Ends With A Bet

By athreena

341K 4.3K 159

Plain, ordinary, smart, conservative, morena, simple yet elegant -- these are the best words to describe a T... More

Ends With a Bet
1. Beginning
2. Their Kind of Work
3. The meet-up
4. The Bet
5. The Show
6. The Kiss
7. Getting Closer
8. Only Way
9. Romantic Night
10. Commercial Model
11. James' Madness
13. Decision
14. He hopes, too
16. Third Strike Proposal
Sequel Of EWAB

15. The Bet Was Proclaimed

15.4K 204 15
By athreena

Today is our 11th monthsary. I am baking chocolate mousse for him, alam ko kasi na ito ang paborito niya. Hindi siya nagtetext o tumatawag sa akin this past three days at hindi ko alam kung bakit. Baka may hinahanda na naman siyang sorpresa sa akin? Ganon naman siya, e. Pero ang pinagtataka ko lang talaga ay kung bakit tatlong sunod sunod na araw na wala siyang paramdam. Wala siyang pasabi. The last time I checked, we just made love.

I sighed. Ayokong pumait ang ginagawa ko kaya iisipin ko nalang na may sorpresa nga siya sa akin. Alam kong busy siya ngayon sa trabaho niya dahil sabi ni Lance ay may malaking kumpanya daw ang nagpasok ng malaking pera sa kumpanya nila kaya tutok muna siya doon. Isa din iyon siguro sa mga dahilan kaya hiindi siya nagpaparamdam.

"Wow! Mylabs, ang sarap niyan." Tinampal ko ang kamay ni Renz nang mag-tangka siya hawakan iyong gawa ko. Napasimangot siya. "Ang damot, ha?"

Ngumiti na lang ako. "Monthsary namin. Wag kang magulo!"

"Asus! Asus! Eh, tinawagan ka na ba?" Tanong niyang nag-palungkot sa akin.

Renz knew about this, sila ni Vasha ang closest friend ko kaya sinasabi ko sakanya ang lahat pero itong problema kong ito ay hindi alam ni Vasha dahil busy siya sa trabaho niya at kay Lance.

"Busy siya." I said as I wrapped the mousse in the box. "Oo, Renz. He’s busy." I repeated.

"Are you convincing me or yourself?" He asked. I looked at him. "Oh! Wala na akong sinabi pero naman kasi, ikaw na ang nagsabi na kahit gaano siya ka-busy bilang CEO ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas ay hindi siya nakakalimot na magtext o tumawag sayo. O sunduin man lang." He stated as he munch the excess chocolate I've used.

"Malay mo naman busy siya sa sorpresa niya sa akin!" I cheerfully said. Pati ako ay pinipilit pasayahin ang sarili ko. "Oh! Sige, alis na ako. Bye Renz!" I said and kiss him in the cheeks.

“Wa’g mong kalimutan na pumunta sa 911 mamaya , ah?” Paalala niya. 1st year anniversary kasi ng bar niya.

“Oo, kasama ko si James.” Kinindatan ko siya at napatawa ako nang mag-inarte siyang nasusuka.

Kinuha ko ang bag ko sa mesa at nagpaalam na kila Ella – babalik na lang siguro ako dito bukas. Nag-flats na din ako dahil gusto kong mas matangkad pa din tignan si James kaysa sa akin. Hindi ko dinala ang kotse ko dahil baka ihahatid lang din naman niya ako mamaya.

“TGC po, manong.” I told the taxi driver. Napabuntong hininga ako nang makadama ako ng mumunting kaba sa aking dibdib. Hindi ko na naman alam kung ano ito.

I really missed him so much. Hindi na ako sanay ng wala siya sa sistema ko kahit isang araw lang, pero three days? Kahit pinapaalala ko sa sarili ko na busy lang siya ay hindi ko pa din maiwasan ang pagtatampo. Nagtetext ako sa kanya at tumatawag pero hindi niya sinasagot. Inaalala ko kung may nagawa ba akong kasalanan sa kanya o may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan, wala naman akong maalala.

"Good morning, Ms. Trina." Nakangiting bati sa akin ng guard nung papasok ako. Kilala na nila ako dito dahil sa commercial na ginawa namin noon at kilala din ako dito bilang girlfriend ni James.

Nginitian ko lang siya at nagtungo ako sa elevator. Maraming nakakilala sa akin at binati ako. Ginantihan ko na din sila ng ngiting tunay. They are not aware that I am feeling nervous, I don't know why but it is really peculiar.

When I reached the executive floor, I went to the bathroom first to regain my confidence. I just thought that I lost it anywhere. My face looks pale, walang bloom. Napailing ako. I pinched my cheeks and bite my lip.

"Look, who's here?" I let out my lip when I heard a mocking voice.

I looked at her and I automatically raised my eyebrows. Kung may masaya nung nag-resign ako ay si Aaliyah ‘yun.

"Hi, Aaliyah. How are you?" I asked, grinning.

She smirked. "I'm fine, how about you? Is this for your boyfriend?" She asked as she pointed the blue box of chocolate mousse. I heard a bit of mockery when she says boyfriend.

Hanggang ngayon ay hindi pa din niya tanggap na kami ni James. "Oh, yes! You know, it’s our 11th month together." I retorted.

She smirked even more na para bang ikinakatuwa niya ang sinabi ko. "Biruin mo nga naman, nagtagal pa kayo ng 11 months, e, ang usapan ay isang buwan lang naman. Ah! Alam ko na. Do you beg for him to stay?" Ngumisi pa siya.

I got weak when I heard her said those. What does she mean by that? 1 month? I felt my knees tremble dahil sa sinabi niya kaya napahawak ako sa sink. I looked at her in the mirror trying not to lose my poise and confidence.

"There's nothing to beg dahil lahat naman ng gusto ko ay na sa akin na. Even James...." I looked at her. "....who devirginized you for fun." I smirked as I tightly grip my bag and the box of mousse. “Bye.” I waved my hand and started to walk but I gasped when he held my left arm so tight – that her nails dig on my skin.

It hurts but I can manage not to express any emotion, I just looked at her expressionless.

"Huwag kang magsalita ng ganyan, Trina. Baka hindi mo alam for fun ka lang din for how many months? For 11 months?" She chuckled. Binitawan niya ang braso ko at umalis sa harap ko. I remained stoic even if my heart is aching. Hindi ko alam kung sa’n nanggaling ‘to. "Oh, by the way, when you saw James, you tell him I congratulated him for having Lance's limited edition Lambo or Lance calls his car as ‘honey’." She turned her heels away.

Huminga ako ng malalim at sumandal sa pader. Nanghina ako sa binitawan niyang salita. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ng puso ko sa mga sinabi niya. Anong ibig sabihin nito?

Tumingin ako sa salamin at tinitigan ang aking repleksyon.

No!

I know he loves me. Don't lose yourself, Trina. I sighed and took a last glance in the mirror. Lumabas na ako. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Aaliyah. James loves me, I know that.

Nginitian ko si Gelo nung nakita ko siya sa table niya at abala sa pag-tipa sa kanyang desktop computer.

"Good morning, Gelo. Andiyan ba si boss?" I asked, smiling ear to ear. Iniwan ko sa cr ang mga sinabi ni Aaliyah. I shouldn't be affected.

"Nasa loob po." He answered. "Gumaganda po pala kayo, Ms. Trina." Pambobola niya.

Ngumiti ako. "Bolero ka, ha! Di ba sinabi ko sa ‘yong Trina na lang at wag mo akong i-po. Okay?"

Tumawa siya ng mahina at nag-kibit balikat. “Okay.”

I bid my goodbye to him at nag-tungo na sa office ni James. Itinulak ko iyong pinto at agad kong narinig ang mga malakas na tawanan na nagmumula sa library ng opisina niya. Wala si James sa mesa niya kaya batid kong naroon siya.

"So, totoo nga ‘tong sinabi ni Lance na pinagpustahan niyo si Trina?"

