MASKARA

By PaulitoX

215K 6.5K 721

There is temporary peace among the four magic schools. The Institute is in place to control magical use to pr... More

Prologue
Chapter 1: Juan Miguel
Chapter 2: Paranoia
Chapter 3: The Good Boy
Chapter 4: Ang Ate
Chapter 5: The Institute
Chapter 6: City Of Pines
Chapter 7: Kaibigan
Chapter 8: Maskara
Chapter 9: Ivan
Chapter 10: Kapangyarihan
Chapter 11: Ang Guro
Chapter 12: Young Witch
Chapter 13: Young Elder
Chapter 14: Opening
Chapter 15: Ang Kuya
Chapter 16: First Encounter
Chapter 17: Manifestation
Chapter 18: First Battle
Chapter 19: Target
Chapter 20: Charlotte
Chapter 21: Crush
Chapter 22: Little Bro
Chapter 23: White Demon
Chapter 24: Elder Geron
Chapter 25: Mga Hinala
Chapter 26: Problem Child
Chapter 27: Protection
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 29: Leopoldo
Chapter 30: Mga Elemento
Chapter 31: Temper
Chapter 32: Superhero
Chapter 33: Nicanor
Chapter 34: Ang Kuya
Chapter 35: Stella
Chapter 36: Trio
Chapter 38: Unang Sabak
Chapter 39: Team Work
Chapter 40: Gate Keeper
Chapter 41: Genie
Chapter 42: House of Masks
Chapter 43: The Kiss
Chapter 44: Bond
Chapter 45: Break Out
Chapter 46: Dark Warlock
Chapter 47: Aftermath
Chapter 48: Hunted
Chapter 49: Awakening
Chapter 50: The Promise
Chapter 51: Cute Vigilantes
Epilogue

Chapter 37: Tropa

3.4K 114 6
By PaulitoX

Chapter 37: Tropa

Isang Sabado sa may hardin nina Miggy, nakatayo si Stella at Eric sa isang sulok habang pinagmamasdan nila yung sobrang daming mga pusa na nakaupo sa harapan nila. "Miggy bakit ang dami?" tanong ni Eric. "Wag kayo matakot, friends ko lahat yan" sabi ni Miggy.

Tumingala si Stella sabay niyakap manika niya pagkat sa bubong sobrang dami naman mga kalapati. "Pili na kayo, kahit ano diyan sa inyo na" sabi ni Miggy. May isang kuting na mabalahibo ang lumapit kay Stella, nagpaikot ikot ito sa isang paa niya kaya ang batang babae nakiliti.

Lumuhod si Stella sabay hinaplos yung kuting, "Miggy gusto ko siya, para siyang white tiger o. Nag mix yung black and white" sabi ng batang babae. "Sige sa iyo na siya, ikaw Eric sino ang gusto mo?" tanong ni Miggy.

"Hmmmm...ayon" sabi ni Eric sabay turo sa kulay grey na sobrang taba na pusa. "Hahahahaha Oinky name niya" sabi ni Stella. "Tawag mo na nga sa akin Oinky tapos cat ko Oinky din?" sagot ni Eric.

"E di Piggy" sabi ni Stella. "Sige" sagot ni Eric. "Ano name ng pusa mo Stella?" tanong ni Miggy. "Hmmm come Miggy" biro ng batang babae sabay tawa pero lumayo yung pusa. "Sige ka lokohin mo pa ako at magagalit sila laha sa iyo" sabi ni Miggy.

"Joke lang naman, come baby. I will call you...boy ba siya?" tanong ni Stella. "Girl" sagot ni Miggy. "Crystal, come baby Crystal" lambing ni Stella at lumapit yung pusa at nanlambing. "Uy uy uy" bigkas ni Eric na nagnerbyos nang inakyat siya ng pusa. "Ang bigat niya" reklamo ni Eric nang naupo si Piggy sa balikat niya.

Naupo si Miggy sa damo, sinugod siya ng mga pusa at lahat dumikit at lumambing sa kanya. "Wow, ang galing galing mo naman" sabi ni Stella. "Upo din kasi kayo, lahat ito friends ko" sabi ni Miggy kaya naupo yung dalawa at sinugod din sila ng ibang mga pusa.

"Miggy sino nakatira don sa small house?" tanong ni Stella. "Ay bahay nina Ivan at Adolf yan. Mamaya punta tayo don, inaayos pa kasi nila e" sabi ng batang lalake. "Wala ba kayo pagkain?" tanong ni Eric kaya natawa si Miggy. "Meron pero mamaya na pagkatapos natin magswimming, kasi nililinis pa yung pool. Tatawagin tayo ni ate Althea mamaya" sabi ni Miggy.

