In A Snap

Door agoodgirlgonebad

2.4M 32.9K 4.9K

Kathryn Chandria - "I'm just a girl who dreams of having a simple life and finding true love. But what I didn... Meer

In A Snap
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Special Chapter

Chapter 42

32K 414 171
Door agoodgirlgonebad

Dahil kinilig ako ng bongga sa mga banat ni Gino kay Mikay sa Princess And I, may update na naman ako! 3 consecutive days na akong nag-uupdate.

Warning: Mabibitin kayo sa chapter na ito. :)

Next update? Ewan ko pa. Siguro sa weekend na? Basta, hintayin nyo na lang. Read before you vote and comment. Thanks for supporting this. :*





Chapter 42

Daniel’s POV

“Tol!” nagfist-to-fist tapos nagyakapan kami ni Neil. Namiss ko ang mokong na to. Nandito na kami sa beach resort kung saan ikakasal si Diego at Julia.

“Hindi ka man lang nagsabi sa akin na nandito ka na ulit. Kahit kelan talaga.” sinuntok ko siya ng mahina sa dibdib.

“Pasensya na Daniel, may mahalagang bagay lang talaga akong pinagkakaabalahan ngayon.” tinaas-baba niya yung dalawa niyang kilay.

“Ano na namang kalokohan yan ha?! Akala ko pa naman nagbago ka na?” sabi ko sa kanya.

Bumulong siya sa akin. “Ang kalokohan ko ay pinamagatang ‘Make Yen Jealous and Finally Win Her’. O di ba? Anong masasabi mo?”

“Ano yun? Hindi ko gets.” ano bang pakulo ni Neil?

“Watch and learn.” sabi niya tapos lumapit siya kung saan nakaupo si Yen at isa pang babae. “Yen, can I borrow Akiko first? Gusto ko lang kasi sanang masolo ang honey ko kahit sandali.” sabi ni Neil kay Yen.

“Sure.” sagot ni Yen.

Pagkaharap ni Neil sa akin, nag-wink siya. Alam na! Pinagseselos pala ng kolokoy si Yen. Tumingin ako kay Yen at nakita kong sinusundan niya ng tingin sina Neil at Akiko. Mukhang nagwowork ang ginagawa ni Neil ah. Hanep talaga ang mga paraan niya. Haha.

“Guys! Mamaya may pool party tayo dun sa villa, 7pm ang start. Kita-kita na lang tayo doon mamaya. Huwag kayong mawawala. Neil ha! Baka kung saan-saan ka na naman sumuot.” sabi ni Julia.

“Oo, pupunta ako dun. Don’t worry Julia. Sige na alis na kami ni honey ko. See you later guys!” umalis na sila ni Akiko.

“Hindi na nawala ang pagkahyper ni Neil. Saan kaya nun nakukuha ang energy niya?” sabi ni Julia. Napatingin siya kay Yen. “Yen, okay ka lang ba? Bakit antahimik mo?”

“W-wala lang to. Pagod lang siguro ako sa byahe. Sige, I’ll go ahead. I’ll just take a nap, baka sakaling mawala yung pagod ko.” sabi ni Yen at umalis na rin.

Tumabi sa akin si Julia. “Hmmmm. Mukhang nagjejelly na si Yen ah.” sabi niya sa akin.

“Alam mo?!” pagtataka ko.

“Nagets ko na yung plano ni Neil. Alam ko namang si Yen talaga mahal nun eh, kaya imposible yung sinasabi niya na girlfriend niya si Akiko.” tumawang konti si Julia.

“Tingin mo, effective ba yung ginagawa ni Neil?” I asked her.

“I think so. Obvious sa ikinikilos ni Yen na nagseselos na siya.” sabi niya. “Sige DJ, puntahan ko na muna sina Mommy, tutulungan ko lang silang mag-unpack. Kita na lang tayo mamaya sa party.”

“Sige.”

Pinuntahan ko si Jasmine sa room niya, kumakatok ako pero walang sumasagot, baka nakatulog. Pabayaan ko na lang muna siya, pagod din siguro sa byahe.

Pumunta na lang ako sa tabing-dagat. Saktong-sakto, sunset na. Habang pinapanood ko ang paglubog ng araw, naalala ko si Kath. Dati, sabay kasi kaming nanonood ng sunset. Kamusta na kaya siya ngayon? Alam kong sabi niya na masaya na siya. Kailan ko kaya ulit siya makikita? Sana naman sa pagkikita ulit namin, maging magkaibigan man lang ulit kami.

Kathryn’s POV

“Chandria, eto na yung gown na isusuot mo bukas sa kasal ni Julia. Buti na lang ganun pa rin ang size ng katawan mo, hindi nagbago.” sabi ni Mom.

“Paano na po yung maid of honor talaga ni Julia kung ako na yung papalit sa pwesto na yun?” tanong ko.

“Wala naman talagang inassign si Julia sa Maid of Honor. Gusto niya talaga na ikaw yun kaya lang hindi siya sigurado kung makakarating ka nga, kaya wala na lang siyang ginawang Maid of Honor.”

“Si Bes talaga!” napangiti ako kasi ako talaga ang gusto ni Julia na mag-assist sa kanya. I’m sure masusurprise siya.

“Pupunta ka ba mamaya sa pool party? Magpapakita ka na ba sa kanila?” Mom.

“Yeah, punta po ako. I think it’s time na harapin ko na ulit silang lahat.”

“Sasabay ka ba sa amin ni Franco?”

“Ay mom, hindi na. Hihintayin ko pa kasi si Sam. May binili lang kasi siya sa bayan.”

“Sige, sumunod na lang kayo ni Samuel. Mag-ingat kayo.” lumabas na si Mom ng room ko.

Sobrang saya ko talaga. After two years, I’m now back. Andito na ko ngayon sa beach resort kung saan ikakasal si Bes. Syempre, mamimiss ko ba naman ang pinakaimportanteng araw sa buhay niya? Makikita ko na rin ang mga kaibigan ko. Alam ko naman kung ano ang mga nangyayari sa kanila dahil nakukwento sa akin ni Mom lahat. Pero ano kayang mangyayari kapag nagkita na kami ni DJ? Galit kaya siya or nagtatampo sa akin? Kasi ako matagal ko na siyang napatawad sa kung ano man ang nagawa niya noon. I just hope maging magkaibigan man lang ulit kami.

Daniel’s POV

“Jas, are you enjoying the party?” tahimik lang kasi siya sa isang tabi kanina pa.

“Yeah. Nag-eenjoy naman ako. Don’t worry about me. Sige na, puntahan mo na yung mga kaibigan mo.”

“Sure ka okay ka lang dito?”

“Oo naman. Sige na. Go!” she smiled at me.

Pumunta muna ako sa table ng boys kung nasaan si Neil at Diego. “Neil, bakit ka naman nakasimangot diyan?” tanong ko.

“Tumingin ka kasi sa dancefloor. Look who’s dancing with Yen.” sabi ni Diego na natatawa pa. Tumingin ako at nakita kong kasayaw ni Yen si Charles, isa sa mga head of departments sa Mirage Estates.

“Ahhh. Kaya naman pala eh. Nagseselos. Ano tol? Mukhang bumabalik sa yo ang mga pinaggagagawa mo ah? Hahaha” tumawa lang kaming dalawa ni Diego.

“Badtrip yang Charles na yan. Yayain ko nga din si Akiko na magsayaw.” tumayo na siya para isayaw si Akiko.

Nakakatawang tingnan si Neil. Halatang sinasadya niyang banggain sina Charles habang sumasayaw sa gitna. Mga style talaga nito bulok.

“DJ, seryosong tanong. Mahal mo ba talaga si Jasmine?” tanong ni Diego.

“Oo naman. Bakit mo naman natanong?”

“Wala lang. Eh si Kath nakalimutan mo na ba talaga?”

Natahimik ako sandali. Sa totoo lang, hindi ko alam kung nakalimutan ko na talaga si Kath. May times pa rin kasi na bigla-bigla ko na lang siyang maiisip bigla.

“Diego tara sayaw tayo!” thank you Julia. Life saver ka!

Niyaya ko na lang din si Jasmine na sumayaw. Halos lahat nasa dance floor na.

“Kanina ka pa walang kibo dyan. Ano bang nangyayari sa yo?” kanina pa kasi parang tulala si Jasmine.

“Wala naman. I’m just tired.” sabi niya tapos nilagay niya yung ulo niya sa balikat ko.

“Gusto mo bang ihatid na kita sa room mo para makapagpahinga ka na?”

“Hindi, okay lang talaga. Ikaw, napaka-caring mo talaga.” nakayakap kami sa isa’t isa habang sumasayaw.

“Dapat lang naman. Boyfriend mo ko eh.”

“Sobrang swerte ko nga kasi ikaw ang boyfriend ko. I love you DJ.”

“I love you too.”

Pagkatapos naming sumayaw, kumain na muna kami kasama sina Julia. Tapos tinawag ni Tita Min si Julia.

“Oh myyyyyy gooooddddddddd!!!!!!!” nagulat lahat sa lakas ng sigaw ni Julia. Napatayo kaagad si Diego.

“Ano bang nangyayari?” tanong ko kay Diego.

Gulat na gulat ang lahat at nakatingin sa direksyon nina Julia. Tumingin ako sa likod pero hindi ko naman makita dahil nagsimula nang magkumpulan ang mga tao doon.

Kahit si Yen ay tumakbo na rin papalapit dun sa may entrance. Sino kaya yung dumating?

Narinig ko ulit ang pagsigaw ni Julia. “KATHRYN! NAMISS KITA!”

Teka lang. Tama ba ang narinig ko? Si-si Kath nandito?

Tumingin ako kay Diego. Nag-nod siya at tinapik ako sa balikat ko. Ibig sabihin, totoo nga? Bumalik na siya? Ayokong lumingon pero gustung-gusto ko siyang makita. Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Napatingin ako kay Jasmine at nakatingin din siya sa may entrance.

I’m afraid to look. I’m afraid that in a snap, all my feelings for her would come back. Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at tumingin sa direksyon kung nasaan siya.

And then...

I saw her. Natigilan lang ako. I can’t believe na nandito na ulit siya. Bigla akong nakaramdam ng saya. Para bang gusto kong tumalon dahil sa tuwa?

Hindi ko namalayan na papalapit na pala sila dito sa pwesto namin.

“Kath, namiss kita. I’m really sorry sa lahat ng nagawa ko sa yo.” sabi ni Yen.

“Okay lang Yen. I already forgave you a long time ago.” they hugged each other.

“Neil, bakit tulala ka dyan?” kinausap naman niya si Neil.

“Ah wala Kath. Grabe, lalo kang gumanda ngayon! Ikaw na ang dyosa ng lahat ng dyosa!” Neil.

“Bolero ka pa rin, di ka pa rin nagbabago. Hahaha.” Kath. Nagtawanan na rin lahat.

“Sobrang namiss ko kayong lahat.” tiningnan niya kami isa-isa. Pero agad niyang iniwas nung nagkatinginan kaming dalawa.

“Kamusta ka Kath? Marami kang ikukwento sa akin, hindi kita titigilan.” Julia.

“Okay lang naman ako. I’m good. And kayo guys, I heard that you are all doing great. Syempre nakwento na sa akin ni mom lahat.” sabi niya.

“Sino yang kasama mo Kath? Ipakilala mo naman sa barkada.” sabi ni Neil.

Ngumiti si Kath tapos hinila niya papalapit yung kasama niya at magkahawak ang kamay nila.

“Guys, I want you to meet Samuel Lawrence Biden, .....”

“........................ my husband.”

 

___________________________________________________________________________

Chapter 42 done! Bitin di ba? :))))

May asawa na si Kath? Paano nangyari? Abangan. :D

Please vote, comment and be a fan if you think I deserve it. Thanks! :)

Add me on twitter: @imgoodgonebad

My tumblr account: http://agoodgirlgonebad27.tumblr.com/

~ agoodgirlgonebad

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

13.5K 777 20
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
98.1K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
957K 25.9K 78
#9 in Teen fiction- highest rank achieved Lalaking mayabang... Rude boy meet Prince Lourence Scott... Ang hot ang gwapong mapang-asar na lalaki, at h...
611K 6.9K 56
"I badly need to find him. I really want to see him again" - Kate Blanco. "I freakin' despise her. I never want to see her again" - Dylan Patriarca...