Napahinto akong bigla sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. My forehead knots. Sabi niya busy siya? Anong ginagawa ni Vasha dito? And what? Ako? Pinagpustahan? Ni James at Lance? The words are just floating in my mind. Hindi magsink-in sa utak ko!

I swallowed the lump in my throat as I peeked at the open door. Hindi nga ako nagkamali. Si Vasha ay nandito! She’s with Lance who’s sitting next to her and James is in front of her. Napansin ko din ang alcoholic drinks sa tabi nila and it seems that they’re having a good time.

I suddenly felt the urge of crying. I clenched my hands and looked at James. Nakadama ako ng panibugho sa kanya. Three days siyang walang text at tawag sa akin pero nakikipagtawanan siya ngayon sa kanila? Didn’t he miss me?

"Yes." Tatawa-tawang sagot ni James. Napatakip ako sa bibig ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Ako? Pinagpustahan? "Kapalit ng Lamborghini ni Lance." He continued while looking at Lance. Ako, kapalit ng kotse ni Lance? So, tama si Aaliyah.

My heart squeezed. Oh shocks! No! Dumiin ang pagkakatakip ko sa bibig ko. My hands were trembling and I can’t fathom the fact that he played with me? Our relationship is a bet? Shocks! This is too much pain to bear!

“Ang astig, ha? So, asan na ‘yong kotse?” Panunuya pa ni Vasha.

And there. I let my tears fall. Hindi ko na hinayaang makasagot pa si James. Hindi ko na napigilin ang sarili ko na pumasok sa loob. All their gazes bored onto me. Sabay-sabay pa silang tumayo. Mukhang nagulat pa si Vasha dahil nakita niya akong may luha sa mga mata. I gave her sharp looks. I felt betrayed.

I glance at James – his eyes widen, his jaw fell. I smirked as I saw his reaction. Kung makapag-react siya parang nakakita ng multo. Akmang lalapit siya sa akin ay itinaas ko ang kamay ko para pigilan siyang lumapit.

“Trina, it’s not what you thi—“

"Huwag kang magsasalita!" I yelled. Seeing him with that kind of look? Gusto ko siyang sampalin ng pa-ulit-ulit. What he did to me is tormenting!

He closed his mouth for a second. “I’m so–“

“I said, don’t talk!” I cut him off. I composed myself before spilling my piece. “Totoo ba ‘yong narinig ko?” I asked, my voice is low and cold. I stared at him right into his eyes. I walked nearer to him. I levelled him. Nanginginig ang mga tuhod ko but I’m trying to be firm. I want him to know that I’m tough even though I was dying and weak inside.

“Answer me!” My voice demands an answer. Yes, gusto kong malaman kung totoo ang sinabi niya because I was expecting that he’ll deny it. “Huwag mo akong hawakan!” Tinabing ko ang kamay niya nang mag-tangka siyang hawakan ang braso ko. No! I won’t let him touch me ‘coz I know I’ll fall into him.

“Yes.” He answered, eyes onto me – bull’s eye. My heart ripped. He looked down and there my eyes sprung with unabashed tears. “It’s true.” He repeated and the pain doubled. It hurts! Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman. It hurts like bitch!

“Let me explain, Trina.” He said as he looks into me. He tried to hold my hand but I jerked it right away. Bumagsak ang mga balikat niya at kumislap ang kanyang mata.

Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa kanya. "Fuck you, James. With feelings.” I cursed at him, I didn’t even blinked. My voice is deep and quivering. Gusto kong sumuka dahil sa murang lumabas sa bibig ko pero mamaya na lang. I want him to feel how I’m hurt right now.

I threw the box of chocolate mousse into his chest. Nasapo niya iyon gamit ang isa niyang kamay. Tumingin siya sa akin, nakakunot ang noo at umigting ang kanyang panga.

“You cussed,” He said unbelievably. “Dear, I’m sorry. Let me–“

"That’s it Asshole! Happy 11th and I swear, that will be the last!" Sigaw ko. Sinubukan niya ulit akong hawakan pero tinabing ko ulit ang kanyang kamay. Tumalikod ako at hinarap si Vasha at Lance na halata ang pagsisisi sa kanilang mukha.

"How dare you all!" Umiling-iling ako. I was disappointed. I thought they were my friend. “What happened to the ‘Guard yourself from being played, Trina. It’s not good. It’s not beneficial’, Vasha?” I air-quoted what she said to me before. Ito ang isa pang masakit, e. May alam si Vasha at hindi ko alam kung paano ko iyon matatanggap. It’s unacceptable!

“Trina...” Vasha trailed off, she must be out of words. I smirked.

“Yeah. Sanay ka kasing ikaw ang naglalaro kaya hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon. Shit, Vasha! It’s awful. Ang sakit sakit!” Tumulo ang luha ko. I can’t stand it. Para bang lamog na lamog ang puso ko knowing that Vasha is my best friend and she was supposed to be the one who will comfort me now. Who’ll say to me that everything’s gonna be alright. “I’m so disappointed, Vasha. I hate yo–“

“Trina...” I felt James’ cold hands on my arm. I gasped and jerked it again.

“Yeah!” I bellowed. This really hurts! Kinuha ko ang baso ng alak sa coffee table at itinungga ang laman no’n. Pinigilan ako ni James pero wala akong pakialam sa kanya. I just felt that I want diversion on how to ease the pain even just for a minute. “Shocks! Ang pait!” Reklamo ko at padabog na binitawan ang baso. Nag-likha iyon ng ingay. The booze sent warmth on my throat and I wanted to puke.

“Trina, st–“

Tumalikod na ako at tumuloy sa labas. James is following me and he keeps on calling my name. Binilisan ko pa ang pag-lakad ko. Nanlalabo ang mata ko dahil sa namumuong luha. Some part of me wanted to stop and hear his explanation but I just can’t. At least not now. Iyong sakit ay tumatagos pa din. At saka anong paliwanag do’n? I can’t stand seeing him.

“Trina, please. Let me explain. It’s no–“

Marahas akong humarap sa kanya nang makita kong sarado ang elevator. His eyes were red and his hands were quivering. Pansin ko iyon dahil naka-angat ang kanyang kamay na nagtatangkang hawakan ako.

“Please...” His eyes... nagmamakaawa ang mga iyon. “Let me explain... Listen to me...” His voice... it was full of fear.

The elevator opened and I instantly got in. Nung nakita kong sumunod siya sa akin ay sumigaw ako. The employees looked in our direction. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong lumuhod si James sa tapat ko. Nagsinghapan ang mga empleyado at nagsimulang mag-bulungan.

“I would die... if you’ll go without...” His Adam’s apple moved. He closes his eyes and that his tears fell. Nanlaki ang mga mata ko. Bumagsak ang langit dahil sa nakita kong luha na tumulo mula sa kanyang mata pababa sa kanyang pisngi. Nag-iwas ako ng tingin at pinunasan ang luha ko. God! Let me get out of this place. I don’t want him looking at me like that! Nasasaktan pa din ako. Ang mapaglaruan ay malayo sa pangarap ko.

“... listening to me. Trina,”

I shook my head. Itinulak ko siya upang magsara ang elevator. “Wa’g mo akong susundan.” I firmly said and the elevator closed. Kita ko pa kung ga’no nawalan ng kulay ang kanyang mukha at bumagsak muli ang panibagong luha sa kanyang mata. Umiling ako. Hindi dapat ako ang naaawa sa kanya. Ako ang napaglaruan at hindi siya. How dare he turn the table? He’s good in acting, maybe. The pain on his eyes? It was scripted. His tears? Damn. His tears were true and I don’t know if I’ll believe him. No.

Nasaktan ako. Pinaglaruan ako. Ako dapat ang nakaka-awa dito at hindi siya. He's my weakness pero hindi ngayon sa sitwasyon na ito.

Nang makalabas ako ng elevator ay nakita agad ako ni Aaliyah. She was grinning when she saw how wet my face is because of the tears that kept on rolling. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko siya pinansin.

