Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

34

5.4K 82 6
By septemberoyal

JHO

Nakakainis!

Para namang nangaasar talaga ang donyang yun! Ako pa talaga? Ako pa talaga ang inutusan nyang pumunta ng BEG para lang iabot sa kanya itong knee pads nya! Kung bakit naman kase iniwanan ng magaling kong "nanay" itong knee pads nya  eh alam naman nyang nilabhan nya ito kagabe at may training sila ngayong hapon.

Yes mga bes.SILA. As in sila lang mga napiling maglalaro for our country for U23.☹ Tapos na kase ang stint namen sa SVL and mga bes natalo po kame sa collegiate conference😭 Umabot pa nga kame ng game 3 pero talagang di para sa min yung korona kaya ang NU ang nag champion.

Malungkot man at masakit ang pagkatalo ng team ay magandang learning experience para sa min itong pag join namen (every year naman nasale ang ALE) at makakatulong ito sa pag pasok namen sa "mother league" ng team. And sana this time madepensahan ulit namen yung korona at manatili ito sa katipunan.

At tulad nga ng nasabe ko kanina,pinili ang ilan sa mga magagaling na volleyball players ng bansa na di pa nalagpas  ng 23 ang edad.Syempre pasok na pasok pa si phenom, gretchel soltones, jaja santiago, risa sato, ria meneses, myla pablo, tin agno,  EJ laure, jia, bea at si donya.

Kaya nga hanggang ngayon ay nasa dorm pa rin ang donya kase kasali sya team. And speaking of donya, ang sarap nya pong tanggalan ng bilbil tas ilagay ko lahat sa batok nya kase ang lakas ng trip,inutusan ba naman ako,eh ayoko ngang magpupupunta sa gym netong mga nakaraang araw pa.

(Ay why naman bes?)

Ayoko lang may makitang di kaaya aya sa paningin (ko).

(Ay sinetch etey?)

BASTA.

"Oi,momski!"

"AY ANAK KA NI BEADEL!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil nagulat talaga ako mga bes! At walang hiya talaga itong si deanna.Sya pala yung natawag sa kin sabay tapik sa balikat ko. Sa inis ko ay hinampas ko sya sa braso .

"Leche kang bata ka! Ginulat mo ko wong! Kaasar ka!" tas pinalo ko pa.

Ilag lang ng ilag si deanna habang natawa. "Ano gawa mo dito?" at  sumilip sa loob ng gym. "Ba't nasilip ka lang? Tara pasok tayo.Nood tayo ng practice nila." aya nya at di na ako hinintay na sumagot or tumango man lang kase hinila nya agad ako papasok!

Pilit naman ako kumakawala sa hawak dito sa "anak" ko pero mahigpit at halos hilahin na ako papasok.

"Di pa sila naguumpisa?" tanong ni wong kase ang mga players ay naguumpukan at sa tingin ko ay nagkukwentuhan pero ang nakatawag ng pansin ko ang dalawang nilalang na animo'y may sariling mundo at panay ang selfie na may kasama pang harutan.

Umiwas na ko ng tingin at hinanap na lang si donya na di naman ako nahirapan dahil lutang na lutang talaga sya sa iba pang nandun. Nilapitan ko na lang para di ako makaagaw ng pansin(sa iba).

"Oh donya, eto na yung pinapadala mo sa kin." ako sabay abot ng kneepads nya.

Isang matamis na ngiti ang binigay naman ni ate ells pero wala ako sa mood para makipagngitian. "Next time makes sure na dala mo na ang lahat para wala ka ng maistorbo."

"Woah! Ang sungit naman this gurl!" si donya.

Di ko na pinansin pa ang mga patutsada ni ate ella,basta sumama ang timplada ko ngayon at gusto ko ng umalis dito.

"Ahhhh.... kaya pala." ang donya at hinila ako palayo sa ibang kasama nya. "Alam mo ba,kanina pa sila ganyan."

"Huh?" napakunot noo ako.

"Aysus! Masyado kitang kilala para malaman ko kung bakit ka ganyan ngayon." at binigyan ako ng makahulugang tingin at may pa wiggle wiggle pa ng kilay.

"Tigilan mo nga ako,donya." at inalis ang nakakawit na braso nya sa braso ko.

"Sige deny pa more." si ate ells. "Eh, halos patayin mo na sa sama ng tingin ang dalawang yun." at ininguso pa sina bea at ej na masayang naguusap.

