Chapter 15

66K 783 38
                                    

Chapter 15

"Janine!" sigaw sa akin ni Nathalia habang itinuturo iyong Wedding booth kung saan siya nakatao. Kanina pa kasi ako nawawala dito sa college intramurals. Wala naman akong sports na sinalihan at mas lalong ayokong tumambay sa booth ng HRM Department.

Nalaman ko kagabi na maglalaro nga ngayon si Ivan dito sa Malaya kasama yung iba pang graduates. Nakaka-excite! Ngayon ko lang siya mapapanood na maglaro ng basketball suot ang Malayan Jersey! Iyon nga lang si Nathaniel ang makakalaban nila since College of Engineering ang nag champion sa basketball. Hindi ko alam kung sino ang i-ccheer ko. Ang bestfriend ko ba o ang boyfriend ko? Alam ko naman kasing nagtatampo sa akin si Nate at ilang araw na din kaming di nagkaka-usap matapos ang date namin sa Star City. Hay.

Ngayon ako napapaisip na sana hindi nalang ako minahal ni Nate. Ito na ata ang kinatatakutan ko, ang mawala ang friendship naming dalawa ni Nathaniel. Ang tagal na naming magkaibigan tapos marami ng nagbago. Pagkatapos ng halik na iyon alam kong hindi na magiging katulad ng dati ang relasyon namin.

"Mukhang malakas ang benta nitong booth ninyo." pansin ko sa booth nila na mukha talagang makatotohanan. Hinawakan ko pa yung marriage certificate pati yung laruang singsing. Haha. Parang highschool lang na ilang beses kong tinatakasan.

"Malakas talaga! Idodonate namin yung kalahati sa orphanage tapos yung kalahati naman pondo ng department namin. Ikaw wala ka bang gagawin?" umiling lang ako at nagkibit balikat. Kanina pa nga ako palakad lakad, kung hindi lang dahil sa attendance at sa laro ni Ivan malamang hindi ako papasok ngayong araw na ito.

Malapit ng mag start ang game nila Ivan kaya naman tatambay muna ako dito sa wedding booth. Bored na bored na ako! Nakita ko yung isang kaklase namin ni Nathalia sa Pol. Sci na lumapit sa wedding organizer at may ibinulong at nagbigay ito ng pera. Hindi ko na sana papansinin kasi pareho silang nakatingin sa akin. Uhm anong meron? Tinignan ko si Nathalia na nagtataka kaya naman tinignan niya yung papel na hawak nung kasama niya.

"Champagne Janine D. De Vera, arestado ka."

"What?!!" bago pa ako nakapalag ay may posas na ako sa kamay.

"Kanino naman ako ikakasal?!" wrong move! Kung kailan naman nandito ako sa Wedding Booth saka may nag set up sakin.

"Sino nama----" bago ko pa matapos ang tanong ko ay bumungad na sa akin si Nathaniel na pumapalag sa mga nakahawak sa braso niya upang hindi siya makawala.

"Sino ba kasi yan! Kitang may laro pa ko! Pag kami na-default." huminga muna ako ng malalim habang hinihintay siya dito sa may altar. Ako pa talaga ang naghihintay! Actually pwede ko naman bayaran ang booth para hindi ituloy 'tong fake wedding pero ayokong masaktan ulit si Nathaniel. I just can't.

Walang ginawa si Nathaniel dati kundi ang protektahan ako at palagi siyang nariyan sa akin. Kung sana mutual lang ang nararamdaman naming dalawa edi sana hindi komplikado sa pagitan naming dalawa. Pero naibigay ko na ang sarili ko kay Ivan. Sakanya na dedicated ang puso ko, hindi lang puso kundi ang buong pagkatao ko. Ganito ako magmahal, buong buo at minsan sobra sobra pa na hindi ko na magawang lumingon pa sa ibang lalaki.

"Nandito na pala ang bride and groom. Simulan na ang kasalang ito!" nilagayan kami ng magkabilang posas ni Nathaniel at humarap sa altar. Spell awkward?!! Walang nagsasalita sa aming dalawa at ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Ang bilis ng pintig ng puso ko! Pakiramdam ko lahat ng dugo ko napunta sa mukha ko.

TVFN 6 : Between The SheetsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt