TVFN 6 : Between The Sheets

By BonitaBabyy

2.5M 29.7K 1.7K

She will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Betwee... More

Between The Sheets
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 -- New Beginning
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Finale

Chapter 25

51.5K 861 45
By BonitaBabyy

Chapter 25

"Oo. M-may pamilya na ako. May anak na ako! Iyong bagay na gusto ko sana noon na magkaroon sa iyo ngunit inayawan mo! Ngayong mayroon na ko ay masaya na ako." mabilis at walang hingahan kong tugon sa kanya at tinalikuran ko na siya.

"Alam ko naman. Maniwala ka man o hindi Janine hinanap kita pero mahirap hanapin ang taong una palang wala ng balak magpakita. Marami ng nagbago sa loob ng tatlong taon at isa ka na sa mga iyon. I'm wishing you all the best." mas lalong nanikip ang dibdib ko ng ngumiti pa siya at magsaludo sa akin. Napakagat na lamang ako sa aking labi upang iyon na lamang ang indahin ko at hindi ang naghuhurumentado kong puso.

"Ikaw din Ivan, masaya na ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon. Kalimutan na rin natin lahat ng nangyari noon." hilaw ang mga ngiti ko dahil mayroong pwersa ang nagsasabing mali ang mga sinasabi ko. Ngumiti rin siya pabalik at tumango, alam kong sa puntong ito na tapos na ang lahat at nakamtam na rin namin ang closure na kaytagal naming hinintay.

"Salamat at sayo ko natanggap yan Janine, ngayon ay hindi na ako aasa at makakapagsimula na akong mag move on, tatlong taon akong na-stuck sa atin." muli niya akong nginitian at tumalikod na. Halos mapugto ang hininga ko dahil sa pagpipigil na ito, hinakbang ko ang paa ko para sundan siya ngunit iniatras ko rin ito. Wala ng dahilan para sundan ko pa siya, kung gagawin ko iyon ay alam kong hindi na ako makababalik pa kung nasaan ako ngayon at tuluyang sundan at habulin na naman siya. Once is enough, twice is too much.

***

"Anak, para akong halaman." biglang untag ni mommy habang pinanonood ko siyang maglagay ng nail polish.

"Bakit naman?" matamlay ang hitsura ni mommy ngunit hindi mo iyon mapapansin dahil sa kanyang postura. Tss. Kahit sa loob ng bahay ay nakasuot pa rin siya ng kolorete.

"Tuyo't tigang na ako anak. Kailangan ko na sigurong magpadilig sa daddy." nanlalaki ang mga mata ko sa banat namin. Banat ba yun or seryoso siya?! Tama bang sabihin niya iyon sa akin. Tss. Napailing na lamang ako at lumapit sa kanya upang hilutin ang ulo niya at kung anu-ano na ang mga iniisip niya. Jusko!

"Hay nako mommy ano ba yang pinagsasabi mo, miss mo lang si dad! Haha. Tomorrow night babalik ka na rin naman ng Manila kaya huwag ka ng bumanat uli ng ganoon at baka mamaya may makarinig sa iyo."

"At bakit? Siansabi ko lang kung ano ang nasa utak ko, prangka ako." sa sobrang kaprangkahan nga niya kung minsan ay nakakahiya na lalo na sa mga nakaririnig.

"Nagkita nga pala kami ni Ivan kanina." hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kanya ang nangyari kanina.

"Muling ibalik ang tamis ng dating pag-ibig! Yan ba ang peg mo ngayon 'nak? Hahaha. Ano namang pinag-usapan ninyo?" cool na tanong ni mommy habang patuloy lang siya sa paglalagay ng pulang likido sa kanyang mahahabang kuko.

"Well, unang una boss namin siya ni Joseph sa hotel at pangalawa alam na niyang may anak ako." kung makapagsalita ako ay parang hindi ako apektado sa bagay na iyon, hindi ko rin alam kung bakit kaswal lang ang pagkakasabi ko sa bagay na iyon na kung tutuusin ay dapat na akong mag-panic.

