Magical Tale: Pure De Luxe (o...

By simplegorgss

17K 429 45

She's no one to someone, she's no where to be found and she's out of love by all. A girl wants to find hersel... More

Author's Note (Read)
Prologue
Introduction of the 5 castle
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 5.1
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 7.1
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12 Real
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 10

551 16 3
By simplegorgss

Nasa likuran kami ng bahay ngayon ni Zoren. Kanina pa kami andito ngunit wala pa rin kaming kibuan. Nahihiya din kaya siya? Bat di niya ko pinapansin?

Kapag lalapit ako sakanya, lumalayo siya. Lam nyo yun? Parang tanga lang. Alam naman niya siguro na tuturuan niya ako para mapalabas ang kapangyarihan mayron ako. Tapos di niya ako papansin. Hays! Nakakatanga lang.

Di ko naman siya masisisi kasi ako din nahihiya, sobrang nahihiya. Nilalakasan ko lang ang loob ko dahil gustong gusto ko ng malaman ang kapangyarihang meron ako.

"Ehem" kunwaring ubo ko para maagaw ang atensyon siya.

"Ehem ehem" tumayo ako at naglakad palapit sakanya. Ano ba yan. Ako pa ang naglalakas loob para magsimula na kahithiyang hiya ang mukha ko.

"Ehem ehem ehem ehem" napalingon naman siya sakin na naka poker face. ano pa bang bago? lagi naman ganyan ang mukha niya.

"My sakit kaba?" tanong niya. Kung mayron man, nag aalala ba siya?

"Wala. Magsisimula naba tayo?" tanong ko sakanya. Bumalik naman siya sa pwesto niyang nakasandal sa puno at nakapikit.

Ano ba tong lalaking ito. Wala ba siyang balak magsimula? nakakainis na. hays Sumasakit ulo ko e!

"Handa kana ba?" tanong niya pa sakin kaya napatingin ako sakanya, dumilat naman siya sabay tumingin sakin. Waa. ang gwapo. Mag hulos dili ka Aliyah. Okay lang yan.

"Ah eh oo kanina pa! Hinihintay lang kita" sabi ko pa sakanya.

Tumayo siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Pinwesto ako sa gitna.

"Pumikit ka at pakiramdaman mo kung anong dumadaloy sa katawan mo. Pakiramdaman mo ang nasa paligid mo. Pakinggan mo ang tibok ng puso mo at sinasabi ng isip mo. Kapag naramdaman mong my tunatawag sayo, pakinggan mo, at hayaan mong pumasok siya sa puso mo"

Gusto siyang palakpakan dahil napakaseryoso niya ngayon. Pinipigilan  ko nga lang tumawa e. Pero infairness, nakakadagdag pogi points siya ngayon.

"Sige magsimula kana, pag nalaman mo na tawagin mo ako" sabi niya sakin. Bumalik siya sa puno at pumikit ulit. Waa. Gagawin ko na. 1,2,3

'Pumikit ka at pakiramdaman mo ang dumadaloy sa katawan mo'

Tatayo lang ako? Pwede naman siguro umupo db? Bwisit siya, gusto pa ako pahirapab. Kaya umupo na ako at pumikit.

Hays teka nga, dumilat ako at tinanong sa sarili kung paano? di ko alam gagawin ko. Papakiramdaman ko ang dumadaloy sa katawan ko? Pero paano? Pumikit na ako ulit at nagconcentrate.

Waaaaa! Bakit yung nangyayari kahapon ang nakikita ko pag pumipikit ako. Nag faflashback ang mga nangyayari kahapon. Hayy Di ako nakaka concentrate dahil sa halimao na yun.

"Di ka talaga makakapag simula kung ganyan ka ng ganyan. Dapat mabilis lang ang gagawin mo pero ang tagal tagal ng iyo." saad ni Zoren na nasa likuran ko.

"Empty your mind. Wag kang mag isip ng kung ano!" tama di dapat iniisip mga ganong bagay pero paano, eh first kiss ko yon? Diba? Nakakalimutan ba yung first kiss ha? Tapos kahapob lang nangyari. Bwisit

"Ano ba kasi iniisip mo ha?" - Siya

"Ikaw."

"Ha? Ano?" tanong niya ulit sakin. Natauhan naman ako sa nasabi ko.

"Ay sabi ko hilaw. Hilaw yung dalang mangga ni Lolo nung isang araw. Sayang nga e." tumayo na ako at bumungad sakin ang gwapo niyang mukha.

"Bukas, uulitin natin" di pa siya tapos magsalita, nagsalita ako.

"Ang alin?" Waaa! Napahawak ako sa bibig ko. Nakakahiya, iniisip ko bang uulitin naming ang kiss? Kyaaa!

*cough* "Bukas, gagawin natin ulit ito, siguraduhing mong magagawa mo ang pagpapalabas ng kapangyarihan mo kundi mapipilitan akong ipalabas yan sa delikadong paraan." sabi niya pa sabay naglakad papasok sa bahay. Ibig ba niyang sabihin gagamitin niya ang kapangyarihan niya sakin? Aba my balak ba siyang patayin ako?

kundi mapipilitan akong ipalabas yan sa delikadong paraan

Waa! My balak nga siyang patayin ako?


2nd day *

"Ready kana?" tanong sakin ng halimao. 7am pa ng umaga ginising na niya ako, andito na pala kami sa likod ng bahay. Hayy inaantok pa ako.

"Oo halimao" naglakad na ako papunta sa gitna at umupo.

"Ano sabi mo?" sigaw niya sakin. lumingon ako sakanya at tinignan siya ng masama.

"Shhh! Ang aga sumisigaw ka." sabi ko pa. Wala pa ako sa wisyo makipag bangayan sakanya ng ganitong kaaga. Inayos ko naman ang sarili ko at pumikit. Mukhang matutulog lang ako e.

Umayos ka Aliyah. Kung di mo magawa yan bahala ka, baka gusto mong mapalabas yan sa delikadong paraan. Waaa.

"Gawin mo na ang dapat mong gawin"

"Anak ng teteng!" bulalas ko sabay tayo sa pwesto kung nasan ako.

"Pwede ba wag ka naman manggulat Zoren." sabi ko bumalik na ako sa pagkaupo at nagsimula ng mag imbento kung paano gawin.

Pinikit ko ang mga mata ko. Inalis ang mga naiisip ko.

Nagcoconcentrate na ako ng bigla nanamang lumabas ang nangyari nung nakaraan sa isip ko. Ba naman Zoren! Alam ko first kiss ko yon pero gusto ko na malaman ang kapangyarihan ko. Maya nalang kita isipin. Pwede?

Iniling iling ko naman ang ulo ko at huminga ng malalim. Pwinesto ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang hita ko. Para lang ako nag memeditate.

Concentrate Aliyah. Hingang malalim.

Nararamdaman ko namang bumibigat ang mata ko habang nakapikit. Sino bang di aantukin ng ganitong kaaga. Bwisit na Zoren yun. Mukhang makakatulog na nga ako neto.

Ngunit wala pang ilang minuto, nagising ang diwa ko. Natulog pa ako! Minulat kong dahan dahan ang mga mata ko. Sa gulat ko ay napatayo at ako inilibot ang mata ko sa paligid.

Hindi ito ang lugar kanina. Nasaan ang bahay ni Lolo? Lumingon ako sa likod at wala ang punong sinasandalan ni Zoren. Wala din siya. Waa. Asan ako? Napakamot naman ako sa ulo. Jusko Aliyah, San kaba nagpupunta.

Pero infairness, maganda dito. Sariwa ang hangin. Parang walang katao tao. Nakakagaan sa pakiramdam.

Naglakad lakad ako sa lugar nato, hinahayaan ang mga paa kung san ako dadalhin hanggang may isang puting punong naagaw ang atensyon ko. Wow ngayon lang ako nakakita ng puting puno. Astig! Pero parte ba ito ng Madrinadia? O hindi? Gulo!

Lumapit ako sa malaking puting puno na yun at tumingala. Grabe ang laki laki niya. Ang dami pang mga mansanas pero kakaiba ang kulay. Kulay ginto. Weird.

Aalis na sana ako ng biglang my narinig akong tumatawag sakin.

'Aliyah' sabi na neto. Napakahinhing boses ang narinig ko mula roon sa karagatan. Hindi ako nagkakamali kung saan galing ang boses na yon.

