Alphabet of Death (Published)

By risingservant

20.1M 451K 106K

AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iy... More

Alphabet of Death
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Elmo's Note
Teaser
Announcement
Elmo's Survey
This is It!
Epilogue
Announcement II
Announcement III
Open Letter
Announcement IV

Chapter 1

1M 17.4K 6.5K
By risingservant

"Sabi nila, ang mga inhinyero daw mga matatalino..." Sabi ng kanilang kaklaseng babae habang nakatayo sa harapan ng kanilang silid-aralan.

"Tama!" Sagot naman ng mga estudyanteng Inhinyero na biglaang napatingin sa kanya.

"Pero boring?!" Sabi ng tagapagsalaysay at humalukipkip naman ito ngayon.

"Hindi kaya!" Pagsalungat naman ng mga estudyante.

"Mahilig mag-joke..." sabi nito.

"Knock-knock!" Sabi ng isang nerd na si Henry.

"Who's there?" Tanong naman niya.

"Tocino!" Wika ni Henry na tila nanunuya pa.

"Tocino who!" Sabi ng tagapagsalaysay.

"Tocino-cino pang tinatawagan mo nandito lang naman ako!" Kanta niya at nagtawanan ang lahat.

"Waley! Haha!" Sabi ng kaniyang mga kaklase na si Dion ang guitarista ng classroom.

"Corny nga lang!" Sabi ng tagapagsalaysay at nakapameywang naman siya ngayon at tila nagmamaganda.

"Yun lang!" Pagsang-ayon naman ng mga estudyanteng Inhinyero.

"Ngayon ay kikilalanin natin ang iba't ibang klase ng grupo ng mga estudyante sa klase ng Engineering 2D." Wika nito.

"Unahin na natin diyan ang mga Komedyante sa grupo na mas kilala sa tawag na D' Kengkoy." Sabi ng tagapagsalaysay sabay punta sa puwesto ng mga Kengkoy.

"Miss miss.." Tawag ng isang lalaki na si Adrian na nagsign pa para palapitin ang tagapagsalaysay sa harapan niya.

"Oh bakit?" Tanong naman nito na todo pa kung makangiti.

"Naniniwala ka ba na mayroong mga gwapo at magaganda na naninirahan dito sa mundo?" Tanong nito na wari mong may gustong ipahiwatig.

"Hindi bakit?" Wika ng tagapagsalaysay sabay kunot ng kaniyang noo.

"Huh, gusto mo bang patunayan namin sayo?" Wika ni Jerome na gusto talagang may patunayan.

"Oh sige!" Wika niya na tila ba excited.

"Imaginin mo na ito ang mundo." Wika ni Kian at idinemonstrate niya na may hawak siyang bilog gamit ang kaniyang kanang kamay.

"Oh tapos?" Sumuko naman ng bahagya ang tagapagsalaysay.

"Ituro mo kung saan dito ang mapa ng Pilipinas." Wika naman ni Mae na medyo may pagkaboyish.

"Oh ito!" Turo niya gamit ang kanang hintuturo.

"Oh sige hawakan mo tapos ay alugin mo!" Wika naman ni Grace ang babaeng kalog.

Kinuha nga ni tagapagsalaysay ang bilog at tsaka inalog.

"Woah!!!" Sigawan ang lahat ng Inhinyero.

Naguguluhan ang tagapagsalaysay sa kung anong nangyayari. Hindi niya na gets, medyo slow! Haha!

Maya-maya pa'y napag-alaman niya na kaya pala sila umakto na parang lumilindol ay sila yung mga magaganda at gwapo na naninirahan sa mundo. Kapag hindi ka pala gumalaw, isa lang ang ibig sabihin nito, hindi ka maganda o gwapo! Haha! Natawa na lang siya dahil naging slow siya.

"Sila yung mga estudyante na tinatawanan lang yung mga problema lalo na pagdating sa Calculus at Physics." Wika niya na medyo hindi pa nakakaget-over.

"Dumako naman tayo sa may kanan ko ang mga nagbibigay buhay sa klase lalo na sa tuwing wala ang aming guro ang D' Mp5!" Wika niya at masayang nilapitan ang grupo.

"You shoot me down but I wont fall.. I am the Titanium." Kanta ni Abby na may ala-Regine Velasquez na boses or let's say na mayroon siyang sopranong boses.

"You shoot me down but I wont fall.. I am the Titanium." Sabay naman ni Josh na ala-Jed Madela ang boses or let's say na mayroon siyang tenor na boses.

Si Mia naman na nasa side ni Abby ang back-up. Habang si Dion ang naggigitara at nagbebeat box naman si Aaron.

"Sila ang Mp3 ng grupo, sila ang energizer lalo na kapag boring sa aming silid-aralan." Ang masiglang wika niya.

"Party! Party!" Wika naman ng mga Inhinyerong estudyante.

"Next, sa may harapan ko naman ang traditional Engineering Students and D' Nerdy!" Wika niya at nilapitan ito.

"Ano ba Tom? Diba nga Kirchoff's ang gagamitin hindi Maxwell?" Wika ni Nikka na nangagalaiti sa inis.

"Ewan ko ba sayo! Kita mong Resistors ang pinag-aaralan ko! Parallel ba o Series?!" Wika naman ni Tom na medyo mainit na rin ang ulo.

"Hay kayong dalawa, unahin niyo muna ang Calculus natin!" Singit naman ni Henry.

"Sila ang source ng buong klase.. ALAM NA!" Wika niya at sinang-ayunan siya ng lahat.

"Siyempre hindi mawawala ang grupo ng Kikay's sa loob ng classroom noh! ang Oh group! Na mas kilala sa tawag na D' Sossy!" Wika niya at naglakad pa na parang sossy siya.

"Isn't it hot here..? or.. it is just.. me?" Wika ni Ginny ang Spoiled Brat sa kanila.

"Isn't it amazing?" Tanong naman ni Arianne na parang laging may kaaway.

"Isn't it exciting?" Tanong naman ni Roxette ang Sosyal na parang Nerd.

"Isn't it surprising?" Wika naman ulit ni Ginny.

"Isn't it?!" Wika nilang tatlo at may hand gesture pa sila sa hangin na nalalaman.

"Sila ang kadalasang taga-organize ng event ng klase lalo na kapag hang-out ang pinag-uusapan." Wika niya.

"Ngayon naman ay dumako tayo sa mga cool guys namin, sila ang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan ang D' Gwapings!" Wika niya na para bang kinikilig-kilig.

"Ang gwapo ko talaga! Umakyat lang ako ng hagdan eh hinabol ba naman ako? Akala siguro nila tataguan ko sila! Haha!" Pagmamayabang ni Karlo ang pinakamahangin sa grupo.

"Gwapo ka na nun? Ako nga eh papasok pa lang ako ng gate eh may nagpapicture na kaagad! Oh saan ka pa?" Wika ni Ethan na Classroom Crush ng lahat.

"Ako nga hinahabol pa ng mga bading eh!" Wika naman ni Ramil na asset ang kaniyang katangkaran dahil Basketball Player siya.

"Ako nga halos hubaran na ng mga fan girls ko eh! Haha!" Wika naman ni Mark na Campus Heartthrob naman lung ituring.

"Ang hahangin niyo talagang lahat!" Wika naman ni Jake ang pinaka down to eath sa kanilang lima.

"Sila yung kahit hindi na tirik na tirik ang araw ay nakashades pa rin." Wika niya.

"At ang huli ay ang mga naggagandahang nilalang sa klase na kung saan ay kabilang na rin ako ang D' Gorgeous!"

"Tara sa CR! Re-touch you know!" Wika ni Tin na tila init na init.

"Let's go girl!" Wika ni Xiara.

"Kamusta na kayo ni MU?" Tanong Joan kay Hannah na alam halos lahat ng balita sa paligid in short, chismosa.

"Hahaha! Ang lakas talaga ng radar mo!" Wika ni Hannah na laging nakangiti.

"At ako? Ako lang naman ang kanilang napakagandang Presidente." Wika ng tagapagsalaysay na si Agatha na feel na feel ang bawat salitang kaniyang binitawan.

"Ehemm." Ubo ng mga estudyante na wari mo'y nabilaukan. Haha!

"Ok tama na iyan! Ahm, guys! Dahil bakasyon na.. magkakaroon tayo ng Summer Outing!" Masayang balita ni Agatha.

"Summer Outing?" Tanong ng lahat.

"Oo! At lahat tayo ay required na sumama dahil last school year na natin ito bilang magkakaklase dahil majoring na at magkakahiwa-hiwalay na tayo! The 2D Summer Outing oh diba? Bongga!" Wika niya na nakaupo pa sa teacher's table.

"Saan niyo ba gusto?" Dagdag pa niya.

"Pwede sa may resort namin." Suhestiyon ni Ramil.

"Yuck, resort? Haha! Are you kidding us? Much better if doon tayo sa aming beach resort you know, kami naman ang pinakamayaman dito at may rest house na rin iyon! Wala ng gastusan! Sagot ko na lahat!" Wika ni Ginny.

"You're right Sissy!" Pagsang-ayon naman ni Arianne.

"Ikaw na! Ikaw na mayaman!" Wika naman ni Grace.

"Ok agree na kayong lahat ah? Sagot na raw ni Ginny ang lahat so, next week na iyon! Paalam kayo sa mga Parents niyo." Wika ni Agatha.

"Ok, pero ilang weeks tayo roon?" Tanong naman ni Nikka.

"I think, two weeks! Sulitin na natin ito guys!" Wika ni Ginny.

"Hay, tiyak na maraming kalokohan na naman ang mangyayari." Wika ni Roxette.

"Haha, You know Roxette.. bawal ang KJ kaya mag-eenjoy tayo roon!" Wika naman ni Ethan.

"Ok guys! Save the date!" Wika ni Agatha at maya-maya pa ay dumating na ang Professor nila.

Continue Reading

You'll Also Like

55.6M 1.7M 53
Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shia Sheridan believes. But when she is cau...
2.3K 222 20
𝑢𝒑𝒆𝒏 & π‘¨π’„π’•π’Šπ’—π’† Since Oct. 2023 This book club aims to help all aspiring Filipino writers who want to finish their book/s and gain reads, vo...
11.6K 251 21
Nang piliting kumahol ng pusa Isulat ang titik ng bawat hinuha Idaing ang hinagpis sa bawat pahina Ibulong sa aklat ang bawat luha.
Pagsamo By SeΓ±orita M

Historical Fiction

73.2K 521 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...