Chapter 22

51.1K 687 25
                                    

Chapter 22

"What are you doing here Yvette?" mariin kong tanong sa babaeng kaharap ko ngayon. Kung bakit ba naman sa dami ng maaaring kong makita rito sa Baguio ay si Yvette pa. Kayliit naman talaga ng mundo para sa amin.

"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan Janine? Pinaniwala mo ang lahat na nasa abroad ka tapos malalaman ko nalang na nandito ka lang pala?" nakataas-kilay na tanong ni Yvette sa akin. Hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Ang tahimik na ng buhay ko rito tapos magugulo nalang bigla sa pagsulpot ni Yvette.

"Dito ako nagtatrabaho." maikli kong sagot sa kanya. Ayoko ng makausap pa siya. Ayoko ng may makita pa na mga kakilala ko noon. Nakita ko ang pagsilay ng isang mapanlokong ngiti mula kay Yvette. She has that devilish smile that will surely get in to your nerves.

"This is great! Ano kayang sasabihin nila kapag nalaman na nandito ka lang pala sa bundok? Hahaha. Lalong lalo na si---"

"Don't you dare." mahina lang iyon ngunit mariin ang pambabanta ko sa kanya. Hindi na ako makakapayag pang magulo ang buhay ko, natatakot ako kung magkikita ang anak ko at ang tunay niyang ama. Alam ko naman na hindi ko maitatago ng habambuhay si JC pero paano na? Paano na si Seph? Baka ilayo niya sa amin ang anak ko.

"Mind your own business Yvette!" nanlisik ang mga mata niya sa akin at umirap. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Lalo pa atang sumama ang ugali niya sa paglipas ng panahon.

"Hindi ka ba nakokonsensya? Tatlong taon ka ng hinahanap ni Ivan. Maawa ka naman." nais kong matawa sa mga sinasabi ni Yvette. Kailan naman siya nagkaroon ng paki sa kapwa niya? Narcissistic siyang tao.

"Wala na akong pakialam sa kanya Yvette kaya wag niyo na akong guluhin. Huwag na niya akong hanapin pa dahil masaya na ako sa kung anuman ang mayroon ako ngayon. Hindi pa ba siya naaawa sa akin? Sinira niya ang buhay ko." Wala siyang alam sa nangyari sa amin kaya sana naman tigilan na niya ako.

"Nananalangin ako na sana ay hindi na magtagpo ang landas natin Yvette lalong lalo na ng lalaking iyon." sumilay na naman ang ngiti sa mukha ni Yvetete at pumalatak.

"Too bad Janine, paano mo pa ba maiiwasan si Ivan gayong iisang hangin na lamang ang hinihinga ninyo." bahagya akong natigilan sa tinuran niya ngunit agad din akong nakabawi. Sana naman ay mali ang iniisip ko. Sana naman wala siya rito.

"Ang lalaking ayaw mong makita ay narito rin sa Baguio, at alam mo ba kung ano ang mas exciting sa sitwasyon na ito? Narito siya sa mismong hotel na pinapasukan mo. What a small world Janine! Hahahaha." para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko. No! Hindi ito maaaring mangyari! Ang lahat ng kinatatakutan ko ay unti-unti ng nangyayari. Damn it! Malas talaga si Yvette!

"Anong ibig mong sabihin?" mukhang tanga kong tanong sa kanya. Baka naman nagbibiro lamang siya at niloloko ako.

"Hindi mo ba alam na siya ang nagmamay-ari ng hotel na ito?" mabilis ang mga mata kong tinanaw ang suite na nilabasan ko kanina. So kaya naaamoy ko ang Armani Black Code ay dahil naroon mismo si Ivan?! And fvck siya iyong nagsalita kanina! Hindi ako makahinga, para bang sumikip bigla ang mundong ito. Maisip ko palang na pareho na kami ng hangin na nilalanghap ay napupugto na ang paghinga ko.

"See you around Janine." tulala ako ng lagpasan ako ng nakangising si Yvette. Hindi maaaring mangyari ito! No!

Ilang taon kong binuo ang sarili ko hindi maaaring sirain iyong muli ni Ivan sa pagkuha sa anak ko! Almost perfect na ang tinatamasa kong kaligayahan ngayon, please ayoko ng magulo pa ito! Nanghihina kong isinandal ang sarili ko sa pader at sinapo ang naninikip kong dibdib. Alam kong karapatan ni Ivan na makilala si JC pero bakit may isang parte ng isip ko ang natatakot sa maaaring kahinatnatan nito. Naabutan ako sa ganoong posisyon ni Seph.

TVFN 6 : Between The SheetsWhere stories live. Discover now