Chapter 46

33K 409 67
                                    

Eto na. Dito na marereveal yung reason behind Kath and Sam’s marriage. Pasensya na kung sabaw. Vote and comment kayo ha! Salamat! :D

Chapter 46

Daniel’s POV

Nanonood ako ng sunset when I noticed that Kath and Sam were also here. Medyo malayo sila sa akin but I can see them clearly from where I was sitting. Napansin kong parang nag-aaway sila. Nakikita ko kasi si Kath na umiiyak tapos bigla na lang siyang iniwan ni Sam na mag-isa. Lalapitan ko sana siya pero bigla na lang siyang umalis. Ano kayang problema nila?

Nagpalipas oras na lang muna ako at namasyal sa mga stalls dito at namili ng mga pasalubong para kay Mama, Papa at Jas. Inuwi ko muna yung mga pinamili ko at nagpalit ng damit bago pumunta sa bar kung saan kami maghahang-out ng barkada. Pagdating ko, nandoon na sina Julia, Diego, at Kath. Wala pa sina Neil at Yen.

“Hi guys.” Bati ko sa kanila. “Kanina pa ba kayo dito?”

“Medyo. Siguro mga thirty minutes na kami dito.” Sabi ni Diego habang umiinom ng beer. “Nakita mo na ba sina Neil at Yen?”

“Hindi. Akala ko nga ako na lang yung kulang.” Sabi ko tapos umorder na rin ako ng beer. Sobrang tahimik lang ni Kath. Umiinom lang siya ng vodka at hindi nagsasalita.

“Mga tol! Julia! Kath!” masiglang bati ni Neil. Magkasabay silang dumating ni Yen.

Tinuro ni Julia yung kamay nila. “Anong ibig sabihin niyan? Bakit magkaholding hands kayo?”

Yen bit her lips at napayuko siya. Si Neil naman abot tenga ang ngisi.

“Don’t tell me kayo na?” Diego.

“Kuhang-kuha mo Diego!” sagot ni Neil.

“Weh? Di nga Yen? Seyoso ba yan? Yang sira-ulong yan sinagot mo?” pantitrip ko sa kanila.

“Totoo guys. Paano ba naman kasi patay na patay pala sa akin si Neil, grabe talagang ginamit pa niya si Akiko para lang pagselosin ako. Kaya ayun, sinagot ko na rin.” Natatawang sabi ni Yen.

“Ang sabihin mo masyado kang nasarapan sa halik ko kaya sinagot mo agad ako!” sabay akbay ni Neil kay Yen. Namula si Yen dahil doon.

“Ay grabe! Ano yan? PEE BEE BEE Teens lang?!” biro ni Julia.

“Bro! Lakas mo talaga! Haha” sabi ni Diego tapos nag-apir sila ni Neil.

“Ganun talaga. Gwapo eh!” sabay wink ni Neil.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon