Married to Unknown

By CloudMeadows

8.7M 321K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... More

Married to Unknown
PROLOGUE
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXIV.
XXXV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XLI.
XLII.
XLIII.
XLIV.
XLV.
XLVI.
XLVII.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

XL.

135K 4.9K 1.2K
By CloudMeadows

Gemma

May hindi ba sinasabi sa akin si mama? Ngayong napapaisip ako, parang may mali. Para bang may kulang na hindi ko maipaliwanag? Kaso hindi ko alam kung ano lang 'yon. Kasi naman maraming nagsasabi na hindi ko kamukha si mama at papa pero hindi ko lang iyon inintindi pero ngayon napapaisip na ako. Ewan ko ba kung bakit bigla itong sumagi sa isipan ko. Hindi ako makatulog kaya pumunta nalang ako dito sa balcony para magpahangin.

"Ma? Pasensya na kung hindi pa kita nabibigyan ng hustisya sa pagkamatay mo." Napatingin ako sa langit. Siguro masaya na siya kasama si papa ngayon.

"Pero hayaan mo, gagawin ko ang lahat. Hahanapin ko kung sino ang may kagagawan nito." Naiyukom ko ang kamay ko. Iniisip ko palang yung kababuyan na ginawa nila sa nanay ko, hindi ko na masikmura. Sinong matinong tao ang kayang gumawa ng bagay na 'yon? Mali. Hindi sila tao. Mga demonyo sila.

Pinunasan ko yung mga luha na hindi ko namalayan at napahinga ng malalim. Ano na nga bang susunod sa buhay ko? Maayos na kami ngayon ni Luc pero ganito nalang ba? Laging may humahadlang sa pagsasamahan namin, hindi na matapos tapos yung mga natatanggap ko at para bang may mali sa nakaraan ko. Hindi ko lang alam kung tama ba 'tong kutob ko pero gusto ko nang matapos ang lahat.

Niyakap ko ang sarili ko, medyo nilalamig na ako kaya napag desisyunan kong bumalik sa kwarto kaso may yumakap sa akin mula sa likuran bago ko pa magawa 'yon.

Naramdaman kong isinandal niya yung ulo niya sa balikat ko saka hinila ako mas papalapit sa kanya. Sa ngayon hindi na ako nilalamig. Pakiramdam ko nga ang init init ng mukha ko. Paano niya nagagawa sa akin 'to?

"What are you doing here?"

"Wala. Nagpapalamig lang."

"Hm? Can't sleep?"

He knows me well. Tumango ako.

"What are you thinking?"

"Luc..."

"Don't ever think of leaving me again." Mas isiniksik niya yung ulo niya sa leeg ko. Hinawakan ko yung kamay niya at humarap sa kanya. Dahan dahan kong hinawakan yung ibaba ng mata niya. Halatang halata sa kanya ang pagod at stress at mukhang hindi siya nakatulog ng maayos. Parang hindi bampira 'tong kaharap ko, para sa akin, normal siyang tao.

"Bakit andito ka? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" He frowned.

"I can't sleep without you."

"Luc! Put me down!"

"Sshh. Magigising mo yung kapit bahay."

"Luc!"

Binuhat niya ako nang walang kahirap hirap at inihagis sa kama. At bago pa ako makabangon, dinaganan niya agad ako. Ipinulupot niya yung kamay niya sa bewang ko at idinagan niya yung hita niya sa hita ko at tulad nung kanina, isiniksik niya yung ulo niya sa leeg ko. Alam kong pagod na pagod siya kaya hinayaan ko nalang pero kasi nabibigatan ako sa kanya kaya naman inayos ko yung posisyon namin. Nagreklamo pa siya pero parang ungol nalang kasi talagang tulog na siya. Isinandal ko yung ulo niya sa dibdib ko at hindi ko napigilan na paglaruan ang malambot niyang buhok.

"Goodnight Luc, sleep well."

****

Takbo lang ako nang takbo hanggang sa kapusin ako ng hininga. Maaga akong nagising dahil hindi talaga ako makatulog. Halos mamanhid na ang buong katawan ko sa kakatakbo kaya huminto muna ako sa gilid. Anong oras na ba? Mag aalas kwatro palang ng umaga? Ilang oras na ba akong tumatakbo?

Napagdesisyunan ko munang bumalik sa bahay ni Luc at baka may makakita na naman kasi sa akin na paparazzi, nalintikan na.

Hindi pa man ako masyadong nakakalapit nang may mapansin akong kakaiba. Napahinto ako at saka nagtago sa likod ng puno. Hindi ako sigurado kung tama bang magpatuloy ako ngayon dahil may lalaking nakatayo sa likod ng post light na medyo malapit lang sa gate. Hindi ko kilala kung sino dahil naka hood siya pero base sa tilta ng kanyang ulo, para bang nakatingin siya sa second floor ng mansion ni Luc.

Sino kaya siya?

"Arf! Arf!" Nagulat ako at nakalikha ako ng konting ingay na dahilan upang mapatingin sa kinaroroonan ko yung misteryosong lalaki. Agad akong napatakip ng bibig lalo na nung mapansin kong papalapit siya ditonsa kinaroonan ko.

"Arf! Arf!" Napahinto siya at tumakbo sa kabilang direksyon. Ngayon ko lang napansin na mas papalapit na yung nag papatrol dito sa subdivision at dala yung aso niya. Halos hindi na ako makahinga sa kaba.

"Miss? Anong ginagawa ninyo dito?"

"Ah kuya, nag jogging lang po."

"Ganun ba? Mag ingat ka hija." Umalis na sila at doon na ako tuluyang nakabalik sa bahay ni Luc. Tumuloy ako sa kwarto at nadatnan ko siyang tulog pa rin. Dahan dahan akong naglakad at nagpalit. Mukhang hindi na ulit ako makakatulog sa nakita ko kanina kaya pumunta nalang muna ako sa library ni Luc.

Naghanap nalang ako ng libro na pwedeng basahin pero hindi rin naman pumapasok sa utak ko yung binabasa ko. Para bang may bumabagabag sa utak ko kahit na anong gawin ko. Sa huli, wala akong nagawa kundi bumalik ulit sa kwarto at ingat ingat akong bumalik sa tabi ni Luc. Hinintay ko nalang na mag umaga. Wala akong ginawa mag damag kundi titigan yung mukha ng lalaki na pinapangarap ng marami. Hindi pa rin ako makapaniwala kung gaano ako ka swerte.

****

Hindi ko namalayan ang oras, at hindi ko rin namalayan na nakatulog pala ako. Napakapa ako sa tabi ko kaso wala ng tao doon. Napakunot noo ako. Umalis ako sa kama at bumaba papuntang sala kaso wala siya doon. Pumunta naman ako sa kusina kaso wala rin siya doon.

Asan kaya siya nagpunta?

Biglang nagbukas yung pinto at pumasok doon si Luc na mukhang kagagaling niya sa jogging. Walang sabi sabi siyang naghubad ng t-shirt sa harapan ko na para bang nag sh-shooting ng commercial at lumapit sa akin saka ako hinalikan sa ilong. That was new.

"Good morning beautiful."

Kinusot ko yung ilong ko na dahilan ng pagtaka niya.

"What's wrong?"

"Kailangan mong maligo."

"What?" He looks so offended. Gusto kong matawa sa reaksyon niya peri pinipigilan ko lang.

"Ang baho mo." Again, para siyang sinampal. Siguro nasanay siya na laging kinakakiligan ng mga babae at wala pang nagsasabi sa kanya niyan.

"What?"

Lumapit siya sa akin pero umatras ako. Nagbibiro lang ako. Mabango talaga siya pero mukhang hindi niya alam kung paano mabiro jusko.

"Did."

Tumama yung likod ko sa pader. Napatingin ako sa mga butil ng pawis na malayang tumutulo sa kanyang leeg papunta sa kanyang dibdib hanggang sa-

"You."

Nakatingala na ako dahil nasa harapan ko na siya at ang lapit lapit niya tapos ang tangkad niya. Iniligay niya yung kamay niya sa magkabilang ulo ko.

"Just."

Mas papalapit na yung mukha niya.

"Say?"

Inipit ko yung ilong niya at dahil sa pagkabigla, mabilis akong tumakas sa pagkakakulong niya sa akin at tumakbo papuntang garden. Hindi ko alam kung bakit ko siya pinang gigigilan ngayon. Siguro na mimiss ko lang talaga siya? Ewan ko ba. Mas nagiging komportable na ako sa kanya ngayon hindi katulad nung dati. Ngayon kasi mas pinagkakatiwalaan ko na siya at kahit ano pang mangyari hindi ko hahayaan na mangyari ulit yung nangyari sa amin.

