Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

33(Ambon)

6.4K 91 4
By septemberoyal

BEA

Kala ko di na kame makaalis sa ganong posisyon namen (kase ako ayoko,hehehehe....✌) kung hindi pa may pumatak na sa mukha nya kaya napaiwas sya ng tingin at ako ganundin.Nakaramdam na rin ako ng mangilan ngilang patak sa katawan ko.

"Naulan pa yata." si jho na nakatingala sa langit. "pero sabe sa weather report na 25% lang ang chance na uulan ngayon."

"Buti pa ang weather may chance....." bulong ko. "pero yung TAYO---"

"May sinasabe ka?" si jho naka kunot noo'ng nakatingin sa kin.

"Huh?" patay malisya po ako tas nagkunwaring  walang alam.

Nagkibit balikat na lang si jho at biglang tumayo si jho tas kumuha ng bato tas nag drawing ng araw kaya napakunot noo ako tas nilapitan ko sya. " Ano yan?" inosenteng tanong ko sabay turo sa din-rowing nya.

"Araw,duh." si jho tas umirap na naman sa kin. " Minsan talaga beatriz may pagka tanga ka rin 'no?"

"Anong minsan? Matagal na kaya." sagot ko naman. Sinulyapan ko si jho at napansin kong napatinging napakunot noo sya sa kin at bago pa sya maka pagtanong pa ay iniba ko na ang usapan. "Alam kong  araw yan.What im trying to say is  bakit nagdraw ka ng sun dyan?" ininguso ko pa.

"Di mo ba alam ito? sabagay rich kid ka kaya di mo alam,ito yung ginagawa namen sa batangas pag ayaw nameng matuloy ang ulan.Nagdo-draw kame ng araw sa semento or sa  lupa." si jho.

"Effective naman kaya?" ako tas muli ko syang sinulyapan.

"M-minsan." mahinang sabe nya.

Natawa ako sa isinagot nya sa kin. "Ako,meron akong alam na mas effective na way para di matuloy ang ulan and even ang ambon na 'to." mayabang kong sabe at tumingala pa sa langit na makulimlim at papalakas na ang ambon.

Tiningnan naman ako ng makahulugan ng babaeng ito.Mukhang di naniniwala sa kin kaya kelangan kong patunayan sa kanya. Huminga ako ng malalim tas pinagsalikop ko ang magkabila kong mga palad at tumingala sa langit na animo'y nagdarasal. Tas uumpisahan ko na ang pinagmamalaki kong mas EFFECTIVE na way para sa nagbabadyang pag ulan.

"Espirito ni Laida Magtalas,lapitan mo ako......Espirito ni Laida Magtalas, gabayan mo ako.....Espirito ni Laida Magtalas lapitan mo ako....." bulong ko pa.

At sinimulan ko na nga ang MOST EFFECTIVE and MOST POWERFUL way sa pagpapahinto ng ulan.....Ang famous Laida Magtala's......SUNDANCE!!!😎

Sige lang ako sa pag sa-sundance kontodo pa ang pagsasayaw ko and may pag ikot ikot pa ako.Focus na focus ako sa ginagawa ko ng mapatingin ako sa gawi ni jho na di magkamayaw sa katatawa at napaupo pa talaga sya oh. Kaya kahit di pa ako tapos ay inihinto ko na at nakakunot noo'ng hinarap ko ang super sayang si jhoana maraguinot.

"Whats funny?" ako.

" Hhahaha.....i-ikaw......hahahaha....."

Napataas tuloy ang kilay ko. Ako? Pinagtatawanan nya yung ginawa ko? "FYI lang po Miss,ito po yung sinasabe kong most ef---"

"Effective?" putol nya sa kin na ngayon ay nakabawi na sa kakatawa. " Sino ang nagturo nyan sayo?"

"Yung mga kasambahay namen, si ate lily." sagot ko naman.

"Ahhh...okay." natango tango pa.

"Why ba? Dont tell me alam mo rin ang tungkol dito?" ako.

"Uh-huh. Actually, matagal na." si jho na naguumpisa na namang matawa.

"Matagal na!?" ba't last year ko lang nalaman ito?

"Yup! since.......2008."

2008!? 2008 pa ang sundance?! 😱😱😱

"Kase naman beh," si jho na lumapit ng onte sa kin. "Watch,watch din minsan ng local movies para kahit papano may alam ka sa mga tulad namen."

"Maka tulad namen naman 'to." ako at napa pout pa.

Sabay kameng napatingala sa kalangitan na ngayon ay lumalakas na ang ambon......

"Di naging effective yung sundance mo 'te." tukso ni jho.

" Nang dahil sayo." pagsisi ko naman sa kanya. "Ikaw kase eh. Kung natapos ko yung sundance ko eh di sana di lalakas ang ambon."

" Ambon ka dyan? Ulan na po kaya ito at kelangan na nateng sumilong." correction naman ni jho.

Kinuha ni jho ang kamay ko at hinila na nya para  makaalis na kame kase lumalakas na ang ulan, di pa naman kame nakakalayo ng huminto ako para pigilan sya sa pag hila nya sa kin. Napahinto rin sya at hinarap ako na magkasalubong ang mga kilay neto.

" Huy,ano ba? Ang lakas na kaya oh!" si jho na ang tinutukoy nya ang lumalakas na ulan.

"Sisilong pa ba tayo? Eh, basa na kaya tayo."I have an idea." nakangiti kong sabe. "Eh, kung maligo na lang tayo.....Siguro naman pareho nateng napagdaanan ito nung mga bata pa tayo?" suggestion ko pa.

Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay lang ako ng sagot ni "boss".Mukhang di nya feel yung gusto kong mangyare, ah.

" Sabe ko nga di maganda yung naisip ko. T-tara na nga lang baka lamigin ka pa." ako ng di sumagot si jho at nauna ng maglakad pero di ako nakakalayo ng marinig kong tinawag nya ang name ko kaya nilingon ko sya.

"San ka pupunta?" si jho.

"Lets go,baka magkasakit ka pa---"

Di ko na naituloy pa kase nilamukos nya ang face ko pagkalapit nya sa  kin sabay  tawa. " Walang pang uuwi kase mag eenjoy pa tayo dito sa ullllaaaaaaaannnnnn!!!!!" masaya nyang sabe at nagpaikot ikot pa.

Sa umpisa ay pinanood ko lang syang masayang naglalaro sa ulanan,nagpaikot ikot minsan nag sasayaw pa.Okay lang naman kahit may mangilan ngilang napapatingin sa min,lalo na sa kanya.
Para syang bata kung magsaya ngayon,di ko mapigilang mapaisip na sana dati pa kame nagkakilala,sana yung mga panahong mga bata kame para mas matagal ko syang nakasama pa. Napabalik ako sa sarili ko ng isigaw nya muli ang name ko at kampayan na lumapit sa kanya at dahil masunurin ako ay patakbo  akong lumapit sa kanya.


Pagkalapit ko ay syempre nagumpisa na ang harutan at habulan moments namen ni jho. Ang saya lang mga  dude! Walang tigil kame sa paglalaro dahil walang tigil din ang pagpatak ng ulan na sa palagay ko ay lalo pang nalakas. Alam kong pinag titinginan na kame pero who cares di ba, masaya kame sa ginagawa namen at walang masama kase di naman kame nakakaistorbo sa kanila.


Takbuhan ,tawanan,hagikgikan namen ang maririnig mo dito sa parte ng park na to.Ang tawa nyang kanyang kanya lang talaga,basang basa na talaga kame at bakat na sa katawan namen ang suot nameng  "bestie shirt" at buti na lang pareho kameng naka jeans kaya di masyadong hassle.


Takbo lang sya ng takbo dahil ako ang taya sa min dalawa pareho kameng nanghihina sa katatawa habang naghahabulan,nagta-time first sya pero ayoko dahil lage na lang nyang ginagamit yun pag matataya ko na sya.


"TAYA!" ako ng makahanap ng tyempo at mabilis na tumakbo palapit sa kanya at bi-nack hug ko sya.Para namang kinuryente si jho ng gawin ko yun kase nagpupumiglas ito.