Ilang minuto lumipas nasa bahay na sila nina Althea. "You are so pretty ate" sabi ni Stella. "Salamat" pacute ni Althea. "Ang galing mo lumangoy, siguro dito ka lagi" sabi ni Eric. "Favorite ko swimming e, Stella di ka lalangoy?" tanong ni Miggy. "Lalangoy pero sabay na kami ni ate" sagot ni Stella.

"Ate, pareho tayo apat" sabi ni Miggy. "Ows? Mga witch din kayo?" bulong ni Althea. Tungo ulo sina Stella at Eric kaya napapalakpak si Althea. "Ate si Stella magaling sa kulam" sumbong ni Miggy. "Bestfriend na kita, mamaya mag usap tayo" sabi ni Althea.

Isang oras lumipas sa lungga nina Ivan at Adolf. "Wow, ang dami mo mask" sabi ni Stella. "Hindi ka natatakot?" tanong ni Miggy. "Hindi, ang dami dami mask" sagot ng batang babae. "Miggy sino sila?" bulong ni Eric.

"Ah, yan si Ivan tapos yung mas old si Adolf. Ivan and Adolf these are my new friends. They are like me" sabi ni Miggy. "Uncle mo at lolo mo?" tanong ni Stella. "Hindi, basta friends ko sila. Dito sila nakatira" sabi ni Miggy.

"Do you know what a summon entity is?" tanong ni Ivan. "No" bulong ni Stella. "Ah then you can just call us friends" sagot ni Ivan. "Teacher ko sila, tinuturuan nila ako ng madami" sabi ni Miggy. "Hello little girl, you have a very nice doll. Let me guess you are a doll user" sabi ni Adolf. "Ano yon?" bulong ni Stella kaya natawa si Miggy.

"Ganyan sila lagi, di ko din alam sinasabi nila e" sabi niya. "Bakit may dark smoke sila?" tanong ni Stella. "You can see the dark smoke?" tanong ni Adolf. "Saan? Wala naman e" sabi ni Eric kaya nilapitan ni Adolf si Stella.

"You master the dark elements" bulong ng matanda. "Ano po yon?" tanong ni Stella. "Okay lang iha, nothing to worry about" sabi ni Adolf saka niya tinignan si Ivan. "O lets go, kakain na tayo. Narinig ko na boses ni ate Althea" sabi ni Miggy.

"Kakain din siya sa house niyo?" tanong ni Eric. "Oo, lets go" sabi ni Miggy na nauna. Pagkaalis ng mga bata napailing si Adolf. "Those two kids are dark element users, hindi maganda para kay Miggy" sabi niya.

"Ano magagawa natin? Miggy already considers them as friends" sabi ni Ivan. "Kaya nga, delikado ito kasi baka mainpluwensyahan nila si Miggy" sabi ni Adolf. "So what can we do?" tanong ni Ivan.

"Wala na, gabayan nalang siguro siya ng maigi" sabi ni Adolf.

Sa dining area, "Ang takaw takaw mo" sabi ni Miggy. Di kumibo si Eric, si Anabelle napalunok pagkat parang isang bundok yung kanin sa plato ni Eric. "Magluluto pa ata ako" sabi niya pabulong. "Ganyan talaga yan, ang dami kinakain pero hindi tumataba" sabi ni Stella.

"Eric pag naging dalawa kayo, tapos pag kumain kayo e pareho kayo nabubusog?" tanong ni Miggy. "Sinubukan mo minsan pero pinagalitan ako e" sabi ni Eric. "Wag mo gagawin ngayon kasi baka maatake sa puso si ate" bulong ni Althea.

After lunch nasa labas na sina Miggy, Stella at Althea habang si Eric naiwan sa kusina at kumakain pa ng cake. "Ang takaw naman niya" sabi ni Miggy. "Sabi ko sa iyo e, Crystal come to mama" sabi ni Stella. "Joey! Max!" sigaw ni Miggy saka sila lumabas ng gate. "Pupunta kayo sa park?" tanong ni Althea. "Oo ate, sama ka?" tanong ni Miggy.

"Hindi ako pwede umitim e" sagot ni Althea. "Konti lang naman ate e" sabi ni Stella. "Sige kayo nalang, pagbalik niyo sunduin niyo ako sa house ha" sabi ni Althea. "Eric sunod ka sa park. Magpasama ka kay Piggy at ituturo niya daan" sigaw ni Miggy. "Sige" sagot ni Eric.

Habang naglalakad lingon ng lingon si Stella. "Bakit?" tanong ni Miggy. "Maganda dito sa place niyo, parang hindi ako nasasakal" sabi ng batang babae. "Ano?" tanong ni Miggy. "Hindi ko alam, parang peaceful dito" sabi ni Stella.

"Ah kasi sa inyo may barrier e" sabi ni Miggy. "Barrier?" tanong ng batang babae. "Oo, kasi nung pumunta ako nakita ko. Para siyang color pink na very light. Parang protection" sabi ni Miggy. "Meron? Bakit hindi ko nakikita yon?" tanong ni Stella. "E kasi tinuruan ako ng elements e, kaya nakikita ko siya" sabi ni Miggy.

"Elements?" tanong ni Stella. "Oo, gusto mo matuto din? Sasabihin ko muna sa lola at lolo na teachers. Pag gusto nila sige sama ko kayo" sabi ni Miggy. "Pano yung elements?" tanong ni Stella. "Yung wind, earth, tapos yung iba pa. Hindi mo ba alam yon?" tanong ni Miggy.

"Alam ko pero...swing" sigaw ni Stella. Sumakay agad yung batang babae saka tinignan si Miggy. "Wag ka uupo, itulak mo ako" sigaw ni Stella pero si Miggy napangisi nang kusang gumalaw swing niya. "Oo nga no" sabi ni Stella kaya natawa siya at ilang saglit gumagalaw narin swing niya.

"Max, Joey, Crystal, go and play" utos ni Miggy kaya tumakbo yung mga pusa palayo. "Ang ganda dito sa place niyo, tapos inggit ako kasi nakakausap mo mga animals" sabi ni Stella. "E ikaw ano pa ba kaya mo gawin?" tanong ni Miggy.

"Hmmm madami din" sabi ni Stella. "Tulad ng ano?" tanong ng batang lalake. "Tignan mo ako" sabi ng batang babae. Pagtingin ni Miggy napasigaw siya at nalaglag mula sa swing. "Hahahahahaha" hiyaw ni Stella kaya dahan dahan tumayo si Miggy.

"Bakit naging monster itsura mo?" tanong ni Miggy. "Kasi nacontrol ko mind mo na makita ako na monster" sagot ni Stella. "Ows? Hindi ka talaga monster?" tanong ni Miggy. "Ang bad mo! Hindi ako monster!' sigaw ni Stella.

"Ang galing naman, e di sana ikaw nalang nanakot kay Raymond" sabi ni Miggy. "Papagalitan ako kasi e" sabi ni Stella. "E bakit ako yung pinag attack niyo sa kanya?" tanong ni Miggy. "Kasi hindi ka nila pwede pagalitan hindi ka naman taga doon" sabi ni Stella.

"Ahhh...tapos sinubukan mo minsan pero akala niya naka costume lang ako. Muntik na niya ako sinipa. Natakot siya konti lang" bulong ni Stella. "Sinipa ka niya?" tanong ni Miggy. "Muntik na, tapos nung kukulamin ko siya nafeel ni lola kaya napagalitan ako" sabi ni Stella.

"E sinira naman niya doll mo e" reklamo ni Miggy. "Oo pero wag daw ako manakit sabi ni lola. Kasi daw baka may ibang makaalam" sabi ni Stella. "Ay oo mga bad people" sabi ni Miggy. "Kilala mo mga yon?" tanong ni Stella. "Hindi pero inattack din kami ni ate Charlotte"

"Kaya dapat daw careful" sabi ni Miggy. "Oo daw, kasi daw baka kunin ako" sabi ni Stella. "Wag mo na gagamitin kasi pang cheat" sabi ni Miggy. Humarap si Stella kaya sumigaw ulit si Miggy. "Hahahaha takrot" sigaw ng batang babae. "Akala ko ba friends tayo?" tanong ni Miggy. "Friends naman tayo, ikaw kasi ang kulit mo" sabi ng batang babae.

"O yan na si Eric" sabi ni Miggy na tumayo para ialok yung swing sa bago niyang kaibigan. "Eric totoo daw yung mga nangunguha" sabi ni Stella. "Totoo? Hinuli ka na ba?" tanong ni Eric.

"Hindi, muntik kami pinatay" sabi ni Miggy kaya natakot yung mga kaibigan niya. "Malakas na lolo yung gusto pumatay sa amin. Pero si ate Charlotte yung gusto kunin pero kasama niya ako. Tapos sinaktan niya ako kaya tinawagan ko sina Ivan, sila pumatay sa kanya" sabi ni Miggy.