“So, pinaglaruan ka lang talaga?” Narinig kong sambit ni Aaliyah. I didn’t answer nor speak nor look at her dahil alam kong bubuhos na naman ang panibagong luha. Gusto ko na lang talagang umalis dito.

Napatigil akong maglakad nang marinig ko ang nakakainis niyang halakhak. Hinigpitan ko ang hawak sa aking bag. I shut my eyes tightly and counts from one to ten on my head. I’m so close in exploding.

"See? I told you. For fun ka lang, Ms. T. Pati nga ako natawa, oh!" And then she burst in laughter again.

 

I sighed and reopen my eyes. Pinunasan ko ang luha ko at humarap sa kanya. Katulad ng eksena namin ni James kanina sa taas ay nagsisitinginan din ‘yung mga empleyado sa direksyon ko. Naglakad ako palapit sa kanya, natigil siya sa pagtawa nung sinampal ko siya ng malakas. Binuhos ko sakanya lahat ng galit ko.

“Tawa pa. Maubusan ka sana ng hininga!” Wika ko.

 

Hindi siya agad nakahuma dahil sa pagsampal ko sakanya kaya bago pa siya nagsalita ay nakalayo na ako sa kanya. I heard her shrieks and screams in annoyance. Natawa ako, maganda din pala ang dulot ni Aaliyah, medyo nabawasan ang bigat ng dibdib ko dahil sa pagsampal ko sa kanya ng malakas.

 

Sumakay agad ako sa pinakaunang taxi na tumigil sa harap ko. Napatingin ako kay manong ng tanungin niya ako kung saan ako pupunta. Napaiyak ulit ako nung narealize ko na wala pala akong Vasha na pupuntahan. I felt really betrayed, ang sakit sakit. Mismong kaibigan ko ng maraming taon ay alam ang tungkol dito pero hindi niya sinabi sa akin.

 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayokong pumunta sa shop dahil magtatanong lang si Ella at ayokong mag-labas ng sama ng loob sa kanya. Alam ko na kung sino ang makakatulong sa akin ngayon. Nang makarating ako sa 911 ay pinapasok nila ako agad. Alam naman nila na kaibigan ko si Renz. Pumasok ako sa loob habang mahigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. Nauubusan ako ng lakas kaya kailangan kong kumapit.

 

"Oh my gosh! MyLabs, what happened to your swollen eyes?!" I heard Renz’s voice kaya napatingin ako sa kanya. He was wearing red polo shirt and white fitted pants. Lumapit siya sa akin at agad naman akong napayakap sa kanya.

 

Doble-doble ang sakit na nararamdaman ko.Ang panta-traydor ni Vasha sa akin. Ang pangloloko ni James sa akin. Ibinigay ko sakanya ang lahat-lahat, buong ako ay ibinigay ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya, pero siya mismo? Laro lang pala ako? Pinipiga ang puso ko kapag naiisip ko na pinagpustahan lang nila ako. Sila ni Lance!

 

"Mygosh! Trina yung damit ko puro uhog na." Renz snorted kaya napahiwalay ako sa kanya. Hinila niya ako sa puting couch at pinaupo. "Alam ko naman na pupuntahan mo ako dito pero hindi ko alam na ganito kaaga. Wala pang cold drinks, labs." Sumimangot lang ako at pinahid ang luha ko. "Okay, ano bang nagyari sa 11th monthsary niyo ni Papa James?" Tanong niyang nagpahagulhol sa akin. “Ssh, kalma ka na, Trina. Sabihin mo kay Kuya Renz kung anong problema?” Hinagod ni Renz ang likod ko. Kumalma ako dahil do’n.

“P-pinaglaruan ako...” Nahihikbi kong wika. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat. Ang pag-punta ko sa TGC, ang narinig kong usapan ni James, Vasha at Lance, pati ang tungkol sa lintik na sasakyan na iyon.

  

"Pinaglaruan ka dahil sa Lamborghini? Tama lang ‘yun, labs. Biruin mo ha? Ang sasakyan na yun ay sa Italy lang makakabili. Isa iyon sa mga sa-- Aray! Ang bigat ng kamay mo." Hinampas ko siya. Ang sakit ng sinabi niya, ha. Akmang tatayo na ako nang pinigilan niya ako. "Upo ka. Binibiro lang kita pero nakalimutan kong masama palang biruin ang mga brokenhearted." He chuckled and I just made a face.

"Nauuhaw ako, labs." Sabi ko na lang. I feel dehydrated. “Iyong malamig.” Pahabol ko pa. Hindi pa din naaalis ang lasa ng alak sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung ano ang pangalan no’n pero nanunuot iyong pait. Napapailing ako.

"Alam mo, Trina, kailangan mo munang pakinggan ang explanation ni Papa James bago ka gumawa ng susunod na hakbang." Biglang wika ni Renz matapos niyang utusan iyong lalaking malaki ang katawan na sa tingin ko ay bouncer niya dito sa club.

"Why would I do that? To experience being played again?"

Dumating iyong hinihiling kong malamig na tubig at agad ko naman iyong ininom. Napapikit pa ako dahil sa lamig na dumaloy sa aking lalamunan.

"Imagine this, Trina, 11 months kayong nagtagal, imposible namang sa pustahan lang iyon, ‘di ba?”

 

I shook my head. Ibinaba ko iyong baso ng tubig sa mesa. I held my hand at tinawag iyong lalaking nasa bar counter. "Sex in the beach, please." Sigaw ko nang tumingin siya sa akin. Napamulagat sa akin si Renz. "I need to unwind. Ayokong isipin si James..." Lumunok ako bago nagsalita. I feel like crying again. "Ang sakit sakit malaman na isang sasakyan lang ang value ko." Gumaralgal ang boses ko. Renz came closer to me. “G-gusto kong makalimutan iyon kahit saglit lang, Renz...”

 

He wiped my tears. "Tama na, okay. Sagot ko na ang Sex on the Beach mo." Inakbayan niya ako. "Hindi isang kotse ang halaga mo, Trina, you are one of a kind. Hindi na makakahanap si James ng katulad mo. Always remember that, don't lose yourself. Kapag handa ka na siyang harapin ulit, I want you to listen to him. Let him explain first para wala kang pag-sisihan sa huli. Okay?"

 

I just nod and smiled at him. Medyo okay na din pala ang pakiramdam ko. Maganda din pa lang mayroong Renz sa paligid. He really knows the words that can sooth my feelings kahit na saglitan lang. Pinaakyat niya muna ako sa kwarto niya dito sa 911, sinabi niya na magpahinga daw muna ako. Mamaya na lang daw ako uminom kapag medyo gabi na. Sasamahan niya daw ako sa buong gabi at hindi niya ipapaalam kahit kanino na nandito ako.

 

I let myself fall on the bed. I sighed. Kahit masakit kailangan kong umahon. Mahal ko siya pero ayoko muna siyang makita. Masakit mapagpustahan. Masakit. Lalo na kapag ang naglalaro ay ‘yung taong mahal mo.

 

****

 

"Another glass, please!"

 

I said to the bartender. He just smirked. Nang magising ako kaninang alas siyete ay pinagbihis na ako ni Renz. He even bought me a peach flowy dress na hanggang tuhod. Pan-suhol daw niya sa akin para tumigil na ako sa kakaiyak. I hugged him after that. Laking pasasalamat ko na lang talaga sa kanya dahil nandito siya ngayon sa tabi ko.

 

"Drink moderately, labs." I heard him said.

"I’m okay, labs. Don't ya worry." I said, a little bit tipsy.

 

Tumayo siya at muli akong hinarap. "I'll be right back. Dito ka lang, ha?" Sabi niya na parang ang kausap niya ay ‘yung kapatid niyang si Princess.

I giggled. "Yes, labs. Take your time."

 

He rolled his eyes once more. Napailing nalang ako. Nginitian ko yung bartender na nag-abot sa akin ng Sex on the Beach. Nakaka-limang baso na ako. Kahit paano ay nalilimutan ko na din ‘yung nangyari kanina. Ito pala ang sinasabi nila na makakalimutan mo ng panandalian ang problema mo sa pamamagitan ng alak. It’s just a nice escape of the pain but I will make sure that I can face this tomorrow.

 

"Hey, Sam, Vodka please!"

 

I lift my head to see the guy who just spoke with his sexy and baritone voice. My nostrils instantly wafted his sexy musk. Gusto ko siyang amuyin pa pero ipinag-sawa ko na lang ang aking mata sa kanyang mukha. He has black unruly hair, pointed nose, red thin lips, and chiselled jaw. And my eyes bored onto his virile body... Holy cheese! That broad shoulders, biceps and triceps, toned chest. I snorted on the thought. He was wearing gray fitted shirt. Hindi ako makatingin sa ibaba niya dahil baka makahalata siyang tinitignan ko siya. He was tall, sa tingin ko ay six footer siya. Ibinalik ko ang aking paningin sa baso ko. Yes, he’s handsome but I can smell that he was a jerk, a playboy. Malakas ang instinct ko.

Iniling-iling ko ang ulo ko at tinungga ang baso ko. I felt the hot liquid gushed on my throat kaya napapikit ako.

 

"Here's your Vodka, sir." The bartender.

 

Nakita ko sa gilid ng aking mata na may ibinubulong iyong lalaki sa bartender. Kapagkuwan ay tumango iyong bartender na parang naiintindihan niya iyong sinasabi ng lalaki. Umalis ang bartender at nagtungo sa wine area upang magmix ng liquor. Nang bumalik siya ay nagulat ako nang ibigay niya sa akin ang panibagong baso ng Sex on the Beach. Agad ko iyong kinuha at itinungga. Damn! It feels good.

 

"Thanks." I smiled sweetly. "Can you give me another?" I asked as I bat my eyelashes.

Nagkamot ng batok si Sam the Bartender. “Ah, e, ma’am, kasi po—“

 

Natigil siya sa pagsasalita nang lumapit ‘yung lalaki sa akin. So close that his musk lingered on my nose again.

"Ako na ang bahala sakanya, Sam." Sabi nung lalaki. Tinignan ko siya at nakita ko ang pag-flex ng kanyang panga nang ngumisi siya sa akin. He has this pair of brown almond eyes. Nakakalunod kung tumingin.

 

I smirked. Hinawakan ko ang kanyang baba. "I know that smile." I said. "Ngiting playboy!" I snorted as I tapped his cheeks lightly.

Napalis ang ngisi sa kanyang mukha at nakita ko ang pagkairitang dumaloy sa kanyang magandang mata. Sumipol si Sam the bartender na parang amused sa aking ginawa. Narinig ko ang pagtikhim nung gwapong lalaki. Hindi ko na siya tinignan.

I looked at Sam the bartender. “Sige na, Sam, please? One last glass?”

“Sorry, ma’am, pero sabi kasi ni Sir Renz tama na, e.”

Sumimangot ako.

“Did you just said na ngiting playboy ako?”

Napatingin ulit ako sa gwapong lalaki dahil s a biglaan niyang pananalita na naman. Nakakunot ang kanyang noo at nagtatagis ang kanyang bagang. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagbungisngis. Mukha siyang nainsulto and I’m not sorry. Totoo naman, e.

 

"Yes! Any problem with that?" Sabi ko at kinuha ko ang baso ng alak sa kanyang kamay. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko na lang iyon pinansin. Agad kong itinungga ang laman ng baso pero hindi iyon tinanggap ng lalamunan ko kaya naibuga ko iyon sa gwapong lalaki. My sight is kind of blurry now. Damn! Ganoon ba katapang ang iniinom niya?

 

“What the fucking fuck?!” The guy growled at agad kong naramdaman ang pagtingin ng mga tao sa direksyon namin. Oops!