" Hahahaha..... Beatriz! Bi-bitawan mo hahahahaha....ako........A-ang d-daya.....hahahaha........." si jho ng tawa ng tawa at halos manghina na.


Di ko ginawa kase alam kong umaarte lang sya at pag binitiwan ko sya ay tatakbo na naman sya, madaya ka  yun!


"Ayoko! Andaya mo kaya." ako sa pagitan ng paghingal at pagtawa ko.


Nagpupumiglas pa rin sya pero lalo ko lang hinihigpitan ang pagkakayapos sa kanya at dahil sa kakapiglas nya ay napaharap sya sa kin! Tawa pa rin kame ng tawa pero ng mapagtanto namen na nasa ganong posisyon na kame,na magkaharapan. Si jho na napahawak sa magkabilang balikat ko at ako naman ay mahigpit na nakahawak sa balakang nya!


Unti unti kameng napahinto sa pagtawa hanggang sa mapaseryoso kameng napatitig sa isat isa. Magkalapit at magkadikit na magkadikit kame as in para kameng may glue sa katawan sa ayos namen ngayon!



DUG DUG......DUG DUG......DUG DUG......DUG DUG........




Hindi ako makahinga ng maayos! Parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas  at bilis ng tibok nya ngayon. Nagwawala ang buo kong sistema,di ako makapag isip ng maayos ngayon! Bakit ba ganto ang epekto mo sa kin jhoana!?


"Pwede ba akong humingi ng favor sayo?" di mapigilan ng utak ko ang bibig ko ngayon para itong may sariling utak na sya mismong nagpapasya. Ni hindi ko na nga hinintay na tumango man lang ang kayapusan ko. "Pwede bang......ganto na lang tayo.......Forever?"











JHO

"Pwede bang ganto na lang tayo forever?"


Paulit ulit na nag rereplay sa isipan ko yun pati na rin ang mga nangyare sa min kanina dun sa tagaytay. Nakauwi na rin kame at ngayon nga ay nandito na kame sa eliazo, dito na kame tumuloy paguwi kase nga maaga ang call time namen for training tomorrow. Tumawag  na lang si beatriz sa mom nya to informed na nakabalik  na kame ng manila at nasa ateneo na kame. Dala na kase namen yung mga gamit namen kaya kahit naligo pa kame kanina sa ulan ay ayos lang kase may pamalit naman kame ni bea.


Nagpabiling biling ako sa bed ko,di ako makatulog.😞 Mag aalas dose na pero eto ako ngayon dilat na dilat pa rin.Dapat nga ay tulog na ko kase nakakapagod ang mag drive papuntang tagaytay,oo mga bes,papunta lang kase nung pauwi na kame ay di na ako pinayagan pa ni beatriz na mag maneho,nababagalan daw ang ate nyo sa kin mag drive,eh sa maingat ako eh di tulad sa kanya may pagka kaskasera.😒


Napa-upo ako sa bed ko at naiinggit na tiningnan sina kim at ate ells na mahimbing na natutulog pero ako ayaw dalawin ng antok.Kinuha ko ang phone kong nasa tabe ko lang at binuhay yun,nagpunta agad ako sa gallery at pagbukas ko pa lang ay sumalubong agad sa kin ang mga pagmumukha namen ni bea na pinagkukuhaan  namen kanina sa tagaytay. Swipe ako ng swipe at di ko mapigilang mag smile every pic na makita ko, di ko akalain na napaka rame pala ng mga pic namen kanina.Napahinto ako ng mapadaan sa kin ang pic namen ni bea na nakabackhug sya sa kin at parehas kameng basang basa na sa ulan ng magpasuyo kame sa napadaang magjowa sa gawi namen. Kahit pumapatak pa ang ulan nyan ay di kame nagpaawat at nagharutan at naghabulan pa kame.Okay lang dahil water proof naman phone ko kaya malakas ang loob ng ate nyo kahit naulan at dala pa ang phone ko.Thanks sa kin at nakapag-ipon ako.Hehehehe.....


12:14 am na at di pa rin pagod si mata kaya kelangan ko ng matinding back up plan para makatulog na ko.Dahan dahan akong lumabas ng room namen at nagtungo sa kusina pagkarating ko dun ay binuhay ko ang ilaw sa loob at napatili ako ng may maabutan akong nakatayo sa lamesa.


"Jhoana!"


"Beatriz!" inis akong lumapit sa kanya at pinagpapalo ko sya. Salag naman sya ng salag sa mga palo ko. "Kainis ka! Tinakot mo ko!"


"Baka ikaw?" si bea na iniilagan naman nya ang mga palo ko.


"Bakit ka kase nandito?" naiinis pa rin po ako sa kanya pero itinigil ko na ang pag palo.


" Ano bang ginagawa sa kitchen?" ang pilosopo nya po ngayon kaya sinamaan ko sya ng tingin kaya ngumiti sya sa kin. "Di ako makatulog kaya magtitimpla ako ng milk." sabe nya. " You want din? Ititimpla din kita."


Tumango lang ako sa kanya kaya sinimulan na nyang magtimpla. " Buti di sila nagising sa tili mo." si bea habang inihahain sa kin ang tinimpla nyang milk ko.


"Ikaw kase." sagot ko naman at pinanood ko syang umupo sa paharap sa kin. " Pero kung nagkataong nagising talaga sila ay ikaw talaga ang sisisihin ko.


"Ako na naman!" reklamo nya tas humigop na ng gatas nya.


"Bakit kase di ka nagiilaw?" ako.


"Magbubukas naman ako kaso naunahan mo ko kaya nga di ba andito ako sa lamesa ng buksan mo ang ilaw." paliwanag naman nya.


Di na ako kumibo at humigop na rin ng milk ko.May point sya dun kaya okay na para di na rin humaba pa ang pagtatalunan namen.


"Beh, thank you,ha." malambing na sabe ni bea pero pansin kong may iba sa boses nya ngayon. "Nag enjoy ako....ng sobra."


Nag smile ako sa kanya. " Sus maliit na bagay." biro ko pa.


"Kahit sobrang late na yung pa birthday mo sa kin ay okay lang." sya pa rin.


Naubos na namen yung milk at nag volunteer na akong maghugas ng pinaginuman namen.Sabay kameng lumabas ng kitchen at inihatid pa nya ako sa mismong tapat ng room namen.


"Pasok ka na" pabulong na sabe sa kin ng beh ko. "Tulog ka na."


Tumango naman ako.Kelangan kaseng wag kame maingay baka magising pa namen sila pagalitan pa kame ni ate ly.Kaya nga pabulong na kame magusap neto at kung minsan nga ay senyasan na lang para lang di kame makaistorbo sa mga natutulog.


Pinihit ko na ang doorknob ng room namen ng muli ko syang nilingon.Andun lang si bea sa may likuran at nakatayo,hinihintay
nya lang akong makapasok for sure. Papasok na ko ng pigilan nya ang kamay ko kaya napahinto ako at nilingon ko sya.


Di ko inaasahan at talagang ikinabigla ko ng bigla nya akong hapitin at yakapin. Di agad ako nakareact kaya para tuloy akong tuod na nakatayo lang habang yakap ni bea.


"Thank you for giving me a great post birthday celebration. Nasabe ko na ba sayo na yung nangyare sa tin  kanina sa tagaytay......"

Nampucha naman oh,binitin pa talaga ng babaeng ito! Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sakin kasabay nun ay ang pagsubsob neto sa balikat ko.Libu libong kuryente ang dumaloy sa katawan ko at tumindig pa nga ang mga balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang hininga nya sa balikat ko. Bes, nakasphagetti strap lang ang jho-sa nyo kaya feel na feel ko ang mainit nyang hininga.


Ang alin ba sa mga nangyare sa min kahapon? Sa dameng nangyare
dito ko mahulaan.Alin ba sa mga dun? Baka nung pinagkaguluhan sya ng mga babae o baka nung umambon tas nagsundance sya pero umulan pa rin.Or yung pagligo namen sa ulan kahapon?


"Best birthday ever ko na yun,so far."  sya.  "Kaya nga thank you talaga."


Natouch naman ako kaya niyakap ko rin sya ng mahigpit.Akala ko di nya naapreciate yung effort ko para makabawi sa kanya.Madali lang talagang pasayahin ang batang ito,kahit simple lang ay ayos lang sa kanya.


Una syang humiwalay sa yakapan namen at this time naman ay tinititigan nya ako ng ganere (na naman!) Kota na ako kahapon pa sa gantong posisyon at tinginan namen. Di ko naman kase maiwasan pa at para akong tuod na nakikipaligsahan ng titigan sa batang ito. Para bang may gusto syang ipahiwatig sa kin pero di ko naman malaman at para bang ayokong alamin pa,nakakaramdam ako ng takot na di ko mawari kung bakit.


WEIRD.


Napaatras ako ng isang hakbang ng hawakan nya ang magkabila kong pisngi ng di inaalis ang pagkakatitig sa kin.At naloka ako ng unti unti nyang inilalapit ang mukha nya sa kin.Nagpapanic ako sa loob at gusto ko syang itulak pero di ako makagalaw na sa pwesto ko at para bang naestatwa ako.


Palapit sya ng palapit.....di ko na alam ang gagawin ko mga bes,ang lakas ng kabog ng dibdib ko,sinisigawan na ko ng isipan ko pero di ko magalaw ang katawan ko kaya napapikit na lang ako......ng mariin.....Lord, bahala na po kayo sa kin (sa min)


Langhap ko na ang hininga nya .......Shocks!



Ano bang gagawin  mo beatriz!?!?



Malapit na talaga mga bes! what to do?Tumitili na ko sa isipan ko!



Hanggang maramdaman ko ang labe neto sa noo ko!............?



Matagal naglage ang labe nya sa noo ko hanggang maramdaman ko na lang ang hininga nya sa mukha ko.Nakapikit pa rin kase ako kahit ngayong pinagdikit nya ang mga noo namen. Napadilat lang ako ng marinig ko ang mahina nyang pag tawa. Nagsalubong ang aming mga mata nginitian nya ako kaya nginitian ko rin sya.



"Sana ganto lang tayo........Forever." malamyos netong bulong sa kin.















Sabe na nga ba eh! Kaya pala parang may something sa boses ni bea kaninang madaling araw na nagkausap kame yun naman pala ay sinisipon na at inuubo na sya tas ngayon nga ay nilalagnat na ang bata! Tsk! Alam ko na kung bakit sya nagkasakit ngayon at dahil yun kahapon na naligo kame sa ulanan sa tagaytay.


Nakapag morning training naman sya kanina kase pinilit nya sarili nya at walang nakaalam sa min na nilalagnat  na pala sya, kanina lang pagkauwi namen sa dorm ay saka ko lang napansin ang pamumula nya,namumungay ang mga mata tas ang pula pula na ng labe nya. Itatanggi pa sana nya sa kin pero nung hawakan ko ang noo at leeg neto ay napamura pa nga ako kase inaapoy na sya ng lagnat. Di na nga namen syang pinapasok kase nahihilo na nga daw sya at baka may mangyare pa sa kanyang masama kaya pinagpahinga na lang namen. Ang iba nameng teammates ay nag volunteer na sila na daw ang bahalang mag sabe sa mga prof ni bea na maysakit sya at si ate ly na ang bahala magpaliwanag kay coach tai dahil pinagbawalan din namen syang makipagtraining sa team later.


Last subject ko na 'to ngayong araw pero hanggang ngayon ay di pa rin ako maka pagfocus ng maayos dahil nalipad ang isipan ko sa damulag na yun,gusto ko ngang hilahin ang kamay ng orasan para matapos na itong  " boring"  na subject ko.Gusto ko ng umuwi nagaalala na ko sa pasyente namen na apparently sya lang ngayon ang nasa dorm kase nagsipasok nga kameng lahat. Hininhintay ko lang ang pag bell para makauwi na ng dorm at ng marinig ko nga yun ay mabilis pa sa kidlat na umalis ako sa classroom,nakipag unahan talaga akong lumabas sa kanila.


"Jho!"


Nilingon ko pa rin yung tumawag sa kin kahit nagmamadali ako. Si Marge lang pala at patakbo rin itong humahabol sa kin kaya hinintuan ko sya at hinintay na makalapit sa kin.

"Ang bilis mo namang naglakad." si marge pagkalapit sa kin na mej hinihingal. "Akala ko nasa tabe pa kita kanina pero paglingon wala ka na."


Napakamot tuloy ako sa sintido ko saka nag apologetic na smile sa kanya. "Sorry bes."

"Ano? Payag ka?" tanong nya sa kin.

Napakunot noo. Ano yung " payag na ko"?  "Huh?" ako.

"Ay nakalimutan agad? Nubayan?" sabe pa neto at napapadyak pa.

"Eh, ano ba kase yun?" ako naman ang nagtanong sa kanya. Di ko maalala eh.Sorry naman.

"Merienda tayo." si marge at nag pout pa. "Mag catch up naman tayo oh,antagal na nateng walang bonding.Miss na kaya kita." pabebe pa netong dagdag. " Tas may pakikilala kame sayo.Daliiii"
parang kinikilig pa ang lola nyo.


Napabuntong hininga ako sa harapan ni marge. " Tsk! Di ako pwede ngayon eh."


" Ito naman.Sige na jho." pakiusap pa ni marge.


"Di talaga ako pwede ngayon eh." tanggi ko sa kanya. " Eto nga nagmamadali akong makauwi sa dorm kase naiwan mag isa si beatriz ngayon doon."


"Eh ano naman? Bakit pinagbabawalan ka ba nyang BESTFRIEND mo na makipag socialized ka sa iba mo pang FRIENDS." si marge na halatang nadismaya dahil tinanggihan ko sya.


" Ito talaga, syempre hindi!" depensa ko. "Kelangan ko kaseng matingnan yung pasyente namen, nilalagnat kase si beatriz kanina pang madaling araw, wala sya ngayong kasama sa dorm kase lahat kame may pasok saka sinabihan kame ni ate ly na kung sino yung wala ng next class ay wag na munang gumala para asikasuhin yung may sakit sa team." siguro naman sapat na yung paliwanag ko kay marge para di na sya magtampo.


Lalo pang napanguso ang babaeng ito,mukhang nagtatampo na ang lola nyo kaya tumabe ako sa kanya at inakbayan ito.


" Dapat kase bumalik ka na sa team para alam mo yung sched ko at di ka na magtatampo pag tumatanggi ako sa mga " date"  naten." ako.


Dati kase syang lady eagle  pero nung nagka injury sya at nasit out ng one season ay di na sya bumalik pa.Natakot yata na baka di na bumalik yung dati nyang laro,kaya nag focus na lang sya sa acads nya.


"Naisingit mo pa talaga yan, ano?" tas nag make face sa kin napabuntong hininga pa sya.  "Okay. Fine. Di na talaga kita mapipilit pa kaya sige umuwi ka na at baka kung ano na nangyare sa BFF mo." taboy nya sa kin.


" Sorry talaga bes,ha. Bawi ako sayo next time,promise yan." ako at itinaas pa ang kanang palad na parang nanunumpa .






Pagkarating ko ay dumiretso na ko agad sa room nila bea, dahan dahan kong binuksan ang pinto at pagkasilip ko ay isang bea na mahimbing natutulog na nakacomforter.  Tahimik akong pumasok at umupo sa gilid ng bed nya,hinipo ko ulit ang noo neto,ganon pa rin mainit pa rin sya.


Kumuha ako ng isang plangganang may tubig at hinaluan ko ng alcohol,na pinabili ko kay deanna kanina. Pinupunasan ko na sya sa kanyang mga braso at leeg  ng gumalaw galaw sya hanggang sa tuluyan na syang magising. Pagkamulat nya ay agad na sumalubong sa kin ang mapungay nyang mga mata na halata mong may sakit pa talaga sya.


"Hi miss beautiful." pabolang sabe ni bea in bagong gising tone tas nag smile pa.


"Alam mo ikaw......Maysakit ka na nga nakukuha mo pang mag biro ng ganyan." ako at muling pinunasan sya ng basang bimpo na may alcohol. "Ininom mo ba yung mga meds na pinadala nila tita?" bigla ko lang naisip na itanong.


"Hindi pa po miss." si bea na mukhang trip ako ngayon kahit may sakit ang damulag.


Sinamaan ko sya ng tingin. "Di ba sinabihan ka naman namen na uminom ka na ng meds mo kase wala kame para painomin ka." naiinis kong sabe sa kanya. "Oh ayan di na nasunod yung time ng pagpapainom sayo med."


"Gusto ko ikaw ang magpainom sa kin,beh." malambing netong sabe.


Napabuntong hininga na nga lang ako at saka ko kinuha yung med na nakalagay lang sa side table ng damulag na 'to pero di nya ginawa😕 Kinuha ko rin yung thermometer at pinasubo ko na lang sa kanya.


"Pano kung di ako umuwi ngayon at may klase pa yung teammates naten,di ka pa rin ba iinom ng gamot mo?" sabe ko habang inihahanda ko yung iinumin nyang gamot na pinakibigay na lang ni tita det, sinabihan ko kase sila ng malaman ko ang lagay ng batang ito.


Umiling lang sya. "Eh di hihintayin kita." sabe pa nya.


"Pano kung di talaga ako umuwi at gumala kame lahat,hihintayin mo pa talaga ako yan,ha?" ako.


"Oo!" si bea na pilit na umupo sa bed nya. Tinulungan ko syang umupo,naglagay ako ng unan para pag gusto nyang sumandal sa headboard nya ay di matigas ang sasandalan nya.


"Matagal na nga akong may hinihintay eh. Pero ang dakilang manhid yata di nya ako maramdaman."


"May sinasabe ka?" bulung kase sya ng bulong at di ko naman maintindihan.


Umiling naman sya. "Wala.....Ang sabe ko lang,gusto ko yung magandang nurse ang magpapainom sa kin ng med ko." sabay kindat sa kin.😉


Kung di lang maysakit ang damulag na to ay nadagukan ko na! Ang hilig nyang gawin nyan,ang mangindat, buti sana kung ako lang ang kinikindatan ng damulag na 'to. Eh,hindi eh! Ang dame namen,halos lahat nalang kinikindatan ng babaeng ito!


( So....Ano ang ibig mong sabihin? )


WALA.Wala akong ibig sabihin....PERIOD!


( Okay. Sabe mo eh! )


Pinainom ko na sya ng med,nagpaalam lang ako na magpapalit ng damit then binalikan ko ulit sya.Nakapikit sya habang nakasandal sa headboard na may unan. Nang marinig nyang pumasok ako ay dumilat ulit sya at nag smile sa kin.


"May sakit ka ba talaga o nagiinarte ka lang? Kung makangiti ka,abot hanggang tenga ah." sita ko sa kanya at niligpit ang ilang nakakalat na gamit sa room nila.


"Nandito na kase yung gusto kong mag alaga sa kin." si bea.


"Mukha mo!" natatawang sabe ko.Ang galing mambola ang isang ito.


"Feeling ko nga bumaba na ang lagnat ko eh, pressence mo lang pala ang makakagamot." si bea pa rin.


" Tigilan mo nga ako,beatriz!" saway ko at nagcross arm pa sa harap nya at tinaasan ko pa ng kilay.

"Walang epekto sa kin yung gamot na iniinom ko."


"Ui, ang mommy mo kaya ang bumili nun." sabe ko.


"Yeah right,pero kase andame ko ng ininom pero di naman nababa ang lagnat ko pero nung ikaw na ang nag alaga sa kin----"


"Hay naku beatriz...." at umupo sa gilid ng kama nya.


"Oo nga." si bea.


"Oo na lang,matigil ka lang." natatawang sabe ko para matapos na ang gantong usapan. Kinuha ko sa bibig nya ang thermometer nasa 36 na lang medyo bumaba na rin di katulad kaninang umalis kame na nasa  40 pa ang taas ng lagnat nya.


"Oh ano? Di ba, sabe ko naman sayo na ikaw lang ang gamot sa kin."  biglang sabe neto sa kin kaya napatingin ako sa kanya pero nagkaumpugan kame kase nakiusyoso pala ang bata sa pagtingin sa thermometer.


"ARAY!/OUCH!" sabay nameng sabe.Ako na napasapo sa ulo at si bea na napasandal ulit at  nakasapo noo nya..


"Bakit kase pakalat kalat yang pagmumukha mo?" naiinis  kong sita sa kanya.


"Gusto ko lang makita yung temperature ko eh....." parang bata nyang sabe.


Hay naku beatriz! Kung di lang ako nacu-cutan sayo ngayon.......


"Mej bumaba na beh kaya inumin mo ng on time yung mga gamot mo then magpahinga ka ng mabuti. Kelangan ka ng team para sa game 2 ng finals."


"Buti pa ang finals kelangan ako,ikaw? kelan mo ako magiging kelangan?"


"Nasasanay ka ng bulong ng bulong beatriz,ah. Lakasan mo nga para marinig ko ng malinaw." ako at sinamaan sya ng tingin pero ang bata nginitian nya lang ako.


Sabihin nyo nga mga bes,sino ang di maiinis pag ganon tas ngiti lang ang isasagot sayo. Hay naku naman.😔


"Meron akong alam at effective na way para mawala ang lagnat ng  isang tao." seryoso nyang sabe.


"Dont me beatriz ha." banta ko sa kanya tas mataman ko syang tiningnan pero seryoso talaga sya bes. "Sige. Ano yun? Para mabili na naten."


"Di naman nabibili yun eh.......Basta kelangan lang ng kasama para magawa yun. Tutal ikaw lang naman ang nandito saka kilala na  naten ang isat isa at wala namang malisya....."


Saglit syang huminto at lumapit sa kin kaya halos magkalapit na naman ang mga mukha namen,nailang ako kaya bahagya kong inusod ang fez ko.


"Sabe nila ang mabisang gamot sa maysakit ay........YAKAP-sul at KISS-pirin." malamyos pa nyang bulong sa kin.


Antagal pang nagloading sa kin yung sinabe nya,nakatingin lang ako sa kanya at ganundin  sya sa kin.Pero ng unti unti ng nagsi-sink in sa kin ay ay bigla ko syang kinutusan.


"Aray naman,beh!" si bea na hawak ang ulong kinutusan ko. "Maysakit kaya ako kung maka kutos 'to." tas napapout pa ang bata.


"Ang maniac mo naman!" ako tas sinamaan ko sya ng tingin.


"Parang sinabe ko lang......" tas lalong humaba ang nguso neto.


"At sino naman bang magaling nagturo nyan sayo? ha?" nakacross arm kong tanong sa damulag na 'to.


"Naririnig ko lang kay dad pag nilalambing nya si mom and pag may sakit sya." si bea.


Kaya naman pala.


"Ang luma at ang corny po miss de leon." ako at tumayo na.


"Kung makakalusot lang naman eh." si bea na napayuko na lang.


Napa iling at nangingiti na lang ako sa inaasal ngayon ni bea, para talaga syang 7 years old na bata na nasa 19 anyos na katawan ng dalaga(?) TSK! Muli ko syang nilapitan tas hinawakan  sa magkabilang pisngi at pinatingin sa kin. Nakatingala sya ngayon kase nakatayo  ako  sa gilid ng bed nya.


Pagbibigyan ko na ang bata tutal may sakit naman ang damulag.........









Hinalikan ko sya............sa..............NOO.😘💋


























AN:

😁😁😁😁😁😁😁


































Continue Reading

You'll Also Like

470K 13.7K 105
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc
1.1M 49.1K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
427K 17.4K 61
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐝 𝐫𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐭 𝐥𝐨𝐬𝐞 𝐦𝐲 𝐜𝐨𝐟𝐟𝐞𝐞 𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐬 𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐩𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟𝐟 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞-𝐛...
456K 16.3K 94
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...