"Ows?" tanong ni Stella. "Oo, pero nakakatakot siya. Kaya gusto ko nga lumakas pa para hindi ako makuha" sabi ni Miggy. "Totoo pala, akala ko tinatakot lang kami" sabi ni Eric. "Totoo, kaya dapat lagi careful" sabi ni Miggy.

"Gusto ko ng ice cream" bulong ni Stella. "Ako din" bigkas ni Eric. "Wala kami ice cream e, pero alam ko saan bibili. Kaya lang di tayo papayagan kasi malayo siya" sabi ni Miggy. "Utusan mo si ate" sabi ni Stella. "Hindi pwede kasi babantayan niya sister ko" sabi ni Miggy.

"Gano ba kalayo?" tanong ni Eric. "Alam ko na pero...baka mapagod ako" bulong ni Miggy. "Bubuhatin mo kami?" tanong ni Stella. Humarap si Miggy, hinawakan niya mga kamay ng kanyang mga kaibigan.

Agad sila nawala saka sumulpot sa likod ng isang poste. Sabay sabay sila napaupo, hilo sila lahat kaya si Miggy kamot ulo. "Wala na tayo sa park" sigaw ni Eric. "Shhh wag ka noisy" sabi ni Miggy. "Wow, si lola lang may kaya gumawa non e" sabi ni Stella.

"Wait lang pagod ako" sabi ni Miggy. "Napagod ka?" tanong ni Stella. "Ako nahihilo ako" sabi ni Eric. "First time mo siguro" sabi ni Stella. "Oo, bakit ikaw?" tanong ni Eric. "Lagi kami ni lola pero nahihilo din ako" sabi niya kaya nagtawanan yung tatlo.

"Ayan yung nagbebenta ng ice cream" sabi ni Stella. "Kaya nga pero wala tayo pera" sabi ni Miggy. "Ayyy..." bigkas ni Eric saka nagdabog. "Wait lang" sabi ni Miggy saka tumingala. "Can you go to my house please and tell Joey to get money from my room" sabi ni Miggy sa isang ibon.

Lumipad agad yung ibon kaya si Stella natuwa. "Matagal?" tanong niya. "Ewan ko, wait nalang tayo konti" sabi ni Miggy. "Sampung minuto lumipas nakabalik yung ibon. Inabot yung pera kay Miggy pero napakamot siya.

"Akin na yan, madami na yan" sigaw ni Eric. Takbuhan yung mga bata at sinugod yung nagbebenta ng ice cream. "Wag mo kami lolokohin" sabi ni Miggy sa nagbebenta. Nagpyesta ang mga bata kaya si Stella dumikit kay Miggy. "Ang dami mo money" sabi niya.

"Savings ko yan, pero okay lang basta happy kayo" sabi ni Miggy. "Pwede natin gastusin lahat?" tanong ni Eric. "Oo, sige lang kuha ka lang" sabi ni Miggy kaya ilang minuto lumipas sumuko na sina Miggy at Stella habang si Eric gusto pa niya.

"Wala na money" sabi ni Stella. "Alam ko pero gusto ko pa sana" sabi ni Eric na naglakad lakad. Pinulot ni Miggy yung isang popsicle stick, nanlaki ang mga mata ni Stella saka nagpigil ng tawa.

"Eric o, gusto mo popsicle?" tanong ni Miggy. Nanlaki ang mga mata ng payat na bata. Agad dinilaan ni Eric yung popsicle, si Stella pumikit pagkat kumunot na noo ni Eric. "Ano flavor ito?" tanong niya.

"Ikaw kumakain e, ikaw magsabi" sabi ni Miggy. Kumagat si Eric, "Walang lasa" sabi ni Eric. "Wala ba?" tanong ni Miggy. "Wala, parang yelo lang siya" sabi ni Eric kaya natawa na ng malakas si Stella.

"Ginawa lang ni Miggy yan" hiyaw ni Stella kaya nagsimangot si Eric kaya lang kinain parin yung popsicle. "Sana ginawa mo naman maalat" sabi niya kaya laugh trip yung mga bata.

"Kinain mo parin" sabi ni Miggy. "Gutom ako e, gawa ka pa" sagot ni Eric kaya lalo sila nagtawanan. "Lakarin nalang natin pabalik" sabi ni Stella. "Oo nga, pero gawa ka pa" sabi ni Eric.

