MASKARA

By PaulitoX

215K 6.5K 721

There is temporary peace among the four magic schools. The Institute is in place to control magical use to pr... More

Prologue
Chapter 1: Juan Miguel
Chapter 2: Paranoia
Chapter 3: The Good Boy
Chapter 4: Ang Ate
Chapter 5: The Institute
Chapter 6: City Of Pines
Chapter 7: Kaibigan
Chapter 8: Maskara
Chapter 9: Ivan
Chapter 10: Kapangyarihan
Chapter 11: Ang Guro
Chapter 12: Young Witch
Chapter 13: Young Elder
Chapter 14: Opening
Chapter 15: Ang Kuya
Chapter 16: First Encounter
Chapter 17: Manifestation
Chapter 18: First Battle
Chapter 19: Target
Chapter 20: Charlotte
Chapter 21: Crush
Chapter 23: White Demon
Chapter 24: Elder Geron
Chapter 25: Mga Hinala
Chapter 26: Problem Child
Chapter 27: Protection
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 29: Leopoldo
Chapter 30: Mga Elemento
Chapter 31: Temper
Chapter 32: Superhero
Chapter 33: Nicanor
Chapter 34: Ang Kuya
Chapter 35: Stella
Chapter 36: Trio
Chapter 37: Tropa
Chapter 38: Unang Sabak
Chapter 39: Team Work
Chapter 40: Gate Keeper
Chapter 41: Genie
Chapter 42: House of Masks
Chapter 43: The Kiss
Chapter 44: Bond
Chapter 45: Break Out
Chapter 46: Dark Warlock
Chapter 47: Aftermath
Chapter 48: Hunted
Chapter 49: Awakening
Chapter 50: The Promise
Chapter 51: Cute Vigilantes
Epilogue

Chapter 22: Little Bro

3.8K 117 7
By PaulitoX

Chapter 22: Little Bro

Sa lobby ng isang five star hotel, "Lawrence?" bigkas ng isang matandang lalake. "Sir Jaime?" bigkas ni Lawrence. "Hello sir Jaime" bati naman ni Vivian habang buhat si Leanne. "Oh sabi ko na nga ba kayo magkakatuluyan e" sagot ni Jaime na lumapit at kinamayan si Lawrence.

"Still looking good sir" sabi ni Lawrence. "Such a cute baby girl" sabi ng matanda. "Bunso namin, this is Leanne" sabi ni Vivian. "And this is my son Miggy" sabi ni Lawrence pero yung batang lalake nakasimangot at nagtatago sa likod ng ama niya.

"Oh why does he look sad?" tanong ni Miguel. "Kasi nakita niya yung toy shop at gusto niya agad pumunta don" sagot ni Lawrence. "Awww reminds me so much of my grand daughter when she was that small. Wait, kasama ko siya...nasan ba siya?" sabi ni Jaime saka lumingon.

"Oh there she is, Charlotte come over here" sabi ni Jaime. "Oh Miggy look its Charlotte" sabi ni Vivian. "How do you know my grand daughter?" tanong ni Jaime. "Magkaibigan sila ni Miggy sir" sagot ni Vivian.

Paglapit ni Charlotte, "Hello po tita" bati agad ng dalaga. "Hello dear, looking very pretty ha" sagod ni Vivian. "Apo mga estudyante ko sila dati sa Med school" sabi ni Jaime. "Si tita lang nameet ko, hello po tito" bati ng dalaga saka kinamayan si Lawrence.

"Oh Miggy why the sad face?" tanong ni Charlotte. "Ayaw nila pumunta sa toy store, hindi naman ako magpapabili e. Gusto ko lang magtingin" bulong ng bata. "Iha samahan mo nga, its okay kasi sila nalang kasama ko" sabi ni Jaime. "Are you sure lolo?" tanong ni Charlotte.

"Oo naman apo, they are my favorite students before. Sige na samahan mo na si Miggy but be sure to come back for lunch" sabi ni Jaime. "Come on Miggy" sabi ni Charlotte saka inabot kamay niya kaya agad humawak yung batang lalake.

Paglabas nila ng hotel tinignan ni Miggy yung magandang dalaga. "Ate date ba tawag dito?" tanong niya. "Hahahaha sira ka talaga" sagot ni Charlotte. "E kasi holding hands tayo e" banat ni Miggy. "E kasi bata ka pa e" sagot ni Charlotte.

"Hindi ba pwede ate?" tanong ni Miggy. "Hahaha Miggy tumigil ka nga" sabi ng dalaga. "Wag ka magagalit ate kasi nagtatanong lang ako" sabi ni Miggy. "I am not mad Miggy, you are very funny" sabi ni Charlotte.

"Ate I feel something funny" sabi ng bata. "Ano yon?" tanong ni Charlotte. "Hindi ko alam ate parang dito sa head ko parang ahmm yung pag natatakot ka" sabi ng bata. "Ha? Gusto mo na bumalik? Nahihilo ka ba?" tanong ni Charlotte.

"No, gusto ko pumunta sa toy store pero ate may nafeel ako sa head ko na parang may bad mangyayari. Parang natatakot ako" sabi ng bata. Napalingon sa buong paligid ang dalaga pero wala naman siyang kakaibang nakita.

"Ngayon lang ba nangyari yan?" tanong ni Charlotte. "Oo ate pero..hmmm masakit" sabi ni Miggy saka hinaplos ulo niya. "What is wrong? Balik nalang ata tayo sa hotel, baka mas alam ni lolo ito o kaya mama at papa mo" sabi ng dalaga.

Biglang nagturo si Miggy sa malayo, nakita ni Charlotte yung isang lalake na nakatingin sa kanila. "Don't point Miggy, it is rude" sabi ng dalaga. "Bad siya ate" sigaw ng bata.

"Nakita na tayo!" sigaw nung lalake kaya nagulat si Charlotte nang mabilis na lumapit ito at mula sa kabilang kalsada may isang babae na papatawid ng mabilis. "Oh no" bulong ni Charlotte pagkat napansin niya yung mga tattoo sa kamay nung dalawa.

"Faster Miggy lets go" sabi ng dalaga kaya binilisan nila lakad nila. Lingon ng lingon si Miggy, nakita niya na yung dalawang mabilis na nakasunod sa kanila. "Ate sino sila?" tanong ng bata. "Tsk, mga kalaban Miggy. I am so sorry" sabi ni Charlotte.

Napatigil yung dalawa pagkat sumulpot basta basta mga kalaban sa harapan nila. "Wag ka na lalaban" sabi nung babae. "Please wag, may kasama akong bata" sabi ni Charlotte. "Kaya nga, kung ayaw mo siya masaktan sumama ka sa amin ng maayos Charlotte. Its been a long time" sabi nung lalake.

"Matagal na ako tumigil" sabi ni Charlotte. "Mamili ka, sumama ka sa amin o masasaktan yang kasama mong bata?" tanong nung babae. "Wag dito, masyado madami tao dito" sabi ni Charlotte. "Oh you are going to fight us?" landi nung lalake.

"Miggy listen to me, I want you to go back to the hotel. Run as fast as you can okay?" lambing ni Charlotte. "No" madiin na sagot ng batang lalake saka tinitigan ng masama yung dalawang kalaban.

"Miggy please" makaawa ni Charlotte. "No" sigaw ng bata saka bumitaw sa kamay ng dalaga. Humakbang na paharap yung lalake, nung hahawakan niya si Charlotte e dumadaan lang kamay niya. "Projection magic" bigkas ng babaeng kasama niya kaya lingon sila ng lingon sa buong paligid.

Sa isang eskinita hingal si Charlotte habang si Miggy nalito ng matindi. Napaluhod sila ng sabay, "Ate we have to run" sabi ng bata. "Wait lang, I am tired...nag iwan ako ng projection pero I am sure by now alam na nila at hinahanap na tayo" sabi ni Charlotte. "Ate anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Miggy. "Napagod ako...I had to transport us away then leave a projection magic" bulong ng dalaga na hinihingal.

Tumayo si Miggy saka naplingon sa paligid, "Ate" bulong niya nang makita na yung kalaban na lalake. "Tignan mo Charlotte, kung sana noon ka pa sumanib sa amin e hindi ka nagkakaganyan"

"Hindi ka nila naturuan ng tama. Look at you" sabi nung lalake habang palapit. Humarang si Miggy para itago si Charlotte kaya natawa yung lalake. "Bata, tumabi tabi ka, baka masaktan ka" sabi niya.

"Matanda go away. Kung ayaw mo sasaktan kita kahit sinabi ng lola ko masama ang nananakit" sagot ni Miggy. "Hahahaha at ano naman kaya ang magagawa mo sa akin?" tanong nung lalake.

"Kaya kita ikill" sagot ni Miggy at lalong natawa yung lalake. "Miggy please don't" sabi ni Charlotte. "Miggy...pano mo ako ikill?" tanong nung lalake. "E di tutusukin kita sa heart mo kasi sabi ni lolo important ang  heart. Pag nagstop yung heart sa pag beat mamatay yung tao" sagot ng bata.

"Hahahahaha...aaaghhhh" bigkas nung lalake saka napaluhod. Hinaplos niya puso niya, si Charlotte napatingin pero wala naman siyang nakitang kakaiba. Inabot nung lalake likod niya saka hinila yung bakal na sumaksak sa likod niya.

"Hindi ko hinit heart mo kasi naawa ako sa iyo pero pag hindi ka mag go away papatayin kita" bigkas ni Miggy kaya habang hawak nung lalake yung bakal tinignan niya si Charlotte saka tinignan si Miggy.

"Miggy please stop it" sabi ni Charlotte. Nakarinig ng sumasayad na bakal yung lalake kaya napalingon siya. Nakita niya yung tatlong pirasong bakal na matutulis pagapang sa semento. Tinignan niya si Miggy na nanginginig kaya hindi siya makapaniwala.

"Ikaw gumagawa non?" tanong niya pero napasigaw siya pagkat sumaksak yung isa sa likod ng kanyang tuhod. Yung isa naman sumaksak sa kanyang pwet at yung pangatlo bumaon sa likod ng kanyang balikat.

Napasigaw siya ng sobrang lakas, sumulpot yung babaeng kasama niya at agad siya napatigil pagkat yung lalake nakaturo sa batang lalake. "Malakas yung bata" sigaw niya kaya hindi makapaniwala kasama niya.

"Ate umalis nalang kayo kasi ayaw kita saktan" sabi ni Miggy. "You cannot let them go now Miggy, they already saw you" bulong ni Charlotte gamit isipan niya. "E pano na ate?" sagot ng bata. "Wala nang choice, kaya ko na ata" sagot ni Charlotte na tumayo saka nag inat.

Namimilipit parin sa sakit yung lalake, "Bumabaon sila, make him stop" sigaw niya. "Sino? Yung bata talaga?" tanong nung babae. "Yung bata!" hiyaw nung lalake pero humarap na si Charlotte don sa babae.

"I will not let you harm him" sabi ng dalaga. "Kalimutan mo na yan, yung bata ang kukunin natin" sigaw nung lalake na napapikit pagkat lalong pumapasok yung mga bakal sa katawan niya.

"Lolo taught me the nervous system, tapos I disabled one of your knees para hindi ka makastand. Sabi kasi ni lolo ganon gawin ko pag may bad. Para makatakbo ako lagi disable isang tuhod or dalawa. Pag malakas ang bad person e dapat daw ihit yung mga nerves"

"Ikaw kasi bad ka e" sabi ni Miggy. "I said move back!" sigaw ni Charlotte saka tumapis yung babae. "Ate wala ka naman sinabing move back kanina" sabi ni Miggy kaya kamot ulo si Charlotte habang kalaban na babae dahan dahan tumatayo.

Lumuhod si Charlotte, bumulong ng dasal at napatulog niya yung lalake kaya si Miggy nagulat. "Wow, turo mo yon sa akin ate" sabi ng bata. "So eto ang bagong alas ng clan niyo? Huh, hindi namin alam ito ah. We have been following you Charlotte for a long time"

"Hindi ka lang namin malapitan kasi suot mo yung kwintas mo, pero ngayon hindi mo siya suot kaya lang etong little boy mukhang mas interesting siya" sabi ng babae. Hinaplos ni Charlotte dibdib niya saka niya lang naalala yung kwintas niya na nakalimutan niyang isuot.

"Lumayo ka sabi! Gusto mo ata matikman talaga yung matagal niyo nang hinahangad" banta ni Charlotte. "Oo malakas ka Charlotte but for your age, hindi naman tanga clan namin na magpapadala ng mga tauhan na mahina. You should feel flattered because they sent some of the best" sagot ng babae.

Huminga ng malalim si Charlotte saka tinignan si Miggy. "Sorry ha, hindi mo dapat makikita ito pero siguro kailangan mo narin malaman ano talaga nangyayari sa ating lipunan. Dahil meron mga bad people na katulad nila napipilitan tayo gawin ang mga di natin gusto" lambing ng dalaga saka hinaplos ulo ng batang lalake.