"Alam na niyang may anak kayo?!! Anong sabi?!!" pinigilan kong tumayo si mommy at mas idiniin pa ang pagmamasahe ko sa kanya ng sa gayon ay hindi siya mag freak out.

"Sinabi ko nalang na anak namin iyon ni Joseph, kahit naman makita niya si JC ay hindi iyon maghihinala lalo pa't ilong lang naman ang namana ng anak niya sa kanya."

"Aba'y ewan ko ba sayo Janine at bakit hindi mo sinabi kay Ivan ang tungkol sa anak ninyo. Kahit papano naman ay may pinagsamahan kayo. Hindi lang ikaw ang bumuo kay JC 'no!" napapapikit na lamang ako habang sinesermunan ng sarili kong ina.

"Ayokong magulo pa ang buhay ko. Masaya na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon." tamad ko na lamang na sagot kay mama habang minamasahe ko ang ulo niya.

"Bahala ka nga sa buhay mong bata ka! Ang mahirap sa iyo hindi ka nakikinig sa magulang. Anong nangyari sa iyo? Ano? Hindi ba't pinagsabihan kitang kalimutan mo na ang nararamdaman mo kay Ivan pero anong ginawa mo Champagne? 18 years old ka palang noon? God! 18!!!" napabuntong hininga ako ng frustrated na tumayo si mama at kitang kita ako ang hinanakit sa mga mata niya. Nagbigay ako ng malaking kahihiyan sa pamilya ko at alam kong kahit hindi sila magsalita ay disappointed sila sa anak nila.

"Nagpaanak ka pa Ja sa lalaking limang taon ang tanda sa iyo! Nag-aaral ka palang noon! Marami kaming pangarap sa iyo Janine pero sinayang mo lang! Pinagawan ka pa ng tatay mo ng bar na matagal mong hiniling sa kanya. Lahat ng luho ninyong magkapatid ay ibinigay namin sa inyo pero bakit kailangan mo kaming saktan ng ganoon?" napayuko na lamang ako dahil hindi ko alam ang isasagot kay mama. Lahat ng sinabi niya ay totoo.

"Puro sarili mo lang kasi ang iniisip mo! Kailan ka matututong makinig sa amin Ja? Kailan? Hindi na namin alam kung saan kami nagkulang ng daddy mo sa inyong magkapatid. Kung iniisip mo Janine na nag-mature ka porke't may anak ka na ay nagkakamali ka. Wala ka pa ring pinagbago. Hindi mo pa rin kayang tumayo sa sarili mong paa. Ginusto mo yan diba? Nagpagalaw ka kay Ivan, nagpabuntis ka! Harapin mo ang consequences ng mga bagay na ginawa mo." kilala ko si mommy na matapang at walang kinakatakutan, bihira ko lamang siyang makitang umiyak at masakit sa akin na ako ang dahilan kung bakit siya ngayon lumuluha. 

Alam kong chill lang sa lahat ng bagay si mommy pero alam ko din nasasaktan siya. Sinong ina nga ba ang may gusto na ang anak ay isang disgrasyada. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko, sa loob ng tatlong taon ay wala akong narinig mula kay mommy and daddy kundi puro pagsuporta sa problema ko, hindi ko nakita sa likod ng mga iyon ang nasasaktan kong mga magulang. Kung disappointed sila sa akin ay mas disappointed ako sa sarili ko.

Noong bata palang ako lagi kong sinasabi sa kanila na gusto ko lagi silang proud sa akin, kahit kuntento na sila sa akin ay gusto ko pa rin silang paluguran dahil mahal ko sila. Binigo ko ang dalawang tao na umasa at nagtiwala sa akin at masakit sa akin iyon. Kahit na cheesy ay niyakap ko si mommy na ngayon ay madramang umiiyak at iniiwasan na kumalat ang mascara niya.

"Sorry mom, sinubukan ko pong maging mabuting anak. Minsan akong nagkamali at takot lamang ako na maulit iyon. Hindi ko nga siguro dapat sisihin si Ivan sa lahat ng nangyari dahil may pagkakamali rin ako. Minahal ko siya at ibinigay ko ang lahat, siguro'y minahal rin niya ako kahit papaano. Hindi naman mabubuo si JC kung hindi lang dahil sa kanya kundi ginusto ko rin iyon. I'm so sorry mom kung kailangan ninyo pang makita ang pagbagsak ko noon." tinapik lang ni mommy ang balikat ko at mas lalong lumakas ang iyak niya, napangiti na lamang ako at mas lalo pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Ayan kumalat tuloy ang mascara ko!! I hate you Ja!" sabay kaming tumawa ni mommy dahil nagddramahan na nga kami ay naisingit pa rin niya ang pagiging vain niya.

"Ate! Ate! Ate!" mabilis kaming naghiwalay sa pagkakayakap ni mommy ng natatarantang pumasok sa silid ko si Vodka at namumutla.

"Anong nangyari Vodka?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Agad akong nakaramdam ng kutob at hindi ko iyon gusto.

"Naglalaro lang kaming dalawa ni JC kanina sa may labas tapos.. tapos..tapos..."

"TAPOS ANO VODKA?!! ANONG NANGYARI SA ANAK KO?!!" hindi ko alam kung sasabunutan ko ba ang sarili ko o mapapaupo na lamang sa panlalamig.

"Hinimatay siya Ate, isinugod na siya ni kuya sa Baguio General Hospital at inutusan niya akong puntahan ka rito. Tara na ate!" hindi ko na hinintay pang yakagin ako ni Vodka pababa dahil mabilis pa sa kidlat ang pagtakbo ko palabas ng bahay upang puntahan na ang anak ko.

"Huwag kang mataranta Janine, paano ka makakapag-isip ng maayos kung magpapa-una ka sa kaba." alo sa akin ni mommy habang magkahawak-away kami. Hindi ko alam kung paano pa ako makakabalik sa composure ko sa kaalamang nasa hospital ang anak ko. Siya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon, binigyan niya ng bagong meaning ang magulo at wasak ko ng pagkatao.

Patakbo kong pinasok ang emergency room ng BGH at nagpapasalamat ako at agad akong sinalubong ni Joseph at dinala sa munti kong anghel. Hindi ko na napigilan pa ang kanina pang nagbabadyang mga luha, hinimas ko ang ulo ng anak ko at hinalikan ito. Payapang natutulog ang musmos ko pang anak. Ngayon palang na-confine ang anak ko, ang magkaroon nga lang ng lagnat ay naaawa na ako sa kanya ngayon pa kayang nasa hospital siya.

"Kayo po ba ang ina ng bata?" hinarap ko kaaagad ang doctor at tumango.

"Ano pong nangyari sa anak ko?" nagpapasalamat ako at nasa likod ko si Joseph at nakahawak siya sa balikat bilang sandalan kung hindi ay babagsak ako dahil sa panghihina ng mga binti ko.

"Magsasagawa pa po kami ng ilang karagdagang pagsusuri ngunit sa nakikita namin sa ilang laboratory results ay mayroon siyang Alpha-Thalassemia, isa po itong uri ng anemia na namamana." marami pang ipinaliwanag ang doctor sa akin ngunit kahit anong termino pa ang kanyang gamitin upang ipaintindi sa akin iyon ay wala rin akong makuha.

"Sa ngayon po ay kukuha kami ng consent para maisagawa ang bone marrow aspiration, masakit po ang prosesong iyon pero iyon po ang mas definitive test para mas ma-konpirma ko ang sakita niya. Ikinalulungkot ko misis na maaaring bone marrow transplant o pang habambuhay na blood transfusion lamang ang management sa sakit ng inyong anak." napahawak ako sa kamay ni Joseph habang nanghihinang napaupo.

"Mayroon po bang Type AB sa inyo?" mas lalo akong napaiyak.

"Type A ako Janine" wika ni Joseph na para bang nanlulumo din.

"Walang kahit sinong may katugma sa atin Joseph, ang ama niya ang ka-match niya." wala sa sarili kong tugon. Inayos ko ang sarili ko at pinagmasdan ang natutulog kong anghel. Hindi ko maaaring itayo ang pride ko kung buhay naman ng anak ko ang magiging kapalit. Bakit kailangan pahirapan ng ganito si JC, bata pa siya para sumailalim sa mga ganoong bagay. Sana'y ako nalang ang umako sa lahat, mas gugustuhin kong ako nalang ang nagkaroon ng sakit niya.

"Lifetime ang sakit ng apo ko?! Magpakuha na kayo ng exam at baka naman mag match sainyo. Kailangan niya ng bone marrow transpalant." napapikit ako sa pagpapanic ni mommy.

"Tita, sa ngayon daw po ang kailangan ni JC ay blood transfusion para sa paunang lunas kung hindi ay unti-unti siyang mananamlay. Matagal na proseso ang pagmamatch ng bone marrow." Huminga ako ng malalim at tumayo. Hindi ko kayang mag abang na lamang ng taong Type AB. Hindi maaaring mawala ang anak ko sa akin.

Ivan's POV

"Sinabi mo talaga sa kanya iyon? So, tapos na talaga ang lahat sa inyo?" tanong sa akin ni Yvette habang nakatingin sa akin mula sa rim ng baso.

"Masaya na siya, mukhang mahal niya si Joseph kaya wala ng dahilan pa para manggulo. I love her enough to the point na kaya ko siyang pakawalan para sa kasiyahan niya. Nasaktan ko na siya ng sobra kaya alam kong takot na rin siyang magtiwala sa akin. Maraming taon na ang sinayang naming dalawa." maluwag sa loob ko ang pakawalan ang babaeng minahal ko ng matagal na panahon para sa ikasasaya niya. Ayoko ng maging dahilan ng pagluha niya, sobra na ang naibigay ko sa kanya.

"Kung iyan ang desisyon ninyong dalawa ay wala na akong magagawa, bagay pa naman kayong dalawa. Batang bata pa si Janine at her prime age unlike you nasa late thirties na. Hahaha. Mabuti na rin yan dahil pangit pa ring tignan ang agwat ng e---"

"Anong problema sa limang taong agwat? Iyong iba nga sampu o sobra pa ang agwat? Mas maganda nga iyon diba? Tss. Kailanman ay hindi iyan naging dahilan o problema sa aming dalawa ni Janine." maarte lamang akong inismiran ni Yvette at tahimik na lamang sumimsim sa kanyang brandy.

"Alright panalo ka Ivan. Tss. Love is bullshit." napailing na lamang ako at dinaluhan ang kanina ko pang tumutunog na doorbell.

"Janine? What brings you here?" nangunot ang noo ng makita ang anyo ni Janine, nasa gitna siya ng pag-iyak at pakiramdam ko ay anumang oras ay babagsak siya.

"Anong nangyari Ja?" kahit gusto ko mang dumistansya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na hawakan siya sa kanyang balikat na nanginginig.

"Please, parang awa mo na Ivan tulungan mo ako, tulungan mo si JC. Parang awa mo na." wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya dahil humagulgol na siya.

"Sino si JC? Anong nangyari? Kumalma ka muna Ja"

"NO! NO! Hindi ko kayang kumalma Ivan! Tulungan mo si JC! Tulungan mo ang anak natin Ivan!!" halos magwala na siya habang ako naman ay natigilan at na-estatwa sa sinabi niya. Hindi ko na siya nagawa pang hawakan ng mapaupo siya sa sahig at humagulgol na ng tuloy-tuloy.

"Anak natin?" naniningkit kong tanong sa kanya.

"Wise children make their fathers proud of them; foolish ones bring their mothers grief."

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

17.7M 274K 57
Now available in Shopee and all bookstores nationwide. Please grab a copy for only P150.00.☺️
108K 2K 58
He always told you that he loves you but he keep on hurting you. The whole world despise you. Wala ka ng matanggap kundi puro nalang sakit. Will you...
1.5M 19.9K 30
Sa likod ng inosenteng kagandahan ay nagtatago ang isang maruming pagkatao na kailanman ay hindi matatanggap ng lipunan.
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...