Habang naglalakad kain ng kain parin si Eric. "Grabe ang takaw takaw mo talaga, pano ka nagpupu?" tanong ni Miggy. "Hmmm okay lang" sabi ni Eric. "Madami din?" tanong ni Miggy. "Yuck!" sigaw ni Stella.

"Buti ka pa hindi ka maarte, si ate Althea maarte" sabi ni Miggy. "Dapat gumawa tayo ng team, tapos ako leader" sabi ni Stella. "Ano team? Parang Power Rangers?" tanong ni Eric.

"Hmmm oo pero tatlo lang tayo" sabi ni Stella. "Sige, pero bakit ikaw ang leader, dapat si Miggy kasi madami siya pera" sabi ni Eric. "Ako ang leader!" sigaw ni Stella. "Siya nalang ang leader" sabi ni Miggy.

"E ano name ng team natin at ano gagawin natin?" tanong ni Eric. "Wala, basta team. Magtulungan tayo" sabi ni Stella. "Tatlo lang tayo? Di na pwede mag add?" tanong ni Miggy.

"Pwede basta mabait basta ako leader" sabi ni Stella. "Pwede ko isama si ate Charlotte, tapos si ate Gen tapos si ate Althea" sabi ni Miggy. "Basta ako leader!" sigaw ni Stella.

"Oo nga ikaw leader, pero ano gagawin natin? Bible study?" tanong ni Miggy. "Bible study?" tanong ni Eric. "Basta team tayo! Kahit ano gagawin natin pero una gagantihan natin lahat ng kaaway natin" sabi ni Stella.

"Masama yon" sabi ni Miggy. "Oo nga, baka makarma tayo" sabi ni Eric. "Basta! Ako leader, ako masusunod" sabi ni Stella. "Sige, sino uunahin natin at ano gagawin natin?" tanong ni Miggy.

"Gagawa pa ako list, ang gagawin natin e dapat magsisi sila sa ginawa nila tapos mag promise sila na hindi na uulit" sabi ni Stella. "Ah sige ganon pala" sabi ni Eric. "Oo nga, maganda yan para hindi na sila makasakit ng iba diba?" sabi ni Miggy.

"Oo at para matakot sila sa akin" sabi ni Stella. "Bakit sa iyo lang?" tanong ni Miggy. "E kasi ako leader e" sabi ng batang babae. "Okay lang para siya lang yung bad" sabi ni Miggy. "Oo nga no" sabi ni Eric kaya napaisip si Stella.

"Sige matakot sila sa atin" sabi niya bigla. "E di tayo magiging bully?" tanong ni Eric. "Hindi, para tayo superhero kasi nga diba sila yung bad e. Tapos tayo hindi na natin sila gagawin bad" sabi ni Miggy.

"Ahhhh...tapos magbabayad sila ng pagkain" sabi ni Eric kaya natawa ng malakas si Stella. "Gawa tayo list ha, tapos una yung akin" sabi niya. "Sige, pero wag natin sila sasaktan ha" sabi ni Miggy.

"Oo, parang yung ginawa mo lang kay Raymond" sabi ni Stella. "Ay sige sige" sabi ni Eric. "Kasi baka makulong tayo, lolo ko judge yon e. Kaya dapat wag tayo mag break ng rule at human rights" sabi ni Miggy.

"Masyado ka takrot! Wag kasi magpapahuli. Pag nahuli tayo e di weak tayo. Pag hindi tayo nahuli e di strong tayo" sabi ni Stella. "Baka sabihin nila bad tayo or evil" sabi ni Eric.

"E ano ngayon e maganda naman ginagawa natin. Bakit si Robin Hood magnanakaw pero madami napapakain na poor?" sabi ni Stella. "Ang sabi ni lola ko the end does not...ahmmm basta hindi daw reason yung result" sabi ni Miggy.

"E di kayo ng lola mo ang mag team" sabi ni Stella saka inirapan yung dalawa.

5E

Continue Reading

You'll Also Like

114K 4.6K 43
(This is not machine translated!) (Starts from chapter 241.) A guy in his late twenties one day wakes up in someone else's body and realises he's gon...
150K 4.9K 100
You're a purple light-skinned Na'vi with white hair. (Ik Ik literally Also you got them (star galaxy purple eyes) No culture or any of that cause tha...
32K 1.1K 19
Cassandra is an independent woman. She can have anything that money can afford. She has the face of an angel that any girl can envy. Sabi ng karam...
75.2K 4K 44
[Taglish - Unedited] MayWard inspired fiction that revolves around the story of Edward, the rich heartthrob and Marydale, a budding model. Ambitions...