawan natin ng paraan, okay? Hindi tayo susuko."

"Salamat po ng marami sa tulong niyo."

He ended the call. Matagal akong nakatitig sa telepono kahit na natapos na ang tawag. Ang pag-asa na natitira sa puso ko ay parang natapon nalang.

'Talk to him,' sigaw ng aking utak. 'Makiusap ka, magmakaawa ka. Sabihin mo na gagawin mo ang lahat.'

Humigpit ang hawak ko sa telepono at mariin kong pinagdikit ang aking ngipin. Pumasok ako sa kwarto upang kumuha ng damit panlabas.

"Saan ka po pupunta, ate?"

"Diyan lang. Sandali lang ako, ha? Weekend naman bukas kaya kung hindi makakabalik si Ate agad, umutang ka muna ng pandesal sa tindahan. Sabihin mo, babayaran ko pagbalik."

"Sige po."

"Good night. Love ka ni ate."

Lumunok ako at huminga ng malalim. Palubog na ang araw, sumakay ako ng jeep patungo sa kinaroroonan na condo ni Alesteir.

Mahaba ang biyahe at hindi ko alam ang hinaharap kaya ibinilin ko muna si Krome sa kapit-bahay.

Para ito kay tatay. Para ito sa kaligtasan niya.

Nasa harap na ako ng condo unit ni Alesteir. Ito lang alam ko na unit niya at hindi ako sigurado kung naririto ba siya.

Nanginginig ang aking daliri nang pindutin ang doorbell. Ang sumunod doon ay katahimik, mahabang katahimikan.

Lumunok ako at pinindot muli ang doorbell. Sa pagkakataon na iyon at nakarinig ako ng yapak ng mga paa. Kumuyom ang aking mga kamay at mabilis ang pintig ng aking puso.

I heard a click and the door opened.

"I'll be damned. Mirabella in the flesh," his voice was  rough that it sounds like he just woke up.

Base na rin sa magulong buhok nito at gusot sa kanyang pants ay alam ko na kakabangon niya lang.

"Alesteir."

"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"

"Gusto kitang makausap. M-Maaari ba akong... pumasok?"

Ibinuka nito ang pinto at pumasok ako. Naamoy ko ang mamahalinh pabango nito nang lagpasan ko siya. Hindi ako umupo, bagkus ay tumayo lang ako sa gitna ng living room nito. Huminto siya sa bungad ng Foyer at isinandal ang balikat sa dingding.

"I think I only have a pickled juice inside my fridge right now. I have nothing to offer here."

"Hindi mo ako kailangan tratuhin na bisita."

"Mirabella," naiinis ako sa sarili dahil halos tumalon ang puso ko nang banggitin niya ang aking pangalan. "Gaano na katagal noong huling nag-usap tayo?"

"Ikaw, baka natatandaan mo pa?"

"You're not here to kill me, are you?" He sighed. "Mira, sweetheart, how could you hurt me with those little arms of yours?"

"Alesteir."

Pumikit ito nang banggitin ko ang kanyang pangalan dahil sa hindi ko alam na dahilan.

"N-Nandito ako para... makiusap."

"Makiusap? Para saan?"

"Si tatay—"

"Bakit ba pilit mong kinakampihan ang ama mo? Hindi mo ba matanggap na kahit sa iyo ay nagsinungaling don siya?"

"Hindi siya sinungaling."

He smiled mockingly.

Lumapit ito sa akin. Hindi ako makakilos at tila napako ako sa aking kinatatayuan.

He towered me. "Yeah. He's not a liar. He's a criminal."

"Ales—"

He put his finger over my lips to stop me. "Don't say my name with that voice. I will not be manipulated with it."

"Wala siyang kasalanan," bulong ko.

"And you came here to tell me that? Hindi ba dapat ay sa korte ka magpaliwanag?" Bumaba ang tingin nito sa aking labi. "Ano talaga ang pinunta mo rito, Mirabella? Are you here to seduce me?"

"Ga... gagawin ko ang lahat, Alesteir."

"In exchange of what?"

"Pababain mo lamang ang hatol kay itay."

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "He will receive what he really deserves."

Lumuhod ako. Pumatak ang luha sa aking mga mata.

"Nagmamakaawa ako, Alesteir. Ginamit lang nila si Itay. Hindi siya ang may hawak ng baril."

"Wala ka sa pinangyarihan ng insidente. Paano ako maniniwala sa mga salita mo."

"M-May panahon pa. Tutulong ako sa imbestigasyon."

Ilang sandali itong hindi nagsalita at nakatingin lamang sa akin. Humaplos ang kamay niya sa aking pisngi at pinahid ang luha.

"You'll really do anything for your father? Is he really good to deserve your tears?"

"Gagawin ko lahat."

"Anything?"

"Oo, Alesteir."

Pagkasabi ko n'on ay umangat na ang katawan ko at hindi na nakatapak ang mga paa ko sa floor.

Napasinghap ako nang marahan niya akong ibagsak sa malambot na kama nito. He climbed on top of me.

"You'll do anything, right?"

Lumapit ang kanyang mukha sa akin at napasinghap ako nang dumaiti ang mainit na labi nito sa aking leeg.

****
A/N: Hello, sorry sa matagal na update. Naging stress lang lately at medyo naging in-charge sa company ng amo ko. Magdalawang update nalang ako para 'di kayo mainip.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...