"Gemma Andréz Hamilton."

Nanayo yung balahibo ko nang tumama yung likod ko sa dibdib niya. Paano siya nakarating dito? Eh diba-bakit ko ba laging nakakalimutan na bampira siya?

Napalingon ako sa kanya but wrong move. Tumama sa mukha ko yung tubig. Hindi ko alam na hawak hawak pala niya yung water hose.

"Luc!!" Ang lamig ng tubig!

"Now we're even."

Inagaw ko yung hose sa kamay niya at siya naman ang binasa ko ng tubig.

"Ha! Akala mo ha."

Siguro mukha na akong basang sisiw ngayon pero siya naman parang kakalabas lang sa isang calvin klein photoshoot. Napasigaw ako ng hawakan niya yung dalawa kong kamay kaya naman nabitawan ko yung hose. Tapos napatawa na naman ako bigla nang kilitiin niya ako sa bewang.

"Luc! Hahaha! Tama na! H-hindi ko ka-haha! Luc!"

"Take back what you said."

"Oo na! Ang bango bango mo na-hahaha-Luc ang sarap mo-haha- ngang halikan-hahaha Luc tama na!"

Sa wakas tumigil rin siya at napahawak ako sa tuhod at tiyan ko. Huminga ako ng malalim nang mapansin kong natahimik si Luc sa harapan ko at doon lang sumagi sa akin yung mga salitang nabitawan ko.

"Pasok na ako?"

"Not so fast."

He pulled my shirt and claimed my lips so fast. Napangiti ako, I miss this, I miss him. Pagkatapos ay kumalas siya at kinuha ang kamay ko na may singing at hinalikan 'yon. It was the perfect moment for the both of us, yung walang asungot na nanggugulo sa amin. It's just him and I, that's all it matters.

"Kailan kaya matatapos ang lahat?" Bigla kong naitanong sa kanya.

"Hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung kanino galing yung mga natatanggap ko at isa pa hindi ko pa nahuhuli yung pumatay sa nanay ko at ngayon kinukutuban ako." Napakunot siya sa sinabi ko. Alam kong nasira ko lang yung mood naming dalawa pero kasi di ako matahimik.

"Kinukutublan saan?"

"Hindi kaya ampon lang ako? Na talagang may kakambal ako? Kung tinitignan ko kasi si Nicca, parang totoong totoo yung mukha niya. Baka nga kambal ko talaga siya at..." Naramdaman kong nanigas si Luc sa tabi ko pero saglit lang 'yon at bumalik ulit siya sa normal. Bakit ganun? Bakit hanggang ngayon pakiramdam ko may tinatago pa rin si Luc?

"You need to relax okay? I'm here to help. Everything will end soon." He grabbed my waist and comforted me. Kahit basang basa na kami ngayon, hindi ako nakaramdam ng lamig nung niyakap niya ako. How I wish everything will end soon.

****

I was planning to make a dinner for Luc dahil may trabaho siya ngayon at alam kong hindi siya nakakakain ng maayos kaya walang orasan upang hindi siya kumain ngayong gabi. Wala man lang kalaman laman yung fridge at cabinet niya. Puro wine lang ang nakita ko dito kaya naman napagpasyahan kong mag grocery. Yung kasambahay kasi ni Luc ay nagbakasyon muna kaya ako lang natira mag isa sa bahay.

"Ate isa't kalahating kilo po ng drumstick, salamat." Nasa poultry section ako ngayon at nagtitingin tingin pa ako ng ibang pwede pang idagdag kaso may bumulaga sa harapan ko na isang nilalang na nakakaimbyerna.

"Ikaw na naman?!"

"Sus ang sabihin mo, miss mo na ako. Diba tama ako? Gusto mo kiss kita?" Umakto ako na parang nasusuka. Siya na naman yung lalaki sa bar at yung lalaki din nung nag grocery ako ng pang noche buena.

"Ouch. Hindi mo ba alam kung ilang babae ang nangangarap na mahalikan ako?"

"Itanong mo yan sa may pake."

"Sungit talaga."

"Umalis ka sa dinadaanan ko kung ayaw mong banggain kita."

"Eto na po, grabe." Umalis nga siya pero pumunta naman sa tabi ko at nakisabay sa akin.

"Ano bang problema mo?"

"Hmm? Wala? Inaano kita?"

May nadaanan kaming grupo ng mga babae at lahat sila nagtilian nang makita nila 'tong asungot sa tabi ko at ano pa nga ba, siyempre nagpapansin yung kumag kaya kinuha ko yun na pagkakataon para mabilis na lumayo.

"Honeybunch! Oy teka lang!"

Honeybunch? Jusko maryosep.

"Ba't mo naman ako iniwan? Nakikiuso ka na rin ba sa mga tao ngayon? Nang-iiwan?"

"Bahala ka diyan."

"Oy eto naman di mabiro. Tulungan na kita."

"Wag na."

"Bakit ba ang sungit mo sa akin?"

"Itanong mo sa pagong."

"Ang labo mong kausap."

"Walang kwenta kang kausap."

"Ako na diyan." Tinulak niya ako ng pabiro at siya na yung nagtulak sa cart.

"Excuse me? Close ba tayo?"

"Oo naman honeybunch."

"Tigil tigilan mo yang kaka honeybunch mo, nakakasuka."

"Honeybunch."

Nauna na siya at nanlaki yung mata ko dahil kung ano ano na yung pinaglalagay niya sa cart.

"Hoy! Kumuha ka ng sarili mong cart!" Ibinalik ko lahat ng junkfoods kaso matigas talaga yung ulo niya.

"Ano ba ako rin naman magbabayad."

"Lahat?"

"Oo."

"Pati yung sakin?"

"Oo nga."

Ayaw kong maniwala pero pagdating namin sa counter, naglabas agad siya ng credit card at binayaran niya lahat lahat. Aba kung ganito rin naman pala 'tong kumag na 'to, babawasan ko na yung pagiging masungit ko.

"8,980 sir and ma'am."

"Here."

Kaso ang laking halaga pa rin nun. Hindi ko maiwasang makonsensya.

"Ako na yung magbabayad sa kalahati."

"Wag na, mayaman kaya ako. Ano? Dagdag pogi points na ba ako sa paningin mo?"

Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Pero bagi kami umalis, mukhang hindi mapakali yung kahera at maya maya'y may inilabas siyang libro.

"Sir William pwede po bang pa autograph ng libro? Lagi ko po kasi kayong napapanood na magluto at nakakainspire ka po."

"Sure why not?" Kumindat pa pero naguguluhan ako.

"Here you go."

"Ah eh kiss po?"

"Ha? Nako next time nalang, andito kasi yung honeybunch ko eh, diba honeybunch?"

Nakakadiri talaga 'to.

Nakita ko yung libro at mukhang cookbook siya kasi nakita ko yung mukha niya doon na nakasuot ng pang chef.

"Wala sa hitsura mo."

"Huh?"

"Yung pagiging chef mo."

"Ah. Ano honeybunch, in love ka na sa akin?"

"Hambalusin kaya kita."

"Eto naman. Akin na yang mga yan."

Kinuha niya yung mga bitbit ko at isang plastic bag lang ang natira sa akin.

"Kaya ko na, aalis na rin ako."

"Magluluto ka 'no? Base sa mga binili mo kasi."

"Oo kaya akin na yang mga yan."

"Gusto mo turuan kita?"

"Alam mo? Feeling close ka rin eh no? Isa pa wala akong tiwala sa'yo."

"'Tong mukhang 'to? Oh c'mon honeybunch!"

"Guard!"

****

Hindi ko alam kung paano ako napilit ng kumag na 'to at andito siya ngayon sa mismong kusina ni Luc at naghahanda nang magluto. Alam kong mali ang magpapasok ng kung sino sino dito lalo na't hindi ko pa siya lubusang kilala pero aaminin kong hindi ako kagalingang magluto lalo na't wala si manang at siya nalang din ang alam kong pwedeng tumulong sa akin.

Pinanood ko lang si William na maghanda at ako naman nakitulong sa pag balat at slice ng mga patatas. Ang sabi ko kasi adobo yung lulutuin ko at siya na daw ang bahala. Ngayon ko lang napansin na seryoso pala siya tuwing nagluluto, walang mintis kada nag slice kaya manghang mangha ako habang pinapanood siya.

"Baka matunaw ako sa mga titig mo honeybunch."

"Honeybunch mo mukha mo."

Pinapanood ko kung paano siya magluto at te-take down notes din ako. Isa rin sa dahilan kung bakit pumayag ako ay dahil pumayag siya na bibigyan niya ako ng maraming cookbooks na sarili niyang gawa at isa pa sa states lang kasi siya available kaya mahihirapan akong kumuha dito sa Pinas.

"And done!"

Nag lagay pa siya ng mga anik anik sa taas. Para siyang upgraded style ng adobo at kulang nalang maglaway ako. Sunod naman niyang inihanda yung Java rice na niluto niya kanina.

"Galing ko no?"

"Sa pagluluto lang."

"Pati kaya sa kama at chiks." Kumindat siya at nandiri ako. Kailangan ba niyang sabihin yun?

Napatingin ako sa orasan at nalaki yung mata ko dahil 5 minutes nalang andito na si Luc.

"Umalis ka na!"

"Huh?"

"Ang ibig kong sabihin, maraming maraming salamat sa tulong mo sa akin sa pagluluto kaso kailangan mong umalis ngayon."

"Bakit? Teka teka bakit mo ako tinutulak?"

"Salamat William ha?"

"Teka nagugutom rin kaya ako!"

"Sa susunod nalang sige na, alis na."

"Aray-oo-huwag mo naman akong itulak honeybunch-eto nga-aray."

Sa wakas naipasok ko na rin siya sa sasakyan niya at wala rin siyang nagawa kundi mag drive paaalis. Napahinga nalang ako ng maluwag at napatingin sa orasan. Pumasok ako sa bahay at siniguro kong hindi amoy yung perfume ng lokong 'yon dito sa bahay. Pakiramdam ko nagtataksil ako dito sa pinaggagagawa ko pero hindi naman. Nang maayos na ay nag ayos ako ng plato. Sana lang wala siyang mapansin na kakaiba lalo na't masyadong siyang sensitive sa paligid niya.

Narinig ko na yung tunog ng sasakyan ni Luc kaya naman lumabas ako para salubungin siya. Naabutan ko siyang nagtatanggal ng necktie habang yung blazer naman niya ay nakasabit sa balikat niya. Kahit saang anggulo, masasabi mo talagang modelo 'tong lalaki na naglalakad papalapit sa akin.

Hindi pa niya masyadong natatanggal yung necktie niya nang hilain ko yun at bingyan siya ng maikling halik sa labi.

"Feisty. I like it." Pabiro ko siyang hinampas kaso nakuha niya yung kamay ko at hinila niya ako papalapit sa kanya at mas idiniin niya yung labi niya sa akin.

"Look who's talking." Napatawa na lamang ako at kinuha yung blazer niya at pumasok na kami sa loob. Tinignan ko yung kanyang reaction pagkapasok namin at wala namang kakaiba, buti nalang. Pumasok na kami sa dining room at inayos ko yung ibang pagkain.

"You cooked this?"

"Oo." Well, to justify my answer, tumulong ako. "Bakit? Ayaw mo ba?"

"No, no. It's just..." Kinilatis niya yung pagkain kaya bumalik yung kaba ko.

"It looks like those dishes you serve in a restaurant."

"Hindi ko yan binili ah."

"I know, kitang kita nga yung pinaglutuan mo sa sink."

I just laughed nervously. Kumain na kami at hindi ko maiwasang mapangiti nang mapansin ko na kanina pa siya kumukuha ng kanin.

"Hindi ka ba nacoconscious sa kinakain mo? Alam mo na, ganyan yung mga model diba?"

"F*ck modelling right now, I'm hungry-no-starving." He corrected. Nakakatawa lang siya tignan dahil para siyang bata na gutom na gutom, may kanin pa sa ibaba ng labi niya. Tumayo ako at tinanggal 'yon kaso nagulat ako ng halikan niya ang daliri ko.

"You have sauce on your finger."

END OF CHAPTER 40.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 637 14
|PUBLISHED UNDER KPub PH| βœ…Complete Sometimes, it's only when we lose someone that we truly realize their worth. Lilah Daza experienced this revelati...
6.1M 198K 48
REAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked...
8.5M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...