MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)

By SweetKitkat

10.9M 202K 28.7K

FILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the... More

MARRIED BY MISTAKE
WARNING:
PROLOGUE
CHAPTER 1: HIS BITCHES
CHAPTER 2: Fever
CHAPTER 3: Hindi Na Tulad Ng Dati
CHAPTER 4: Heartless
CHAPTER 5: Ruthless Monster
CHAPTER 6: Kahit Sandali Lang
CHAPTER 8: Drown In Love
CHAPTER 9: Heart attack
CHAPTER 10: Liters Of Tears
CHAPTER 11: Isn't it Obvious?
CHAPTER 12: Painful Goodbye
CHAPTER 13: YOU ORDER, WE DELIVER
CHAPTER 14: FELT NOTHING
CHAPTER 15: ANG MANHID MO
CHAPTER 16: I KNOW IT ALL
CHAPTER 17: GUESS WHO?
CHAPTER 18: NOT A SAINT
CHAPTER 19: I MISS YOU
CHAPTER 20: MELT ON THE FLOOR
CHAPTER 21: A GOOD BYE
CHAPTER 22: NASAAN ANG HUSTISYA
CHAPTER 23: PAINFUL TO BE WITH ME
CHAPTER 24: CONSEQUENCES OF YOUR CHOICE
CHAPTER 25: WATERWORKS
CHAPTER 26: STRAWBERRY ICE CREAM
CHAPTER 27: FEEL LIKE SCREAMING
CHAPTER 28: TIRED OF..
SK NOTE:
CHAPTER 29: GASGAS NA
CHAPTER 30: LET'S GO HUNTING
CHAPTER 31: TIME TO GO
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: THE 'G' WORD
CHAPTER 34: UMIIYAK ANG PUSO KO
CHAPTER 35: GIVE YOUR PAIN TO ME
CHAPTER 36: CAN'T BE WITH YOU
NOTE LANG PO
CHAPTER 37: WHERE WILL I GO
CHAPTER 38: USAPANG..
CHAPTER 39: UNTITLED
CHAPTER 40: ALL I HAVE
EPILOGUE
SOON TO BE PUBLISHED
HELLO THERE!

CHAPTER 7: Trust Me

261K 5.2K 1K
By SweetKitkat

CHAPTER 7: Trust Me

*********

"I don't deserve it. I don't deserve to be treated like shit."

********

LUNA

Napaungol ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo . Kaunti lang naman ang nainom ko kagabi, a. Bakit ganito siya kasakit? Pabangon na sana ako pero may mabigat na bagay ang pumigil sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko kaagad ang natutulog na si Dylan. Nakayakap ang braso nito sa bewang ko at nakadagan ang hita sa hita ko.

Anong ibig sabihin nito? Sa tabi ko natulog si Dylan?! M-Magkatabi kami at n-nakayakap siya sa akin. Nanaginip ba ako?!

"Maaga pa." Ungol nito. Mas isiniksik pa nito ang ulo sa leeg ko. Nanindig ang balahibo ko dahil ramdam ko ang init ng kanyang hininga roon.

Parang nawala bigla ang sakit ng ulo ko. "D-Dylan?"

"Shit!" He cussed. Napatayo siya bigla. Hindi niya ako tiningnan. Natataranta niyang binuksan nito ang pinto ng balkonahe at lumabas doon.

Umupo ako at sumandal sa head board habang nakangiting tinitingnan ang pintong nilabasan ni Dylan. Pinagmasadan ko ang paligid at nakita ang palangganang may lamang tubig at may bimpo pang nakasabit doon. Napansin ko rin ang basong may lamang tubig at sa tabi nun ay may gamut. Mukhang inilagaan niya ako kagabi. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko habang ini-imagine si Dylan na inaalagan ako. Sayang lang at hindi ko malala dahil lasing ako.

