Chapter 26

38K 500 46
                                    

Chapter 26

Franco’s POV

“Mama, kamusta na ang pakiramdam ninyo? Di niyo naman sinabi sa akin kagabi na may nararamdaman pala kayong masama. Kay Manang Luisa ko pa nalaman pagkauwi ko.” agad kong tanong kay Mama nung nakita ko siyang nakaupo sa bench sa garden sa labas.

“I’m okay na. I’m feeling a lot better now.” nakangiti siya ng malaki ng sinabi niya yan. Para bang ang aliwalas ng mukha niya ngayon.

“Buti naman kung ganon. Mukhang masaya kayo ngayon ah. Ano bang meron?” nagtataka lang ako kasi halata sa mukha ni mama ang pagkagalak.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti ulit sa akin. “Franco, I think I already found my granddaughter Chandria.”

Did I hear it right? Totoo ba ang sinabi niya sa akin? “Ha? Si Chandria? Saan? Papaano?” Sunud-sunod na pagtatanong ko sa kanya.

She nodded. “Oo Franco. Pero siguraduhin muna natin kung siya nga talaga si Chandria.”

“Ma, paano mo siya nahanap? Hindi mo pa sinasagot yan.” ewan ko ba pero bigla akong nanginig. Dahil siguro sa sobrang pagka-excite.

“Remember the heirloom of our family?” she asked me.

“Which heirloom?” ano namang connection ng heirloom na yun? Bakit naiiba na ata yung usapan namin?

“The heart shaped diamond necklace. Do you still remember it?”

Teka, naaalala ko na! “Yes Ma, alam ko yun. Di ba you told me to give it to the one that I will marry? Kaya wala na sa akin yun, naibigay ko na kay Min.”

“Yeah, I know you gave it to her. But the thing is, I saw a young lady at the party wearing that necklace.” sabi ni Mama.

“Are you sure na yun nga yung heirloom ng pamilya natin?” baka kasi nagkakamali lang siya.

“Anak, I’m a hundred percent sure na yun yung necklace na binigay ko sa iyo. Nag-iisa lang yung design na yun. And I actually had a chance to touch it and napatunayan kong tunay nga yun.”

But I gave that necklace to Min. Anong nangyari? “Pero paano naman napunta sa babaeng yun yung kwintas?”

“Sabi niya sa akin, ibinigay raw yun sa kanya ng mommy niya nung 18th birthday niya.”

“Mom, do you know the name of that girl?” I’m really hoping that she’s really my daughter.

In A SnapWhere stories live. Discover now