Chapter 30

48.2K 787 32
                                    

Listen to Kiss Me by Ed Sheeran habang binabasa niyo ang update. Enjoy reading guys! Wag niyo naman ako i readzoned or votezoned. Comment din. Lol.

Chapter 30

"Anong ginagawa ninyo ngayon? Aiyee! Nakita mo yung box na iniwan ko sala?" excited na tanong ni Elaine habang kausap ko siya sa cellphone.

"Walangya ka Elaine! Sa tingin mo ba isusuot ko yun? Hindi naman kami ni Ivan! Kakahiya ka!" I hissed. Kung hindi lang ako takot na marinig ni Ivan ay kanina ko pa sinigawa 'tong si Elaine. Bigyan ba namana ko ng negligee? Ano 'to honeymoon?! Nag-iinit na naman ang mukha ko. Simula ng dumating ako sa Manila ay lagi nalang nag-iinit ang pakiramdam ko must be the weather.

"Pa-virgin ka naman 'te!" mariin na lamang ako napapikit dahil sa inis. Ito pa ang nakakainis kay Elaine, honeymoon suite pala ang naka-reserve dito sa hotel. Tinatanggi pa niyang binubuyo niya ako sa kakambal niya pero halatang halata naman.

"Lagot ka talaga sakin 'te pagbalik namin ng Manila." narinig ko ang hagikgik ni Elaine kasabay ang pagtawa ni Grant. Grabe ang mag-asawang 'to!

"Gumawa na nga kayo ng baby ni Grant kung wala kayong magawang dalawa." inis kong suhestyon na mas lalo pa niyang ikinatuwa.

"Baka maunahan niyo pa nga kami eh. Hahahaha! ~Oh bakit ganun parang ang chappy na? Hello? Janine? Hello? My gosh! I can't hear you Janine. Bye!" hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa kabaliwang ginagawa ni Elaine.

Naupo ako sa kama at muli ay nanginig na naman ang mga tuhod ko. Ano bang kaartehan 'to Janine? Bakit ba ako natetense?! As if naman ito ang unang gabi na nagkasama kami ni Ivan. Kanina pa kumakalabog ang puso ko lalo pa't naliligo ngayon si Ivan, nakakapang-halina ang lagaslas ng tubig sa loob ng bathroom. Sinampal-sampal ko ang aking pisngi para naman matauhan ako. Seriously? Bakit mas ako pa ang nahihirapan sa sitwasyon namin? Nakagat ko na lamang aking labi ng biglang inilabas ni Ivan ang ulo niya sa labas ng pinto.

"Ja? Nakalimutan ko pala yung towel. Paabot naman oh?" mas lalong bumils ang tibok ng puso ko ng makita ko ang basang katawan ni Ivan. Pakiramdam ko nanlalamig ang mga labi ko at pinagpapawisan ako. Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang tuwalya sa tabi ko at para bang madadapa ako ano mang oras dahil pati tuhod ko ay nangangatog. Yung totoo? Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko sa bawat hakbang ko papalapit sa kanya.

Matagal ko ng hindi iniisip si Ivan at ngayon lang ulit rumehistro ang sa utak ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. Ang pangahan niyang mukha na nagbibigay sa kanya ng ma-awtoridad na hitsura, iyong mga labi niyang nakakalaglag panty sa tuwing ngumingiti. Iyong ngiting para bang may iniisip siyang kaliga-ligaya. Ang mga itim na itim niyang mata na para bang hinuhubaran ka sa tuwing tititigan ka nito. Ngayon ay aware na naman ako kung gaano siya kagwapo at umuusok sa sex appeal. Heto na naman ako! Sumasabog na naman ang hormones ko.

I swallowed an imaginary lump ng makalapit ako sa kanya. Para akong masasamid dahil sa katawan niya. Damn! Ngumiti pa siya showing his perfect white teeth. Ano ba! Parang awa mo naman! Ayoko ng ako ulit ang mag-initiate! Ano between the sheet na naman ang magiging relasyon namin? Mahina lang ako, wag naman sanang subukin ulit ang pagtitimpi ko!

"Bakit nakapikit ka?" kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong abot tainga ang ngiti niya. Tss. Naaaliw siguro siya sa ginagawa ko.

"Kunin mo na ang tuwalya! Tss." mas lalo akong napalunok ng maramdaman ang paglakad niya palapit sa akin. Lalong nanghina ang tuhod ko sa kaalamang naglalakad siya ng nude! Ano ba?!

TVFN 6 : Between The SheetsWhere stories live. Discover now