 

I giggled as I heard him cussed. Kahit naliliyo ako dahil sa alak ay tumayo ako. Muntik na akong natumba kung hindi lang agad ako nahawakan ng lalaking ito sa aking bewang. Sobrang tangkad niya, hanggang leeg lang niya ako kaya naman tiningala ko siya. Namumula na ang kanyang mukha dahil sa irita sa akin. Bumungisngis ulit ako at tinakpan ang bibig niya. Nanlaki na naman ang kanyang mata.

 

"Don’t cuss, alright?" I said as I removed my hands in his mouth and slightly tapped his cheeks. I heard him muttered something but I don't hear it dahil biglang nag-iba ‘yung music. Hinila ko siya agad sa dance floor. “Oh my gad! Let’s dance!” I yelled on the guy. He was just looking at me as if I’m kind of apparition.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at ipinaikot ang katawan ko. Tumama ang likod ko sa kanyang katawan na siyang dahilan upang magmura na naman siya ng mahina. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag-indak. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko dito ngayon pero ang saya saya sa pakiramdam. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa tugtog o dahil sa lalaking kasama ko. He was just staring at me. He’s perusing me. I know that. Nginisihan ko siya.

Natigil ako sa pag-sayaw nang makita ko si James na kasama si Lance sa entance ng bar. Kausap nilang pareho ang bouncer. James was still wearing his corporate business attire and so with Lance. Agad akong nagtago sa likod ng lalaking kasama ko nang makita kong inilibot ni James ang kanyang paningin sa buong bar. Posible bang hinahanap niya ako?

“What the hell?!” The guy hissed. “What is really your problem, creepy woman?” He chided as he tried to keep my hands off away from his abs. Nakayakap kasi ako sakanya. Hindi ko siya sinagot. Hinawakan ko lang ang kanyang kamay at hinila papunta sa fire exit ng bar. Maraming tao kaya naman pahirapan ang paglabas.

“Hey, careful!” I heard him said. Umiikot na kasi ang paningin ko kaya naman hindi na ako makapaglakd ng maayos. Damn! Hindi ko na uulitin ang uminom. It makes me out of my mind.

 

"Faster! Ilayo mo ako dito." Sigaw ko sa kanya.

"You know what? You can go alone. Bakit mo pa ako isasama sa kalokohan mo?!" Sigaw niya sa akin at binitawan ang kamay ko. Agad akong natumba dahil sa kawalan ng balanse. Napaupo ako sa malamig na semento. "Shit!" Mura niya. Napapikit ako dahil sa mainit niyang kamay na dumapo sa aking hita. “Fuck! I’m not going to take advantage.” Mahina niyang bulong sa hangin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang panga at agad siyang tumahimik. Tumitig ulit siya sa akin. “P-please, take me away from here.” I pleaded as I let my tears fell. I am too desperate. Gusto ko na lang umalis dito. Ayaw kong makita si James o si Lance o kahit na sino sa kanila.

 

He sighed in defeat. “O-okay. Let’s go.” He said breathlessly. Kinuha niya ang aking kamay at pinatayo. “FUCK!” Singhal na naman niya nang masukahan ko ang damit niya.

Hindi ako makapagsalita. Pinagpatuloy ko ang pag-suka samantalang siya naman ay panay ang mura. “Nice one, woman.” I heard him said, sarcasm is emphasized. “Gusto na kitang iwan pero hindi ko magawa. Tangina naman, oh!” Rinig ko ang bawat salita niya pero wala akong lakas para kausapin siya. Matapos akong magsuka ay naramdaman kong binuhat niya ako. There I breakdown, all my energy vanishes and everything went black.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 32.7K 49
This is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal...
14K 551 58
SINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Atto...
37.3K 1.7K 50
Crossroad Madness Series #1 Completed Carmen Rosales has perfected the art of pretension. If pretending to be happy was considered a sin, she's proba...
37.9K 2.4K 39
Sa banggaan ng magkakaibang paniniwala, kaninong puso ang titiklop? Kaninong paninindigan ang mababali? Jimrexx Durano is a notable licensed rascal...