"Issue ka,alam mo yun?" tas inirapan pa ang donya pero tawa lang ang narinig ko sa kanya.  "Alis na nga ako."

Tinawag ko na si wong na nakikipagdaldalan kina jia para makaalis na,alam kong sa pag tawag ko kay deanna ay nakuha ko ang pansin ni bea at nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon nya sa gawi ko.Kunwari di ko sya napansin at nagtuloy lang sa paglakad papalabas ng BEG. Nasa tarangkahan na kame ni deanna ng maramdaman ko ang paghawak nya sa braso ko kaya napahinto at nilingon ko sya.

"Hi." malapad nyang smile sa kin. " Kanina ka pa ba andito?"

"Medyo." si deanna na ang sumagot para sa kin. "May inabot lang sya kay ate ella."

"Ah,okay." si bea at napalingon sa paparating na babae na tumawag sa kanya.

"Hello." nakasmile netong sabe na labas ang nakabrace na ngipin neto. "Hi deanna."

"Hello,ej." si deanna na para bang kinikilig(?)

"Hi ej!" ako na pinasaya ko ang boses ko. "Una na kame,ha.Maguumpisa na rin ata kayo.Sige bye" tas tumalikod na.

"Wait!" si bea.

"Una na ko momski." si deanna at iniwanan kame ni bea.

"Dinner tayo later,ha." aya ni bea. "Walang tatanggi." tas mabilis akong hinalikan sa noo bago tumakbo palayo sa kin.










"Oi,san ang punta mo bes?" tanong agad ni kim pagkababa ko. Nasa sala na  halos lahat ng girls maliban sa mga nagpapractice for U23.

"Aba,may date si marag!" si ate mae.

"And who is he?" sabat ni ate amy.

Sige pagpilitan nyo yang gusto nyong mangyare na hindi naman talaga. Mga tsismosa talaga ang mga ito! Pero bakit naman kase ganto ang naisipan kong isuot?😅 Naka floral dress ang ate nyo at nakadoll shoes pa! tas nakaayos pa ako pero ng simple lang di halatang may nilagay ako fez ko. hihihihi....

"Ano ba kayo?" natatawa kong singit sa mga nagtatanong sa kin. "Wala akong ka-date okay. May pa-dinner lang si beatriz sa kin."

"May dinner date kayo ni ate bei?" si ponggay.

"Hindi nga date di ba." pilit ko sa mga 'to. Ang kukulit! "Inaya nya lang ako mag dinner. Gusto nya lang siguro ako makasabay kumain."

"Siguro ka dyan? Ikaw lang gusto nyang lageng makasama sa lahat ng bagay." si tey tas tumawa kaya nahawa na rin yung iba.

"Nakakalimutan na nga kame eh." si maddie na busy sa phone nya.

Narinig ko yun pero pinagkibit balikat ko na lang. "Oi,wag kayo issue ha." ako tas tiningnan ko ang phone ko kung may text sa kin at meron nga kaya binuksan ko.Si bea syempre,on the way na daw "sila" sa eliazo.

Nagpaalam na ko agad sa mga ito na lalo pa akong inasar kaya bago pa ako maasar sa kanila ay bumaba na ko. Doon ko na lang hihintayin si beatriz. Di pa ko nakakarating sa lobby ng makasalubong ko na sina ate ly, si jia at ang donya.

"Anyare sayo,bes?" si jia na tiningnan talaga ako mula ulo hanggang paa.

"San ang punta mo?" si ate ly naman ang nagtanong sasagutin ko na sana ng si ate ella naman ang nagtanong.

"May date ka?" ang donya  na nakataas pa ang kilay.

"Mukha ba akong may ka-date?" natatawa kong sabe sa kanila.

"Opo." sabay pa talaga ang tatlo.

Napabuntong hininga ako. "Magdi-dinner lang kame ni beatriz then uuwi agad kame." naghintay ako ng reaksyon sa tatlo at tanging ginawa nila ay tumango lang at nagtinginan. "Andyan na ba sya?"

"Parating na siguro "sila" nakabuntot na kase ang kotse ni bei kanina sa min eh." nakangiting sabe ni ate ly.

"Ahhhh......Okay. Sige una ko." tas bumeso  na ko sa tatlo at nagwave pa bago ako tumalikod at iwan sila doon.

Tamang tama naman ng dumating ako sa lobby ay kahihinto lang ng kotse ni beatriz sa mismong harapan ng eliazo.Di rin nagtagal ay bumaba na doon ang hinihintay ko. Pagkasalubong ng mga mata namen ay agad itong nagsmile sa kin kaya ganundin ang ginawa ko,lumapit na ko sa kanya at sya naman ay umikot sa kabilang side para malapitan din ako.

"Wow! Nagdress ka pa talaga ha." tukso agad sa kin ng damulag na 'to.

"Pangit ba? Doon palang sa loob tinutukso na ko ng team tas pati ikaw?" ako at napapout pa. "kala ko pa naman magugustuhan mo."

"Sino bang may sabeng di ko nagustuhan?" natatawa po sya kaya hinampas ko sya sa braso. "Oh tingnan mo 'to,di naman naniniwala pag sinabe kong gusto ko.....gustung gusto ko kaya." dagdag pa nya. "Ang ganda mo po."😊

"Che!" tas pabebeng irap.☺☺☺ Hinawi ko sya at binuksan ang pinto ng kotse nya sa passenger seat pero yung ngiti ko kanina ay unti unti nawala ng makita kong may nakaupo na doon.

"Ow! Hi jhow."

Si EJ. Si EJ na nakaupo sa passenger seat na dapat ay ako ang uupo dun. Kaya pala pag tinatanong ko sila kanina kung andito na ba ang batang ito ay puros may "sila" sa mga sagot nila.Napalingon ako kay bea na nasa likuran ko lang pero kamot sa batok lang ang pinakita sa kin at pilit na smile.

"Nice dress ha." nakangiti pa rin sya sa kin, di ko alam ko kung totoo ba ang sinabe nya o pinaplastic lang nya ako. "Lets go na kaya. Bei bei,tara na gutom na ko." pabebeng aya nya kay beatriz ng bumaling sya sa katabe ko.

"A-ah O-oo,sige." tas tumango pa then bumaling sa kin. "Jho, tara?"

Ngumiti ako pero bes,pilit yun para maramdaman netong babaeng ito tas tumango lang ako. Syempre may nakaupo na sa pwesto ko DAPAT, kaya binuksan ko na lang yung likuran ng kotse nya.Di ko na hinintay pagbuksan ako,eh kaya ko naman!😒😕








Para naman akong nagsisi kung bakit pinilit ko pang sumama sa dinner na 'to, eh di rin naman ako nakakain ng maayos. Kahit nga masarap pa ang nakahain ngayon sa hapag ay para akong busog......Busog sa kakatingin sa dalawang nasa harapan ko na masayang nagkukwentuhan na may kasamang harutan pa nga.

"Nakaka umay." patay malisya kong sabe at nilaro laro sa tinidor yung kinakain ko.

"Ikaw rin?" si ej kaya napa angat ako ng tingin na sa kin pala nakatingin. "Ako rin eh.Naumay na rin." yung tinutukoy nya ay yung dessert na inorder ni bea para samin.

"Ah oo." sangayon ko. "SOBRA!" Tssss.....😒

"Ui,wag nga kayong maingay." saway naman ni bea sa min.

"Totoo naman kaya." si ej.

"Stop na yang usapan na yan ha." si bea.

Tumigil naman kame sa kaka-complain sa food at iniba na lang yung topic, kaya yung napagkwentuhan na lang(nila) ay yung training nila for U23 at yung mga teammates nilang kasama dun. Nakikitawa na lang ako pag natawa sila then makikinig pagkatapos.

"Anong oras pa ba kame dito?" tanong ko kay self.Wala naman akong ibang makausap bukod sa sarili ko kase busy po si beatriz sa kaka-entertain sa FRIEND nya.

Panay pa ang tawanan ng dalawa na pinanonood ko na lang kung minsan then pag na bored ako ay sa phone ko na lang ako titingin. Buti na lang nauso ang cellphone 'no,kung hindi ay baka nakatulog na ko dito sa kaka-antay dito sa dalawa kung kelan matatapos kumain/magkwentuhan/magharutan.😕

Napatingin ako sa oras sa phone ko at umabot na kame ng alas nuebe ng gabe dito sa resto na to pero di pa rin kame naalis,kaya pala nag aalisan na ang ibang kustomer at nagliligpit na ng ibang crew,siguro pasara na sila. Nag angat ako ng tingin sa dalawang magkatabe na still nagkukwentuhan para sana ayain na silang umuwi pero parang nagsisi akong mag angat ng tingin sa dalawa dahil sakto namang sinusubuan ni ej si bea ng malaking slice ng cake, pero para namang sinadya na ilihis ito sa nakanganga na bibig ni bea kaya nagkalat ang icing sa buong bibig ni bea hanggang pisngi at baba neto.Tawa lang ng tawa si ej sa hitsura ni bea na ang dusing.

"Ikaw kase eh." angal ni ej na natatawa habang pinupunasan ang labe pati na rin ang ilong at baba na puno ng icing sa pagkakasubo kanina. "Sabe ko lakihan mo ang buka ng bibig mo,yan tuloy."

"Sinadya mo kaya." si bea na natatawa rin.

Langya mga bes! Parang ginawa lang akong panabla sa dalawa 'to!
Thirdwheel lang ang feels! Boset!💢💢💢

Di na ko nakatiis kaya tumikhim ako ng malakas para marinig ng dalawang ito na nangyare rin agad kaya sabay silang tumingin sa gawi ko.

" Petsa na mga bes? May balak ba kayong umuwi o dito lang kayong maghaharutan?......ng habangbuhay?" nakangiti kong sabe sa kanila kahit naiinis na talaga ako.










Saktong 10 PM na kame nakarating ni bea sa eliazo pero andito pa rin kame sa parking at nakasakay pa rin sa kotse  nya. Nagtext na ako kay ate ly na nauwi na kame at paakyat na rin para di kame pagalitan ni phenom.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng pigilan ako ni bea.Nasa likuran pa rin ako nakaupo hanggang ngayon kase kanina sa passenger seat pa rin umupo si ej at di na ako nakipag unahan pa sa kanya. Inihatid pa namen sya ni bea sa espana, sa mismong dorm ng mga tigressess para daw safe sabe ni bea.(eh di sya na......Sya na ang gentlewoman!)😒

Pinalilipat naman nya ako kanina sa passenger seat pero tinulugan ko lang sya buong byahe namen pauwi nga rito sa ateneo. Pagka-park nya ay sya na mismong lumipat dito sa likod kaya eto magkatabe kame pero may space sa min dalawa.

"Beh....."

"Akyat na tayo." cold kong sabe at di ko sya tinitingnan. " Baka magalit na sa tin si ate ly----"

"Galit ka ba?" malamyos netong tanong kaya napatingin ako di oras sa batang ito na tamang tama naman ay nakatingin din pala sa kin.

"At bakit naman po?" may pagkataray kong tanong.

"Kanina ka pang cold sa kin." si bea na lalong pinalamyos ang boses. (Boset naman oh!) "Meron ba akong ginawang di maganda or di mo nagustuhan kaya ganyan ka ngayon?"

Tiningnan ko lang sya na para bang gusto kong sabihin sa kanya na "oo meron nga at naasar ako sayo!" pero nanatili akong tahimik na nakatingin lang sa kanya. Di ko kase alam ang isasagot ko sa kanya pag nag counter question ito. Pano ko ba sasabihin na naiinis ako kanya kase di man lang nya sinabe sa kin na may kasama pala kameng magdidinner,feeling ko tuloy panabla lang ako sa kanila kanina.OP lang ako kanina mga bes! Tas yung nakita  ko pang eksena kanina,kala mo nanonood ako ng movie sa ganong artehan nila! Lalong nag-iba ang timplada ko ng mapanood ko ng live. Leche!

"Beh..." pukaw ni bea sa kin kaya nabalik ako sa kasalukuyan.

"Beatriz,nainis  lang ako sayo ng slight." ang sinungaling ko po.

"I knew it." si bea. "Dapat talaga tayo lang yun eh kaya lang trip ako ni ej,actually nung isang araw pa nya akong trip----"

"Ang haba naman kung mangtrip ng babaeng yun,inabot hanggang ngayong araw?" di ako makapaniwala.

"Oo nga eh." si bea at napakamot sa noo. "Nagpapahatid kase sya sa kin sa espana kaya nga sumakay sya agad.Nahihiya naman akong pababain pa sya kaya inaya ko na lang sumama sa tin mag dinner,kaya yun...."

(Yun naman pala bes.Di naman pala nya kagustuhan pero napilitan naman kaya hamo na.Tanggapin mo na ang explanation nya sa yo.)

Napabuntong hininga ako tas hinarap ng naka upo pa rin ang damulag na nakatungo na ngayon.Hinawakan ko ang kamay nyang nakasalikop na nasa hita nya.

"Okay na." sabe ko na syang nakapagpaangat sa kanya ng tingin sa kin.

"Di ka na galit?" naniniguro naman sya ngayon.

Tumango ako then nag smile sa kanya.Nagliwanag ang mukha ng damulag tas lumapad ang ngiti neto,umusod sya palapit sa kin at pinagsalikop nya ang mga kamay namen at di pa natapos dun kase humilig sya sa balikat ko.

"Pwede favor?" si bea.

Tumango lang ako at kahit di nya yun nakita alam kong alam nya yun.

"Dito muna tayo kahit 10 minutes." si bea pa rin. "Gusto kong gawin ito kanina pa pero di ako maka-alagwa kay ej kanina."

"Sus! kunwari ka pa. Enjoy ka nga kanina sa company nya,di mo nga ako napapansin kaya." sabe ko.Totoo kaya yun.

"Kaya nga humingi na ko sayo ng atleast 10 minutes para sa tin dalawa.......Sa ating dalawa lang." si bea at lalong siniksik ang ulo neto sa balikat ko.

Sa ginawang yun ni bea ay ramdam ko ang mainit na hininga ng batang ito sa leeg ko! Nakahilig lang naman sya kanina pero ngayon ay nakasiksik na ang pagmumukha nya sa leeg ko mga bes! Ang awkward ng ayos nya pero parang komportable naman sya.

WEIRD.

Di ako makahinga ng maayos tas ang gugulo ng mga intestine ko feeling ko nagkanda buhol buhol ito sa sobrang likot. Kasabay non ang abnormal na pag tibok ng puso ko.Pano ko nasabe? kase mga bes,ang bilis at ang lakas na para bang lalabas na di ko mawari. BASTA ganon!

 

Di ako gumagalaw sa pwesto ko hanggang natapos na ang 10 minutes kaya tinapik ko si bea pero imbes na ibangon ang ulo neto ay hilik ang narinig ko.

PESTE!
Nakatulog ng tuluyan ang bata! Ilang ulit ko syang tinapik para magising, niyugyog ko na nga ang balikat ko pero tulog na talaga sya.
Napabuntong hininga na lang ako,naisahan ako ni de leon ngayon ah. Ginawa pang unan ang balikat ko! Pero hamo na, sobrang pagod lang siguro ang damulag kaya ganto ito kaya pagbigyan na.

"Pano kame pupunta ngayon sa dorm kung tulog na tong batang to?" sabe ko na lang sa sarili ko. "Ui,beatriz,gising ka muna. Sa dorm mo na ituloy yang tulog mo." tas muli kong inuga ang balikat ko.

"Hmmm......Dito na lang tayo matulog." si bea at niyakap na ako.

"Ayoko nga!" sabe ko. " Kung gusto mo ikaw na lang,pasama ka pa kay EJ, ako sa room ako matutulog." tas inangat ang ulo neto sa balikat ko.

"Tsk!" tas napakamot pa sa ulo. "Matawagan nga lang si EJ...." tas kinuha yung phone nya.

Napabaling tuloy agad ako sa kanya ng marinig ko yun,mukhang tototohanin nga ng damulag na to. Di pa man nya nauumpisahan mag type ay mabilis kong inagaw ang phone nya.

"Huy,akin na nga yan." si bea na nabigla ng hablutin ko sa kanya yung phone nya.

"Tatawagan mo talaga sya?!" di ako makapaniwala.

"Eh wala rin naman akong kasamang matulog."

"Pumasok ka sa dorm,andun si jia o kahit na sino pa ang tabihan mo,kung gusto mo pa magtabe tabe pa kayong lahat ng teammates naten eh......." sabe ko naman. " Mang-iistorbo ka pa ng ibang tao para lang dyan sa trip mo? Hay naku naman beatriz, di mo ba naisip na baka nag papahinga na si EJ ngayon?"

Natahimik si bea sa sinabe ko, siguro napagisip isip rin ng batang ito kaya di na nya ipi-nush. Good girl bea!😃

Medyo tulala pa si beatriz,kala mo lasing at wala sa wisyo ang datingan nya ngayon. Napatingin ako sa phone nyang hawak ko pa rin,ewan ko ba pero nagka interes akong buksan yun. Wag kayo mga bes,alam ko kaya ang password ng phone kaya nabuksan ko yun ng walang kahirap hirap at di na kelangan pa ng kunsultasyon kay beatriz kase ginagawa ko na ito simula pa nung naging mag BFF kame.

Nagawi ako sa gallery nya na puno ng mga pictures ng team, ng other friends nya, ng parents nya, ni george at syempre yung kame. 😊

Meron lang akong napansin na nakahiwalay na album at bubuksan ko na sana yung ng hablutin nya sa kin yung phone.

"Ui, nukaba?" ako. "Di ko pa nakikita yung isang album mo dun eh." reklamo ko.

"Anong album ka dyan?" nakanguso netong sabe sa kin.

"Yung isa,yung bago yata yun." pamimilit ko pa. " Akin na,titingnan ko lang eh."

"Ay wala po yun." si bea at inilalayo sa kin yung phone nya na pilit ko namang kinukuha sa kanya.Malakas ang kutob ko mga bes, may itinatago sa kin itong babaeng ito.

(Baka......Mga pictures ng mga babae nya! Or.........mga sweet pics nila ni EJ!)😮

Siguro nga! Kaya pala may balak pa itong tawagan si EJ kase nabitin sila kanina tas kasama pa ako kanina kaya di makadiskarte itong damulag na to.

Lalo tuloy akong nanggigil na makuha yung phone nya.Ginawa ko ang makakaya ko para makuha ulit yun,para kameng nagpapang buno dito mismo sa loob ng kotse nya. Si bea,na itinatago talaga ang phone nya para di ko lang makuha! Ako, pilit kong hinahablot sa kanya.

Sa kakaiwas nya at ako naman ay naging mas agresibo sa pag kuha ng phone nya ay parehas kameng nahulog sa backseat ng kotse nya! Oo mga bes,di kayo maniniwala pero nagkasya kame dun sa makipot na floor sa backseat nya.At oo,ang pwesto namen ay,si beatriz ang nakahiga at nakataas pa ang mga kamay netong hawak pa rin ang phone nya at ako naman ay nasa ibabaw nya,as  in nakadapa talaga ako sa katawan nya at pilit pa ring inaabot ang phone neto.

"Jho,ano ba?" si bea na lalong iniiwas sa kin ang hawak nya.

"Ang damot neto." ako at gumapang pa ako pataas sa kanya.

"Jhoana...."

"Got cha!" nakangisi kong sabe ng mahawakan ko na ang phone nya.

Parang mali yata yung sumunod kong ginawa.....Aasarin ko lang dapat sya eh kaso.......Di ko alam na ganon na pala kalapit kame sa isat isa.......Parang yung eksena namen dun sa garden nila a few weeks ago!

Ang pinagkaiba lang ay yung pwesto namen noon at ngayon....... Napapamura tuloy ako sa utak ko kase ..............halos mag palitan na kame ng hininga netong batang ito ngayon.

Titigan contest naman ang sumunod na nangyare and still nasa ganong posisyon pa rin kame. Ano bang nangyayare at di ko man lang maigalaw ang katawan ko para tumayo? Para na akong(kame) na freeze dito......





"OH MY GOD!"

Sabay kameng napatingala ng biglang bumukas ang pinto ng kotse nya at biglang napasigaw si jia.

"Momskiiiii..........." kasama rin si deanna!? "What are doing!?!" si deanna na tinakpan ang mata ng iilang daliri lang.

"Anyare?"

Patay na! Kasama pa ang donya! 

"JHO,BEA!!!" si ate ells ng makadungaw sa min. "ANONG GINAGAWA NYO?!?!"








AN:

Kase birthday ni Master Jho kaya may pa-UD ako mga dude.

HAPPY BIRTHDAY JHO!!!

Kahit di naman nya alam na binabati ko sya hehehehehe........

😁😋✌❤💙

Continue Reading

You'll Also Like

462K 16.6K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ’œ my first fanfic...
330K 19.1K 72
Y/N L/N is an enigma. Winner of the Ascension Project, a secret project designed by the JFU to forge the best forwards in the world. Someone who is...
432K 17.6K 61
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ข'๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž ๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐š๐ฌ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž-๐›...
956K 36.2K 86
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...