Finale

75.1K 1.2K 108
                                    

Last Chapter

"Hiwalay na kayo ni Ivan?" bakas sa mukha ni Joseph ang guilt kaya naman masuyo akong umiling. Hindi kami naghiwalay ni Ivan at walang closure ang huli naming pagkikita. Pumikit ako at inalala ang gabing pinagsaluhan namin. I realized how much I love him. How much I need him. Akala ko'y dehado ako ngunit all these time worth it ang pagmamahal na nilaan ko sa kanya.

Ilang linggo rin akong namalagi sa La Trinidad kung saan naninirahan si Joseph at ang kanyang pamilya. Nagkaroon ako ng panahon upang makapag-isip at gayon rin siya. Gusto kong magsimula muli kasama siya, buuin ang pamilya namin at hindi na mahiwalay pa kahit kailan kay Ivan. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang pagmamahal sa kanya. Gusto kong takbuhin ang ilang milya naming layo sa isa't-isa at yakapin siya ng mahigpit.

Ayoko mang aminin ngunit nagpapasalamat ako kay Yvette dahil isinampal niya sa akin ang katotohanan. Naging bulag ako ng emosyon ko. I was so selfish na hindi ko man lang inintindi kung nasaktan ko rin ba si Ivan. Naisip ko nga kung sino ba ang mas nagmahal sa aming dalawa? 

Giving your virginity doesn't mean that you love him more than he did. Iyan ang natutunan ko sa ilang taon naming nagkahiwalay ni Ivan. Gusto kong itama na ang lahat at kalimutan ng ang mga nangyari. Wala naman ng mababago, nasaktan ako at nasaktan rin siya kahit magsisihan pa kaming dalawa ay hindi na namin maibabalik ang panahon.

Naging bulag at bingi ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko noon, hindi ko pinakinggan ang rason niya at ipinikit ko ang aking mga mata habang nasasaktan siya. Hindi ko tuluyang nalimot ang pagmamahal ko sa kanya dahil tinabunan ko lang 'yon ng galit at ngayon nalaman ko na kahit saan pa ako makarating, may makilala man akong iba ay siya pa rin ang hinahanap-hanap ko. Marami na kaming panahon na sinayang at ayokong mag-aksaya pa ng oras na malayo sa kanya. Nais kong malaman niya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano ko siya kailangan at kung paano ako nababaliw ngayon sa distansyang hiniling niya.

"I'm so sorry Janine." hinawakan ni Joseph ang kamay ko at masuyo iyong pinisil. Umiling ako at ngumiti ngunit mas lalo lang siyang nalungkot.

"Matagal ko ng napapansin na may mali sa relasyon natin pero binalewala ko 'yon. Akala ko kasi matutunan mo akong mahalin pero mali ako. I should let you go." nagbuntong hininga ako. Tumingala ako para hindi makawala ang mga luha ko ngunit nakatakas din sila at tuluyan ng umalpas sa pisngi ko.

"Maniwala ka sa akin Joseph, minahal kita. I loved you." basag ang aking boses dahil sa patuloy na pagluha. He gave me a weak smile at mas lalo akong naiyak ng makita ang mga nagpipintong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Minahal mo ako Janine pero hindi katulad ng pagmamahal na ibinigay mo kay Ivan. Wala akong makitang kinang sa mga mata mo kahit nakangiti ka pa sa harap ko. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan. Hindi ko alam kung saan pa ako nagkulang. Damn! Sagad na 'yong binigay ko Janine. Higit pa sa kayang kong ibigay kanino man." masakit na marinig ang lahat ng ito mula kay Joseph. Hindi ko siya masisisi at nasasaktan ako dahil hindi ko maibigay ang pagmamahal na karapat-dapat niyang tanggapin.

"I'm sorry kung nasasaktan kita ng ganito Joseph. Minahal mo ko kahit na disgrasyada ako. You're a great man and I don't deserve you." I mean it. May iba pang deserving sa pagmamahal na kayang ibigay ni Joseph.

Gahaman ako sa pag-ibig ngunit hindi ko naman pala kayang suklian ang ibang taong nagmamahal sa akin. Nasusuka ako sa ugali ko. Nasusuka ako sa mga paniniwala ko. I don't deserve anyone else. I can't handle a relationship. Inasa kong lahat iyon kay Ivan at hindi ko naisip na nasa isang relasyon pala kami. Hindi lamang siya ang maghahawak ng sitwasyon kundi kaming dalawa.

TVFN 6 : Between The SheetsWhere stories live. Discover now