Kusang umatras si Miggy kaya napangiti yung magandang dalaga. "So do you want to know why you are all after me?" tanong ni Charlotte saka tinignan ng masama yung kalaban nilang babae. Nagliyab yung dalawang kamay ni Charlotte at biglang may mga simbolo na nadrawing sa semento.

Napaatras yung babae, pilyong Miggy pinagdikit mga kamay niya kaya yung babae napasigaw pagkat tila may humawak sa kanyang mga paa. "Wag" hiyaw nung kalaban pero mula sa simbolo na nadrawing sa semento may nilalang na nakasuot ng puti na balabad ang lumabas.

"Dalawang alay" sigaw ni Charlotte kaya nagsisigaw yung kalaban na babae. Naging puti na usok yung nilalang saka binalot yung dalawang kalaban. Paghupa ng usok nawala na yung dalawang kalaban kaya bumalik sa simbolo yung nilalang saka nawala.

Napayuko si Charlotte, tumabi sa kanya si Miggy saka dinikitan. "Bakit mo tinatago friend mo ate?" tanong ng bata. "What?" tanong ni Charlotte. "Yung friend na mo na lumabas, ano name niya? Bakit mo siya tinatago?" tanong ng bata.

"Hindi ko kaibigan yon, that was a summon entity" sagot ng dalaga. "Ako may dalawa ako ganyan pero hindi ko sila tinatago. Si Ivan at Adolf, may bahay sila don sa likod ng bahay namin" sabi ni Miggy.

"Ano?" tanong ng dalaga. "Oo, si Ivan galing Baguio siya pero si Adolf hindi ko alam san galing kasi nagpray lang ako one time may magbantay kay Leanne tapos lumabas siya. Pero lolo na siya e" sabi ni Miggy.

"What are you talking about?" tanong ni Charlote. "Ate yung lumabas na white, may ganon ako na friend na dalawa" sabi ni Miggy. "Talaga? Dalawa?" tanong ni Charlotte. "Oo pero hindi ko sila tinatago kasi friend ko sila. Dapat wag mo itago friend mo" sabi ng bata.

"Miggy hindi mo naiintindihan, baka mali iniisip mo. Baka mga kaluluwa lang kausap mo" sabi ng dalaga. "Hindi, ang kulit kulit mo ate. Pag punta ka ulit sa house papakilala ko sila sa iyo" sabi ni Miggy.

"Impossible, you need a lot of sacrifices before you have your own summon entity" sabi ng dalaga. "Ang kulit kulit mo ate, ayaw na kitang girlfriend" sabi ni Miggy kaya natawa yung dalaga. "Miggy are you okay?" tanong ni Charlotte.

"I am fine" sagot ni Miggy. "Are you really okay? Did you get hurt?" lambing ng dalaga. "No ate, ikaw masakit pa ulo mo?" tanong ni Miggy. "Hindi na, pero Miggy ano ginawa mo don sa girl? Bakit hindi siya nakagalaw?" tanong ni Charlotte.

"Kasi ayaw ko siya makatakas, gusto ko saktan mo siya. Kasi bad siya e. Sabi ni lolo kasi pag ang tao in pain hindi makaisip mabuti. Kaya naghold ako sa legs niya ng mahipgit na mahigpit para hindi siya makaisip ng mabuti para hindi ka niya masaktan" sabi ng bata kaya nagulat yung dalaga.

"Miggy are you okay with all of these?" tanong ni Charlotte. "Ate punta na tayo sa toys. Nagugutom na ako pero tignan natin muna yung toys" sabi ng bata kaya inuga ni Charlotte ulo niya saka napangiti.

Sa toy store nanlaki ang mga mata ni Miggy sa tuwa, "What toy do you like ba?" tanong ni Charlotte. "Wala ate, gusto ko lang sila tinitignan. Kasi ang toys mahal, pag nilaro ko masisira. Kung alagaan ko hindi naman boy si Leanne. Hindi niya malalaro toys ko"

"Kaya gusto ko lang sila tignan kasi si Leanne nalang sana bilhan ng toys nina mama at papa" sabi ni Miggy. "Wow naman, ang bait bait mo naman pala pero alam mo you can still have toys. Pareho naman doctor parents mo kaya madami kayo pera" sabi ng dalaga.

"Lolo at lola ko doctor din, tapos isang lolo ko judge tapos yung lola ko naman professor. Sila magbibigay ng toys sa akin, kaya memorize ko name niyan o para sabihin ko sa kanila. Tapos sina mama at papa si Leanne nalang buy nila" sabi ng bata kaya tawang tawa si Charlotte.

"Ikaw ang drama mo kanina, napaniwala mo ako kaya pala sa lolo at lol aka magpapabili" sabi ng dalaga. "Ate marunong ako magread pero imemorize mo nga yan tapos mamaya sabihin mo sa akin ha" sabi ng bata.

"Sige" sagot ni Charlotte. "Ate matalino ka ba?" tanong ng bata. "Ha? Ah okay lang naman" sabi ng dalaga. "Ipasulat ko nalang sa may ari baka kasi makalimutan mo" banat ni Miggy. "Ikaw bakit hindi mo mabasa ha? Akala ko ba matalino ka?" bawi ni Charlotte.

"E mas matanda ka e, ang bata pwede pa magkamali. Ikaw matanda ka na" hirit ni Miggy. "Gusto mo iwan kita dito?" banta ni Charlotte. "Sige, pero babalikan mo parin naman ako kasi papagalitan ka ng lolo mo e" pacute ni Miggy kaya kamot ulo si Charlotte.

Nung pabalik na sila sa hotel nakangiti si Miggy. "O bakit ka masaya?" tanong ng dalaga. "Ano yon ate?" tanong ng bata. "Bakit ka masaya?" tanong ni Charlotte. "May pinakita si Miggy na gintong bakal na may mga nakaukit na mga kakaibang letra.

"Oh my God, that belongs to their clan, pano mo nakuha yan?" tanong ni Charlotte. "Nakita ko kanina nahulog kaya pinulot ko. Ate magkano kaya ito? Gold eto diba?" sabi ng bata.

"Itago mo yan, wag mo dapat hawakan yan baka mahanap ka nila" sabi ng dalaga. "Niloloko mo lang ako kasi gusto mo makuha ito" sabi ng bata. "Tsk Miggy hindi, dapat itapon mo yan kasi delikado yan. Mahahanap ka nila" sabi ng dalaga.

Nagsimangot si Miggy saka binigay yung bakal sa dalaga. "Papalitan ko nalang, ano gusto mo?" tanong ni Charlotte. "Niloloko mo ako alam ko" bulong ni Miggy. "Hay naku, Miggy maniwala ka naman sa akin. Delikado eto, they can track you using this" sabi ng dalaga. "Sige na nga, palitan mo nalang ate" sabi ng bata.

"So ano nga gusto mo kapalit?" tanong ng dalaga. "Ahmmm...pakilala mo sa akin yung friend mo" sabi ng bata. "Ano?" tanong ni Charlotte. "Gusto ko siya makilala" sabi ni Miggy.

"Hindi pwede, kasi pag lumabas siya e dapat e...may sasaktan siya" sabi ni Charlotte. "Bad yung friend mo? Mga friends ko hindi ganon. Kausap ko sila, kalaro ko sila tapos nagbabantay sila kay Leanne" sabi ni Miggy.

"Alam mo imposible na yan" sabi ni Charlotte. "Ayaw mo maniwala di wag" sabi ng bata. "Punta ako ulit sa bahay niyo, pakita mo sila sa akin" sabi ng dalaga. "Sige" sabi ng bata. "Pano kung hindi sila summon entity?" tanong ni Charlotte.

"Sa iyo na lahat ng roses ko. Pag nanalo ako ibubuy mo ako nung robot" sabi ng bata. "Sige deal" sabi ni Charlotte.

Continue Reading

You'll Also Like

29M 939K 58
An Abnormality. That is what Nicolette is. A monster that has to be kept hidden from the world. A witch. A vampire. A werewolf. All in one person...
71.5M 2.3M 52
To the world he was a beast but for her he would do anything. He could have the world but all he wanted was her. They say the things we want most are...
150K 4.9K 100
You're a purple light-skinned Na'vi with white hair. (Ik Ik literally Also you got them (star galaxy purple eyes) No culture or any of that cause tha...
43.2K 3.3K 24
in which sunoo makes a mistake and 'suffers' the consequences. alternative universe lowercase intended on hold