BY THE WAY, HIS NAME IS JACK...

By mimhytot

15.7M 473K 126K

Odd name it is and one thing is for sure: Next to his name is nuisance. This story is now available in leadin... More

By the Way, His Name is Jack Frost
[1] Summer
[2] First Day of Class, Day of My First..
[3] The Gangster
[4] Unending Fights
[5] Storm
[6] Tan Siu International Academy
[7] Jasmine
[8] By the Way
[9] His Name
[10] Eggs
[11] Egg Party
[12] Don't Let Him Know
[13] The Lost Gangster
[14] The Popular Jasmine
[15] A Good Friend
[16] Bad News
[17] The Jack Frost Equation
[18] True Color of a Flower
[19] Avellino High
[20] Thunder
[21] In The Midst Of a Rainy Night
[22] This Must Be Something
[23] Jasmine The Second
[24] Okay
[25] Words That Were Not Left Unsaid
[26] Promise
[27] First Times
[28] Type AB
[29] Snow White
[30] Three Years Ago
[31] Betrayal
[32] The Risk
[33] The Tresspassers
[34] Judgment Day
[36] Friendship
[37] The Rejection
[38] The Transformation of Jack Frost
[39] Break You A Little
[40] Wanted: Jack Frost
[41] Tangled
[42] Two Broken Hearts
[43] Suicide Mission
[44] The Superior
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 1)
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 2)
[46] Stupid Bravery
[47] All About Revenge
[48] Change of Heart?
[49] Like a Knife
FINALE
EPILOGUE
BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST BOOK

[35] Hear His Heart

241K 8.2K 1.9K
By mimhytot

Tila naging isa akong estatwa na walang ibang nagawa kundi ang manatili sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang isara ang bibig ko habang pinapanuod si Jack na sunod-sunod na tinatamaan ng itlog. Para akong pinaparusahan habang pinapanuod siya. Naramdaman ko na lang na may mainit na likido ang bumasa sa magkabilang pisngi ko.

Napatakip ako sa bibig ko nang may tumamang itlog malapit sa mata niya. Napayuko siya dahil doon at kasabay nang pagyuko niya ay may nakita akong dugo mula sa may gilid ng kilay niya. Awtomatiko akong napahakbang papalapit sa kanya pero natigilan ako nang ang ibang estudyante mula sa likuran ko ay lumapit lalo sa kanya dahilan para mabangga ako palayo sa kanya.

Tuluyan na siyang natakpan ng mga tao sa harapan ko at hindi ko na siya makita pa. Kaagad akong nakaramdam ng takot dahil hindi ko alam kung ano na ang nangyayare sa kanya. Alam kong masakit panuorin na ang isang lalaki na ni minsan ay hindi kinakitaan ng kahinaan at labis na tinitingala ng lahat ay nagmukhang kaawa-awa sa harapan ko pero mas kaya kong tiisin ang sakit na ‘yun kaysa sa wala akong idea kung ano na ang nangyayare sa kanya.

Pilit kong ipinagsisiksikan ang sarili ko sa ibang estudyante upang makapunta sa harapan pero natigilan ako nang may taong humawak sa balikat ko. Dahan-dahan kong tiningnan kung sino iyon at kaagad kong nakita si Andrew.  Malungkot siyang ngumiti sa akin at dahan-dahang umiling. Mahina niya akong hinila palayo sa mga estudyante at dinala kung saan sila nakatayong magkakaibigan.

Lumapit sa akin si Drake at may panyong iniabot. “That was really amazing, Summer, but Jack Frost is as stubborn as you are.” Saad niya.

Napayuko ako. “It was my fault.” Mahinang bulong ko.

“He’ll be all right. After all, he’s still Jack Frost.” Pag-reassure niya sa akin.

Napapikit ako ng mariin. “But I want to see him,” nanghihinang bulong ko. “Gusto kong makita at siguraduhin na ayos lang siya. Na balewala lang sa kanya ang mabato ng itlog. Ayokong magpakasigurado lang sa sinabi mo, Drake. Gusto kong makita mismo ng mga mata ko na ayos lang siya. Yes, maybe siya nga si Jack Frost. But after all, tao pa rin siya. May pakiramdam pa rin siya katulad natin.”

Pagkasabi ko noon ay bigla na lang sila natahimik. Tiningnan ko sila at sabay-sabay silang napabuntong hininga. Nagkatinginan silang magkakaibigan at sabay-sabay na natatawang napa-iling.

“Naramdaman niyo ba ‘yon?” tanong ni Justine.

“Mukhang pati sa atin ay may epekto siya.” Umiiling na saad ni Andrew.

Napatingin ako kay Samuel nang magsimula siyang maglakad papunta sa mga nagkukumpulang estudyante.

“Anong gagawin mo?” tanong ni Drake sa kanya.

“She wanted to see him. Ano sa tingin mo ang gagawin ko?” sagot ni Samuel at saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

“Psh.” Bulong naman ni Israel.

Sabay-sabay naman sina Andrew, Justine at Drake na napahawak sa noo nila dahil sa naging sagot ni Samuel.

“Haaay ibang klase talaga.” Bulong ni Andrew at saka tumingin sa akin.

“Ngayon mukhang naiintindihan ko na kung bakit nababaliw si Jack sa kanya.” Natatawang kumento ni Drake.

Sinundan namin ng tingin si Samuel at pinanuod siyang maglakad papunta sa mesa kung saan ay nakalagay ang iba pang itlog. Nagulat na lang ako nang sipain niya ang mesa dahilan para matumba ito at mahulog ang mga tray na naglalaman ng itlog. Dahil sa pagkakahulog ng mga tray ay nabasag ang mga itlog at napatigil ang mga estudyante sa pagbato kay Jack.

“Oopps, my bad.” Halatang nang-aasar na saad ni Samuel.

Galit na lumapit sa kanya ang ibang estudyante. “Nababaliw ka na ba? Alam mo ba kung anong ginawa mo?” hindi makapaniwalang tanong ng isa.

“Wait, boy, are you sure you’re gonna mess with me?” maangas na tanong ni Samuel.

Napatingin ako kay Drake nang walang salita siyang nagsimulang lumakad papalapit kay Samuel. Nagkatinginan naman sina Andrew, Justine at Israel bago nagpasyang sumunod na rin kay Drake. Nang magkatabi-tabi na silang lima ay bahagyang napaatras ang ibang estudyante sa kanila. Mukhang may natitira pa silang takot para sa grupo nila Drake matapos nilang batuhin ng itlog ang leader ng mga ito.

“Bro, may rule ba na hindi natin pwedeng saktan ang mga ito?” tila nang-aasar na tanong ni Justine.

Dahil sa tanong ni Justine ay mas lalong napaatras ang mga estudyante palayo sa kanila.

“Not really sure. Bakit hindi natin tanungin si Jack? As I can remember, he’s the creator of the Judgment day.” Sagot naman ni Drake.

Napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa nila. Are they trying to put on a show? Well I must say it’s effective dahil sa itsura ng mga estudyante. They’re obviously scared.

“Oooohhhh. Si Jack pala ang nagpauso ng Judgment day? But why is he being attacked right now? Bumaligtad na ba ang mundo? Ang superior na ba ang inaatake ng inferiors?” tanong naman ni Samuel.

“I think these inferiors had the guts to go against the superiors now.” Sagot naman ni Israel.

Superior and inferior. Storm mentioned those things to me before. The bully and the victims.

“W-What are you trying to say? W-We’re superiors as well.” Nauutal na saad ng isa sa mga estudyante.

“Said who?” tanong ni Samuel habang nakangiti ng mapang-asar.

Kaagad na umingay ang paligid dahil sa kanya-kanyang violent reaction at pagbubulungan ng mga estudyante. Mukhang naguguluhan sila.

“I think you don’t clearly understand. We’re at the top of the superiors. You may claim that you’re all superiors. However, don’t you ever forget that we are above you.” Saad ni Andrew.

“Therefore. We. Are. The. Superior. Among. The. Superiors.” Mapang-asar na saad naman ni Israel.

Walang ibang nagawa ang mga estudyante kundi ang iiwas na lang ang mga mukha nila. So does it really mean these boys are above them? Pero bakit naging superior sila among the superiors? Dahil ba sila ang nagbibigay ng rules? Does it mean that they are the greater bullies among the bullies?

“What should we do with these inferiors now who dare to insult us?” tanong ni Samuel.

“No more for Judgment day. Dahil sa ginawa nila, Judgment day would be no longer fun. Dapat na siguro nating palitan ang Judgment day.” Nakangiting saad ni Drake.

“Ano kaya kung pabagsakin na lang natin ang company nila? Para naman malaman nila kung ano ang consequences ng pag-insulto sa atin.” Suhesyon ni Andrew.

Kaagad na nagkagulo ang mga estudyante nang marinig ang sinabi niya. Sa itsura nila ay mukhang kayang kaya ngang gawin nila Andrew ang sinabi nila. Eto ba ang dahilan kung bakit superior sila among the superiors? Dahil mas mayayaman sila kumpara sa ibang estudyante?

“I think that’s a good idea. Sino kayang magandang unahin sa kanila?” tanong ni Samuel.

“Ah, sino nga ulit ang nagsabi kanina na dapat si Jack ang maging target nila?” tanong naman ni Drake.

Awtomatiko na sabay-sabay na tumingin ang mga estudyante sa isang babae na nakatayo sa gitna nila. Tila naubusan ng dugo ang babae at kaagad na namutla ang mukha niya. Teka, mukhang familiar ang mukha niya.

“Woah, this is really funny. Hindi ko akalain na ganyan ka pala kabitter kay Jack, Cherry.” Wika ni Andrew.

Tama. Naalala ko na siya. Siya ‘yung babaeng dahilan kung bakit hinalikan ako ni Jack noon. Ugh.

Napatingin ako kay Justine nang ilabas niya ang cellphone niya at may tinawagan. “It’s me. Gusto ko sanang sampolan ang family ni Cherry Silvano. Can you do that in 10 seconds?”

Hindi ako makapaniwalang napanganga sa narinig. Are they still tryin to put on a show? Is this still an act?

Tiningnan ni Justine si Cherry at saka binigyan ng malawak na ngiti. “That’s great.” Saad ni Justine sa kausap sa telepono at saka ibinaba ang tawag.

“Let me do the countdown for you, Cherry.” nakangiting saad niya. “Ten… Nine… Eight… Seven… Six... Five... Four... Three... Two…. And one.”

Saktong pagkatapos niyang magbilang ay isang cellphone ang kaagad na nag-ring. Sabay-sabay kaming napatingin kay Cherry dahil mula sa kanya nanggagaling ang tunog ng cellphone. Nanginginig niyang kinuha ang cellphone sa bulsa niya at sinagot ito. “H-Hello?” bungad niya sa tumatawag.

Nagulat na lang kami nang bigla siyang mapaupo sa kinatatayuan niya. Kaagad na nabalot ang buong court ng katahimikan dahil sa nangyare. Nanlalaki ang mga mata kong ibinalik ang tingin kina Justine. Sa tingin ko ay nauunawaan ko na ngayon kung bakit sila kinatatakutan ng marami. Kung bakit sila sinusunod. Kung bakit sila naging superior among the superiors.

“Sino naman kaya ang magandang isunod? Hindi ako satisfied sa reaction ni Cherry.” Saad naman ni Drake.

“T-Tama na.” pigil ng isang estudyante at kaagad akong napanganga nang bigla siyang lumuhod.  Nagulat na lang ako nang makisabay na rin sa pagluhod ang iba pang mga estudyante. “P-Patawarin niyo kami. Nagkasala kami. Patawarin niyo kami.”

Hindi ako makapaniwalang napatakip sa bibig ko. I can’t believe this. It’s so hard to believe this.

“You’re apologizing to the wrong person.” Seryosong saad ni Samuel sa kanila.

Nang marinig ko ang sinabi ni Samuel ay kaagad na hinanap ng mga mata ko si Jack. Kaagad na napako ang tingin ko sa kanya nang makita siyang nakatayo sa gitna ng court habang nababalutan ang buong katawan niya ng dilaw mula sa itlog.

Kaagad na humarap ang mga estudyante sa kanya at umiiyak na lumuhod. “We’re very sorry! Please forgive us!” pagmamakaawa nila kay Jack. “Nagkamali kami! Patawad, Jack Frost! Patawarin mo kami!” patuloy na pagmamakaawa nila.

[a/n: Please play the song. Please please please. It’s a really must. Thank you!]

Dahan-dahang iniangat ni Jack ang ulo niya at seryosong tiningnan sila. “Get out. Everyone, get out.” Mahinang bulong niya. There’s something wrong with his tone.

Nagmamadaling tumayo ang mga estudyante at nag-uunahang naglabasan ng court at ilang sandali lang ang lumipas bago tuluyan silang lahat na nakalabas at tanging kami na lang nina Andrew, Drake, Samuel, Justine at Israel ang natira.

Mabagal na lumapit sina Justine sa kanya pero nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko at hindi magawang ihakbang ang mga paa ko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang suntukin ni Israel. Kaagad nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napanganga.

“You son of a bitch!” sigaw ni Israel at tatangkain sanang suntukin si Jack pero kaagad akong tumakbo papunta sa kanila at humarang sa harapan ni Jack.

Napapikit ako nang makitang tatamaan ako ng suntok ni Israel pero kaagad kong naramdaman ang isang malakas na paghatak sa akin at kasunod noon ay naramdaman kong may isang yakap ang bumalot sa katawan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sa pagmulat ko ay mabagal na humiwalay sa akin ang lalaking nakayakap sa akin.

“Are you really fucking nuts?” inis at hindi makapaniwalang tanong ni Jack at binitiwan ako. Frustrated siyang napasabunot sa sarili niya at galit na tiningnan ako. “Paano kung tinamaan ka ni Israel?! Gusto mo bang masaksihan kung paano ko mapapatay ang sarili kong kaibigan ng dahil sa’yo?!” galit na sigaw niya.

Tiningnan ko sila Israel, Drake, Andrew, Justine at Samuel.

“Mag-usap na muna kayo.” Saad ni Justine at saka nagsimulang umalis.

Isa-isa namang sumunod sa kanya sina Andrew, Drake, Samuel at israel at halatang mukhang disappointed sila sa akin dahil sa ginawa ko.

Nang kami na lang ni Jack ang natira ay napakagat ako sa labi ko at napayuko. “I’m sorry, Jack. I’m sorry sa ginawa ko. I’m sorry kung—”

“Hindi mo ba talaga ako kayang pagkatiwalaan?” putol niya sa sasabihin ko.

Dahan-dahan kong ini-angat ang mukha ko at tiningnan siya. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya?

“I’m always here for you, Summer. Always. But did you ever notice that? Hell no. You never. And I guess you’re also unaware of the things I’m willing to do just for you.” Saad niya habang hindi nakatingin sa akin.

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. “J-Jack…” gulat na tawag ko sa kanya dahil sa mga sinabi niya.

Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin niya sa akin at seryoso akong tiningnan.

“I think I have already told you that you’re a puzzle to me, Summer. I’ve never been this confused in my whole life. You’re a puzzle I couldn’t solve no matter how hard I try.” Seryosong saad niya.

Hindi ko alam kung paano ako dapat mag-react sa sinabi niya. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko upang magsalita. Pati ang paghinga ay tila nalimutan ko na.

“All my life, Summer, I swear, I’ve never felt wanting to protect someone and keep them safe…until you came.”

Natigilan ako sa sinabi niya at natulala sa mga mata niyang seryosong nakatitig sa akin.

“I have never seen a girl like you in my whole damn fucked-up life, Summer.” bulong niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit pero imbes na matuwa ako sa mga sinasabi niya ay tila nasasaktan ako. It feels like the reason he’s telling me all these things is because he’s saying goodbye.

Napabuntong hininga siya at iniwas ang tingin.

“But you never allowed me to look after you. You never allowed me to keep you…to guard you…to save you from harm. To protect you. You never, Summer.

Nanatili akong walang ibang magawa kundi ang titigan lang siya sa mga mata niya.

“And maybe that what pains me the most. Because you never trusted me. You never trusted my good intentions in protecting you. And maybe that’s because you only see what you wanted to see from me. And unfortunately, the only thing you see is the bad side of me.”

Natulala ako sa mukha niya dahil sa sinabi niya. Tila sinampal niya ako sa mga salitang binitawan niya.

“But that’s okay with me. ‘Cause I know you’re a strong woman and you don’t really need me at all. But fuck, Summer, I really hope that one day, there will come a time that you’ll need me. And I hope when that day comes, hindi pa ako pagod sa’yo.” Saad niya at saka dahan-dahan akong tinalikuran.

Mabagal siyang lumakad paalis ng gym at wala akong ibang magawa kundi ang panuorin lang ang likod niyang unti-unting nawawala sa paningin ko. Nang tuluyan na siyang makaalis ay naramdaman ko na lang na may kung anong mainit na likido ang tumulo sa magkabilang pisngi ko habang pinagmamasdan ang pintuan na nilabasan niya.

****

I’m hurt hurt. <////3

Sorry ang gulo ng chapter na to lels. Lagi namang magulo hahaha. Sana naenjoy niyo tong chapter :)

Malapit na pala mag-1M reads si Snowman! Woah! Thank you! You guys are awesome! \m/

I hope pinapakinggan niyo talaga yung song sa gilid habang binabasa. Pinapakinggan ko kasi siya habang tinatype. Para maramdaman niyo rin kung anong nararamdaman ko. :) Thank you!

Thank you for keep on supporting me :)

#BTWHNIJF #BTWHisNameIsJackFrost @mimhytotwp

Continue Reading

You'll Also Like

420K 10.6K 44
"Ikaw ba ay isang fan girl? Kung ganoon, makaka-relate ka sa kuwento ko. Ako si Cassiopeia Cheng, at isa akong fan girl."
2M 42.3K 63
[This is under-construction! Ieedit ko dahil ang daming mali. Pero kung gusto niyo pa ring basahin, gora lang! Kapag may (✔) na yung chapter, ibig sa...
265K 14.7K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.