Naglakad ako papuntang karagatan ngunit my narinig ulit ako tumawag sakin banda roon sa my punong puti. Kaya napalingon ako at mga sanga ng puno ay parang sumasayaw dahil sa hangin. Ang weird na talaga. Wala namang katao-tao dito at my tumatawag sakin. Hindi ba siguro mga multo yun?

Biglang lumakas ang hangin kasabay ang isang pang boses na sinasabi ang pangalan kong 'Aliyah'.

"Magpakita ka sakin. Hindi yung tinatakot moko" sigaw ko pa sa paligid. Nakakataas ng balahibo ang hangin kanina. Sobrang lamig.

Lumingon ulit ako sa dagat at my napakalaking whirlpool na hinihigup ang mga tubig pailalim. Nakaka amaze pero nakakatakot dahil sa malaking butas na nasa gitna. Baka mamaya may monster na lumabas dyan, patay ako.

Pinagmamasdan ko pa rin ang dagat ng biglang naging kulay puti ang parte ng whirlpool. Biglang my isang babaeng nakaputi at my mga perlas ang buhok ang lumitaw sa dagat, napaatras ako ng kaunti. Ay mali, umatras na talaga ako

Isang malakas na creak ang narinig ko banda sa gubat kaya napalingon ako roon at kaagaw agaw pansin ang puting punong bumubukas ang gitna. My isang babaeng nakaputi at my ugat ang ulo na parang korona ang lumabas. Ang ganda niya. Mas lalo naman ang babaeng nasa dagat, sobrang ganda niya.

Eto nanaman ang malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa mga balat ko. Lumingon ako sa isang lugar at nakita ang higanteng tornado papunta sa gitna ng dagat at gubat. Tumakbo ako palayo, Aba Malamang! Hindi ko pa balak mamatay.

Huminto ako saglit dahil hinihingal ako. Tumingin ulit ako sa tornado na unti unting nawawala. Nang mawala ng tuluyan. Isang babaeng mahaba ang buhok at nakaputi iniluwa ng hangin, na ngayon lumulutang pa rin sa ere.

Ang babaeng tubig ay naglakad papunta sa gitna. Ganoon din ang babaeng puno. Ang babaeng hangin naman ay pababa na. Sabay sabay silang napatingin sa pwesto ko at sabay sabay ding naglakad. Pupuntahan nila ako? Waa. Di pwede. Op ako! Maganda sila, pangit ako.

Tumakbo ulit ako at bumungad sakin ang napakalaking bulkan. Bigla naman itong sumabog kaya napaupo ako sa kinaroroonan ko. Inangay ko ang ulo ko at isang babaeng nakaputi ang nakangiti sakin.

Inangat niya ang mukha ko at itinayo. Lumayo layo naman ako sakanya ng kaunti. Naramdaman kong my nabangga ako at paglingon ko nakita ko ang babaeng puno, babaeng tubig at babaeng hangin. Waa.

"Teka po. Di pa ako ready mamatay. Di pa ako handa. Pwede sa susunod nalang kasi magagalit na talaga si Zoren neto!" napatigil ako sa pagsasalita ng sabihin ko ang pangalan ni Zoren. Tch! Kasalanan niya to e. Baka habang nakapikit ako, tinapon niya sa ibang mundo.

Pare-parehas naman silang nagtataka ang mukha at sabay sabay din ngumiti. Weird ha!

"Bakit po ako nandito? At nasaan po ako?" tanong ko pa sakanila.

"Nasa Heirasha ka Aliyah" sagot sakin ng babaeng hangin. Ano daw, nasaan daw ako? H-Heirasha? Saan namang sulok ng mundo yun.

"Ah eh Bakit po ako nandito?" tanong ko pa sakanila. Diyos ko! Bat mo ko tinapat sa mga babaeng ito. Nawawala ang self-esteem ko. Parang pag nakikita ko sila, sobrang pangit ko. Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung nag eexist ba ganitong mukha. Hays

"Aba! Malay namin sayo. Ikaw pumunta punta dito e!" sagot naman ng babaeng puno. Aba din. Makasagot to. Tch! *pout*

"Ikaw talaga Danaya napakasuwail mo!" saway sakanya ng my apoy sa ulo. Di ba siya napapaso? Hindi ba nasasaktan yung anit niya sa init?

"Narito ka Aliyah dahil sa kagustuhan mong malaman ang kapangyarihan mo. Tama ba ako?" sagot sakin ng babaeng hangin. Buti pa siya maayos sumagot. Di tulad ng Danaya na yun. Napalingon ako sakanya at sinimangutan ako. Aba!

"Hm. O-opo pero bakit dito ako dinala? Paano? Atsaka wala ako matandaang pumasok ako sa Porte. Isa pang tanong sino kayo?" sabi ko pa sakanila. Bago nila sagutin ang mga tanong ko. Nagpakilala sila sakin.

"Ako si Pirena." sabi pa ng babaeng my apoy sa ulo.

"Ako naman si Elena" sabi ng madaming perlas sa buhok. Napaka hinhin ng boses niya. Ang sarap pakinggan.

"Ako si Danaya" cold na sabi ng taong puno na yan! Nakakainis na siya ah!

"Ako naman si Amihan, Aliyah. Kami ang mga diwata na nangangalaga ng dyamante noon At kinagagalak naming makita kang harap harapan" ngumiti silang tatlo sakin habang si Danaya ay nakatingin lang sakin na nakapoker face.

Mga diwata sila? Di naman kaduda duda dahil ang gaganda nila.

"Dito ka dinala ng iyong kaluluwa upanf malaman ang kapangyarihang meron" patuloy pa ni Amihan.

Bigla naman nila akong hinawakan at pagdilat ko nasa ibang lugar na naman ako pero kasama ko ang apat na diwata. Paano kami napunta dito?

"Alam ko madaming tanong ang nasa isip mo ngayon, at masasagot mo rin lahat ng yan. Sa ngayon, kailangan mong malaman ang kapangyarihan mo." sabi ni Pirena sakin. Inalalayan niya ako papunta sa isang batong yelo. Nakikita ko ang sarili ko sa batong iyon.

"Pagmasdan mo ang sarili mo, Aliyah. Tahimik at simple lang ang nakikita nila sayo" patuloy pa niya. Hindi ba niya pwedeng sabihin, sexy at maganda ang meron ka.

"Napaka special ng iyong kapangyarihan Aliyah at Napakalakas"

"Ngunit!!" matigas na sabi niya. Napalingon ako sakanya ng nagtataka.

"Isa din napakadelikado kapag hindi mo inayos ang pag gamit neto" nagulat na lamang ako na batuhin ni Pirena ang batong yelo ng apoy hanggang sa lamunin ng apoy ang yelo.

"At dahil sa takot na nandyan sa puso mo, lumakas ang pagliyab ng apoy. Kaya mong palakasin at patayin ang kapangyarihan ng isang tao" sabi niya.

"Ganyan mangyayari sa madrinadia kung nagamit ka ng mga masasamang tao. Sa ngayon, Ang kapangyarihan mo ay mananatiling sikreto" at bigla silang apat nawala. Ang paligid ay naging puti hanggang sa mahilo ako at mawalan ng malay.

Naramdaman kong my tumutusok sa pisngi ko. Dinilat ko ang mga mata at nakita ko si Zoren. Inilibot ko ag mata ko at nasa kwarto na ako.

"Okay kalang ba?" alalang sabi ni Zoren dahil sa tono ng boses niya.

"Anong nangyari sayo? At ang tagal mong natulog simula kaninang umaga." sabi pa niya. Lumingon ako sa bintana at mag gagabi na pala. Ganon ako katagal natulog?

Panaginip lang ba ang nangyari sakin kanina? Parang hindi e. Parang totoo! Hindi ako pwedeng magkamali. Lahat ng nangyari sa lugar na yon ay totoo.

Napalingon ako kay Zoren na nag aalala ngayon, si hada at baby liyah naman ay nakapatong sa tyan ko.

"Okay lang ako Zoren" sabi ko pa sakanya. Ngumiti naman siya at umalis na ng kwarto.

Ang kapangyarihan mo ay mananatiling sikreto

Masusunod mga diwata.


---

A/N: Sa wakas! Natapos ko ang chapter na ito! Jusko ilang araw din ako di nakapa mag update tama ba? Sorry na guys! Inasikaso ko lang ang school ko. Peace tayo

Ito na ang update ko! Basahin nyo na :* .

* simplegorgss

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...