Ito pa rin ang damit na suot ko kaya hindi na ako dapat pang mag-alala. Ininom ko ang gamot bago tumayo. Naglakad ako patungo sa pinto ng balkonahe. Nilapitan ko si Dylan, sinisindihan nito ang sigarilyong nasa bibig.

Nagbuntong-hininga ako. "Hindi ko alam na naninigarilyo ka pala."

Binuga nito ang usok. Agad ko namang tinakpan ang ilong ko para hindi ko iyon masinghot. Mahirap na, baka atakihin pa ako ng hika. "Don't be carried away. You're just my wife because of a mistake. Don't butt in."

Back to normal.

I bit my lower lip. "Salamat nga pala sa pag-alaga sakin."

Pinatay nito ang sigarilyo at hinarap ako. "Magbihis ka na, sa baba tayo mag-uumagahan. Ililibot din daw tayo ni Tita Vivian sa buong villa."

Nagtaka ako. Ang alam ko isang araw lang kami dito. Iyon kasi ang napagkasunduan. "Huh? 'Di pa tayo uuwi?"

"Gusto mo na ba?" Malamig na sabi nito.

Umiling ako. "I mean, baka kasi may mga meeting ka pa--"

"Pina-cancel ko. Lahat. I want to loosen up for a bit. This place is a great spot." Sabi nito habang ginagala ang mata sa paligid.

"Okay." Simple kong sabi bago tumalikod. Agad akong pumasok sa banyo at naligo. Sana masolo ko ngayon si Dylan, yung wala siyang kausap na mga businessman o kaya'y wala itong pinagtitripan na babae. Yung ako lang. Pero asa lang ako 'diba.

Natapos akong maligo, nagyon ko lang napagtanto na nakalimutan ko pala ang mga damit ko sa labas. Ibinalot ko ang sarili ko sa tuwalya at lumabas ng pinto. Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita si Dylan na nakaupo sa gilid ng kama namin. Nakabihis na rin ito at nahalata kong basa ang kanyang buhok. Naligo siguro siya sa banyo na nasa kusina.

"Lumabas ka muna, magbibihis lang ako." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tapang para utusan si Dylan.

Tumaas ang isnag sulok ng labi niya. "Pagkatapos kitang alagaan kagabi, susungitan mo lang ako ngayon." 

Nangatog ang tuhod ko dahil biglang umihip ang hangin. Hindi pala naisara ang pinto ng balkonahe kaya pumapasok roon ang hangin. "Magbibihis ako kaya lumabas ka na."

Tumayo ito at lumapit sa akin. Paatras na sana ako kung hindi lang niya hinapit ang bewang ko. Halos magkalapit na ang mukha namin. May mapaglarong ngiti sa labi nito. "Go on. Put your clothes on or else.. you'll catch a cold."

Nag-iwas ako ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa buhol ng tuwalya. "No. Not in front of you."

"Baka naman gusto mo, ako pa ang magbihis sayo?" Itinaas nito ang kamay. Napasinghap ako nang makitang hawak nito ang bikini top ko. May kislap sa mga mata nito na hindi ko mabasa. "I won't mind."

Mabilis kong kinuha iyon. "Bastos!"

Nagpumiglas ako sa hawak nito. Nang makawala ay agad kong kinuha ang bag ko na nasa gilid ng kama at tumakbo papasok sa banyo. Naguguluhan na ako sa pinapakita sa akin ni Dylan.

Pagod na ata siyang saktan ako. Kaya ngayon pinaglalaruan naman niya ako.

Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong magbihis. Hindi ko ito matitigan. "Tara na. Gutom na ako."

"That's right, Luna. Keep on using that fierce mask of yours. Let's see how far you can go."

Tahimik ako habang nakasunod kay Dylan. Huminto ito sa may elevator at pinindot ang Open Button. Nang magbukas iyon ay agad kaming pumasok. Kaming dalawa lang ang nasa loob n'un. Naramdaman ko ang kamay ni Dylan na humahawak sa kamay ko. Humigpit ang hawak nito sa kamay ko nang tinangka iyong kunin. Gusto kong magalit. Gusto kong magwala. Gusto ko silang sumbatan. Pero hindi ko kaya kasi baka mawala sa akin yung mga maliliit na bagay na tanging nagpapasaya sa akin.

Pinaharap niya ako sa kanya. "You're trembling. Are you really this scared of me?"

"I can't understand you anymore."

"Me neither. This is not me."

He pressed his body against mine and lowered his head to take my lips. What started out soft, barely a brush of our mouths, morphed quickly into something much more passionate.

"Oh, my!" Naghiwalay kami bigla dahil sa sigaw na iyon. Pinunasan ko ang labi ko bago tiningnan si Tita Vivian. "Hindi ko nakita. Wala kaming nakita, 'diba, Skyler?"

Ngayon ko lang napansin si Skyler na nasa gilid pala ni Tita Vivian. Parang may tumusok sa puso ko nang makita ang sakit sa mga mata nito. Bumaba ang mga mata nito sa kamay naming ni Dylan na hanggang ngayon ay magkahugpong pa rin. Napayuko ako. Ayoko ng makita ang sakit sa mga mata niya.

"Tita."

"Mabuti naman at bumaba kayo. Ang balak talaga namin ni Skyler ay sunduin na kayo, e." Nakangiting sabi ni Tita Vivian.  "Breakfast is ready. Such morning surprise. Tara na."

Nauna ng naglakad ni Skyler at pagkatapos ay si Tita Vivian. Nahuli kami si Dylan.

"Why did you kiss me?" Bulong ko pero sapat na para marinig ni Dylan.

"Not now, Luna." Madiing sabi nito.

"I need answers. Now." Naguguluhan na ako sa pinapakita ni Dylan.

Humarap ito sa akin. "'Wag kang makulit."

Hindi na ako nagsalita pa. Nauna na akong maglakad kaysa sa kanya. Napadpad kami sa isang seafood restaurant. Sa restaurant na ito, ikaw mismo ang magbabalat ng pagkain mo dahil mas masarap daw ang seafood kapag ikaw mismo ang magbabalat. Ang tanging kinukutsara lang ang kanin. Umupo ako sa upuan na nasa kaliwa ni Tita Vivian. Si Dylan naman ay humatak ng upuan sa tabi ko. Bigla namang bumukas ang pinto ng restaurant at pumasok sila Kristian at Trey. Nagtatawanan ang mga ito habang palapit sa kinaroroonan namin. Halos lahat ng kababaihan ay napapalingon habang naglalakad sila. Wala silang suot na pang-itaas kaya kitang-kita ang mala-perperktong katawan nila. Narinig ko pang may kutsara o tinidor ang nahulog.

"She tied me on the bed, Dude!" Rinig kong sabi ni Kristian. Boys! Napansin kong napasapo si Tita Vivian sa noo niya.

"Wait. Are we talking about Cindy Escudero?" Tanong ni Trey. Mukhang wala silang pakielam kung sino man ang makarinig sa pag-uusap nila. Proud Ass!

"Yes!" Kumpirma ni Kristian. Hinalikan nilang dalawa si Tita Vivian at pagkatapos ay umupo sa tabi nito.

Humalakhak si Trey. "Great lay."

"Kristian. Trey. Do you want me to cut your sinful tongues?" Mataray na sabi ni Tita Vivian. Malamang ay ayaw rin niya ang usapan nila Kristian at Trey.

Umiling si Trey. "No. 'Ma, my tongue is my second asset."

"What's first?" Napalingon ako kay Dylan nang magsalita ito. Mukhang vibes talaga sila ni Trey. Tumingin siya sa akin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Nag-iwas agad ako ng tingin.

"Can't you guess it, man?" Hindi makapaniwalang sabi ni Trey. "Of course, it's my di---"

"His dimple." Singit agad ni Skyler. Tiningnan ko siya. Kahit na nakangiti ito ay batid ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya.

Siniko ni Trey si Skyler. "It's my dick, you douchebag."

Boys talk, damnit!

"What? Man, your dick doesn't exist." Natatawang sabi ni Kristian.

"Boys! Your topic is disgusting!" Hindi ko mapigilang sabi. Nasa hapagkainan kami taos ganun ang pag-uusapan nila. Grabe.

"Manners." Sabi ni Tita at sumubo ng crab meat. "Just eat."

Nagsimula na kaming kumain. Habang nagbabalat ako ng hipon, napansin kong nahihirapan si Dylan sa pagbabalat ng alimango. Seriously? Hindi siya marunong magbalat ng alimango? Nagbuntong-hininga ako saka lumapit sa kanya.

"Hindi ganyan." Bulong ko sa kanya. Kinuha ko sa kamay niya yung alimango. "Ganito. Tanggalin mo muna ito at saka mo palang pwedeng ibuka."

Tumango ito. Inilapag ko sa plato yung alimango.

"Hipon. Ipagbalat mo din ako ng hipon." Bulong nito sa akin. Naramdaman ko ang mainit na hininga nito sa tenga ko.

"Okay." Ang tamad naman nito.  

Binalatan ko yung hipon na nasa plato ko. Ilalagay ko na sana sa plato ni Dylan pero kinuha nito ang kamay ko at inumang sa bibig niya. Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang labi nito sa kamay ko. Hindi niya piniputol ang tingin namin habang sinusubo ang hipon. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Parang tumalon ang puso ko nang gawin niya iyon.

Biglang kumalabog ang lamesa. Nagulat ako kaya naputol ang titigan namin ni Dylan. Napalingon ako kay Skyler na ngayon ay naglalakd palayo sa amin. Pasara nitong kinalabog ang pinto pasara.

"Ano'ng nangyari dun?" Nagtatakang sabi ni Tita Vivian.

Sabay na tumingin sa amin si Kristian at Trey. Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi.

"Nagka-diabetes." Sabay nilang sabi.

"Nga pala, 'di ko na kayo maitu-tour. May darating kasi akong bisita. So.." Nakangiting sabi ni Tita Vivian.

"Okay lang, Tita. Kaya na namin ng asawa ko." Napatingin ako kay Dylan. Asawa ko.

"Okay. Ito naman kasing dalawa na ito, manchi-chicks 'yan. Sure ako." Inismiran ni Tita ang dalawa niyang anak.

"'Ma, ikaw pa rin naman ang number one girl namin, e. Baby boys mo kami, 'diba?" Natatawang sabi ni Kristian. Inumang nito ang kutsara may lamang kanin at ulam sa bibig ni Tita. Sinubo naman iyon ni Tita at hinawi ang buhok niya sa kanyang tenga.

Pagkatapos nilang kumain ay agad ding kaming nagsarilihan ng lakad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa ni Dylan kanina sa harap nila Tita. Hindi ko makuhang itanong kay Dylan kung bakit niya ginawa iyon, dahil nagiging kamatis ako sa pula. Hinila ako ni Dylan papunta sa mga jetski. Napanganga ako nang hubarin niya ang kayang fitted sando at humarap sa akin. Hinubad ko na rin ang suot kong sarong at ang tanging natira nalang ay ang swimsuit ko. I saw his muscle tensed and his eyes roamed my body. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

 Inilahad nito ang kamay sa akin.

"You sure this is safe?" Alangan ko.

May ngiting sumilay sa labi niya. "Uh-huh."

"I-Ikaw nalang. 'Di naman ako marunong lumangoy." Umatras ako. "Dagdag pasanin mo lang ako dyan."

Patalikod na sana ako nang biglang may mga brasong pumalibot sa bewang ko para pigilan ako sa pag-alis. Napasinghap ako nang maramdaman ang matigas na dibdib ni Dylan sa likod ko.

"Trust me a little bit, Wife." Naramdaman ko ang mainit niya hininga sa tenga ko. Pero hindi iyon ang nakapagpatigil sa akin.

He called me his wife.

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 237K 72
In darkness, I found peace
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
127K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy