Villareal #1: No Place Rather

By cinnderella

6.7M 190K 68.3K

Hassena More

No Place Rather
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
No Place I'd Rather Be

Simula

487K 8.7K 2.7K
By cinnderella

I write typical and predictable stories. If your taste is unique, you can't find it here. I'm not a professional writer and still learning, I am not here to please you. I just simply wanna share for FREE. So please, if you're a perfectionist who wants to read a very clean novel with perfect grammar and plot, leave my works.
•••

Simula

Isang umagang napupuno ng iba't ibang kulay sa paligid ang aking nadatnan pagkalabas ng silid. Sa maliit na barung-barong ay napagkasya ang ginagawang Christmas Tree ng aking dalawang kapatid na nakababata.

Buwan ng Disyembre, nalalapit ang pasko at bagong taon ngunit wala parin akong pagbabagong nakikita sa aking buhay, masaya parin ako... masayang masaya.

Bigla akong napaisip kung matatapos ang taon na ito ay matatapos na rin ba ang aking sobrang kasiyahan?

"Hi!" masigla kong bati sa dalawa habang lumalapit.

Sila ay nasa elementarya pa lamang, nag-aaral sa isang publikong paaralan malapit lamang sa Lo Santa kung saan ako nagtapos ng highschool, mga taon ang nakalipas. I had my childhood here in Isla Verde, katulad nila ay nakagawian ko rin ang gumawa mag-isa ng mga palamuti tuwing nalalapit ang kapaskuhan.

Ang kaibahan lamang ay hindi para sa aming tahanan kundi para sa aking sarili, nagbebenta ako sa mga turistang nagagawi sa aming probinsya. Iniipon ko iyon para sa susunod na taon ay may pambili ng mga kwaderno at lapis sa eskwela.

Hindi madali ang buhay. Hindi madaling mabuhay.

They looked at me with wide eyes, minsan gusto kong isipin na nagulat silang narito ako ngayon pero malabo iyon.

"Nanay!" tumili ang isa kong kapatid, iyong sumunod sa akin.

"Nanay! Nanay! Si Ital ay narito!" tumitili siya na parang kinakabahan.

Napabuntong hininga ako at humalukipkip. Mula sa aming kusina ay nadinig ko agad ang mabilis na yabag, humahagos papalapit.

"Ano kamo?" nanggagalaiting singhal ni Nanay.

Hearing her voice for the first time in five months again is really comforting, I guess she is alright. Healthy and strong. I am happy to know that.

My heart clenched but I remained standing where I am, waiting for her. Nakita ko na siyang lumabas mula sa maliit na lagusan patungo sa aming kusina. Mauling ang kanyang suot na baro at mga kamay ay agad na sumugod sa akin.

Mas lalong napatili ang aking mga kapatid nang mabilis akong abutin ni Nanay at sampalin, narinig ko ang lagutok noon sa aking pisngi. Napapikit ako at muling bumuntong hininga, ininda ang hapdi.

Welcome back, Hase...

"Anong ginagawa mo rito? Tapos ka ng magputa sa Maynila, ha!?"

I smiled a bit.

"Thank God, you're okay. Nanay, dito po sana ako magpapasko hanggang bagong tao-"

Muli akong nakatanggap ng sampal, mag-asawa na. Hindi na malungkot ang isa kong pisngi, huminga ako ng malalim at pinakalma lamang ang sarili. Nagyuko ako ng ulo habang kunot ang noo.

She's really okay, she's very strong and kicking. Magiging panatag na ako roon, mas masaya pa akong masampal at nararamdaman ang kalakasan niya ngayon. But I want to have my Christmas and New Year with them.

Sana... kung mapagbibigyan...

"Hindi ka pwede rito! Saan ka natulog? Sa hating gabi ka talaga pumupuslit, ano? Para hindi ka makita at mapalayas agad!" sigaw niya. "Lumayas ka ngayon! Hindi ka tanggap dito! Bumalik ka sa Maynila at magputa!"

My eyebrows furrowed, my lips quivered as I looked at her face. She looked older now, how I wished she stop getting old for my sisters. Sana ay tumigil ang pagtanda niya at maalagaan parin ang aking mga kapatid.

She equaled my stare with a glare, batid kong kating-kati na ang kanyang kamay na muli akong sampalin kaya umiwas na ako. I sighed heavily and turned my back at her para lumakad patungo sa pintuan palabas.

"Babalik ako mamaya, Nay. Pagbigyan niyo po ako kahit ngayong linggo lang..." mahina kong pagsusumamo.

Nginitian ko ang aking mga kapatid bago lisanin ang aming bahay. They don't want me here, ayaw nila sa akin. Ayaw nila akong makasama sa isang bubong, hindi kailanman.

Ilang pasko na ba ang lumipas na ganito lagi ang tagpo? I lost count, I don't know how many times I got a slap from my mother every December, I really hate December for that but I shouldn't blame this month for my unfortunate life.

Sabi nga nila, tayo ang gumagawa ng ating swerte. Hindi ko magawa iyon dahil walang silid para sa akin, wala akong swerte. Kung mayroon man, iyon ay ang nabuhay ako sa mundong ito. At least, I have this chance to live my life.

Huminga ako ng malalim, bawat makasalubong ko ay napapatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong meron, ang ibang babae ay nagtatawanan at nagbubulungan.

Some of them were familiar, ang iilan ay nakikita ko na noon sa aming paaralan. Ang iba ay bago sa aking paningin o ako ang bago sa kanila?

Sa probinsyang ito ako nabuhay, elementarya hanggang sa pagtatapos ng highschool. Bilang pa ang pagtulog ko sa aming bahay noong nasa highschool ako, sariwa sa akin ang pagpasok ko sa klase ng umagang-umaga para lang makabawi ng tulog.

Hating gabi ang aking uwi pagkatapos ng mga klase para lang hindi maabutang gising sila Nanay at makatulog roon at aalis muli ng mga alas singko ng umaga dahil madalas alas sais ang gising nila Nanay.

Living is not really easy, to live is a challenge everyday. Sobrang mahirap pero malaki parin ang pasasalamat na ako'y nakatayo at maayos hanggang ngayon, I finished highschool on my own. Salamat din sa pampublikong paaralan dito sa probinsya.

My phone beeped, bumaba ako sa aming tirahan. Ang ibaba noon ay ang talon na aking parating pinagpapalipasan ng oras noon. Naupo ako sa ilalim ng puno at binuksan ang aking cellphone.

Nessa:

Happy birthday, Hase. Uwi na rito, celebrate tayo.

Kyle:

Happy birthday, go home now.

Geoffe:

Happy birthday, Ital. Wish you more birthdays with us naman.

Marami pa akong natanggap na mensahe doon, mula sa mga kaklase at kaibigan sa aking eskwelahan pati mga katrabaho. I sighed deeply and smiled, napawi ang ngiti ko nang makita sa screen ang repleksyon ko. Puro dumi pala ang pisngi ko kaya ako pinagtitinginan ay dahil sa dungis!

Agad akong tumayo at tumungo sa dulo ng batuhan para sumalok ng tubig gamit ang aking dalawang kamay, naghilamos ako roon at kinuskos ang mukha para walain ang uling doon.

Nang mapanatag ako ay bumalik na ako sa ilalim ng puno kung saan iniwan ang aking cellphone, nagriring na iyon dahil sa tawag.

Tumingin ako sa agos ng talon sa aking harapan habang sinagot iyon.

"Hello..." panimula ko.

"Happy birthday, Italia..."

My forehead creased.

"Sino 'to?" bastos kong tanong.

He chuckled huskily, it sent shivers down my spine. Aantok-antok pa ang kanyang boses doon na parang kagigising lamang.

"Secret." he said quietly.

"Wala akong panahon sa pakikipag-usap sa'yo. Hindi kita kilala." akmang ibababa ko na iyon ngunit nagsalita pa siya.

Kahit na pamilyar ang boses ay hindi ko malaman kung saan ko narinig, sobrang pamilyar pero hindi ako makapaniwala na tatawag ito ngayon.

"This is Rius," malamig niyang imporma.

Kumunot lalo ang noo ko at tiningnan ang cellphone, numero lang iyon. My heart is racing wildly. Nagbago siya ng number?

"Oh! Sorry, Ry..." I smiled. "Nagpalit ka ng number?"

Bakit ba ang tanga kong magtanong ngayon? It's been months since he called me again, at wala iyong permanenteng numero. Palaging bago pero nakakapanibago parin na hindi ko nababasa ang kanyang pangalan sa screen.

He just breathed deeply.

Napakurap-kurap ako dahil doon, hindi siya madaldal ngayon. I guess he just got this free chance to talk since he's on duty? Madalas naman kaming ganito, tuwing tatawag siya ay libreng minuto lamang sa ilang buwan at hindi siya nagsasalita dahil baka may makarinig sa kabila.

Training na siya para sa pagpupulis at aabutin iyon ng anim na buwan o higit. Pangatlong buwan na walang kahit anong kumunikasyon, ngayon lang ulit.

I smiled sadly.

"Hi, sorry hindi ko nakilala ang boses mo." mahina akong natawa. "Mahina kasi kaya siguro nanibago ako. Namimiss na kita..."

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy lang sa pagsasalita, kung hindi ay mananahimik ang aming linya. Kailangan kong magkwento sa kanya tungkol sa mga nangyari ngayon, kahit hindi siya magsalita ay alam kong nakikinig siya.

"Salamat din sa pag-alala sa kaarawan ko." nanginig ang boses ko. "Tatlong buwan ka nang wala. Ang dami ko sanang ikukwento pero alam kong ilang minuto lang ang itatagal nito kaya iyong ngayong nangyari muna ang kwento ko."

I sighed deeply, nangungunot ang noo ko dahil sa pagpipigil ng emosyon.

"Rius, sana kasama nalang kita ngayon para kahit paano ay masaya. I just want to be happy this Christmas till New Year but they don't want me here. Nanay slapped me twice, pero masaya ako. Bakit ganoon?" 

His breathing became ragged. My heart clenched, napasinghap ako at naiyak na. Nanlabo ang aking mga mata, I sniffed and wiped my tears.

"Pasensya na." sambit ko. "Baka nalulungkot ka rin ngayon dahil sa kwento ko, pero seryoso, sana ikaw ang kasama ko. Sana andito ka para sabihing ayos lang ang lahat at mahal ako ng nanay ko."

"It's not fucking okay." mariin niyang sambit na tila sumasabog na.

Nanlaki ang mga mata ko, my mouth parted. Naguluhan ako bigla sa kanyang sinabi. Usually, he'd tell me everything is going to be alright and I am loved. Sinasabi niyang ayos lang ang lahat at mahal ako ng magulang ko, dahil kung hindi ay wala ako ngayon sa kinatatayuan.

I felt comfortable with him, with his words. I believe everything he said, that I am loved by my mother and family. Na parte lang ito ng aming buhay.

"Rius," I called gently.

Gusto kong bawiin niya ang sinabi at muling sabihin ang nakakapagpanatag sa aking loob, gusto kong gumaan ang nararamdaman ko upang manatili dito sa amin ngayon.

Kahit ganoon ang tawag ko ay hindi natigil ang kanyang mabibigat na paghinga sa kabilang linya.

"Happy Birthday, Italia. I'm gonna hang up now." malamig niyang sinabi sabay ng pagbablangko ng linya.

"Rius..."

My shoulders were shaking while crying, nagyuko ako ng ulo at tinitigan lamang ang numero sa aking cellphone. Suminghap ako at mas lalong nanikip ang aking dibdib dahil doon.

My heart is ripping and it hurts so much. Sumama na ang lahat-lahat ng aking problemang nakakabaliw isipin ngayon, I should be happy that I am living for twenty one years now. I should be happy the day I was born but I couldn't find way to be happy.

Parang pinagkaitan ako ng mundo, may pamilya man ay parang wala namang pagmamahal pagtapos ang nag-iisang lalaking nagbibigay kagaanan sa aking mundo ay nanlalamig na.

I don't know how to feel. Sakit lamang ang nararamdaman ko. This world is very much unfair to me. Bakit walang kasiyahan? Kung mayroon ay bilang ang araw sa aking mga daliri at iyon ang mga araw na kasama si Rius.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim, hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kaiiyak. Humagulgol ako nagtakip ng aking mukha.

Ang kanina ko pang pinipigilan na emosyon ay bumuhos ngayon pagkatapos masabi kay Rius ang nararamdaman kanina, pero mas napasama pa yata dahil nadagdagan ang sama ng loob ko.

I hate the world. I hate living. I hate this place. I hate my mother for giving me life. Sana ay hindi na lang ako nabuhay kung ganito naman kapait ang mundo sa akin.

I know it's unfair to blame everything happens but I can't help it. Ang sakit na.

The following days, I spent my night sleeping in the tree house. Noong gabing umuwi ako ay nasa labas na ang aking mga gamit kaya hindi na ako nagpumilit pang pumasok, I spent noche buena outside our house. Nakasara ang pintuan at nanunuod lamang ako sa bintana habang kumakain ang aking mga kapatid sa loob.

I feel so happy, Nanay cooked the supplies I brought them. Masaya na akong makitang kahit papaano ay tinanggap niya ang bigay ko. Nag-ipit din ako ng pera doon panggastos sa buwang ito pero hindi na ako nakatiis na umabot pa ng bagong taon.

Pagkatapos ng Noche Buena kinaumagahan ay tumulak na ako pabalik ng Laguna. I am living with my co-workers, may boarding house roon na malapit sa restaurant na pinagtatrabahuan namin. Nagpasya kaming magrenta na lamang gayong malayo rin ang tirahan ng iba.

Ako naman ay walang permanenteng tirahan noong unang taon sa kolehiyo hanggang sa pangalawang taon. Madalas akong natutulog sa aking kaibigan noon na si Nessa, ayos lang sa kanya na kasama ako sa kwarto niya.

Nagpapasalamat din ako na mabait ang kanyang mga magulang at ayos lang na roon ako nananatili, pinapakain at inaalagaan na parang tunay na anak.

Nakatapos ako ng highschool sa Isla Verde sa tulong ng ilang madre noon, kung bakit ako napunta sa Maynila ay dahil din sa kanila at ngayon ay nag-aaral na ng kolehiyo sa Laguna.

I am very thankful to them, kung hindi dahil sa kanila ay batid kong palaboy ako. Linggo-linggo ay tumatawag sa akin si Sister Gina para mangumusta sa akin bagay na hindi ko naasam sa aking sariling ina.

"Ayos lang 'yan, Hase. Baka problemado lang ang Mama mo." pampalubag loob ni Nessa nang magkita kami bago magbagong taon.

Walang tao sa boarding house kaya nagpasya akong makibagong taon na lang kila Nessa, pinaunlakan naman agad ako ng mga magulang niya.

Sinuklay ko ang aking buhok, madiin ang bawat paghagod ng aking suklay sa anit dahil sa aking pagpipigil. I nodded a bit and smiled at her. I sighed.

"Baka nga, hindi rin kasi madali ang buhay nila..." pagpapaniwala ko sa sarili.

Ngumiti siya. Her dimple on the right cheek showed up, lumakad siya patungo sa aking likuran at siya mismo ang kumuha ng suklay sa aking kamay at nagsuklay sa aking buhok.

Tinanggal niya ang iilang buhok kong nasama roon, she combed my long hair gently while her other hand is caressing my shoulder. I looked at our reflection in the mirror.

Nakatingin din siya sa akin roon habang nakangiti, lumunok ako at nagbaba ng tingin. I cannot look straight and smile back. Hindi ko kaya, I might just break down while smiling like idiot.

"Dito ka nalang tumira, bumalik ka na rito... Malapit lang naman ang restaurant, hindi na kailangan sa boarding house ka pa." banayad niyang sinabi.

My lips quivered, marahan akong umiling.

"Hindi na, Ness. Matagal na akong naging pabigat dito. Kaya ko namang mag-isa."

Nakakahiya noon na nakatira pa ako rito, pabigat ako sa kanila dahil wala akong magawa noon upang matustusan ang sarili dahil menor pa. Kaibigan ni Sister Gina si Tita Ven, iyong ina ni Nessa kaya nakatulong din talaga na nasa pangangalaga ako ni Sister Gina noon.

Aksidenteng magkaklase pa kami ni Nessa kaya mas lalong napadali ang pakikisama ko, she treats me like a real sister. Madalas siyang magbigay ng mga kagamitan sa akin, ganoon din sa mga sinusuot. Gusto niya pa ay magkapareha kami at magkaiba lamang ng kulay.

In this life, I still have true friends I should be thankful for. I still have someone to talk to. I still have Sister Gina.

Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
3.7M 117K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.
24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
2.5M 117K 50
The lethal and the pure. The black and white. Opposite sides burning each other's souls. Parvana Naia Bukhari and Zeus Vincenticus Ferrer. When she f...