Chapter 20

43.9K 642 67
                                    

Happy Valentine’s Day dear readers! Dahil mahal ko kayo, here’s my VDay gift to you! Oh di ba, nag-update ako kahit busy?

 

Ayan, enjoy kayo sa pagbabasa. I hope this chapter will make you happy! <3

 

 

 

Chapter 20

Daniel’s POV

I talked to Diego. Humingi ako ng tulong niya kasi nga di ba magkadate si Albie and Kath mamaya? Siyempre di naman ako papayag dun. Dapat akin lang si Kath. Talagang inangkin ko eh noh. Haha. Pero ang totoo kasi, nagseselos ako kay Albie. Nararamdaman ko naman na mahal niya din si Kath. Bakit ko alam? Well, it takes one to know one di ba? Kaya eto ako ngayon, gumagawa ng paraan para di matuloy ang date nila mamaya.

“It’s about Kath.... and Albie.” tinanong niya kasi sa akin kung ano daw yung maiitulong niya.

“Ano namang meron sa kanila? Bakit pati ako nadamay?” Diego.

“Okay fine. I may sound gay but I’m jealous.” inamin ko na sa kanya, ayoko na kasing magtagal pa yung usapan namin.

Tumawa siya bigla. “Bro, are you serious? You’re jealous? Hahaha. Don’t tell me you’re in love with Kath?” tawa pa rin ng tawa si Diego, namumula na nga sa sobrang saya eh. “Ikaw? Isang badboy at playboy, in love na?”

Nakakaasar na siya ha. “Oo na nga! In love na ako kay Kath! Masaya ka na?!” tapos ayun medyo tumigil na siya sa pagtawa pero mapang-asar pa rin yung tingin at smile niya.

“Grabe Bro, isang Kathryn Manuel lang pala ang katapat mo. After mong magkaroon ng let me think, more than 20 girlfriends or flings? Pero sige, ano bang gusto mong gawin ko? Halata talagang natamaan ka sa kanya eh.” sus, papayag na rin lang, may pang-aasar pang kasama.

Inakbayan ko siya. “Tulungan mo kong hindi maka-date ni Albie si Kath, para ako yung ka-date niya mamaya.” Diego looked at me with how-am-i-supposed-to-do-that look, kaya sinabi ko na agad yung naiisip ko. “I heard you’re both part of the university council, tapos ikaw pa yung chair. And I know that the council is in charge of all the events. So what I’m saying is, keep Albie busy. Give him a lot of work to do. Para masolo ko si Kath mamaya.” Sige, ako na ang masama, pero ganito talaga ako, gagawin ko lahat kapag nagseselos ako.

“Haisst DJ, dinadamay mo pa ako sa kalokohan mo.” ano ba to? Don’t tell me he’s not going to help me?

“Diego sige na. Minsan lang naman ako humingi ng favor sa yo eh. Please.” nakatingin lang siya sa akin. Ah, alam ko na! Siguradong hindi na siya makakatanggi sa offer na to. “And kapag tinulungan mo ako, tutulungan din kita kay Julia, di ba gusto mo siya? Don’t deny it, kilala kita. I’ll help you surprise her later.” Ayan, nararamdaman kong papayag na siya. I can smell victory! haha

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon