Chapter 53

29.4K 443 121
                                    

Medyo natagalan ang update ko, dami ko kasing ginagawa sa school. Pero, here's the third to the last chapter. :)

By the way, I posted a one-shot story entitled "Hope" (KathNiel). I hope you could check it out. Thank you! :D

Chapter 53

Sam’s POV

 

It has been a year since the accident happened. Naimbestigahan na may plano pala ang pilot ng plane na sinakyan ni Kath na magsuicide. Everyone in the plane died, including Kath. We were able to retrieve her body, halos hindi na makilala dahil sa burns na natamo nito. Na-identify lamang na siya iyon dahil sa suot-suot niyang kwintas, ang heirloom na namana niya.

Everyone was shocked with what happened. It was so sudden that her family and friends including me had a hard time accepting her death. Lahat ng relatives niya abroad ay umuwi for her funeral. Umuwi rin kaagad ang bestfriend niyang si Julia kasama si Diego na hindi na natapos ang honeymoon nila.

I can still remember when her coffin was placed inside the chapel. Lahat kaming malapit sa kanya ay nandoon at naghihintay except kay DJ. It was really hard for him to accept na wala na si Kath. Nagmukmok lang siya sa kwarto niya simula nung nalaman niyang wala na si Kath. Kasunod ng coffin ay si Tita Min na hawak-hawak ang isang malaking frame na may picture ni Kath. Tulala lang siya habang naglalakad at inaalalayan ni Tito Franco.

When her coffin was already placed in front, isa-isa nang lumapit ang mga nandoon to offer their prayers for her. Nakasara lang yung coffin because her body was burned. Hindi na rin napigilan ng mga kamag-anak at kaibigan niya ang pag-iyak. Julia was sobbing hard while Diego was hugging her. Yen was being comforted by Neil. Tita Min broke down and fainted. Sobrang lungkot ng mga sumunod pang araw sa burol niya. Everyone just comforted each other and told stories or the experiences they had about Kath so that they can lighten the atmosphere in the chapel. Hindi pa rin pumupunta si DJ sa burol, everyone was convincing him to go, pero wala pa rin.

Then it was the last night of Kath’s funeral. Akala namin hindi na talaga pupunta si DJ para makita si Kath pero he showed up. He walked at the center of the chapel. All eyes were on him. He was staring on the coffin habang naglalakad siya, he never moved his gaze from it. Tahimik na tahimik ang lahat habang papalapit siya kay Kath. When he reached the front, hinaplos niya yung malaking picture doon ni Kath at lumapit na siya sa coffin. He slowly touched it, his hands were shaking. pinadaanan ng kamay niya yung buong coffin. After a while, he leaned over it, para bang yakap-yakap niya ito. Naririnig na rin ang paghikbi niya. I felt his pain that time. Kung sa akin, sobrang sakit na ng pagkawala ni Kath, paano pa kaya sa kanya? I know he loves her so much. Awang-awa ako kay DJ. Lumapit ako sa kanya to comfort him, yung mga barkada niya kasi ay nagbreakdown ulit when they saw DJ crying. Tinatapik ko na lang ang likod niya. It was really a heartbreaking scene. Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi noon ni DJ.

He was crying so hard pero pilit niyang kinakausap si Kath. “Kath, I- I love you. Alam mo yan di ba? Mahal na mahal na mahal kita.” He kissed her coffin.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon