MASKARA

Por PaulitoX

215K 6.5K 721

There is temporary peace among the four magic schools. The Institute is in place to control magical use to pr... Más

Prologue
Chapter 1: Juan Miguel
Chapter 2: Paranoia
Chapter 3: The Good Boy
Chapter 4: Ang Ate
Chapter 5: The Institute
Chapter 6: City Of Pines
Chapter 7: Kaibigan
Chapter 8: Maskara
Chapter 9: Ivan
Chapter 10: Kapangyarihan
Chapter 11: Ang Guro
Chapter 12: Young Witch
Chapter 14: Opening
Chapter 15: Ang Kuya
Chapter 16: First Encounter
Chapter 17: Manifestation
Chapter 18: First Battle
Chapter 19: Target
Chapter 20: Charlotte
Chapter 21: Crush
Chapter 22: Little Bro
Chapter 23: White Demon
Chapter 24: Elder Geron
Chapter 25: Mga Hinala
Chapter 26: Problem Child
Chapter 27: Protection
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 29: Leopoldo
Chapter 30: Mga Elemento
Chapter 31: Temper
Chapter 32: Superhero
Chapter 33: Nicanor
Chapter 34: Ang Kuya
Chapter 35: Stella
Chapter 36: Trio
Chapter 37: Tropa
Chapter 38: Unang Sabak
Chapter 39: Team Work
Chapter 40: Gate Keeper
Chapter 41: Genie
Chapter 42: House of Masks
Chapter 43: The Kiss
Chapter 44: Bond
Chapter 45: Break Out
Chapter 46: Dark Warlock
Chapter 47: Aftermath
Chapter 48: Hunted
Chapter 49: Awakening
Chapter 50: The Promise
Chapter 51: Cute Vigilantes
Epilogue

Chapter 13: Young Elder

3.8K 117 6
Por PaulitoX

Chapter 13: Young Elder

"Sige na kasi, para maging friend natin siya bago mag Chrstimas vacation" pilit ni Althea kaya si Miggy pinagmasdan si Genevive mula sa malayo. "Sige na Miggy boy" pilit ng batang babae kaya nagtungo si Miggy sa bench area kung nasan si Genevive.

Paglapit ng bata tinignan siya ng mga grade five students. "Ate Gen" sabi ni Miggy. "Pinsan mo?" tanong ng isang babae. "Hindi ah" sagot ni Genevive. "Manliligaw mo?" biro nung isa. "Bata pa ako!" sigaw ni Miggy kaya tumayo si Genevive saka hinila kamay ng bata.

"Ano?" tanong niya. "Ate naman wag naman tayo mag aaway. Gusto ko lang maipagkaibigan" sabi ng bata. "Ano? Hoy iniiwasan na nga kita e para hindi ako magsinungaling sa elder ko. Iniiwasan na kita para wala ako alam sa iyo. Kasi anytime pwede basahin utak ko" sabi ni Genevive.

"Ate gusto lang namin magpaturo sa iyo sana" sabi ni Miggy. "Ha? Magpaturo? Sa akin?" tanong ni Genevive. "Oo, kami ni ate Althea. Grade three siya tapos ikaw yung parang master namin" sabi ng bata.

"Tumigil ka nga, at wag na wag dapat pinag uusap yan dito" sabi ni Genevive. "Ang damot damot mo naman. Dapat wag kang madamot" sabi ni Miggy kaya tinignan siya ni Genevive. "Baka mamaya ipapadala mo nanaman yung..." sabi niya.

"Damot, sana hindi ka bigyan ni Santa ng gifts" sabi ni Miggy sabay pagalit na umalis pero hinabol siya ni Genevive. "May itatanong muna ako sa iyo" sabi niya. "Ano yon?" tanong ng bata. "Kaano ano mo yung summon entity?" tanong niya.

"Hahaha ang bastos ate. Sabi ni mama at lola wag daw sinasabi yang word na yan" sabi ni Miggy. "Ha? Ano ba sinabi ko?" tanong ni Genevive. "Yung word na para sa birdy" sabi ng bata. "Hahahaha ang sabi ko entity, iba yon" sabi ni Genevive saka lumapit na si Althea.

"Ikaw si Althea?" tanong niya. "Oo ate, pumayag ka na?" tanong ni Althea. "Sagutin muna niya yung tanong ko" sagot ni Genevive. "Ano ba kasi yung word na yon?" tanong ni Miggy. "Yung magical being, yung may itim na usok" sabi ni Genevive.

"Ah si Ivan?" tanong ni Miggy. "Sino yon?" tanong ni Althea. "Hindi ko pa siya napapakilala kay ate Althea e. Pero friend ko si Ivan, mabait yon" sabi ni Miggy. "Mabait? Friend mo? Pano mo naging friend? Imposible naman" sabi ni Genevive.

"Friend ko nga, sinave ko siya. Galing siya sa Baguio e. Tapos sinama ko siya dito" sabi ni Miggy kaya nanlaki ang mga mata ni Genevive. "Hindi ka nagsisinungaling" sabi niya. "Masama ang magsinungaling ate" sagot ni Miggy.

"Sige na ate, turuan mo naman kami" sabi ni Althea. "Wala talaga kayo elder? Parents niyo kapareho niyo ba?" tanong ni Genevive. "Hindi po, kami lang ni ate. Sabi ko baka kasi nung baby kami e baka may comet tapos kami lang nabigyan ng powers" sabi ni Miggy kaya natawa si Genevive.

"Hindi ganon yon, we are born this way pero usually inherited sa parents e" sabi niya kaya tinignan ni Miggy si Althea. "Namamana daw" sabi ng batang babae. "E hindi naman, sige na kasi ate. Turuan mo kami sa vacation, punta ka sa house namin. Si ate may pool" sabi ni Miggy.

"Sige pero ipakilala mo din sa akin si Ivan dapat" sabi ni Genevive. "Sige ba" sagot ni Miggy. "Sabihin mo saan tayo nakatira" sabi ni Althea. "Alam ko, nagresearch ako para kung sakali binalikan ako ni Ivan e alam ko sino ituturo ko" sabi ni Genevive. "Alam mo saan kami nakatira?" tanong ni Miggy. "Oo alam ko, madali lang pumunta don" sabi ni Genevive.

"Madami ka pera?" tanong ni Miggy. "Kaya mo nag travel na mag isa?" tanong naman ni Althea kaya natawa si Genevive sabay lumingon sa buong paligid. Bigla siyang nawala kaya sina Miggy at Althea napasigaw pareho. May sumisitsit sa malayo, kumaway si Genevive kaya yung dalawang bata nagtalunan sa tuwa.

Nagkita sila sa may corridor, "Kaya niya din yon ate pero hindi lagi" sabi ni Althea. "Talaga? Sino nagturo sa iyo?" tanong ni Genevive. "Wala, kasi nalulunod na ako non e tapos umalis ako sa water" sabi ni Miggy. "Ah oo, medyo mid level na yon. If ever magtuturo ako magstart tayo sa basics dapat" sabi ni Genevive.

"Oo ate, basta turuan mo kami" sabi ni Miggy. "Sige, basta pupunta nalang ako doon" sabi ni Genevive pero tinaas ni Miggy kamay niya at may isang kalapati ang dumapo doon. "Eto si ate Genevive, friend ko siya ha" sabi ng batang lalake kaya si Genevive napaatras.

"You can talk to animals?" tanong niya. "Hindi mo kaya?" tanong ni Althea. "Pati ikaw kaya mo?" tanong ni Genevive. "Oo, pero yung cat ko lang na si Max. si Miggy lahat kaya niya" sabi ni Althea. "Wow, hindi ko kaya yon. Mataas na level na yon" sabi ni Genevive.

"Pero sabi ni elder e iba iba naman daw kasi ang gene pool ng witches. Meron iba na mahusay agad sa isang bagay" sabi niya. "Basta ate babantayan ka ng friends ko. Pag may gusto ka sabihin e sabihin mo sa kanila tapos sasabihin nila sa akin" sabi ni Miggy.

"May telepono naman ah" sagot ni Genevive. "Ay oo eto ate" sabi ni Miggy saka naglabas siya ng papel at lapis saka sinulat number nila sa bahay. "Ayan ate" sabi ng batang lalake. "Okay" sagot ni Genevive. "Ate may kilala ka pang witch dito sa school?" tanong ni Althea. "Shhhh...meron pa isa si Gwen sa grade five tapos isang teacher dati pero retired na" sabi ni Genevive.

Isang araw sa may hardin, "Parating na siya" sabi ni Ivan. "Pano mo alam?" tanong ng batang lalake pero may nagbuzzer na sa gate. Tumakbo yung bata, pagbukas ng gate napangiti siya nang makita si Genevive.

"Joey tawagin mo na si ate" utos ng bata kaya naaliw si Genevive sa pusa na puti na lumabas ng gate. Isang minuto lumipas napaatras si Genevive pagkat nilapitan siya nina Joey at Max. "Hi ate" bati ni Althea.

"Hello...ang cute ng mga pusa niyo pero ngayon parang nakakatakot sila" sabi ni Genevive. "Hindi, Joey! Max! Stop it, friend namin siya" sabi ni Miggy kaya yung dalawang pusa tumayo sa tabi ni Miggy.

"Doon tayo sa likod, dali" sabi ng batang lalake saka tumakbo. Pagdating sa likod ng bahay napalingon sa paligid si Genevive. "Ivan!" sigaw ni Miggy at may isang batang lalake ang nagpakita.

"Do not ask why I am looking like a child, takutin si Althea" sabi ni Ivan gamit isipan niya kaya napalunok si Genevive at tinungo dahan dahan ulo niya. "Hello, ikaw pala si Ivan" sabi ni Althea. "O ayan ha, tuturuan mo na kami ha" sabi ni Miggy.

"Do we need the wands?" tanong ni Althea. "No, let us start with the basics" sabi ni Genevive. "Pwede tayo doon sa bahay ni Ivan" sabi ni Miggy. Pagpasok nila sa maliit na bahay sa likuran napatigil si Genevive pagat ang daming mga maskara na nakasabit.

"Eto yung bahay ni Ivan, ang sabi ko kay papa work place ko pero bahay ni Ivan ito. Pinagawa ko ito para sa kanya" sabi ni Miggy. "Bakit ang daming mga maskara?" tanong ni Genevive. "Gusto ko e, o game ate turuan mo na kami" sabi ni Miggy.

Naupo sila, si Genevive nailang pagkat tumabi sa kanya si Ivan. "Okay first, kailangan tanggapin niyo sino kayo. You are not regular humang beings. We are all special but eto first lesson. Never, as in never use your powers freely. Wag niyo gagamitin para magpasikat, wag niyo gagamitin dahil kaya niyo gamitin"

"You have to live as regular people. Wag kayo umasa sa powers niyo" sabi ni Genevive. "E kaya nga may powers ate e" sabi ni Miggy. "We are special but we are not here to abuse our powers. Oo sige gamitin mo pag walang nakatingin. Go ahead use it pero pag may ibang tao wag mo gagamitin"

"Kasi ganito yan ha. I am not here to scare you. Eto ang nangyayari sa totoo. Ang normal na tao madali matakot sa mga kakaiba. Kakalat ang tsismis tapos baka marinig ng kalaban" sabi ni Genevive.

"Kalaban?" tanong ni Althea. "We are the good witches, pero meron mga bad witches. Hmmm pano ko ba sasabihin ito?" sabi ni Genevive. "Tell them the truth" sabi ni Ivan. "Okay, hindi magkakabati ang lahat ng mga witches. There are two factions. The natural witches, kasama tayo doon kasi tayo ay pinanganak na ganito"

"Yung ibang mga witches ay yung mga magic users. Pero yung mga matatanda lang ang nag aaway away. May kaibigan ako magic user na witch din. Pero yung mga bad witches talaga sila yung mga gusto gamitin mga powers nila lagi. Sila yung nagpapabayad para magamit powers nila" sabi ni Genevive.

"Nagpapabayad?" tanong ni Althea. "Oo isa yon sa bad na ginagawa nila. Kunwari may isang tao gusto saktan yung kalaban niya, pupuntahan niya yung bad witches tapos magbabayad para sila yung mananakit"

"Meron naman yung ibang witch na basta bibigyan ng sakit yung isang tao, tapos hindi magagamot ng mga doctor yon. So magpapabayad sila ng malaki pera. Pero etong mga bad witches din madami pa sila bad na ginagawa at gusto nila magpalakas ng magpalakas kasi gusto nila kalabanin yung mga magic users" sabi ni Genevive.

"Basta hindi ko pa alam e. Ang pinaka importante e wag na wag gagamitin ang powers in public. Wag na wag masanay sa pag gamit ng powers. Kasi pag nasanay ka sa pag gamit nito e baka di mo namamalayan e ginagamit mo na at makikita ng ibang tao"

"Pag nakita ng ibang tao e kakalat ang tsismis tapos baka malaman ng bad witches. Baka itarget ka nila" sabi ni Genevive. "Okay ate, pero ate ano yung institute? Bad ba sila?" tanong ni Miggy.

"Sa totoo hindi, yung institute parang mga pulis ng magic users. Kasi pati sa magic users bawal din ipakita sa ibang tao na may powers sila. Ngayon pag may gumamit ng powers niya malalaman ng institute yon tapos huhuliin sila" paliwanag ni Genevive.

"E ate pumunta dito sila e, kasi nag curse ako" sabi ni Miggy. "Miggy iba kasi ginawa mo. Mahirap na curse tapos wala naman talaga tao na umuutot na parang pasabog" sabi ni Ivan kaya laugh trip sina Miggy at Althea. "Tama siya, kasi lahat na ng mga hindi kaya ipaliwanag e papasok na ang institute"

"Kunwari yang ginawa mo, wala naman talaga tao na uutot ng sobrang lakas. Syempre mga tao matatakot na kaya papasok na yung institute para alamin kung kasalanan ng magic user. Pero nagtataka ako kasi witch division naman ang institute e, dapat nalaman nila na witch ang may gawa. Pag napatunayan na hindi witch saka lang sila dadating e" sabi ni Genevive.

"Hayaan mo na, nangyari na yung nangyari" sabi ni Ivan. "So anyway that is one lesson" sabi ni Genevive. "E pag nahuli ka ano gagawin sa iyo?" tanong ni Miggy. "Hindi ko alam, sabi ng elder e baka ikulong ka" sabi ni Genevive kaya natakot sina Miggy at Althea.

"So ang unang lesson natin ay itest mind abilities. Kung kaya niyo magpagalaw ng bagay gamit lang mind niyo" sabi ni Genevive. Naglapag ng piraso ng candy si Ivan sa lamesa, bigla ito gumalaw at sinusulat yung pangalan ni Genevive.

"Ganyan, pero kayo you can start..." sabi niya pero gumalaw yung candy at sinusulat naman pangalan ni Miggy. "Kaya mo?" tanong ni Althea. "Kaya mo din diba yung bird see" sabi ni Miggy kaya gumalaw yung candy at pangalan naman ni Althea ang nasulat.

"Okay, so marunong na pala kayo sa ganon ha" sabi ni Genevive. "Ate pati yung nagpapa fly ng object" sabi ni Miggy. "Good, so you two just practice that. Now let us test how strong your minds are, eto table sige itaas niyo" sabi ni Genevive.

"Ako muna" sabi niya saka nagsigawan sa tuwa yung mga bata nang umangat yung lamesa. "Siguro ang practice niyo lang small objects" sabi ni Genevive. "Tapos yung madami" sabi ni Miggy. "Parang niloloko niyo naman na ako, marunong naman ata kayo" sabi ni Genevive.

"Ako try ko" sabi ni Althea saka tinignan yung lamesa. Nanginig yung batang babae, narinig lang nila yung lamesa umuga. Napasandal si Althea kaya agad tumabi si Genevive sa kanya. "Rest your mind, sige lang relax. Do not force it" lambing niya.

"Ate okay ka lang?" tanong ni Miggy, "Pagod" bulong ni Althea. "Ganyan talaga, pero wag kang malulungkot ka, narinig mo naman tumunog e diba?" sabi ni Genevive. "Ako!" sigaw ni Miggy saka tinignan yung lamesa.

Nagismulang umuga yung lamesa, "Ang bigat" bulong ng bata. "Do not force it, pag hindi kaya next time ulit" sabi ni Genevive pero nanlisik ang mga mata ni Miggy. Umangat yung lamesa pero bigla ito lumipad ng sobrang bilis kaya nagsigawan sina Althea at Genevive.

Mabilis na tumayo si Ivan saka sinalo yung lamesa habang si Miggy napasandal saka humingal. "Wow you are strong" sabi ni Genevive. "Hindi ko makontrol ate" sabi ni Miggy. "Ang galing mo" sabi ni Althea. "O wag maiinggit ha" sabi ni Ivan.

"You are strong, nung first time ko pareho kami ni Althea e" sabi ni Genevive. "Ate bakit siya lumipad?" tanong ni Miggy. "Kasi wala ka control e. Kaya eto ha, extra lesson. Wag basta basta gamitin powers kasi baka hindi niyo macontrol. Saka niyo lang gamitin yung powers na alam niyo kaya niyo control" sabi ni Genevive.

"Pero naka carry ko siya ate" sabi ni Miggy. "O tapos? Nabuhat mo pero pag lumipad na ano na gagawin mo? O baka madami ka nasira dito kung wala ka kasama. Kaya wag niyo pipilitin. Ang gawin mo practice mo nalang itaas konti lang. Ang ginawa mo naman kasi tinaas mo masyado kaya nawalan ka control" sabi ni Genevive.

"Ahhh...sige sabay nalang kami ni Althea. Pero ate lahat ba ng witch may mind power?" tanong ni Miggy. "Oo at eto ha, napansin ko kasi nagalit ka last time. May friends akong boys na witch din" sabi ni Genevive.

"Talaga? Hindi lang ako?" tanong ni Miggy. "Oo, madami kayo. Kasi sa stories pag sinabi witch babae agad e" sabi ni Genevive. "Yehey! Okay lang kung witch ako" sabi ni Miggy. "Pero ate bakit mas malakas si Miggy?" tanong ni Althea.

"E siguro ganyan siya e. Pati ako noon akala ko weak ako pero practice lang kailangan. Yung ibang friends ko mabilis matuto pero si Miggy malakas talaga e. I can feel it na malakas siya" sabi ni Genevive.

"So magiging mas powerful siya?" tanong ni Althea. "Mas magiging target siya ng kalaban" sabi ni Genevive kaya napatigil yung magkaibigan. "Ako ate?" tanong ni Miggy. "Oo ikaw, pag nalaman nila ngayon malakas ka baka kunin ka nila tapos gagawin ka nilang armas" sabi ni Ivan.

"Armas?" tanong ni Miggy. "Tulad niya" sabi ni Genevive saka tinuro si Ivan. "Armas si Ivan?" tanong ni Miggy. "Hindi mo na dapat sinabi yon sa kanila" sagot ni Ivan. "Pano naging armas si Ivan?" tanong ni Althea kaya mabilis na humawak si Ivan sa noo niya.

Nakatulog si Althea, "Bakit siya lang?" tanong ni Genevive. "Kasi hindi ko siya kaya patulugin" sabi ni Ivan. "Super powerful si Ivan?" tanong ni Miggy. "Oo, hindi mo ba alam ano siya?" tanong ni Genevive.

"Hindi" sagot ng batang lalake. "Si Ivan ay summon entity, sobrang lakas na nilalang" sabi ni Genevive. "Ano yon?" tanong ni Miggy. "Kung sa mga pinapanood mo Miggy isa akong halimaw o monster" sabi ni Ivan kaya biglang naluha yung bata.

"Hindi ka monster!" sigaw ni Miggy. "Ah..hindi naman ganon pero ah" bigkas ni Genevive pero nasasakal siya dahil sa sobrang bigat na aura sa buong paligid. "Do you now see how powerful he is?" tanong ni Ivan. "Sobra" sagot ni Genevive.

"Hindi ka monster! Kaibigan kita!" sigaw ni Miggy. "Ah si Ivan ay super malakas kaya kinuha siya ng mga kalaban tapos ginawa siyang weapon. Ganon daw kasi yung ginagawa sa mga kalaban noon lalo na pag malakas"

"Sabi ng elder ko pag may sobrang lakas na magic user e tinatarget ng evil witches yon tapos binabago sila. Pinapadaan sila sa isang ritual, bubuksan yung mga power gates tapos sila yung alay. Mababago sila, magiging power entity nalang sila tapos pag gusto mo sila angkinin e kailangan mo bigyan ng alay yung mga bantay ng power gates na nagbibigay ng lakas sa power entity" sabi ni Genevive kaya hinaplos ni Miggy ulo niya.

"Ang hirap hirap naman ng sinasabi mo e. Wala ako maintindihan sa sinasabi mo" reklamo ng batang lalake kaya napatingin si Genevive kay Ivan. "You have to be patient with him"

"The mere fact they came to you means you have now a responsibility to keep him a secret. Wag kang mag aalala magtutulungan tayo para maturuan siya ng tama" sabi ni Ivan gamit isipan niya. "Did he summon you?" sagot ni Genevive. "No, he is my friend" sagot ni Ivan.

Seguir leyendo

También te gustarán

591K 19.4K 166
Genre: Space, Doting, Farming, Time travel, Healing Alternative: 空间之农家女是团宠 Author: 小糊涂大仙 Synopsis: Xu Linyue from the 21st century crossing over with...
2M 98K 37
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
50M 2M 38
Hadley Jamison doesn't know what to think when she hears that her classmate, Archer Morales, committed suicide. She didn't exactly know him, but that...
328K 13.6K 61
A girl named Krishzel Vish Amethyst who possess every power that exist in the world who will act as a nerd and will enter the world she forget for th...